Shüta! Ano nga bang pumasok sa isip ko at bakit ko sya hinalikan?! Oo nga pala, hindi dapat pumapatos ng kapamilya. “Sorry, Chinito. Ay este, Kuya K. Este Ahya. Ahya Knives. Hindi ko na alam kung anong itatawag ko sa ‘yo.” Nagkandalito na ako. Nasapo ko ang nag-iinit kong pisngi. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya. Tumunog ang ringtone ng cellphone ko na nasa maliit na blue drawstring pouch na nakasabit sa kamay ko. Parang nang-aasar si Yeng Constantino sa kanta nya. Natataranta akong binuksan ang pouch para sagutin ang kung sinumang tumatawag para ma-divert ko ang nararamdaman kong pagkapahiya. Si Master Seiji! “Hel—?” Narinig ko ang pag-ungot ni Knives. Bigla nyang inagaw ang cellphone sa aking kamay. “Please just call back later, thank you.” Pinatay nya ang tawag. Tumipa sya sa cellphone ko tapos narinig ko ang pag-ring ng kanyang cellphone sa bulsa nya sabay hatak nya sa akin papasok sa isang pinto na bahagyang nakabukas. Isinandal nya ako sa likod ng pin
“Dami ko palang lipstick. Hehehe! Pati suit ko, meron,” pangisi-ngisi sya habang hinuhubad nya ang suit jacket nya. Naghilamos sya sa lababo. Tinapik ko sya sa balikat, “‘Yung panty ko, sa’n mo nilagay?!” Takang-taka ako na bigla na lang nawala samantalang nakita ko palang ‘yon na inilagay nya sa gilid ko pagkahubad nya sa akin kanina. “You can go commando, wala namang makakapansin n’yan… Nagulo nang konti ang makeup mo, babe,” pinahid-pahid nya ang bahagyang kumalat na lipstick sa gilid ng aking labi at iniharap ako sa salamin tapos niyakap nya ako sa likod ko. Ngiting wagi sya ngayon. Hindi sya pinapanawan ng kanyang nakakalokong ngisi samantalang ako naman ay parang nauunsyami sa pagkabitin. “Napakaganda mo,” bulong nya sa batok ko. “So happy to see you again.” “Hmmm…” Napapikit ako nang halik-halikan nya ako sa batok. Ginagap ko ang nanigas na namang kahoy na tumutukod sa likod ko. Naisip kong magra-round two kami kasi hindi ako malubos, bitin na bitin talaga ako
Hindi ko malaman kung matutuwa ba ako o ano sa ibinalita na ‘yon sa ‘kin ni Orlie. Pero ito lang ang sigurado ko, na-e-excite ako pero mas malala ang kaba ko. Nag-uumpisa nang ipakilala ng emcee ang mga sponsors at espesyal na panauhin ng bagong kasal nang bumaba kami ni Orlie ng third floor. Natanaw ko sina Mama at Tito Miguel sa sinetup na stage na tila mga hari at reyna. Pagsapit namin sa huling hakbangan ay sinalubong kami agad ni Atsi. “Shobe! Sa’n ka galing? Kanina pa kita hinahanap!” umabresiete sya kay Orlie. “Uhm, n-nag-CR lang po ako, tapos nagpa-retouch kay Orlie,” sagot ko. “Nagpa-rebook si Ahya mo ng flight nya, he’s not feeling well sa nangyari sa kanya kanina.” Inulit nya ang sinabi sa akin ni Orlie, may dagdag nga lang nang konti. "Mabuti naman po kung gano’n, para makapagpahinga pa sya nang konti,” pinantayan ko ang tuwa sa expression ng kanyang mukha sa ibinalita nya. Natanaw ko si Knives seryosong nakaupo at nag-iisa sa pwesto nya sa presidential
Ginawa nyang panyo ang panty ko! Napabungisngis ako. “Ang ganda mo naman ngumiti,” anas ng lalake malapit sa tenga ko. “H-huh?” napatingin ako sa lalakeng kaharap ko. Tinago ni Knives ang panty ko para mapapirmis nya ako ng upo. Well, akala nya lang ‘yon. Binitawan ko ang pagkakahawak ko sa aking slit na umaabot sa ibaba ng aking singit at inipit ang nakalugay kong kulot-kulot na bangs sa likod ng aking tenga. Maglalaway sya ngayon. Ganti ko sa kanya sa pag-iwan nya sa akin sa CR kanina. “Thanks,” biniyayaan ko ang lalakeng kausap ko ng matamis na ngiti. “Ano na nga ulit ang pangalan mo?” “Liam, Liam ang pangalan ko. Makalilimutin ka pala,” natawa sya. “Try to catch the bouquet later, okay? I’ll try my best to get the garter kapag ikaw ang nakakuha ng bouquet. I’m really looking forward to dancing with you.” Kailangan pa nyang humilig sa tuwing magsasalita sya eh hindi naman ako bingi. “Oo sige,” hinaplos-haplos ko ang aking nakatirintas na buhok na nakahawi sa is
[Knives’ POV] I’m looking at a table full of men staring directly at her. At nararamdaman ko ang paulit-ulit na pagba-vibrate ng cellphone nya sa aking bulsa. Who the hell is Master Seiji?! The name sounds like a character from a Cartoon Network show. Sa pagkakaalam ko wala syang boyfriend. Hindi ko sila masisisi kung katulad ko rin ay mapapatanga na lang kahit ba tila hindi nya alam kung gaano sya ka-appealing sa paningin. Tama nga ang sinabi ni Mike. Pero hindi ko alam na iyong madalas nyang sipatin sa balcony ay sa akin rin naman pala. Binulungan ko si Atsi nang makalapit sya sa akin. “Uuwi na ako, Atsi. Masakit ang ulo ko.” I made out an alibi to get out of here. With her, syempre. “Isasama ko si Kataleia para may kasama ako.” “Ipapatawag ko ang driver para maihatid ka na pauwi. But Kat can’t leave yet, Shoti. May gagawin pa sya rito. Kumain ka na muna,” Atsi said, looking at the food in front of me which I barely even touched. “Wala akong ganang kumain.” Iisa lang
Nagmamaktol na sya about sa panty at sa cellphone nyang na hindi ko naman aangkinin. Isosoli ko naman talaga, hino-hold ko lang to control her sana pero hindi ko akalaing hindi sya susunod sa akin. I’m hearing the emcee announcing about that fucking traditional bouquet throwing. Sa itsura ni Kataleia ay mukhang nasa isip na nya ang makigulo sa hagisan ng bouquet at mabansagang ‘ang susunod na bride’ at masuotan ng garter ng lalakeng ‘yon kahit na wala syang panty. “H’wag ka nang sumali d’yan, utang na loob!” I exclaimed, clutching my throbbing head. Parang binabarena na ang sintido ko, madali lang naman sanang gamutin ng isang lagukan ng paracetamol o ‘di kaya ay isang basong brandy. Dinadama ko lang nang konti pa, para maawa sila sa itsura ko at mahikayat ko syang umuwi. Kanina ko pa talaga sya gustong masolo. Pero sa dami ng nakatingin at sa opisyal na naming relasyon ngayon sa isa’t isa ay hindi ko pwedeng basta-basta ipakita ang affection ko sa kanya. Kinukulit na na
[Kataleia's POV] Magkaakbay kami palabas ng reception area. Napakaarteng nitong tao na ‘to, isip-isip ko lang. Nakuha nya ang simpatya ni Mama sa pagda-drama nya. Hanggang ngayon sinesermunan tuloy ako. Sakit lang ng ulo ‘kala mo mamamatay na. Kung alam lang talaga ni Mama na wala na akong panty kanina pa nang dahil sa lalakeng 'to. Napapaismid ako, pero sa kabilang banda ay ina-anticipate ko na ang mga maaaring mamaya pagkauwi namin sa mansyon. Naririto lahat ng tauhan sa mansyon, tanging ang driver lang ang kasama namin sa pag-uwi. +++++ “Lasing ka na, bakla ka! Uuwi ka pa ha, baka magalit sa ‘kin ang jowa mo ‘pag umuwi ka nang senglot na senglot,” pinaalalahanan ko si Orlie sa pulang-pula nyang itsura nang sinamahan nya si Mama na ihatid kami sa parking lot ng event’s place. “Oo, ihahatid ako ni Atsi mamaya. May usapan na kami,” in-assure nya ako. “Lasing na rin ‘yon, baka mapa’no pa kayo. Malayo-layo ang uuwian mo. H’wag mo nang abalahin ‘yon, mag-taxi ka na lang pa
Pinamemeywangan nya pa ako habang nakatukod sya sa door knob. Hindi pa rin pala sya nakaka-move on. Akala ko naman okay na sya nang makaraos sya sa men’s room sa wedding reception nina Mama, hindi pa pala. Nalambingan na ako sa kanya kanina noong nasa sasakyan kami pauwi dito eh. “Malay ko nga kasing ikaw ‘yan. Kung wala kang alam, mas lalo na ako,” pakli ko. “Kung alam ko lang edi sana… edi sana—” Natigilan ako at napatitig sa kanya. Nakatulong sa akin ang pag-idlip ko kanina sa balikat nya para luminaw ang paningin ko. Kahit bahagyang madilim ang kanyang kwarto ay kitang-kita ko ang pang-women’s magazine nyang dibdib at tiyan. Tanging manipis na boxer shorts na lang ang kanyang suot. Napapalunok-lunok ako. Pakiramdam ko ay may nabasa na agad sa akin sa pagtingin ko palang sa ganda ng kanyang katawan. “Edi sana, ano?! Shit! Kinailangan ko pang gumawa ng eksena para lang maaya kitang umuwi! Bakit ka ganyan?! Kanina ka pa walang panty, babe. Paikot-ikot ka sa reception room n
Tumahimik ang paligid ng ilang segundo na tila napakatagal para sa akin, hanggang sa sinagot na rin nya ang tanong ni Kataleia. “Uhm, oo, nauntog. Nauntog ako. Hindi ko kasi nakita… Madilim dito,” napakahinang bulong ni Veronica na halos hindi bumuka ang mga namamaga nang labi. Para akong nabunutan nang malaking tinik sa lalamunan. “See? Nauntog. Nagulat na nga lang ako pag-akyat ko dito umiiyak na sya eh. Hay naku! Ipapalipat ko na nga 'yang pasong ‘yan, laging na lang may nadidisgrasya rito,” natatawa na naiiling ako. Daig ko pang nakapasa sa bar exams nang maibsan ang kaba ko. “Magpahinga ka na Veronica. Ipapasunod ko na lang sa kwarto mo ang first aid kit... ‘Lika na, love.” yakag ko sa kanya. “Gutom na ‘ko, baka hindi pa sila kumakain kakahintay sa ‘tin,” Hinawakan ko syang muli sa braso pero tinapik nya nang malakas ang aking braso. “Hindi pwede! Anong first aid kit?! Kelangan ‘tong matahi,” although may pagpa-panic, marahan nyang sinapo ng panyo ang tumulong dugo sa pisngi ni
“Hindi ba sinabi kong h’wag mong aalisin ang tingin mo sa kanya?!” gumaralgal ang boses ko sa lakas ng aking hiyaw. “Napakawala mong silbi!” “Pa-pasensya na, Boss. A-aalis na po ako nga-ngayon— hahanapin ko si Madame,” nagkakandautal sya sa takot sa nag-aapoy kong titig. Tumalikod sya sa akin at akmang lalayasan ako kaya hinablot ko ang maiksi nyang blonde na buhok, hinatak ko ‘yun at naglakad patungo sa bahay. Hanggang sa napahiga sya sa semento ay hindi ko binitawan ang buhok nya at nagpatuloy sa bilis ng paglalakad. Dumidilim ang utak ko sa nagpupuyos kong galit. Hindi ko na naririnig ang mga matitinis nyang tili sa sakit na dulot ng pagkakakaladkad ko sa kanya paakyat sa hagdan patungo sa ikatlong palapag. “Saan sya nagpunta??!” nanggagalaiting hiyaw ko pagbalibag ko sa maliit nyang katawan sa gilid ng sofa, nauntog pa sya sa matulis na gilid ng kwadradong paso ng halaman kaya dumugo ang malapit sa kanyang kilay . “Nasampal na kita kanina bago kayo umalis, ‘di ba? Hindi ka p
Ilegal ang mga laban sa aking flight club. Mga puganteng kriminal ang aking mga manlalaro—mga itinakwil ng batas at itinulak sa aking teritoryo. Walang anunsyo sa TV o radyo, walang media, walang permit. Isa lang ang batas dito: lumaban hanggang sa huling hininga. Ang gantimpala? Kalayaan para sa nag-iisang mabubuhay na higit pang mahalaga kesa sa pera. At tanging mga high-definition na kamerang nakakonekta sa bahay ni Yasou at ng ilan pang kasapi ng pamilya ang tahimik na nagmamasid sa bawat laban. Sa aming pamilya, death boxing is a sport— a tradition. A challenge of courage. The definition of honor. Isang tournament kung saan ang bawat igkas ay hindi lang pagsubok ng lakas, kundi pati na rin ng tapang at paninindigan. Dito, ang bawat manlalarong nasa loob ng ring ay hindi lumalaban para lang manalo, kundi para patunayan ang kanilang sarili at para sa kanilang kasarinlan. Sa ring na ito, hindi sapat ang bilis ng kamao o tigas ng katawan. Kailangan ng tibay ng loob, dahil ang bawa
[Seiji’s POV] “Aniki! Faito Kurabu o katte ni shimeru nante arienai! Koko de sore ga wakattara, watashitachi no pātonā ga dore dake okoru ka wakatteru no ka!? (Older brother! You can’t just close the fight club like that! Do you know how frustrated our family will get?!) “Kore wa watashi no bijinesu da. Shimeru ka dou ka wa watashi no jiyuu da. (This is my business. Whether I close it or not is my choice.)” mahinanong tugon ko sa kausap ko sa malaking monitor. Bumuntung-hininga ako at hinila ang aking buong bigat sa nakalaglag na lubid. I can feel my muscles flexing with each pull. “No, we cannot do that. The cards have already been laid out, and it is not possible to return their money so easily. That is not how things are done!” Gumusot pang lalo kulubot nyang mukha sa galit nya nang ibalita ko sa kanya na isasarado ko na ang club na matagal kong pinagyaman. Kanina pa nya ako sinisermunan. Paulit-ulit na ang pagpapaliwanag ko, mapa-English, Tagalog, o Nihongo, wala syang mai
Nang makahuma ako sa pagkagitla ay lumabas ako ng kotse. Lumakad pa ako ng may ilang metro para habulin ng tingin ang kumakaripas na motor. Napakabilis nyang nakalayo, gatuldok na lang sya sa aking paningin na nagpapasingit-singit sa trapik. Syet! Sya ba ‘yun??! Napakapit ako banda sa aking dibdib para pigilan ang pagwawala ng puso ko. Natutulala sa kawalang nakatayo lang ako sa gitna ng kalsada sa ilalim ng malakas na ulan. Maya-maya narinig kong sumigaw ang pasahero ko pagbaba nya ng bintana. “Hoy praning! Hindi mo ba nararamdamang umuulan?!” “Ang tanga mo naman! Ginitgit ka na nga, hinabol mo pa. Isusumbong talaga kita kay Boss. Kung nagasgasan lang 'tong kotse pati ako yari kay Boss! Hindi ka nag-iisip...” naiinis na turan nya pagbalik ko sa kotse na tila basang sisiw sa pagkakaligo ko sa ulan. Halos bumula ang kanyang bibig sa kung anu-anong pinagsasabi nyang hindi ko na inintindi. Tahimik at nangangaligkig sa lamig na ipinagpatuloy ko ang pagtahak ko sa daan habang na
“Kung dudang-duda ka, edi tawagan mo. Tawagan mo si Boss, tanungin mo. Ngayon na, hangga’t nandito pa tayo kasi baka nga naman mali ako.” Nagngingitngit ang loob kong dinampot ko ang aking cellphone. Tatanungin ko talaga si Seiji. Sasabihin ko na ring ihahatid ko na ang bruhang ito kung saan pa ito pwedeng tumira bukod sa bahay namin kesa maibusal ko sa matabil nyang bibig ang cellphone at kamao ko. “Ni isang beses hindi pa ako nagkamali sa utos sa ‘kin. Sinu-sure ko lahat ‘yun. Bawal akong magkamali. Kung nagkamali na ako noon edi sana matagal na sana akong patay! Bente-dos lang ako, wala akong pinag-aralan pero hindi naman ako gano’n katanga.” “May galit ka ba sa ‘kin?!” hindi ko na talaga natiis at kinompronta ko na sya. “Kung makapagsalita ka parang kilalang-kilala mo na ‘ko eh. Wala akong ginawang masama sa ‘yo para sagut-sagutin mo ‘ko ng ganyan!” “Wala ka ngang ginagawang masama, pero lalo lang bumigat ang buhay ko mula noong dumating ka!” malakas na singhal nya sabay du
“Ikaw ha, inano mo?” kagyat kong hinampas si Seiji sa braso bago sumakay sa bagong bili nyang kulay pulang sedan. Natatawang ikinibit nya ang kanyang balikat sa pagmamaang-maangan nya. “Wala akong ginawa, ano?” Bumunghalit sya ng tawa sa pagpapalatak ko na nagpapailing-iling. “Abnormal ka ba? Tawa ka nang tawa?!” dagli akong nainis sa OA nyang tawa. Nagi-guilty na nga ako sa pag-atungal ni Veronica, tinatawanan pa ako. “Hindi ako abnormal, love. Ang abnormal eh ‘yung paalis na lang, nagagalit pa… Hay nako! Teka nga pala,” dumukot sya sa kanyang bulsa ng kanyang shorts at iniabot sa akin ang kumpol ng pera na naka-rubber band. “Tapos bumili ka na rin ng gamit mo, love. Kumain na rin muna kayo ng gusto n'yo bago kayo umuwi.” “Oh, may pang-grocery na ako, ‘di ba? Baka wala ka nang pera d’yan?” “Meron akong tinabi dito panggasolina ko. Kung may matitira ka pa, ilagay mo sa ipon mo para sa baby natin... Lumakad na kayo, love. Maaabutan n’yo na ang trapik sa daan kapag hindi pa kayo u
“Sumama ka na. Wala ring magda-drive sa ‘yo papunta sa bangko dahil isasama ko si Ibiza, may pupuntahan kami,” ani Seiji. “Kaya ko namang pumunta ng bangko nang mag-isa eh, mamamasahe na lang ako. Bakit kaylangang sumama pa d’yan?! Marunong ba talagang mag-drive ‘yan?” naiinis na turan nya. Paalog-alog ang suso nyang walang panapo sa papadyak-padyak nya. Tumutulis ang nguso ko habang tinitingnan ko sya sa pagmamarakulyo nya, ‘kung matadyakan ko lang ‘tong maliit na babae na ‘to talaga…’ gigil na nasabi ko na lang sa aking sarili. “Hindi ka pwedeng mamasahe, Veronica. Please, gumayak ka na lang. Pagkatapos naming kumain magbibihis na si Kataleia… Pasensya ka na, love, nagkaro’n ng emergency sa bar eh,” nagi-guilting hinawakan nya ang aking pisngi. “Magkita na lang tayo rito mamaya para makapunta tayo sa mansyon. Nag-promise ako kay Mama na du’n tayo magdi-dinner at matutulog,” “Okay lang, love. Kaso parang ayaw nya kasi,” tinapunan ko ng tingin ang pabulung-bulong na mestizang pins
Lumabas ako sa kwarto at binuksan ang katapat naming kwarto at binuksan ang ilaw nito na nasa gilid ng pinto. Ito ang drawing room ni Seiji. Puno ang bawat dingding ng kanyang mga obra. Gustung-gusto kong tumatambay rito kasi ang tahimik tsaka natutuwa ako sa pagtingin-tingin sa mga larawang iginuhit nya halos puro pagmumukha ko—iba’t ibang anggulo at facial expressions. Napaka-passionate nya sa pagpipinta. Kung gagawa nga lang si Seiji ng art gallery mapupuno nya iyon ng mga display kaso naisip ko baka walang pumunta kasi puro ako rin lang naman ang maidi-display nya. Napasimangot ako nang makita ang canvas na huli nyang iginuhit na nakalagay na naman sa painting stand. “Sabi ko itago eh, nakakahiya! Pa’no kung may makakita. Dyusko!” nagigiba ang aking mukha habang ibinabalik ko ang larawan ng aking hubad na katawan sa likuran ng aparador kung saan ito nakalagay. “Did Veronica bother you again? Ay! I told you I’ll dust it off myself,” ani Mamancona pagsilip nya at nadatnan nya ako