Share

PART 60 - KOMPRONTASYON

"Excuse me po, magsi-CR lang po ako.” Tumayo ako sa kinauupuan ko. Gumawa ako ng konting distraction para maputol na ang masayang kwentuhan nila tungkol sa exotic na ibon.

Hindi na kaya ng tenga kong marinig pa ang tungkol sa ‘ibon’ nyang iyon. Alam ko namang ako ang pinariringgan nya sa kwento nya. Baka ang mismong dila ko lang tuloy ang dumulas sa sobrang inis ko.

Tumayo na rin sina Mama at Tito Miguel pag-alis ko sa table dahil sinenyasan sila ng wedding coordinator para sa kanilang table hopping na may kasamang picture taking. Nakahinga ako nang maluwag kanina papaano. Kung ipagpapatuloy pa rin nina Atsi at ng kapatid nya ang kwentuhan nila, at least sila-sila na lang, hindi na maririnig pa nina Mama.

Nakita kong lumapit ang driver nina Tito Miguel sa presidential table at kinakausap sya. Siguro’y nagtatanong na 'yong driver kung magpapahatid na sya sa airport. Ngayon na ring gabi na ito ang alis nya sa pagkakaalam ko. Medyo nakaramdam ako ng lungkot.

Hinanap ko ng tingin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status