Share

PART 42 - NIGHT SWIMMING

Kumunot ang noo ko sa kanya sa tinuran nya. "Oh, inano ka?"

"Napagalitan kanina ni Sir Knives," nguso ni Nanay Myrna nang pumasok sya sa kusina para initin ang sabaw ng sinigang na hipon.

"Nye! Bakit?!" hindi ko inalis ang tingin ko kay Pearl na sa pakiwari ko ay kagagaling lang sa iyak tapos maiiyak na naman ngayon.

"'Yung dahil po sa prutas, hinanap po kasi nya kanina—" naputol ang kwento nya nang sumabat ulit si Nanay Myrna.

"--tapos sabi nya, wala ka pa raw kasi kaya wala pang prutas… Ang tanga eh! Hindi na lang nya sinabing, 'Sir saglit lang, nasa kusina, ipagbabalat ko po kayo,'" nangingiwi si Nanay Myrna habang kinukwento nya ang nangyari.

Gusto kong matawa, kaso iniintindi ko ang nararamdaman ni Pearl. Nangingiti ang mata kong tinitigan si Nanay Myrna na pumapalatak at nagpapailing-iling habang hinahalo ang sabaw ng sinigang.

"Masungit sya, ma'am. Hindi ko na sya kras," napasigok sya sa kakapigil nya ng luha.

"'Susko, 'kala ko nadonselya ka na d'yan!" biro ko sa kanya. “Gin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status