Pünyeta! Bakit sya si Kuya Knives?! Pinarurusahan na yata ako ng langit! “Why? Bakit ka nandito? Bakit? Bakit ikaw ‘yan?” Hindi ko pinansin ang mga bulong nya. Tumingin lang ako sa paglalakad ng mga batang kasama sa entourage. Nako-conscious na akong talaga pero hindi ako nagpahalata. Pareho lang naman kaming gitlang-gitla ngayon sa isa’t isa pero hindi kami dapat umi-eksena dito kasi maraming nakatingin. Nakita kong malapit na sa amin ang ring bearer. Huminto sya harapan namin. “Hello!” nginitian ko ang nahihiyang bata na may dalang maliit na blue na unan at may dalawang singsing sa ibabaw. Yumuko ako at kinalag ang pagkakatali ng wedding ring na para sa groom. Kinalag ko na rin ang isang singsing para kukunin na lang nya kaso hindi sya kumikilos. Nakatingala sa kanya ang batang lalake sa pagkakapatda nya. “Kuya, kunin mo na ‘yung isa,” mahinang sabi ko, pero hindi sya gumalaw. Tiningnan ko syang gano’n pa rin ang itsura nya noong magkatinginan kami, para pa syang naghihi
At dahil wala na syang silbi sa kabuuan ng wedding ceremony ay si Kuya Mike na lang ang humalili sa kanya. Kaming dalawa ang nag-tandem sa pag-a-assist sa ikinakasal. Sinusulyapan ko si Orlie na nakaupo sa ikatlong hilera ng mga upuan para sa guests. Hindi inaalisan si bakla ng ngisi nya. Nang makatapos ang seremonyas ay nag-umpisa na ang photo op na tumagal din nang halos isang oras. Nakita ko sya sa gilid ng mga mata ko na nananalamin sa glass door at ibinabalik sa dating ayos ang kanyang puting suit. Napakaganda ng suit nya sa kanya. Napakapormal. Parang ang bango-bango pa rin nya tingnan kahit na halos maligo sya sa pawis kanina. Mas gwapo pa ngayon ang dating nya kesa noong una at pangalawang pagkikita namin. Napansin ko ang pagbubulungan at pasimpleng hagikhikan ng mga bridesmaid sa gilid ko habang tinitingnan sya sa pag-aayos nya ng sarili. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagsulyap nya sa akin habang hinihigpitan ang kanyang neck tie. Nakaramdam ako ng kilig kas
“Ang ganda nyo naman tingnan! Parang kinasal din kayo, veil na lang ang kulang,” komento ng photographer habang sinisipat kami sa camera nya. Feeling ko kanina pa hindi normal ang aking ngiti sa abot-langit na consciousness na nararamdaman. Parang hilaw na naninigas ang mga labi na hindi mawari. Inilalayo ko nang bahagya ang sarili ko sa pagkakadikit nya sa akin. Natatakot akong baka may makapansin sa kanya sa pagiging at ease nya. Bukod tanging si Orlie lang ang nakakaalam na magkakilala kami. At hindi lang basta nagkakilala lang —nagkatikiman pa kami. Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili. “Oo nga, no? Hahaha! You look good together,” susog ng wedding coordinator. Natatawang inayos nya ang laylayan ng gown ko at inilatag iyon nang maganda sa sahig. "Relax, miss. Smile. Stepbro mo naman 'yan," untag sa akin ng chubby na wedding coordinator. Pinagdikit nya pa kaming lalo. Narinig ko ang mahinang tawa nya, pinaraanan nya ng kanyang palad ang naka-brush-up nyang buhok. K
"Excuse me po, magsi-CR lang po ako.” Tumayo ako sa kinauupuan ko. Gumawa ako ng konting distraction para maputol na ang masayang kwentuhan nila tungkol sa exotic na ibon. Hindi na kaya ng tenga kong marinig pa ang tungkol sa ‘ibon’ nyang iyon. Alam ko namang ako ang pinariringgan nya sa kwento nya. Baka ang mismong dila ko lang tuloy ang dumulas sa sobrang inis ko. Tumayo na rin sina Mama at Tito Miguel pag-alis ko sa table dahil sinenyasan sila ng wedding coordinator para sa kanilang table hopping na may kasamang picture taking. Nakahinga ako nang maluwag kanina papaano. Kung ipagpapatuloy pa rin nina Atsi at ng kapatid nya ang kwentuhan nila, at least sila-sila na lang, hindi na maririnig pa nina Mama. Nakita kong lumapit ang driver nina Tito Miguel sa presidential table at kinakausap sya. Siguro’y nagtatanong na 'yong driver kung magpapahatid na sya sa airport. Ngayon na ring gabi na ito ang alis nya sa pagkakaalam ko. Medyo nakaramdam ako ng lungkot. Hinanap ko ng tingin
“Oh my God! Tumirik pa ako nang dahil sa ‘yo kanina!” Nahilamos nya ang mukha nya ng kanyang palad nang maalala nya ang kahihiyang dinanas ng kapogi-an nya kanina sa wedding ceremony. “Akala ko mamamatay na ‘ko, alam mo ba ‘yon?!” “Bakit sa ‘kin mo sinisisi ang pagpa-panic attack mo?! Kasalanan ko bang naka-suit ka at mainit?! Sisihin mo si Atsi, sya ang nakaisip n’yan!” mabilis pa sa alas-kwatro akong nakaisip ng rebuttal sa paninisi nya. ‘Kasalanan mo ‘yon! I was freaking shocked! Startled, confused, upset! Lahat na! Kung in-approach mo lang sana ako beforehand at least alam ko kung ano’ng i-e-expect ko!” Hindi afford ng kagandahan ko ang makipag-komprontahan. Wala naman akong naiisip na kasalanan sa kanya dahil pareho lang kaming walang alam. Pinilit kong lumusot sa gilid nya pero sa laki ng katawan nya at sa bilis nyang humarang ay nabigo ako. Hinawakan nya ang magkabilaan kong braso. “Teka, teka, teka! Saan ka pupunta? Tatakbo ka na naman ba?!? Hindi ba sabi mo kanina ma
Shüta! Ano nga bang pumasok sa isip ko at bakit ko sya hinalikan?! Oo nga pala, hindi dapat pumapatos ng kapamilya. “Sorry, Chinito. Ay este, Kuya K. Este Ahya. Ahya Knives. Hindi ko na alam kung anong itatawag ko sa ‘yo.” Nagkandalito na ako. Nasapo ko ang nag-iinit kong pisngi. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya. Tumunog ang ringtone ng cellphone ko na nasa maliit na blue drawstring pouch na nakasabit sa kamay ko. Parang nang-aasar si Yeng Constantino sa kanta nya. Natataranta akong binuksan ang pouch para sagutin ang kung sinumang tumatawag para ma-divert ko ang nararamdaman kong pagkapahiya. Si Master Seiji! “Hel—?” Narinig ko ang pag-ungot ni Knives. Bigla nyang inagaw ang cellphone sa aking kamay. “Please just call back later, thank you.” Pinatay nya ang tawag. Tumipa sya sa cellphone ko tapos narinig ko ang pag-ring ng kanyang cellphone sa bulsa nya sabay hatak nya sa akin papasok sa isang pinto na bahagyang nakabukas. Isinandal nya ako sa likod ng pin
“Dami ko palang lipstick. Hehehe! Pati suit ko, meron,” pangisi-ngisi sya habang hinuhubad nya ang suit jacket nya. Naghilamos sya sa lababo. Tinapik ko sya sa balikat, “‘Yung panty ko, sa’n mo nilagay?!” Takang-taka ako na bigla na lang nawala samantalang nakita ko palang ‘yon na inilagay nya sa gilid ko pagkahubad nya sa akin kanina. “You can go commando, wala namang makakapansin n’yan… Nagulo nang konti ang makeup mo, babe,” pinahid-pahid nya ang bahagyang kumalat na lipstick sa gilid ng aking labi at iniharap ako sa salamin tapos niyakap nya ako sa likod ko. Ngiting wagi sya ngayon. Hindi sya pinapanawan ng kanyang nakakalokong ngisi samantalang ako naman ay parang nauunsyami sa pagkabitin. “Napakaganda mo,” bulong nya sa batok ko. “So happy to see you again.” “Hmmm…” Napapikit ako nang halik-halikan nya ako sa batok. Ginagap ko ang nanigas na namang kahoy na tumutukod sa likod ko. Naisip kong magra-round two kami kasi hindi ako malubos, bitin na bitin talaga ako
Hindi ko malaman kung matutuwa ba ako o ano sa ibinalita na ‘yon sa ‘kin ni Orlie. Pero ito lang ang sigurado ko, na-e-excite ako pero mas malala ang kaba ko. Nag-uumpisa nang ipakilala ng emcee ang mga sponsors at espesyal na panauhin ng bagong kasal nang bumaba kami ni Orlie ng third floor. Natanaw ko sina Mama at Tito Miguel sa sinetup na stage na tila mga hari at reyna. Pagsapit namin sa huling hakbangan ay sinalubong kami agad ni Atsi. “Shobe! Sa’n ka galing? Kanina pa kita hinahanap!” umabresiete sya kay Orlie. “Uhm, n-nag-CR lang po ako, tapos nagpa-retouch kay Orlie,” sagot ko. “Nagpa-rebook si Ahya mo ng flight nya, he’s not feeling well sa nangyari sa kanya kanina.” Inulit nya ang sinabi sa akin ni Orlie, may dagdag nga lang nang konti. "Mabuti naman po kung gano’n, para makapagpahinga pa sya nang konti,” pinantayan ko ang tuwa sa expression ng kanyang mukha sa ibinalita nya. Natanaw ko si Knives seryosong nakaupo at nag-iisa sa pwesto nya sa presidential