Share

PART 35 - SKETCH PAD NI MASTER SEIJI

“Ano ba ‘tong folder mo, sir?! Pinagti-trip-an mo ba ‘ko??!” nababanas na tanong ko kay Sir Seiji. Tinawagan ko sya agad sa cellphone pagkauwing-pagkauwi ko. Kokomprontahin ko na sana sya sa school kanina bago ako umuwi kaso bigla naman syang nawala. Hawak ko ang folder nya na may drawing ng mukha ko.

Wala naman akong itulak-kabigin sa galing nya sa pagguhit gamit ang lapis, kuhang-kuha nya ang lahat ng detalye ng kagandahan ko. Talentado rin pala ang ugok. Nakumbinsi nya ako.

“Gumawa naman talaga ako ng evaluation mo, hindi ka ba naniniwala sa sinabi ni Rector kanina?! Gusto mo ipakita ko pa sa ‘yo ang sheet mo?!? Tsaka sa ‘kin ‘yang drawing na ‘yan eh, binigay pala sa ‘yo ni Rector. Isoli mo 'yan sa ‘kin sa Linggo!” parang naiinis pa sya sa tono ng pagsasalita nya.

“Ayoko nga! Mabuti sana kung mukha mo ‘to, eh mukha ko ‘to eh!” pakli ko naman. Kung naiinis sya, mas naiinis ako.

Narinig ko ang lutong ng tawa nya. “Magaling akong mag-drawing no? Kuhang-kuha ko, ‘di ba? Ibalik
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status