[Kataleia's POV] “‘Nak, Kumusta ka naman, kumusta ang trabaho? Nakapag-adjust ka na ba?” malambing na tanong sa akin ni Mama habang hinihilod nya ng malambot na sponge ang likod ko. Inaya nya akong maghottub sa malaki at maganda nilang bathroom, noong nag-aaral palang ako may pagkakataong nagsasabay kaming maligo. Wala naman kaming bathtub noon, umuupo lang kami sa plastic stool sa maliit naming banyo at naghihiluran ng likod; iyon ang pinaka-bonding naming dalawa. Busy kasi sya palagi, lalo na noong dumating sa buhay nya si Tito Miguel. “Okay lang po, ‘Ma. Mababait ang co-teachers ko. May nag-drawing nga ng mukha ko, ang ganda ‘Ma!” bida ko sa kanya. “Talaga? Sino’ng nag-drawing?” “‘Yung Master Teacher po namin. Mamaya ipapakita ko sa ‘yo,” ngiti ko sa kanya habang nilalaro ang bula na umiibabaw sa paggalaw ng tubig. “Eh dito ba sa mansyon, nakapag-adjust ka na?” “Okay lang po ‘Ma, medyo malungkot lang kasi laging walang tao,” pag-amin ko sa kanya. “Makakasanayan
Nagitla ako sa ibinalita nya sa akin. “Bakit ako nadamay?! Hindi naman po nya ako anak eh. At saka teacher ako ‘Ma, hindi po ako negosyante.” “Baka naman may maisip pang ibang paraan si Tito Miguel mo. Pero kahit matagal pa ‘yon, hindi lang iisang taon ang gugugulin mo para matutunan ang lahat lalo na’t malayong-malayo ‘yon sa propesyon mo.” Napatanga ako sa sinabi ni Mama. Education ang kinuha kong kurso sa kolehiyo dahil gusto kong magturo at mahilig ako sa mga bata. Idol ko ang mga teacher ko noong elementary sa ginagawa nilang paglilinang ng mga murang kaisipan. Minsan naiisip kong gusto kong magkaroon ng learning center o kapag napapasarap ang pangangarap ko ay isang eskwelahan. Pero ni isang beses ay hindi sumagi sa hinagap ko ang magpatakbo ng multinational company na tulad na lang ng Rockefeller Industries. “Matagal pa naman ‘yon, napag-usapan lang ngayon dahil ngayon lang sila ulit nagkita-kita after so many years. Sinasabi ko lang ‘to sa ‘yo para handa ka sa kung a
Maaga nga dumating si Orlie, mag-a-alas-kwatro palang pinapa-ring na nya ang cellphone ko; nasa labas na raw sya ng gate. Siguro pag-out nya sa trabaho ay dumiretso na sya dito. Hinaklit ko ang tuwalyang nakasabit sa pinto sa bathroom at isinampay 'yon sa aking balikat para matago ang dibdib kong bakat na bakat sa manipis kong pantulog pagkatapos ay nagkumahog na akong lumabas ng kwarto. Kahit nagmamadali ako pinilit kong hindi makagawa ng ingay. Baka marinig ni Kuya Knives ang kaluskos ko at bigla nya akong singhalan. Gising pa nga siguro sya hanggang ngayon kasi may naririnig akong ugong ng nagsasalita sa kwarto nya. Nanonood siguro sya ng TV, o may kausap sa cellphone. Naaninag ko na agad si bakla sa may gate kaya nagtatakbo na ako, saka palang sya pinapasok ng guard nang makita ako. “Muntik ko na syang jowa-in, bakla! Ansungit, pangit naman!” patutsada ni Orlie sa gwardyang nangangamot ng ulo. Inabot nya sa akin ang plastic bag na pasalubong nya. “Pasensya na kayo, ma’a
“Alam mo beks, kapag nabulag ako kasalanan mo ha!” sita ko kay Orlie. Pa’no, pinapasma si bakla. Bahagyang nanginginig ang kamay nya habang nilalagyan nya ako ng eyeliner. “Sorry naman! Halos hindi kasi ako nakatulog eh, andami-dami kong iniisip! Tsaka kinakabahan kasi ako,” sagot nya sa akin. “Bakit ka ba kasi kinakabahan? Ikaw ba ang ikakasal?” “Basta ‘eto lang ang masasabi ko sa ‘yo ha, malinis na malinis na malinis ang konsensya ko,” inulit na naman nya ‘yung sinabi nya kanina. Mula pagkagising ko ay iyon na ang binabangit nya sa akin. “Oo, malinis na kung malinis pero kapag nasundot mo ang mata ko lagot ka talaga sa ‘kin!” tinitigan ko ang sama ng kanyang mukha, umangat ang gilid ng nguso ko sa kanya. “Sinabi ko na kasing matulog ka, hindi ka natulog!” Naiinis na rin ako sa paulit-ulit na tumatawag sa cellphone ko kaya pinapag-relax ko muna sya at para masagot ko na rin ang kanina pa tumatawag. “Mag-yosi ka nga muna! Buksan mo na lang ang bintana. Kanina pa ‘ko nang
“Hindi po ako galit, Sir Seiji. Pasensya na po kung nagmadali akong umuwi no’n. Kakausapin ko nga dapat si Miss Nori para makahingi ng pasensya sa kanya, hindi lang kasi sya pumasok no’ng Friday kaya tatawagan ko na lang po sya mamaya,” nginitian ko sya ng foolproof kong ngiti. Hihingi talaga ako kay Miss Nori ng pasensya kasi nasungitan ko sya, napakabait pa naman nya sa akin. Pero hindi kay Sir Seiji. Sa tatawa-tawang itsura nya ngayong kausap ko sya mukhang hindi naman nya kailangan ang paghingi ko ng pasensya. Namilipit si bakla na parang naiihi na sa kakasipat nya sa cellphone ko kaya inirapan ko syang muli. “Sige na po, Sir Seiji kung ‘yun lang ang sasabihin nyo. Medyo busy kasi ngayon eh.” Nahiya sya siguro kasi nakita ko ang pagkailang sa mukha nya, napakamot pa sya sa kanyang sintindo. “Okay, pasensya na ulit sa istorbo. Pwedeng, uhm, tumawag ulit mamaya kapag hindi ka na busy?” “Kung importante naman, bakit hindi?” sagot ko naman sa kanya. Nakita kong natuwa sya sa
[Knives' POV] “Almusal nyo po, ser,” I glided to the side of the pool when I saw the maid arrive with my breakfast. “Just leave it there,” nguso ko sa table sa pagitan ng dalawang bench. Ganito madalas ang ginagawa ko kapag maaga-aga ako nagigising dito sa mansyon. I take a quick swim, magsa-shower tapos kakain saka aalis na. Pero ngayon kakain muna ako bago ako gumayak. Kasal na ni Dad mamaya. Pag-alis ko hindi na ako babalik dito dahil uuwi na ako ng Manhattan. I only had a few hours of sleep. I intend to sleep early last night kasi maaga nga ako gigising ngayon, kaso naalimpungatan naman ako sa tawag ni Divine para magtanong ng flight details ko, ewan ko ba do'n. Pwede naman nyang tanungin na lang ang sekretarya kong si Edith kasi ito ang nag-book sa akin, inistorbo pa 'ko. Hindi na ako tuloy nakabalik sa pagtulog. May narinig akong lalake na dumating kaninang madaling-araw na dumiretso sa kwarto ng anak ni Tita Marisa, kaya lalong hindi na ako dinapuan ng antok. Nakir
[Kataleia's POV] “You ready, Shobe?” tanong ni Atsi nang silipin nya kami ulit ni Orlie sa kwarto. Pinaningkitan ko ng mata ang orasan na nakasabit sa dingding, parang maaga pa naman. Kinakain ko ‘yung donut na dala ni Orlie kaninang umaga. Hindi na kami lumabas ni Orlie ng kwarto kasi nilagyan nya ng nail polish ang mga kuko ko. Dito na nga rin kami nananghalian. Kanina pa sina Mama umalis, sinilip lang nya kami saglit para magpaalam na mauuna na sa hotel kung saan kami magbibihis at magpapaayos ng buhok mamaya. “Kumakain lang po,” inalok ko sya ng donut. Pumasok sya sa kwarto at kumuha ng isang donut. Kumagat lang sya ng isang beses tapos ibinalik na rin nya sa box. Mas nanghihinayang pa syang maagnas ang lipstick nya kesa sa donut na kinagatan nya. Kaya ang payat-payat nya eh. “You’ll make a bulge in your gown. Sa reception ka na kumain nang kumain,” biro nya sa akin. “May dadaanan pa tayo kasi kaya umalis na tayo ngayon. Iwan na natin ang boys dito, mauna na tayo.” +++++
“That’s fine, shobe. Maid of honor ka naman. Okay lang kahit iba ka sa mga bridesmaids. And you can never go wrong with the color white. Ang ganda-ganda nga sa ‘yo, oh!” kumbinsi nya. Okay na rin siguro ‘to. Hindi na ako pwedeng mag-inarte pa kasi late na talaga kami. Kanina pa nagpuntahan sa venue ang mga bridesmaids at groomsmen na nagsipaggayak sa kabilang kwarto. Naroroon na rin sina Tito Miguel. Ni-retouch saglit ni Orlie ang makeup namin ni Mama. Tapos nagpa-retouch din sa kanya si Atsi Olivia kaya lalo kaming natagalan. Mas makapal na nga ang makeup nya pero mas matagal pa rin syang ni-retouch ni bakla. Nakita ko ang pagpa-panic ni Mama sa mga mata nya habang tahimik kaming nakaupo at tinitingnan ang masayang kwentuhan at hagikhikan ng dalawa habang nagme-makeup-an. Pinandilatan ko si bakla nang masagasaan nya ako ng tingin kaya naka-realize ang bruha. “Atsi, okay na. Magandang-maganda ka na talaga. Kabog na lahat ng chinitang artista sa ‘yo!” pang-uuto ni Orlie kay Ats