“Alam mo beks, kapag nabulag ako kasalanan mo ha!” sita ko kay Orlie. Pa’no, pinapasma si bakla. Bahagyang nanginginig ang kamay nya habang nilalagyan nya ako ng eyeliner. “Sorry naman! Halos hindi kasi ako nakatulog eh, andami-dami kong iniisip! Tsaka kinakabahan kasi ako,” sagot nya sa akin. “Bakit ka ba kasi kinakabahan? Ikaw ba ang ikakasal?” “Basta ‘eto lang ang masasabi ko sa ‘yo ha, malinis na malinis na malinis ang konsensya ko,” inulit na naman nya ‘yung sinabi nya kanina. Mula pagkagising ko ay iyon na ang binabangit nya sa akin. “Oo, malinis na kung malinis pero kapag nasundot mo ang mata ko lagot ka talaga sa ‘kin!” tinitigan ko ang sama ng kanyang mukha, umangat ang gilid ng nguso ko sa kanya. “Sinabi ko na kasing matulog ka, hindi ka natulog!” Naiinis na rin ako sa paulit-ulit na tumatawag sa cellphone ko kaya pinapag-relax ko muna sya at para masagot ko na rin ang kanina pa tumatawag. “Mag-yosi ka nga muna! Buksan mo na lang ang bintana. Kanina pa ‘ko nang
“Hindi po ako galit, Sir Seiji. Pasensya na po kung nagmadali akong umuwi no’n. Kakausapin ko nga dapat si Miss Nori para makahingi ng pasensya sa kanya, hindi lang kasi sya pumasok no’ng Friday kaya tatawagan ko na lang po sya mamaya,” nginitian ko sya ng foolproof kong ngiti. Hihingi talaga ako kay Miss Nori ng pasensya kasi nasungitan ko sya, napakabait pa naman nya sa akin. Pero hindi kay Sir Seiji. Sa tatawa-tawang itsura nya ngayong kausap ko sya mukhang hindi naman nya kailangan ang paghingi ko ng pasensya. Namilipit si bakla na parang naiihi na sa kakasipat nya sa cellphone ko kaya inirapan ko syang muli. “Sige na po, Sir Seiji kung ‘yun lang ang sasabihin nyo. Medyo busy kasi ngayon eh.” Nahiya sya siguro kasi nakita ko ang pagkailang sa mukha nya, napakamot pa sya sa kanyang sintindo. “Okay, pasensya na ulit sa istorbo. Pwedeng, uhm, tumawag ulit mamaya kapag hindi ka na busy?” “Kung importante naman, bakit hindi?” sagot ko naman sa kanya. Nakita kong natuwa sya sa
[Knives' POV] “Almusal nyo po, ser,” I glided to the side of the pool when I saw the maid arrive with my breakfast. “Just leave it there,” nguso ko sa table sa pagitan ng dalawang bench. Ganito madalas ang ginagawa ko kapag maaga-aga ako nagigising dito sa mansyon. I take a quick swim, magsa-shower tapos kakain saka aalis na. Pero ngayon kakain muna ako bago ako gumayak. Kasal na ni Dad mamaya. Pag-alis ko hindi na ako babalik dito dahil uuwi na ako ng Manhattan. I only had a few hours of sleep. I intend to sleep early last night kasi maaga nga ako gigising ngayon, kaso naalimpungatan naman ako sa tawag ni Divine para magtanong ng flight details ko, ewan ko ba do'n. Pwede naman nyang tanungin na lang ang sekretarya kong si Edith kasi ito ang nag-book sa akin, inistorbo pa 'ko. Hindi na ako tuloy nakabalik sa pagtulog. May narinig akong lalake na dumating kaninang madaling-araw na dumiretso sa kwarto ng anak ni Tita Marisa, kaya lalong hindi na ako dinapuan ng antok. Nakir
[Kataleia's POV] “You ready, Shobe?” tanong ni Atsi nang silipin nya kami ulit ni Orlie sa kwarto. Pinaningkitan ko ng mata ang orasan na nakasabit sa dingding, parang maaga pa naman. Kinakain ko ‘yung donut na dala ni Orlie kaninang umaga. Hindi na kami lumabas ni Orlie ng kwarto kasi nilagyan nya ng nail polish ang mga kuko ko. Dito na nga rin kami nananghalian. Kanina pa sina Mama umalis, sinilip lang nya kami saglit para magpaalam na mauuna na sa hotel kung saan kami magbibihis at magpapaayos ng buhok mamaya. “Kumakain lang po,” inalok ko sya ng donut. Pumasok sya sa kwarto at kumuha ng isang donut. Kumagat lang sya ng isang beses tapos ibinalik na rin nya sa box. Mas nanghihinayang pa syang maagnas ang lipstick nya kesa sa donut na kinagatan nya. Kaya ang payat-payat nya eh. “You’ll make a bulge in your gown. Sa reception ka na kumain nang kumain,” biro nya sa akin. “May dadaanan pa tayo kasi kaya umalis na tayo ngayon. Iwan na natin ang boys dito, mauna na tayo.” +++++
“That’s fine, shobe. Maid of honor ka naman. Okay lang kahit iba ka sa mga bridesmaids. And you can never go wrong with the color white. Ang ganda-ganda nga sa ‘yo, oh!” kumbinsi nya. Okay na rin siguro ‘to. Hindi na ako pwedeng mag-inarte pa kasi late na talaga kami. Kanina pa nagpuntahan sa venue ang mga bridesmaids at groomsmen na nagsipaggayak sa kabilang kwarto. Naroroon na rin sina Tito Miguel. Ni-retouch saglit ni Orlie ang makeup namin ni Mama. Tapos nagpa-retouch din sa kanya si Atsi Olivia kaya lalo kaming natagalan. Mas makapal na nga ang makeup nya pero mas matagal pa rin syang ni-retouch ni bakla. Nakita ko ang pagpa-panic ni Mama sa mga mata nya habang tahimik kaming nakaupo at tinitingnan ang masayang kwentuhan at hagikhikan ng dalawa habang nagme-makeup-an. Pinandilatan ko si bakla nang masagasaan nya ako ng tingin kaya naka-realize ang bruha. “Atsi, okay na. Magandang-maganda ka na talaga. Kabog na lahat ng chinitang artista sa ‘yo!” pang-uuto ni Orlie kay Ats
[Knives' POV] I'm getting really bored. Kanina ko pa sinusulyap-sulyapan ang suot kong Rolex. Nalalasing na ako sa init ng panahon at sa iniinom kong brandy. Isang oras nang atrasado sa schedule ang ceremony dahil hindi pa dumarating ang bride. I make a deep groan habang tinatanggal ko ang aking puting suit jacket. “Filipino time.” My mouth drops to the floor in disgust. Nakita ko si Dad na tensed na tensed sa pagkakatayo nya malapit sa flower arch. “Sisiputin naman sya siguro, no? Kasi ilang taon na rin silang living in ni Tita Marisa eh,”sabi sa akin ni Mike na kaharap ko sa pabilog na lamesa, nakatingin din pala sya kay Dad. Pati sya napapag-isip na rin, natawa na lang ako na naiiling. May bride pa ba na gano’n ang edad na matagal-tagal nang nakikipagsiping sa kinakasama tapos biglang hindi sisipot sa kasal? Huling byahe na ito ng tren. Kapag hindi pa sya sumakay, maiiwan syang natutuyot sa terminal. Kinibit ko ang balikat ko. Pumila kami ni Mike sa tapat ng blower,
“10 minutes, Don Miguel. On the way na sila,” says the woman wearing black slacks and a blue short-sleeved blouse as she hustles past us. Sa wakas dumating na rin ang pinakahihintay. Nakita kong lumiwanag ang mukha ni Dad nang masilayan nya ang puting bridal car na papasok ng gate ng event’s place. Nakahinga sya nang maluwag. I’ve realized, mahal nya talaga si Tita Marisa. I can’t remember how he was when she was with my Mom bago sila maghiwalay. I was too young back then to care. Puro laro lang ako. Wala akong memory na magkasama sila na masaya sila o baka I refuse to remember, kaya nawala na sa isip ko lahat. Pumunta ako sa table kung saan ko iniwan ang suit jacket ko at agad-agad ko iyong isinuot. Hinigpitan ko ang aking tie and took a quick look at my reflection on the glass door na papuntang reception area. Nananalamin akong ganoon nang makita ko ang pamilyar na lalakeng naka-suit na black na naghahanap ng bakanteng mauupuan sa area ng mga guests. “Orlie?” Lumingon ak
[Kataleia's POV] “Sino??!” Napamulagat ako sa sinabi ni Orlie. Tinitigan ko syang lumalakad palayo sa akin kasi mag-uumpisa na kaming lumakad papasok ng garden. Agad din naman akong nakahuma sa joke nyang iyon kaso ang bilis nyang nawala. “Weh? Hehehe!” nasabi ko na lang sa sarili ko. Gumaganti si Orlie kasi inasar ko sya noong nasa kotse kami ni Atsi. “Hahaha!” Tumawa ako nang malakas kahit ako lang mag-isa. Lumapit agad ang medyo chubby na wedding coordinator, inayos nya ang laylayan ng gown ko at inabot sa akin ang maliit na flower bouquet. “You look great, miss. Punta ka na roon, start na tayo,” tumuro sya kung saan ako pupunta tapos yumuko sya sa loob ng bridal car at kinausap si Mama. Hinahanap ng mga mata ko si Orlie kasi na-bother din talaga ako sa sinabi nyang iyon. Parang tanga lang na bigla nyang babanggitin si Chinito na wala namang kinalaman sa kasal ni Mama. Naisip kong kaya nya iyon sinabi para ayusin ko ang rampa ko. ‘Gago talaga ‘tong Orlando na ‘to, ipa-pran