Nagitla ako sa ibinalita nya sa akin. “Bakit ako nadamay?! Hindi naman po nya ako anak eh. At saka teacher ako ‘Ma, hindi po ako negosyante.” “Baka naman may maisip pang ibang paraan si Tito Miguel mo. Pero kahit matagal pa ‘yon, hindi lang iisang taon ang gugugulin mo para matutunan ang lahat lalo na’t malayong-malayo ‘yon sa propesyon mo.” Napatanga ako sa sinabi ni Mama. Education ang kinuha kong kurso sa kolehiyo dahil gusto kong magturo at mahilig ako sa mga bata. Idol ko ang mga teacher ko noong elementary sa ginagawa nilang paglilinang ng mga murang kaisipan. Minsan naiisip kong gusto kong magkaroon ng learning center o kapag napapasarap ang pangangarap ko ay isang eskwelahan. Pero ni isang beses ay hindi sumagi sa hinagap ko ang magpatakbo ng multinational company na tulad na lang ng Rockefeller Industries. “Matagal pa naman ‘yon, napag-usapan lang ngayon dahil ngayon lang sila ulit nagkita-kita after so many years. Sinasabi ko lang ‘to sa ‘yo para handa ka sa kung a
Maaga nga dumating si Orlie, mag-a-alas-kwatro palang pinapa-ring na nya ang cellphone ko; nasa labas na raw sya ng gate. Siguro pag-out nya sa trabaho ay dumiretso na sya dito. Hinaklit ko ang tuwalyang nakasabit sa pinto sa bathroom at isinampay 'yon sa aking balikat para matago ang dibdib kong bakat na bakat sa manipis kong pantulog pagkatapos ay nagkumahog na akong lumabas ng kwarto. Kahit nagmamadali ako pinilit kong hindi makagawa ng ingay. Baka marinig ni Kuya Knives ang kaluskos ko at bigla nya akong singhalan. Gising pa nga siguro sya hanggang ngayon kasi may naririnig akong ugong ng nagsasalita sa kwarto nya. Nanonood siguro sya ng TV, o may kausap sa cellphone. Naaninag ko na agad si bakla sa may gate kaya nagtatakbo na ako, saka palang sya pinapasok ng guard nang makita ako. “Muntik ko na syang jowa-in, bakla! Ansungit, pangit naman!” patutsada ni Orlie sa gwardyang nangangamot ng ulo. Inabot nya sa akin ang plastic bag na pasalubong nya. “Pasensya na kayo, ma’a
“Alam mo beks, kapag nabulag ako kasalanan mo ha!” sita ko kay Orlie. Pa’no, pinapasma si bakla. Bahagyang nanginginig ang kamay nya habang nilalagyan nya ako ng eyeliner. “Sorry naman! Halos hindi kasi ako nakatulog eh, andami-dami kong iniisip! Tsaka kinakabahan kasi ako,” sagot nya sa akin. “Bakit ka ba kasi kinakabahan? Ikaw ba ang ikakasal?” “Basta ‘eto lang ang masasabi ko sa ‘yo ha, malinis na malinis na malinis ang konsensya ko,” inulit na naman nya ‘yung sinabi nya kanina. Mula pagkagising ko ay iyon na ang binabangit nya sa akin. “Oo, malinis na kung malinis pero kapag nasundot mo ang mata ko lagot ka talaga sa ‘kin!” tinitigan ko ang sama ng kanyang mukha, umangat ang gilid ng nguso ko sa kanya. “Sinabi ko na kasing matulog ka, hindi ka natulog!” Naiinis na rin ako sa paulit-ulit na tumatawag sa cellphone ko kaya pinapag-relax ko muna sya at para masagot ko na rin ang kanina pa tumatawag. “Mag-yosi ka nga muna! Buksan mo na lang ang bintana. Kanina pa ‘ko nang
“Hindi po ako galit, Sir Seiji. Pasensya na po kung nagmadali akong umuwi no’n. Kakausapin ko nga dapat si Miss Nori para makahingi ng pasensya sa kanya, hindi lang kasi sya pumasok no’ng Friday kaya tatawagan ko na lang po sya mamaya,” nginitian ko sya ng foolproof kong ngiti. Hihingi talaga ako kay Miss Nori ng pasensya kasi nasungitan ko sya, napakabait pa naman nya sa akin. Pero hindi kay Sir Seiji. Sa tatawa-tawang itsura nya ngayong kausap ko sya mukhang hindi naman nya kailangan ang paghingi ko ng pasensya. Namilipit si bakla na parang naiihi na sa kakasipat nya sa cellphone ko kaya inirapan ko syang muli. “Sige na po, Sir Seiji kung ‘yun lang ang sasabihin nyo. Medyo busy kasi ngayon eh.” Nahiya sya siguro kasi nakita ko ang pagkailang sa mukha nya, napakamot pa sya sa kanyang sintindo. “Okay, pasensya na ulit sa istorbo. Pwedeng, uhm, tumawag ulit mamaya kapag hindi ka na busy?” “Kung importante naman, bakit hindi?” sagot ko naman sa kanya. Nakita kong natuwa sya sa
[Knives' POV] “Almusal nyo po, ser,” I glided to the side of the pool when I saw the maid arrive with my breakfast. “Just leave it there,” nguso ko sa table sa pagitan ng dalawang bench. Ganito madalas ang ginagawa ko kapag maaga-aga ako nagigising dito sa mansyon. I take a quick swim, magsa-shower tapos kakain saka aalis na. Pero ngayon kakain muna ako bago ako gumayak. Kasal na ni Dad mamaya. Pag-alis ko hindi na ako babalik dito dahil uuwi na ako ng Manhattan. I only had a few hours of sleep. I intend to sleep early last night kasi maaga nga ako gigising ngayon, kaso naalimpungatan naman ako sa tawag ni Divine para magtanong ng flight details ko, ewan ko ba do'n. Pwede naman nyang tanungin na lang ang sekretarya kong si Edith kasi ito ang nag-book sa akin, inistorbo pa 'ko. Hindi na ako tuloy nakabalik sa pagtulog. May narinig akong lalake na dumating kaninang madaling-araw na dumiretso sa kwarto ng anak ni Tita Marisa, kaya lalong hindi na ako dinapuan ng antok. Nakir
[Kataleia's POV] “You ready, Shobe?” tanong ni Atsi nang silipin nya kami ulit ni Orlie sa kwarto. Pinaningkitan ko ng mata ang orasan na nakasabit sa dingding, parang maaga pa naman. Kinakain ko ‘yung donut na dala ni Orlie kaninang umaga. Hindi na kami lumabas ni Orlie ng kwarto kasi nilagyan nya ng nail polish ang mga kuko ko. Dito na nga rin kami nananghalian. Kanina pa sina Mama umalis, sinilip lang nya kami saglit para magpaalam na mauuna na sa hotel kung saan kami magbibihis at magpapaayos ng buhok mamaya. “Kumakain lang po,” inalok ko sya ng donut. Pumasok sya sa kwarto at kumuha ng isang donut. Kumagat lang sya ng isang beses tapos ibinalik na rin nya sa box. Mas nanghihinayang pa syang maagnas ang lipstick nya kesa sa donut na kinagatan nya. Kaya ang payat-payat nya eh. “You’ll make a bulge in your gown. Sa reception ka na kumain nang kumain,” biro nya sa akin. “May dadaanan pa tayo kasi kaya umalis na tayo ngayon. Iwan na natin ang boys dito, mauna na tayo.” +++++
“That’s fine, shobe. Maid of honor ka naman. Okay lang kahit iba ka sa mga bridesmaids. And you can never go wrong with the color white. Ang ganda-ganda nga sa ‘yo, oh!” kumbinsi nya. Okay na rin siguro ‘to. Hindi na ako pwedeng mag-inarte pa kasi late na talaga kami. Kanina pa nagpuntahan sa venue ang mga bridesmaids at groomsmen na nagsipaggayak sa kabilang kwarto. Naroroon na rin sina Tito Miguel. Ni-retouch saglit ni Orlie ang makeup namin ni Mama. Tapos nagpa-retouch din sa kanya si Atsi Olivia kaya lalo kaming natagalan. Mas makapal na nga ang makeup nya pero mas matagal pa rin syang ni-retouch ni bakla. Nakita ko ang pagpa-panic ni Mama sa mga mata nya habang tahimik kaming nakaupo at tinitingnan ang masayang kwentuhan at hagikhikan ng dalawa habang nagme-makeup-an. Pinandilatan ko si bakla nang masagasaan nya ako ng tingin kaya naka-realize ang bruha. “Atsi, okay na. Magandang-maganda ka na talaga. Kabog na lahat ng chinitang artista sa ‘yo!” pang-uuto ni Orlie kay Ats
[Knives' POV] I'm getting really bored. Kanina ko pa sinusulyap-sulyapan ang suot kong Rolex. Nalalasing na ako sa init ng panahon at sa iniinom kong brandy. Isang oras nang atrasado sa schedule ang ceremony dahil hindi pa dumarating ang bride. I make a deep groan habang tinatanggal ko ang aking puting suit jacket. “Filipino time.” My mouth drops to the floor in disgust. Nakita ko si Dad na tensed na tensed sa pagkakatayo nya malapit sa flower arch. “Sisiputin naman sya siguro, no? Kasi ilang taon na rin silang living in ni Tita Marisa eh,”sabi sa akin ni Mike na kaharap ko sa pabilog na lamesa, nakatingin din pala sya kay Dad. Pati sya napapag-isip na rin, natawa na lang ako na naiiling. May bride pa ba na gano’n ang edad na matagal-tagal nang nakikipagsiping sa kinakasama tapos biglang hindi sisipot sa kasal? Huling byahe na ito ng tren. Kapag hindi pa sya sumakay, maiiwan syang natutuyot sa terminal. Kinibit ko ang balikat ko. Pumila kami ni Mike sa tapat ng blower,
“Don’t you fucking dare,” nagngingitngit na bulong ko sa nakakaloko nyang ngisi. “Manyakis kang hayop ka.”“Woah! Matinding akusasyon ‘yan, Knives,” he laughs sarcastically. “Nagpapamasahe lang ako, manyakis na ba ‘yun agad?!”“Please, whatever you’re up to, galangin mo si Atsi at si Shobe sa loob ng bahay nila,” I mutter through my gritted teeth.“Talking about respect, Knives? I can’t believe I’d hear that from you. Alam mo, I know what you two are doing. Kung manhid ang kapatid mo, ibahin mo ako. Malakas ang pakiramdam ko sa mga ganyan, kaya wala kang matatago sa ‘kin. Catching her sneaking out of your room one too many times at the crack of dawn, I couldn’t help but wonder what exactly she was doing with you all night—bukod sa, you know, magpatirintas ng mahaba nyang buhok sa ‘yo.”I got so fucking furious. Agad na kumawala ang lumulukob na galit sa dibdib ko at umigkas nang malakas ang kamao ko sa panga nya. Napaupo sya sa sofa syang nakahawak sa baba nya sa gulat nya. “Hindi ko
[Knives’ POV] I can’t believe everything that’s happened today. The first one was how ridiculous Divine was nang umatungal sya sa akin dahil lang sa ayokong makipag-sex. Lumabas sya at inistorbo ang ibon ko sa paggawa nya ng homeworks para makipag-inuman. Nagpaalalay pa sya kay Kataleia hanggang sa kwarto pagkatapos nyang magkukuwento ng kung anu-ano. Nahulaan ko na agad ‘yun kahit hindi ko naririnig ang usapan nila, halata ko sa mukha ni Kataleia mula sa balcony kung saan ko sila pinanonood ang awkwardness na nararamdaman nya kahit na tumatawa sya. Para saan? Para kiligin si Kataleia sa pagiging ‘perfect couple’ namin? O para kaawaan sya ni Kataleia kasi wala akong kwentang asawa? Kung ang purpose nya ay para maghanap ng karamay sa disappointments nya sa buhay ay hindi lang nya alam baka sumaya pa ‘kamo ang ibon ko sa mga pinagsasabi nya dahil napatunayan ko sa kanyang totoo lahat ng mga sinasabi ko. The second was Atsi. May pagkakataon naman talagang nakikita ko syang tumat
“Ubusin mo muna ‘yan. Mamaya mo na sya ipagtimpla kapag aakyat ka na… O baka naman naiilang ka nga sa ‘kin eh kuya mo rin naman ako, ‘di ba?” tinaasan nya ako ng kilay sabay kumportableng sumandal sa sofa na nakaunat pa ang mga braso sa sandalan. Nagsisi ako bigla na naupo sa pinakagilid ng sofa, wala na tuloy akong maurungan. “Hindi po ako naiilang. Sus! Bakit naman ako maiilang?” sagot ko rin sa kanya, tinaasan ko rin sya ng kilay sabay hampas ko sa braso nya para ipakita na hindi totoo ang sinasabi nya. Ano nga ba ang dahilan ko bakit kailangan kong mailang? Hindi naman ako nakakanti ng mga malalagkit nyang tingin. Noon naman nakikipaglabanan talaga ako ng tingin sa mga lalakeng gano’n kung makatitig, kaso hindi sya iba sa akin; asawa sya ni Atsi at malaki ang paggalang ko sa kanya. Bukod sa layo ng agwat ng edad namin ay parang bata pa talaga ako kung ituring nya minsan; gaya ng turing sa akin ni Atsi at ni Knives na rin kapag nakaharap kami sa ibang tao. Hindi ko sya dapat pinag
Nasinghot ko agad ang nakakahilong tapang ng pabango nya sa kanyang damit na kaamoy ng loob ng kotse nya sa pagkakadikit ng mukha ko sa kanyang dibdib.“Watch where you’re going, little miss,” bulong ni Kuya Mike pagtingala ko, titig na titig sya sa akin na nakahawak sa mga balikat ko. Napatda ako nang ilang segundo sa gulat ko na kasunuran ko pala sya sa paglalakad. Hindi ko man lang napansin dahil lumilipad ang isip ko. Inalihan ako ng pagkailang lalo na nang dumausdos ang mga kamay nya mula sa balikat ko hanggang sa aking siko kaya napaatras ako, saka nya lang ako binitawan. “Naiilang ka ba sa ‘kin?” nakangiting tanong nya. “Hi-hindi po, kuya, sorry po. Nagulat lang ako,” napapangiting aso na sagot ko pagtungo ko saka inaayos-ayos ang salamin ko sa mata.Lalo akong naasiwa nang tumawa sya nang malakas. Sinulyapan ko ang likuran nya kasi baka nakasilip si Knives sa pintuan at makita kami, nakahinga ako nang maluwag nang nakapinid pa rin ang pinto ng kwarto nya.“Sa’n ka ba dapat
Napaka-sexy nang suot nya sa ilalim ng pula nyang satin na bathrobe. Kulay itim na negligee na may ternong itim na thong na halos pinakagitna lang ang may takip. Hulmang-hulma ang mapipintog at malalaki nyang suso na may maliliit na utong sa napakanipis na tela ng suot nya. Mas makapal pa talaga ang pantyhose na ginagamit ni Miss Nori. Nag-abala pang magdamit, sana hindi na lang!So siguro ita-try nya ngayon na akitin ang kanyang asawa, hinanap nya ang lakas ng loob nya sa alak kaya nakipag-inuman sya sa akin. Dinamay pa nya ako talaga. Napaismid ako. Sumulyap akong muli sa balcony pero wala si Knives doon.“Kat, ihatid mo naman ako sa room, please. Nahihilo na kasi ako talaga, baka hindi ako umabot sa stairs,” pakiusap nya habang ginagagap ng isang kamay ang kabilang dulo ng bathrobe para sumara itong muli. Tumayo ako sa kinauupuan ko at maingat ko syang inalalayan sa paglalakad. Mula sa pool area hanggang sa makaakyat kami ng hagdan ay magkaakbay kaming dalawa at pinagtatawanan ang
Tawa ako nang tawa sa mga nakakatuwang moments nila bilang mag-asawa. Na-i-imagine kong para silang mag-asawa sa isang TV sitcom. Um-akting akong ganyak na ganyak sa kanyang pagkukuwento pero ang totoo ay gustung-gusto ko nang tumulo ng mga luha ko sa bigat ng nararamdaman ko sa aking dibdib. Ang sakit-sakit! Iniisip ko nga kanina pa kung ano ang pwedeng kong i-alibi para makapag-walkout at maputol ang pagkukuwento nya ng mga istorya tungkol sa kanilang dalawa na kahindik-hindik sa akin. Hindi ako pwedeng magdahilan na pupunta na sa kwarto ko dahil masyado pang maaga at paniguradong hahanapin ako ni Knives, magagalit na naman ‘yun kapag nagkulong ako sa kwarto. Malaking kabastusan naman kung iiwan ko sya rito at lilipat na lang sa ibang puwesto dahil wala naman ibang available na makakakwentuhan ngayon dito sa mansyon kundi ako lang at ayoko rin namang magpaka-obvious na naaapektuhan kahit kahit tila ba may paulit-ulit na tumutusok sa puso ko kahit panay ang hagikhik ko. “Hindi sigu
[Kataleia’s POV] Kahit medyo malamok ay dito ko sa pool area piniling maupo ngayon para mabilis akong masisilip ng chinito ko mula sa balcony. Gusto kasi nya nakikita nya ako palagi. Sa katunayan nga, sa halos wala pang thirty minutes na pag-upo ko rito sa pool area ay dalawang beses na nya akong sinilip. Naglagay na lang ako ng rechargeable na electric fan sa paanan ko para hindi ubusin ng mga lamok ang mga binti ko. Binawalan nya kasi akong tumambay sa kwarto ko nang matagal kung hindi pa naman oras ng pagtulog. Lalong-lalo na kapag naririto si Seiji. Wala naman na nga raw kasi akong sakit para dalaw-dalawin ako sa mismong kwarto ko at napakaraming ibang lugar na pwedeng pagtambayan na may makakakita sa amin at sa kung anong ginagawa namin.Nagpunta nga rito si Seiji kanina, pero pinauwi ko na rin bago magtakipsilim. Parang ayaw pa nga nyang umuwi eh, napilitan na lang kasi nagdahilan akong masakit ang ulo at inaantok. Ayaw kasi ni Knives na nagpapaabot si Seiji ng gabi rito sa ba
Malakas na tili ang pumailanlang sa buong kwarto ko sa pagsadlak nya pahiga sa sahig. Tumilapon ang ilang patak ng dugo galing sa kanyang sugatan nang bibig sa carpeted flooring ng kwarto ko. “Tumayo ka kasi d’yan!” singhal ko nang malakas. “Pinatatayo ka na nga eh, ayaw mo pa!” “Tuwing uuwi ka na lang lagi mo ‘kong binubugbog! Kasalanan ko bang hindi ka mahalin ng babaeng gusto mo?! Demonyo ka kase!” nagtataas-baba ang nanginig nyang boses nang sigawan nya ako. Nagpapanting ang tenga kong nasuntok kong muli ang matabil nyang bibig kaya lalong lumakas ang hagulgol nya. Tuwing uuwi ako galing kina Kataleia ay talagang naiinis ako na hindi ko lang masabi. Gustong kong matulog do’n na katabi sya, gusto ko syang yakapin, gusto ko pa syang makasama, kaso kapag feeling ko okay na kami ay mahihimigan ko na sa kanyang kailangan ko nang umuwi. Wala akong choice; kahit pigilan ako ng ate nyang patay na patay sa akin ay sinusunod ko sya. Pag-uwi ko sa bahay ay mainit ang ulo ko at depres
[Sieji’s POV] Nalamukos ko nang matindi ang hawak kong papel habang pinagmamasdan ang kulay green na kotseng iyon na kaka-park lang sa gilid ng building sa kabilang banda ng kalsada. “Hi, love! Bakit maingay? Nasa’n ka? Sinong kasama mo?” tanong ko agad nang sagutin nya ang tawag ko. Pinilit ko ang ngiti sa aking nagdidilim na mukha para hindi mahalata ang galit ko sa aking boses. “Uhm, andito ako sa office ni Atsi. Papunta ka na ba?” Tama naman ang sinagot nya. Hindi sya nagsisinungaling. Hindi lang nya sinabi kung sino’ng kasama nya sa mga oras na ito. “Hindi pa, nandito pa ‘ko sa University. Hinihintay ko pa ‘yung ibibigay na papel ng Prof mo.” Ako ang nagsinungaling, kasi hindi naman talaga ako nagpunta sa MA class nya at kanina ko pa hawak ang papel na ibibigay ko sa kanya na hindi naman talaga galing sa Prof. Heto nga at lukot-lukot na sa mga kamay ko. “Ay sige, kasi baka gabihin ako. Kung mauna ka, please, pakibigay mo na lang sa guard ‘yung papel. Bukas ka na lang p