"Excuse me po, magsi-CR lang po ako.” Tumayo ako sa kinauupuan ko. Gumawa ako ng konting distraction para maputol na ang masayang kwentuhan nila tungkol sa exotic na ibon. Hindi na kaya ng tenga kong marinig pa ang tungkol sa ‘ibon’ nyang iyon. Alam ko namang ako ang pinariringgan nya sa kwento nya. Baka ang mismong dila ko lang tuloy ang dumulas sa sobrang inis ko. Tumayo na rin sina Mama at Tito Miguel pag-alis ko sa table dahil sinenyasan sila ng wedding coordinator para sa kanilang table hopping na may kasamang picture taking. Nakahinga ako nang maluwag kanina papaano. Kung ipagpapatuloy pa rin nina Atsi at ng kapatid nya ang kwentuhan nila, at least sila-sila na lang, hindi na maririnig pa nina Mama. Nakita kong lumapit ang driver nina Tito Miguel sa presidential table at kinakausap sya. Siguro’y nagtatanong na 'yong driver kung magpapahatid na sya sa airport. Ngayon na ring gabi na ito ang alis nya sa pagkakaalam ko. Medyo nakaramdam ako ng lungkot. Hinanap ko ng tingin
“Oh my God! Tumirik pa ako nang dahil sa ‘yo kanina!” Nahilamos nya ang mukha nya ng kanyang palad nang maalala nya ang kahihiyang dinanas ng kapogi-an nya kanina sa wedding ceremony. “Akala ko mamamatay na ‘ko, alam mo ba ‘yon?!” “Bakit sa ‘kin mo sinisisi ang pagpa-panic attack mo?! Kasalanan ko bang naka-suit ka at mainit?! Sisihin mo si Atsi, sya ang nakaisip n’yan!” mabilis pa sa alas-kwatro akong nakaisip ng rebuttal sa paninisi nya. ‘Kasalanan mo ‘yon! I was freaking shocked! Startled, confused, upset! Lahat na! Kung in-approach mo lang sana ako beforehand at least alam ko kung ano’ng i-e-expect ko!” Hindi afford ng kagandahan ko ang makipag-komprontahan. Wala naman akong naiisip na kasalanan sa kanya dahil pareho lang kaming walang alam. Pinilit kong lumusot sa gilid nya pero sa laki ng katawan nya at sa bilis nyang humarang ay nabigo ako. Hinawakan nya ang magkabilaan kong braso. “Teka, teka, teka! Saan ka pupunta? Tatakbo ka na naman ba?!? Hindi ba sabi mo kanina ma
Shüta! Ano nga bang pumasok sa isip ko at bakit ko sya hinalikan?! Oo nga pala, hindi dapat pumapatos ng kapamilya. “Sorry, Chinito. Ay este, Kuya K. Este Ahya. Ahya Knives. Hindi ko na alam kung anong itatawag ko sa ‘yo.” Nagkandalito na ako. Nasapo ko ang nag-iinit kong pisngi. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya. Tumunog ang ringtone ng cellphone ko na nasa maliit na blue drawstring pouch na nakasabit sa kamay ko. Parang nang-aasar si Yeng Constantino sa kanta nya. Natataranta akong binuksan ang pouch para sagutin ang kung sinumang tumatawag para ma-divert ko ang nararamdaman kong pagkapahiya. Si Master Seiji! “Hel—?” Narinig ko ang pag-ungot ni Knives. Bigla nyang inagaw ang cellphone sa aking kamay. “Please just call back later, thank you.” Pinatay nya ang tawag. Tumipa sya sa cellphone ko tapos narinig ko ang pag-ring ng kanyang cellphone sa bulsa nya sabay hatak nya sa akin papasok sa isang pinto na bahagyang nakabukas. Isinandal nya ako sa likod ng pin
“Dami ko palang lipstick. Hehehe! Pati suit ko, meron,” pangisi-ngisi sya habang hinuhubad nya ang suit jacket nya. Naghilamos sya sa lababo. Tinapik ko sya sa balikat, “‘Yung panty ko, sa’n mo nilagay?!” Takang-taka ako na bigla na lang nawala samantalang nakita ko palang ‘yon na inilagay nya sa gilid ko pagkahubad nya sa akin kanina. “You can go commando, wala namang makakapansin n’yan… Nagulo nang konti ang makeup mo, babe,” pinahid-pahid nya ang bahagyang kumalat na lipstick sa gilid ng aking labi at iniharap ako sa salamin tapos niyakap nya ako sa likod ko. Ngiting wagi sya ngayon. Hindi sya pinapanawan ng kanyang nakakalokong ngisi samantalang ako naman ay parang nauunsyami sa pagkabitin. “Napakaganda mo,” bulong nya sa batok ko. “So happy to see you again.” “Hmmm…” Napapikit ako nang halik-halikan nya ako sa batok. Ginagap ko ang nanigas na namang kahoy na tumutukod sa likod ko. Naisip kong magra-round two kami kasi hindi ako malubos, bitin na bitin talaga ako
Hindi ko malaman kung matutuwa ba ako o ano sa ibinalita na ‘yon sa ‘kin ni Orlie. Pero ito lang ang sigurado ko, na-e-excite ako pero mas malala ang kaba ko. Nag-uumpisa nang ipakilala ng emcee ang mga sponsors at espesyal na panauhin ng bagong kasal nang bumaba kami ni Orlie ng third floor. Natanaw ko sina Mama at Tito Miguel sa sinetup na stage na tila mga hari at reyna. Pagsapit namin sa huling hakbangan ay sinalubong kami agad ni Atsi. “Shobe! Sa’n ka galing? Kanina pa kita hinahanap!” umabresiete sya kay Orlie. “Uhm, n-nag-CR lang po ako, tapos nagpa-retouch kay Orlie,” sagot ko. “Nagpa-rebook si Ahya mo ng flight nya, he’s not feeling well sa nangyari sa kanya kanina.” Inulit nya ang sinabi sa akin ni Orlie, may dagdag nga lang nang konti. "Mabuti naman po kung gano’n, para makapagpahinga pa sya nang konti,” pinantayan ko ang tuwa sa expression ng kanyang mukha sa ibinalita nya. Natanaw ko si Knives seryosong nakaupo at nag-iisa sa pwesto nya sa presidential
Ginawa nyang panyo ang panty ko! Napabungisngis ako. “Ang ganda mo naman ngumiti,” anas ng lalake malapit sa tenga ko. “H-huh?” napatingin ako sa lalakeng kaharap ko. Tinago ni Knives ang panty ko para mapapirmis nya ako ng upo. Well, akala nya lang ‘yon. Binitawan ko ang pagkakahawak ko sa aking slit na umaabot sa ibaba ng aking singit at inipit ang nakalugay kong kulot-kulot na bangs sa likod ng aking tenga. Maglalaway sya ngayon. Ganti ko sa kanya sa pag-iwan nya sa akin sa CR kanina. “Thanks,” biniyayaan ko ang lalakeng kausap ko ng matamis na ngiti. “Ano na nga ulit ang pangalan mo?” “Liam, Liam ang pangalan ko. Makalilimutin ka pala,” natawa sya. “Try to catch the bouquet later, okay? I’ll try my best to get the garter kapag ikaw ang nakakuha ng bouquet. I’m really looking forward to dancing with you.” Kailangan pa nyang humilig sa tuwing magsasalita sya eh hindi naman ako bingi. “Oo sige,” hinaplos-haplos ko ang aking nakatirintas na buhok na nakahawi sa is
[Knives’ POV] I’m looking at a table full of men staring directly at her. At nararamdaman ko ang paulit-ulit na pagba-vibrate ng cellphone nya sa aking bulsa. Who the hell is Master Seiji?! The name sounds like a character from a Cartoon Network show. Sa pagkakaalam ko wala syang boyfriend. Hindi ko sila masisisi kung katulad ko rin ay mapapatanga na lang kahit ba tila hindi nya alam kung gaano sya ka-appealing sa paningin. Tama nga ang sinabi ni Mike. Pero hindi ko alam na iyong madalas nyang sipatin sa balcony ay sa akin rin naman pala. Binulungan ko si Atsi nang makalapit sya sa akin. “Uuwi na ako, Atsi. Masakit ang ulo ko.” I made out an alibi to get out of here. With her, syempre. “Isasama ko si Kataleia para may kasama ako.” “Ipapatawag ko ang driver para maihatid ka na pauwi. But Kat can’t leave yet, Shoti. May gagawin pa sya rito. Kumain ka na muna,” Atsi said, looking at the food in front of me which I barely even touched. “Wala akong ganang kumain.” Iisa lang
Nagmamaktol na sya about sa panty at sa cellphone nyang na hindi ko naman aangkinin. Isosoli ko naman talaga, hino-hold ko lang to control her sana pero hindi ko akalaing hindi sya susunod sa akin. I’m hearing the emcee announcing about that fucking traditional bouquet throwing. Sa itsura ni Kataleia ay mukhang nasa isip na nya ang makigulo sa hagisan ng bouquet at mabansagang ‘ang susunod na bride’ at masuotan ng garter ng lalakeng ‘yon kahit na wala syang panty. “H’wag ka nang sumali d’yan, utang na loob!” I exclaimed, clutching my throbbing head. Parang binabarena na ang sintido ko, madali lang naman sanang gamutin ng isang lagukan ng paracetamol o ‘di kaya ay isang basong brandy. Dinadama ko lang nang konti pa, para maawa sila sa itsura ko at mahikayat ko syang umuwi. Kanina ko pa talaga sya gustong masolo. Pero sa dami ng nakatingin at sa opisyal na naming relasyon ngayon sa isa’t isa ay hindi ko pwedeng basta-basta ipakita ang affection ko sa kanya. Kinukulit na na
“Don’t you fucking dare,” nagngingitngit na bulong ko sa nakakaloko nyang ngisi. “Manyakis kang hayop ka.”“Woah! Matinding akusasyon ‘yan, Knives,” he laughs sarcastically. “Nagpapamasahe lang ako, manyakis na ba ‘yun agad?!”“Please, whatever you’re up to, galangin mo si Atsi at si Shobe sa loob ng bahay nila,” I mutter through my gritted teeth.“Talking about respect, Knives? I can’t believe I’d hear that from you. Alam mo, I know what you two are doing. Kung manhid ang kapatid mo, ibahin mo ako. Malakas ang pakiramdam ko sa mga ganyan, kaya wala kang matatago sa ‘kin. Catching her sneaking out of your room one too many times at the crack of dawn, I couldn’t help but wonder what exactly she was doing with you all night—bukod sa, you know, magpatirintas ng mahaba nyang buhok sa ‘yo.”I got so fucking furious. Agad na kumawala ang lumulukob na galit sa dibdib ko at umigkas nang malakas ang kamao ko sa panga nya. Napaupo sya sa sofa syang nakahawak sa baba nya sa gulat nya. “Hindi ko
[Knives’ POV] I can’t believe everything that’s happened today. The first one was how ridiculous Divine was nang umatungal sya sa akin dahil lang sa ayokong makipag-sex. Lumabas sya at inistorbo ang ibon ko sa paggawa nya ng homeworks para makipag-inuman. Nagpaalalay pa sya kay Kataleia hanggang sa kwarto pagkatapos nyang magkukuwento ng kung anu-ano. Nahulaan ko na agad ‘yun kahit hindi ko naririnig ang usapan nila, halata ko sa mukha ni Kataleia mula sa balcony kung saan ko sila pinanonood ang awkwardness na nararamdaman nya kahit na tumatawa sya. Para saan? Para kiligin si Kataleia sa pagiging ‘perfect couple’ namin? O para kaawaan sya ni Kataleia kasi wala akong kwentang asawa? Kung ang purpose nya ay para maghanap ng karamay sa disappointments nya sa buhay ay hindi lang nya alam baka sumaya pa ‘kamo ang ibon ko sa mga pinagsasabi nya dahil napatunayan ko sa kanyang totoo lahat ng mga sinasabi ko. The second was Atsi. May pagkakataon naman talagang nakikita ko syang tumat
“Ubusin mo muna ‘yan. Mamaya mo na sya ipagtimpla kapag aakyat ka na… O baka naman naiilang ka nga sa ‘kin eh kuya mo rin naman ako, ‘di ba?” tinaasan nya ako ng kilay sabay kumportableng sumandal sa sofa na nakaunat pa ang mga braso sa sandalan. Nagsisi ako bigla na naupo sa pinakagilid ng sofa, wala na tuloy akong maurungan. “Hindi po ako naiilang. Sus! Bakit naman ako maiilang?” sagot ko rin sa kanya, tinaasan ko rin sya ng kilay sabay hampas ko sa braso nya para ipakita na hindi totoo ang sinasabi nya. Ano nga ba ang dahilan ko bakit kailangan kong mailang? Hindi naman ako nakakanti ng mga malalagkit nyang tingin. Noon naman nakikipaglabanan talaga ako ng tingin sa mga lalakeng gano’n kung makatitig, kaso hindi sya iba sa akin; asawa sya ni Atsi at malaki ang paggalang ko sa kanya. Bukod sa layo ng agwat ng edad namin ay parang bata pa talaga ako kung ituring nya minsan; gaya ng turing sa akin ni Atsi at ni Knives na rin kapag nakaharap kami sa ibang tao. Hindi ko sya dapat pinag
Nasinghot ko agad ang nakakahilong tapang ng pabango nya sa kanyang damit na kaamoy ng loob ng kotse nya sa pagkakadikit ng mukha ko sa kanyang dibdib.“Watch where you’re going, little miss,” bulong ni Kuya Mike pagtingala ko, titig na titig sya sa akin na nakahawak sa mga balikat ko. Napatda ako nang ilang segundo sa gulat ko na kasunuran ko pala sya sa paglalakad. Hindi ko man lang napansin dahil lumilipad ang isip ko. Inalihan ako ng pagkailang lalo na nang dumausdos ang mga kamay nya mula sa balikat ko hanggang sa aking siko kaya napaatras ako, saka nya lang ako binitawan. “Naiilang ka ba sa ‘kin?” nakangiting tanong nya. “Hi-hindi po, kuya, sorry po. Nagulat lang ako,” napapangiting aso na sagot ko pagtungo ko saka inaayos-ayos ang salamin ko sa mata.Lalo akong naasiwa nang tumawa sya nang malakas. Sinulyapan ko ang likuran nya kasi baka nakasilip si Knives sa pintuan at makita kami, nakahinga ako nang maluwag nang nakapinid pa rin ang pinto ng kwarto nya.“Sa’n ka ba dapat
Napaka-sexy nang suot nya sa ilalim ng pula nyang satin na bathrobe. Kulay itim na negligee na may ternong itim na thong na halos pinakagitna lang ang may takip. Hulmang-hulma ang mapipintog at malalaki nyang suso na may maliliit na utong sa napakanipis na tela ng suot nya. Mas makapal pa talaga ang pantyhose na ginagamit ni Miss Nori. Nag-abala pang magdamit, sana hindi na lang!So siguro ita-try nya ngayon na akitin ang kanyang asawa, hinanap nya ang lakas ng loob nya sa alak kaya nakipag-inuman sya sa akin. Dinamay pa nya ako talaga. Napaismid ako. Sumulyap akong muli sa balcony pero wala si Knives doon.“Kat, ihatid mo naman ako sa room, please. Nahihilo na kasi ako talaga, baka hindi ako umabot sa stairs,” pakiusap nya habang ginagagap ng isang kamay ang kabilang dulo ng bathrobe para sumara itong muli. Tumayo ako sa kinauupuan ko at maingat ko syang inalalayan sa paglalakad. Mula sa pool area hanggang sa makaakyat kami ng hagdan ay magkaakbay kaming dalawa at pinagtatawanan ang
Tawa ako nang tawa sa mga nakakatuwang moments nila bilang mag-asawa. Na-i-imagine kong para silang mag-asawa sa isang TV sitcom. Um-akting akong ganyak na ganyak sa kanyang pagkukuwento pero ang totoo ay gustung-gusto ko nang tumulo ng mga luha ko sa bigat ng nararamdaman ko sa aking dibdib. Ang sakit-sakit! Iniisip ko nga kanina pa kung ano ang pwedeng kong i-alibi para makapag-walkout at maputol ang pagkukuwento nya ng mga istorya tungkol sa kanilang dalawa na kahindik-hindik sa akin. Hindi ako pwedeng magdahilan na pupunta na sa kwarto ko dahil masyado pang maaga at paniguradong hahanapin ako ni Knives, magagalit na naman ‘yun kapag nagkulong ako sa kwarto. Malaking kabastusan naman kung iiwan ko sya rito at lilipat na lang sa ibang puwesto dahil wala naman ibang available na makakakwentuhan ngayon dito sa mansyon kundi ako lang at ayoko rin namang magpaka-obvious na naaapektuhan kahit kahit tila ba may paulit-ulit na tumutusok sa puso ko kahit panay ang hagikhik ko. “Hindi sigu
[Kataleia’s POV] Kahit medyo malamok ay dito ko sa pool area piniling maupo ngayon para mabilis akong masisilip ng chinito ko mula sa balcony. Gusto kasi nya nakikita nya ako palagi. Sa katunayan nga, sa halos wala pang thirty minutes na pag-upo ko rito sa pool area ay dalawang beses na nya akong sinilip. Naglagay na lang ako ng rechargeable na electric fan sa paanan ko para hindi ubusin ng mga lamok ang mga binti ko. Binawalan nya kasi akong tumambay sa kwarto ko nang matagal kung hindi pa naman oras ng pagtulog. Lalong-lalo na kapag naririto si Seiji. Wala naman na nga raw kasi akong sakit para dalaw-dalawin ako sa mismong kwarto ko at napakaraming ibang lugar na pwedeng pagtambayan na may makakakita sa amin at sa kung anong ginagawa namin.Nagpunta nga rito si Seiji kanina, pero pinauwi ko na rin bago magtakipsilim. Parang ayaw pa nga nyang umuwi eh, napilitan na lang kasi nagdahilan akong masakit ang ulo at inaantok. Ayaw kasi ni Knives na nagpapaabot si Seiji ng gabi rito sa ba
Malakas na tili ang pumailanlang sa buong kwarto ko sa pagsadlak nya pahiga sa sahig. Tumilapon ang ilang patak ng dugo galing sa kanyang sugatan nang bibig sa carpeted flooring ng kwarto ko. “Tumayo ka kasi d’yan!” singhal ko nang malakas. “Pinatatayo ka na nga eh, ayaw mo pa!” “Tuwing uuwi ka na lang lagi mo ‘kong binubugbog! Kasalanan ko bang hindi ka mahalin ng babaeng gusto mo?! Demonyo ka kase!” nagtataas-baba ang nanginig nyang boses nang sigawan nya ako. Nagpapanting ang tenga kong nasuntok kong muli ang matabil nyang bibig kaya lalong lumakas ang hagulgol nya. Tuwing uuwi ako galing kina Kataleia ay talagang naiinis ako na hindi ko lang masabi. Gustong kong matulog do’n na katabi sya, gusto ko syang yakapin, gusto ko pa syang makasama, kaso kapag feeling ko okay na kami ay mahihimigan ko na sa kanyang kailangan ko nang umuwi. Wala akong choice; kahit pigilan ako ng ate nyang patay na patay sa akin ay sinusunod ko sya. Pag-uwi ko sa bahay ay mainit ang ulo ko at depres
[Sieji’s POV] Nalamukos ko nang matindi ang hawak kong papel habang pinagmamasdan ang kulay green na kotseng iyon na kaka-park lang sa gilid ng building sa kabilang banda ng kalsada. “Hi, love! Bakit maingay? Nasa’n ka? Sinong kasama mo?” tanong ko agad nang sagutin nya ang tawag ko. Pinilit ko ang ngiti sa aking nagdidilim na mukha para hindi mahalata ang galit ko sa aking boses. “Uhm, andito ako sa office ni Atsi. Papunta ka na ba?” Tama naman ang sinagot nya. Hindi sya nagsisinungaling. Hindi lang nya sinabi kung sino’ng kasama nya sa mga oras na ito. “Hindi pa, nandito pa ‘ko sa University. Hinihintay ko pa ‘yung ibibigay na papel ng Prof mo.” Ako ang nagsinungaling, kasi hindi naman talaga ako nagpunta sa MA class nya at kanina ko pa hawak ang papel na ibibigay ko sa kanya na hindi naman talaga galing sa Prof. Heto nga at lukot-lukot na sa mga kamay ko. “Ay sige, kasi baka gabihin ako. Kung mauna ka, please, pakibigay mo na lang sa guard ‘yung papel. Bukas ka na lang p