[Knives' POV] “Where is it?” “S-ser?” tanong sa akin ng babaeng may maiksing buhok na naghandog sa akin ng kape ko pagkaupo ko rito sa comedor. Dilat na dilat ang mata nyang nakatingin sa akin. “Where are my fruits? ‘Yung sliced?” “Eh s-ser, hi-hindi pa po kasi nakakauwi si Ma’am Kataleia kaya a-ano po, wala pa po.” Nagsalubong ang kilay ko pagtingala ko sa kanya. “Huh?” “Wa-wala pa po si a-ano, Ma’am Katale, uhm, Ma’am Kataleia po,” mahina ang nagkakandautal na pagsasalita nya nang inulit nya ang sagot nya sa akin. “Bakit? Dala ba nya ang mga prutas? O bibili palang sya?” napapaawang ang bibig ko. Hindi ko makuha ang ibig nyang sabihin. “Hi-hindi po, ser. N-nasa ref po. Sya kasi ang nag-aayos no’n, ser—” I glare at her stupid face, “So, you mean, hihintayin ko si Kataleia dumating bago nyo ako bigyan ng prutas?!” Naghintay ako ng rebutt nya pero hindi na sya nakasagot. Lalo lang syang napatanga sa akin. Tinatawag sya ng isa pang maid na may edad na sa kusi
[Kataleia's POV] Nakaupo na ako dito sa loob ng school chapel namin, katabi ko ang tatlo kong co-teachers: si Mrs. Ressie na assistant ni Rector, si Miss Isabel na kapareho kong bago lang sa school, at si Miss Nori, ang maliit at cute na Math teacher na pinaka-close ko sa lahat. Magkakahilera kami sa mahabang upuan at nagtsi-tsismisan habang hinihintay mag-umpisa ang Thursday novena. “Para kayong mga bubuyog,” puna sa amin ni Sir Seiji nang siksikin nya ako para umusog ako sa upuan. Sabay-sabay kaming apat na nagtikom ng aming bibig at nag-ayos ng upo. Tumikwas nang bahagya ang isang gilid ng nguso ko nang palihim akong kindatan ni Miss Nori, lagi nya akong tinutukso kay Sir Seiji. Bagay na bagay raw kasi kami. Nang nag-uumpisa nang umusal ng paunang panalangin ay tumayo ako para dukutin ang rosary sa malalim kong bulsa para hindi ko masiko si Sir Seiji. Hinatak nya ako paupo. “H’wag kang tumayo, nag-s-start na eh,” nguso nya sa madre na nakaupo sa harapan namin. “‘Yung
Natawa ako sa kanya, “bakit naman nganga? Hahaha! Hindi ako nganganga, not ever! Pakialam ko ba sa kanilang dalawa.” umikot ang mata ko. "Lagi mo akong tinutukso do'n, baka mamaya may gusto ka pala," ibinalik ko sa kanya ang panunudyo. Hindi alam ni Miss Nori ang tungkol sa drawing at sa pahaging ni Sir Seiji noong nakaraang linggo, iyon kasi ang napagkasunduan naming dalawa nang bastedin ko sya. “Ikakasal na ‘ko, no! Baliw ka! Ikaw ang single pa… and ready to mingle!” hinaharot ako ni Miss Nori, tinanggal nya ang salamin ko at sinubukang suotin. Napakusot ako sa mata ko nang biglang lumabo ang paningin ko. Sinigurado ko ang paghakbang ko pababa ng sementadong hagdan ng chapel. “Oy, dalawa na agad ang kasalanan mo, huh!” “Ay potang kalabaw!” gitlang-gitlang anas ko nang may malapit na malapit na nagsalita sa likod namin. Natalisod naman bigla si Miss Nori sa gulat nya, muntik nya na akong maisama sa pagkakaluhod nya. “Oh, tatlo na! Hahaha!” nawala ang mata nya nang humalakhak sya
Bahagya akong natigilan.‘Ano ba naman kasing nangyayari sa ‘yo?!’ pinagalitan ko ang sarili ko. Ilang na ilang ako kay Sir Seiji gayong wala namang ginagawa sa aking masama iyong tao. Dati-rati naman makapal ang mukha ko kahit binasted ko na ang nanliligaw sa akin ay nagpapasundo pa rin ako. Pumina ako sa likod ng kotse nya, doon na nga lang ako mauupo sa nabuksan na nyang pinto.“Ikaw talaga, wala naman akong sakit bakit naman ilag na ilag ka sa ‘kin,” anas nya nang nagkaharap kami bago ako humakbang papasok ng sasakyan nya.+++++Mataman lang akong nakikinig sa masayang kwentuhan nina Sir Seiji at Miss Nori habang nasa daan kami. Nalaman kong wala pa palang isang taon si Sir Seiji sa eskuwelahan, akala ko matagal na sya. "Kumain muna kaya tayo? Gutom na 'ko eh," ani Sir Seiji nang matrapik kami sa stoplight. "Sige, sir, tara!" excited na sambit ni Miss Nori sa aya sa amin. "Kayo na lang ang kumain, hindi pa naman ako gutom," sagot ko naman kahit kumukulo na ang tiyan ko. Kaya
Kumunot ang noo ko sa kanya sa tinuran nya. "Oh, inano ka?" "Napagalitan kanina ni Sir Knives," nguso ni Nanay Myrna nang pumasok sya sa kusina para initin ang sabaw ng sinigang na hipon."Nye! Bakit?!" hindi ko inalis ang tingin ko kay Pearl na sa pakiwari ko ay kagagaling lang sa iyak tapos maiiyak na naman ngayon."'Yung dahil po sa prutas, hinanap po kasi nya kanina—" naputol ang kwento nya nang sumabat ulit si Nanay Myrna. "--tapos sabi nya, wala ka pa raw kasi kaya wala pang prutas… Ang tanga eh! Hindi na lang nya sinabing, 'Sir saglit lang, nasa kusina, ipagbabalat ko po kayo,'" nangingiwi si Nanay Myrna habang kinukwento nya ang nangyari. Gusto kong matawa, kaso iniintindi ko ang nararamdaman ni Pearl. Nangingiti ang mata kong tinitigan si Nanay Myrna na pumapalatak at nagpapailing-iling habang hinahalo ang sabaw ng sinigang."Masungit sya, ma'am. Hindi ko na sya kras," napasigok sya sa kakapigil nya ng luha."'Susko, 'kala ko nadonselya ka na d'yan!" biro ko sa kanya. “Gin
[Knives’ POV] “Hindi ako pwede, Atsi. Nasa malayo ako. Bukas hindi ako aalis, mag-uusap tayo… H’wag kang umiyak,” alo ko sa paghihimutok ni Atsi Olivia sa kabilang linya. Iniiyakan na naman nya ako. Napabuntung-hininga ako. Nagba-bonding daw sila sa pool ng kapatid naming hilaw, but I couldn’t care less. Pinagmamasdan ko ang dalawang nakaupo sa baba na malapit sa exit na madalas nilang pinupuwestuhan, narito na sila kaya lalong hindi pa ako pwedeng umuwi. “Sinayang mo ang bakasyon mo, imbis na makapag-get together man lang tayong magkakapatid nand’yan ka sa… Where the hell are you, anyway??! Napakaingay!” puna nya sa background noise ko. She doesn’t need to know where I am. Mahabang eksplanasyon pa ang gagawin ko, at siguradong hindi rin nya ako maiintindihan. “I gotta go, Atsi, we’ll have breakfast tomorrow, or I'll fetch you at work then we'll eat somewhere, okay?” Pinatay ko ang tawag nang hindi ko na narinig ang boses nya. I took a deep breath, binuhat ko ang basong ini
[Kataleia's POV]“Nasa malayo raw sya.” Ibinaba ni Atsi Olivia ang cellphone nya sa wooden table na katabi nya pagkatapos ay binottoms up ang wine sa kanyang wine glass. Nakita ko ang frustration sa mga mata nya, pero wala akong magawa sa kanya. Kung kilala ko lang talaga ‘yung Knives na ‘yon tinawagan ko na tapos pinagmumura ko. Nag-iisa nga lang nyang kapatid na hindi pa nya madalas makita eh hindi pa nya mapagtuunan ng pansin. Pero okay na rin ‘yon kahit hindi sya dumating. Bigla kong naalala ang iyak ni Pearl habang kinukuwento na pinagalitan nito kanina nang dahil lang sa prutas. Itinaga ko na sa bato na sa wedding day na lang kami magkikita. Parating na si Kuya Mike, naaninag ko ang pag-swerve nang mabilis ng kanyang SUV sa driveway. Tumakbo si Yvonne para salubungin sya. Tiningnan ko si Atsi, nakatingin sya sa sasakyan ng asawa pero hindi sya natinag sa pagkakasandal nya sa bench. “Atsi, si Kuya Mike dumating na,” untag ko sa kanya. “Traffic siguro,” sagot lang nya sa ak
[Olivia's POV] I quickly turn on the other side of my bed and pull the blanket up to my head the moment I hear the door squeak open. Napakatanga ko. Maaga sya dumating, kasi alam nya lasing ako. Pero kahit sumusuka man ako sa kalasingan, alam ko kung anong nangyayari sa paligid ko. Tanga lang ako, boba na nga rin siguro. Pero hindi ako manhid. Sinabihan ko sila bago dumating si Knives dito sa mansyon na h’wag naman nilang gabi-gabihin. ‘Dumating ang kapatid ko, be discreet.’ And they agreed. Nagkaroon ng control ng ilang araw. Kaso, napauwi ko nga dito si Knives pero lagi naman syang wala, so bumalik ulit sa nakasanayan na. Tinakpan ko ng unan ang ulo ko, diinan ko pa, para hindi ko marinig ang mga kaluskos at mga ungol nilang dalawa. Pero dahil aware ako, rinig ko pa rin. Iniisip ko nang bumili na lang ulit ng sleeping pills, kaso may bago akong ilalabas na fashion line ngayon for this summer. Kapag nagsi-sleeping pills ako pati sa office nakakatulog ako. I wish I co