[Kataleia's POV] “Sino??!” Napamulagat ako sa sinabi ni Orlie. Tinitigan ko syang lumalakad palayo sa akin kasi mag-uumpisa na kaming lumakad papasok ng garden. Agad din naman akong nakahuma sa joke nyang iyon kaso ang bilis nyang nawala. “Weh? Hehehe!” nasabi ko na lang sa sarili ko. Gumaganti si Orlie kasi inasar ko sya noong nasa kotse kami ni Atsi. “Hahaha!” Tumawa ako nang malakas kahit ako lang mag-isa. Lumapit agad ang medyo chubby na wedding coordinator, inayos nya ang laylayan ng gown ko at inabot sa akin ang maliit na flower bouquet. “You look great, miss. Punta ka na roon, start na tayo,” tumuro sya kung saan ako pupunta tapos yumuko sya sa loob ng bridal car at kinausap si Mama. Hinahanap ng mga mata ko si Orlie kasi na-bother din talaga ako sa sinabi nyang iyon. Parang tanga lang na bigla nyang babanggitin si Chinito na wala namang kinalaman sa kasal ni Mama. Naisip kong kaya nya iyon sinabi para ayusin ko ang rampa ko. ‘Gago talaga ‘tong Orlando na ‘to, ipa-pran
Pünyeta! Bakit sya si Kuya Knives?! Pinarurusahan na yata ako ng langit! “Why? Bakit ka nandito? Bakit? Bakit ikaw ‘yan?” Hindi ko pinansin ang mga bulong nya. Tumingin lang ako sa paglalakad ng mga batang kasama sa entourage. Nako-conscious na akong talaga pero hindi ako nagpahalata. Pareho lang naman kaming gitlang-gitla ngayon sa isa’t isa pero hindi kami dapat umi-eksena dito kasi maraming nakatingin. Nakita kong malapit na sa amin ang ring bearer. Huminto sya harapan namin. “Hello!” nginitian ko ang nahihiyang bata na may dalang maliit na blue na unan at may dalawang singsing sa ibabaw. Yumuko ako at kinalag ang pagkakatali ng wedding ring na para sa groom. Kinalag ko na rin ang isang singsing para kukunin na lang nya kaso hindi sya kumikilos. Nakatingala sa kanya ang batang lalake sa pagkakapatda nya. “Kuya, kunin mo na ‘yung isa,” mahinang sabi ko, pero hindi sya gumalaw. Tiningnan ko syang gano’n pa rin ang itsura nya noong magkatinginan kami, para pa syang naghihi
At dahil wala na syang silbi sa kabuuan ng wedding ceremony ay si Kuya Mike na lang ang humalili sa kanya. Kaming dalawa ang nag-tandem sa pag-a-assist sa ikinakasal. Sinusulyapan ko si Orlie na nakaupo sa ikatlong hilera ng mga upuan para sa guests. Hindi inaalisan si bakla ng ngisi nya. Nang makatapos ang seremonyas ay nag-umpisa na ang photo op na tumagal din nang halos isang oras. Nakita ko sya sa gilid ng mga mata ko na nananalamin sa glass door at ibinabalik sa dating ayos ang kanyang puting suit. Napakaganda ng suit nya sa kanya. Napakapormal. Parang ang bango-bango pa rin nya tingnan kahit na halos maligo sya sa pawis kanina. Mas gwapo pa ngayon ang dating nya kesa noong una at pangalawang pagkikita namin. Napansin ko ang pagbubulungan at pasimpleng hagikhikan ng mga bridesmaid sa gilid ko habang tinitingnan sya sa pag-aayos nya ng sarili. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagsulyap nya sa akin habang hinihigpitan ang kanyang neck tie. Nakaramdam ako ng kilig kas
“Ang ganda nyo naman tingnan! Parang kinasal din kayo, veil na lang ang kulang,” komento ng photographer habang sinisipat kami sa camera nya. Feeling ko kanina pa hindi normal ang aking ngiti sa abot-langit na consciousness na nararamdaman. Parang hilaw na naninigas ang mga labi na hindi mawari. Inilalayo ko nang bahagya ang sarili ko sa pagkakadikit nya sa akin. Natatakot akong baka may makapansin sa kanya sa pagiging at ease nya. Bukod tanging si Orlie lang ang nakakaalam na magkakilala kami. At hindi lang basta nagkakilala lang —nagkatikiman pa kami. Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili. “Oo nga, no? Hahaha! You look good together,” susog ng wedding coordinator. Natatawang inayos nya ang laylayan ng gown ko at inilatag iyon nang maganda sa sahig. "Relax, miss. Smile. Stepbro mo naman 'yan," untag sa akin ng chubby na wedding coordinator. Pinagdikit nya pa kaming lalo. Narinig ko ang mahinang tawa nya, pinaraanan nya ng kanyang palad ang naka-brush-up nyang buhok. K
"Excuse me po, magsi-CR lang po ako.” Tumayo ako sa kinauupuan ko. Gumawa ako ng konting distraction para maputol na ang masayang kwentuhan nila tungkol sa exotic na ibon. Hindi na kaya ng tenga kong marinig pa ang tungkol sa ‘ibon’ nyang iyon. Alam ko namang ako ang pinariringgan nya sa kwento nya. Baka ang mismong dila ko lang tuloy ang dumulas sa sobrang inis ko. Tumayo na rin sina Mama at Tito Miguel pag-alis ko sa table dahil sinenyasan sila ng wedding coordinator para sa kanilang table hopping na may kasamang picture taking. Nakahinga ako nang maluwag kanina papaano. Kung ipagpapatuloy pa rin nina Atsi at ng kapatid nya ang kwentuhan nila, at least sila-sila na lang, hindi na maririnig pa nina Mama. Nakita kong lumapit ang driver nina Tito Miguel sa presidential table at kinakausap sya. Siguro’y nagtatanong na 'yong driver kung magpapahatid na sya sa airport. Ngayon na ring gabi na ito ang alis nya sa pagkakaalam ko. Medyo nakaramdam ako ng lungkot. Hinanap ko ng tingin
“Oh my God! Tumirik pa ako nang dahil sa ‘yo kanina!” Nahilamos nya ang mukha nya ng kanyang palad nang maalala nya ang kahihiyang dinanas ng kapogi-an nya kanina sa wedding ceremony. “Akala ko mamamatay na ‘ko, alam mo ba ‘yon?!” “Bakit sa ‘kin mo sinisisi ang pagpa-panic attack mo?! Kasalanan ko bang naka-suit ka at mainit?! Sisihin mo si Atsi, sya ang nakaisip n’yan!” mabilis pa sa alas-kwatro akong nakaisip ng rebuttal sa paninisi nya. ‘Kasalanan mo ‘yon! I was freaking shocked! Startled, confused, upset! Lahat na! Kung in-approach mo lang sana ako beforehand at least alam ko kung ano’ng i-e-expect ko!” Hindi afford ng kagandahan ko ang makipag-komprontahan. Wala naman akong naiisip na kasalanan sa kanya dahil pareho lang kaming walang alam. Pinilit kong lumusot sa gilid nya pero sa laki ng katawan nya at sa bilis nyang humarang ay nabigo ako. Hinawakan nya ang magkabilaan kong braso. “Teka, teka, teka! Saan ka pupunta? Tatakbo ka na naman ba?!? Hindi ba sabi mo kanina ma
Shüta! Ano nga bang pumasok sa isip ko at bakit ko sya hinalikan?! Oo nga pala, hindi dapat pumapatos ng kapamilya. “Sorry, Chinito. Ay este, Kuya K. Este Ahya. Ahya Knives. Hindi ko na alam kung anong itatawag ko sa ‘yo.” Nagkandalito na ako. Nasapo ko ang nag-iinit kong pisngi. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya. Tumunog ang ringtone ng cellphone ko na nasa maliit na blue drawstring pouch na nakasabit sa kamay ko. Parang nang-aasar si Yeng Constantino sa kanta nya. Natataranta akong binuksan ang pouch para sagutin ang kung sinumang tumatawag para ma-divert ko ang nararamdaman kong pagkapahiya. Si Master Seiji! “Hel—?” Narinig ko ang pag-ungot ni Knives. Bigla nyang inagaw ang cellphone sa aking kamay. “Please just call back later, thank you.” Pinatay nya ang tawag. Tumipa sya sa cellphone ko tapos narinig ko ang pag-ring ng kanyang cellphone sa bulsa nya sabay hatak nya sa akin papasok sa isang pinto na bahagyang nakabukas. Isinandal nya ako sa likod ng pin
“Dami ko palang lipstick. Hehehe! Pati suit ko, meron,” pangisi-ngisi sya habang hinuhubad nya ang suit jacket nya. Naghilamos sya sa lababo. Tinapik ko sya sa balikat, “‘Yung panty ko, sa’n mo nilagay?!” Takang-taka ako na bigla na lang nawala samantalang nakita ko palang ‘yon na inilagay nya sa gilid ko pagkahubad nya sa akin kanina. “You can go commando, wala namang makakapansin n’yan… Nagulo nang konti ang makeup mo, babe,” pinahid-pahid nya ang bahagyang kumalat na lipstick sa gilid ng aking labi at iniharap ako sa salamin tapos niyakap nya ako sa likod ko. Ngiting wagi sya ngayon. Hindi sya pinapanawan ng kanyang nakakalokong ngisi samantalang ako naman ay parang nauunsyami sa pagkabitin. “Napakaganda mo,” bulong nya sa batok ko. “So happy to see you again.” “Hmmm…” Napapikit ako nang halik-halikan nya ako sa batok. Ginagap ko ang nanigas na namang kahoy na tumutukod sa likod ko. Naisip kong magra-round two kami kasi hindi ako malubos, bitin na bitin talaga ako
“Oh, ano naman ang problema mo do’n, Kataleia?! Ganu’n din naman ‘yun eh, bakit patatagalin pa? May naipon naman siguro ‘tong si Seiji, kaya kang pakasalan kahit saang simbahan mo pa gusto,” komento ni Mama. “Ah hindi ‘Ma, sa huwes na lang muna kami. Tapos after two to three years sa simbahan na.” “Smart choice, Mr. Mendoza,” sabat ni Atsi Olivia na kadarating lang. “Good afternoon, Dad.” Hinalikan nya si Tito Miguel sa noo pati na rin kami ni Mama saka naupo sa harapan ko sa lamesa. Nakasunod sa kanya ang asawa nyang nakasuot pa ng shades na parang walang nangyari kagabi na lalong ikinagiba ng mukha ko na hindi ko na lang pinahalata. “Sukob ang kasal n’yo kung ngayong taon din na ‘to kayo ikakasal sa simbahan. Malas ’yun,” dagdag pa nya.“Pwede rin namang sa simbahan na. Hindi naman kailangan pang sumunod sa tradisyon na ‘yan. Malas ang taong naniniwala sa malas,” ani Tito Miguel.“Eh, Seiji,” nguso ko. Hindi ko naiwasang hindi magprotesta. “Hindi naman ganu’n ang sinabi ko eh.”“S
Tumayo sya sa kama at hinawakan ako sa magkabilang bewang. “Para kang Diyosa,” anas pa nya. Napahagikhik na lang ako bigla. “Oh, bakit ka natawa?” ngiti nya. Tila napakalambing naman ngayon ng tinig nya sa aking pandinig. “Kasi ‘kala ko sasabihin mo, ‘para kang multo.’” Hindi sya tumawa o ngumiti man lang. Ito ang pinakaunang pagkakataon na hindi nya sinakyan ang biro ko mula ng magkakilala kami. Naaninag ko ang kaseryosohan ng kanyang mukhang nakatitig sa akin. Binuhat nya ako papunta sa kama at marahang inihiga ako roon. Hindi nya inaalis ang tingin nya sa akin habang hinuhubad nya ang kanyang damit. Nakangiti ang kanyang mga matang kinulumpon ang mahaba at basa ko pang buhok pataas saka marahang dumapa sa ibabaw ko. At doon na nagkatotoo ang matagal na nyang hiling. Sinamba nya nang paulit-ulit ang buong katawan ko hanggang sa pumutok ang bukang-liwayway. +++++ Pinagmamasdan ko sya habang nakadapang natutulog sa tabi ko. Napakaganda ng mga tattoo nya sa likod na umaabot
“Damn, you’re so hot. Hindi ko sila masisisi kung bakit sila nababaliw sa ‘yo,” nakaririmarim ang init ng hininga nya sa tenga ko. Nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang hawakan nya ako sa aking tadyang. Inilalapit nya nang husto ang mukha nya sa mukha ko kaya tinulak ko sya nang ubod ng lakas at nagmadaling dumiretso sa bahagyang nakabukas na pinto. “Shobe? Lalabas ka na?” mahinang usal ni Atsi na nakapikit ang mga mata habang inaayos ang kanyang kumot. Napalingon ako kay Kuya Mike na hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan nya at pangisi-ngising nakatingin din sa akin. “Opo, Atsi. Nandito na si Kuya Mike, may kasama ka na,” matalim na tingin ko kay Kuya Mike. “Goodnight, Siobe. Thanks for taking care of Olivia,” ngiti nya na tila nang-aasar pa akma syang lalapit na naman kaya nagkumahog na akong lumabas ng pintuan. Mangiyak-ngiyak akong tinakbo ang papunta sa kwarto ni Orlie. Siguro naman nakauwi na ‘yun galing sa bar. Ano bang gagawin nya do’n nang mag-isa? Hind
Napakurap-kurap ako nang nakarinig ako ng mahinang lagitik. Maya-maya ay malinaw na nagsalita ang prompt ng network nya.‘The number you have dialed is not accepting calls at this time.’Laglag ang mga balikat na tin-ap kong muli ang re-dial. Baka naman napatay lang nya ang tawag o kung ano, isip-isip ko. Baka tulad ko, hindi rin nya alam kung ano ang sasabihin nya. Pero hindi naman ako ang alam nyang tumatawag, kundi si Atsi, dahil cellphone nya ito. Binigyan ko ang sarili ko ng pag-asa. Kaso sa kasamaang-palad, hindi na ito muling nag-ring pa. Isang mahaba at matining na tunog na lang aking narinig hudyat na hindi na maaari pang tawagan ang cellphone nya. Inis na inis ako. Kung cellphone ko lang ito naibalibag ko na sa bwisit ko. Hanggang ngayon sarili pa rin lang nya iniisip nya. Ultimo ang nakatatanda nyang kapatid, tinanggal na nya sa utak nya.‘Naka-move on na sya, Kat. Ganu’n talaga ‘yon, lalake eh. Para ka namang bago nang bago. Kapag umayaw ang lalake, ayaw na talaga. Kahit
“Uhm, antayin mo na lang ako sa kwarto, love. Susunod ako sa ‘yo, hihintayin ko lang si Kuya Mike na dumating para meron syang kasama rito. For sure, naglalakad-lakad lang ‘yun sa labas,” binigay ko sa kanya ang susi ng kwarto ko. “Gusto n’yo hanapin ko na lang sya?” naiilang na sinulyapan nya si Atsi. “Hindi mo makikita ang ayaw magpakita,” mahinang tugon ni Atsi habang nakatungo sa sahig. Nangingiwing iginiya ko na sya sa pintuan hanggang sa makalabas na sya na natitilihan pa, “susunod naman ako maya-maya lang. Masama ang pakiramdam kasi,” pagdadahilan ko sa kasungitan ni buntis. Pagkasarado ko ng pinto ni Atsi saka sya pumalahaw ng iyak, nataranta ako sa lakas ng atungal nya na parang napakasakit ng kalooban nya. “Atsi, h’wag kang umiyak. Makakasama ‘yan sa baby mo,” alalang-alalang niyakap ko sya. “Muntik na ‘kong dalhin ni Dad sa doktor kanina. What will I tell if he finds out?! This is out of wedlock, Kat,” hagulgol nya sa balikat ko. “I wanted to tell Knives about this.
“Seiji, anak, sige na, sa kanya ka na matutulog, ha. Baka mamaya biglang makaisip na maglakad-lakad ‘yan ng madaling-araw para sundan ‘yung bakla nyang kaibigan, at least and’yan ka para masamahan mo,” tamang parinig sa akin ni Mama pagbaling nya kay Seiji na napapakamot naman ng ulo. “Si-sige po, ‘Ma, kung gusto nya po, bakit naman hindi?” sabay tawa pa nya. “Swerte mo kasi maginoo ang mapapangasawa mo, Kataleia, kaya nga pinagtitiwalaan ko nang husto eh. Sige na magpahinga na kayo, magkita tayo bukas,” Nabaling ang atensyon namin nang dumuwal si Atsi nang malakas, nakasandal sa dingding na sapo-sapo ng isang kamay ang kanyang bibig at ang isa naman ay ang kanyang tiyan. Agad kaming lumapit ni Seiji para alalayan sya. “Nasa’n ba ang asawa mo, Olivia? Parang hindi ko nakita maghapon,” ani Tito Miguel na may iritasyon sa kanyang tinig. “Baka iba na ‘yan kung kanina ka pa nagsusuka. You need to be checked. My love, pumunta ka sa reception baka may doktor sila rito na pwedeng mag-
Pangisi-ngisi ako sa mga kaharap ko sa lamesa pero ang totoo ay kinakabahan ako. Ang isang tenga ko ay kay Atsi nakatuon na hawak-hawak pa rin ang cellphone nya at sinusubukang tawagan si Knives. Pero hanggang sa malinis ng waiter ang lamesa namin at nagsimula ang malakas na tugtog na pansayaw ng banda ay hindi talaga nya ito nakausap. “Anyare, Atsi? Wala pa rin?” ani Orlie na paindak-indak sa saliw ng tugtog ng banda. “He’s not answering.,” ibinaba nya na ang cellphone nya sa lamesa. “We haven’t talked since he left… Sa ‘yo ba, Shobe, tumawag na si Shoti?” “Hindi rin po,” kinibit ko ang balikat ko. Kahit medyo nakahinga ako nang maluwag-luwag, sa likod ng utak ko ay nagdadamdam ako. Tanggap kong galit sya sa akin at hindi na nya ako patawarin, pero ang hindi nya kausapin si Atsi na wala namang ginagawang masama sa kanya lalo na sa kalagayan nito ngayon ay sobra-sobrang pagpapakita ng katigasan ng loob nya. “Galit pa rin sa ‘kin ang kapatid ko,” nahimigan ko ang lungkot sa bose
Ibinaba ako ni Seiji sa mismong tarangkahan ng first class na bar. “Salamat,” mahinang sabi ko na nahihiya. Paano nakatingin sa amin at nakangiti ‘yung malaking lalake at dalawang babaeng sumalubong sa amin sa pintuan. “Naku, naku! Practice na ba ‘yan?” patutsada ni Orlie na nasa likod namin at kasama si Atsi. “Masama kasi ang pakiramdam nito,” napapakamot sa ulong ngiti ni Seiji. “Ako nga masama rin ang pakiramdam, nagsusuka pa nga ako kanina eh pero hindi man lang ako alalayan nitong ungas na ‘to,” ismid nya kay Orlie. “Kung nagsabi ka kasi na gusto mo palang magpabuhat edi nakahiram sana ako ng stretcher, pinabuhat na kita,” pairap-irap namang sagot ni bakla. “Naimpatso ka lang sa kakakain mo ng mangga eh, magpapabuhat ka na.” Napahalakhak kami ni Seiji sa bangayan nilang dalawa. Hindi ko rin minsan maintindihan ‘tong dalawa na ‘to. Minsan mag-boss sila mag-usap, minsan parang mag-jowa naman sila kung nag-aaway. Pareho na rin sila ng pagsasalita, napansin ko lang. Dati ang
“Eh, ‘Ma, kasi… Hindi ba parang maaga pa masyado para magpakasal? Naisip ko lang… Magsusukob ang kasal natin kung sakali—” “Hindi ka aalis!” pagalit na bulyaw nya. Hinatak nya ako sa braso at kinaladkad papunta sa elevator. “Hayaan n’yo na lang po muna ako, ‘Ma. Ayoko pa po munang magpakasal,” mariing tutol ko habang winawaksi ko ang kamay nyang kapit na kapit sa braso ko. Laking gulat ko nang pagbitaw nya ng hawak sa akin ay agad nya akong binuweluhan ng malakas na sampal sa kaliwang pisngi ko. Nagigitlang nasapo ko ang pisngi ko, muntik pang mahulog ang suot kong salamin sa lakas ng hagupit nya. Tumulo agad ang luha ko. Nilingon ko ang saglit na nanahimik na paligid. Pakiwari ko lulubog na ako sa hiya nang makitang lahat ng tao sa lobby ay nakatingin sa amin. “Ang kinabukasan mo lang ang iniisip ko, Kataleia! Wala nang nangyayari sa ‘yo sa pagtatrabaho mo. Tumatanda ka na lang pero hanggang ganyan ka pa rin. Maski para sa sarili mo wala kang napupundar. Anong gusto mo, uma