[Kataleia's POV] Nakaupo na ako dito sa loob ng school chapel namin, katabi ko ang tatlo kong co-teachers: si Mrs. Ressie na assistant ni Rector, si Miss Isabel na kapareho kong bago lang sa school, at si Miss Nori, ang maliit at cute na Math teacher na pinaka-close ko sa lahat. Magkakahilera kami sa mahabang upuan at nagtsi-tsismisan habang hinihintay mag-umpisa ang Thursday novena. “Para kayong mga bubuyog,” puna sa amin ni Sir Seiji nang siksikin nya ako para umusog ako sa upuan. Sabay-sabay kaming apat na nagtikom ng aming bibig at nag-ayos ng upo. Tumikwas nang bahagya ang isang gilid ng nguso ko nang palihim akong kindatan ni Miss Nori, lagi nya akong tinutukso kay Sir Seiji. Bagay na bagay raw kasi kami. Nang nag-uumpisa nang umusal ng paunang panalangin ay tumayo ako para dukutin ang rosary sa malalim kong bulsa para hindi ko masiko si Sir Seiji. Hinatak nya ako paupo. “H’wag kang tumayo, nag-s-start na eh,” nguso nya sa madre na nakaupo sa harapan namin. “‘Yung
Natawa ako sa kanya, “bakit naman nganga? Hahaha! Hindi ako nganganga, not ever! Pakialam ko ba sa kanilang dalawa.” umikot ang mata ko. "Lagi mo akong tinutukso do'n, baka mamaya may gusto ka pala," ibinalik ko sa kanya ang panunudyo. Hindi alam ni Miss Nori ang tungkol sa drawing at sa pahaging ni Sir Seiji noong nakaraang linggo, iyon kasi ang napagkasunduan naming dalawa nang bastedin ko sya. “Ikakasal na ‘ko, no! Baliw ka! Ikaw ang single pa… and ready to mingle!” hinaharot ako ni Miss Nori, tinanggal nya ang salamin ko at sinubukang suotin. Napakusot ako sa mata ko nang biglang lumabo ang paningin ko. Sinigurado ko ang paghakbang ko pababa ng sementadong hagdan ng chapel. “Oy, dalawa na agad ang kasalanan mo, huh!” “Ay potang kalabaw!” gitlang-gitlang anas ko nang may malapit na malapit na nagsalita sa likod namin. Natalisod naman bigla si Miss Nori sa gulat nya, muntik nya na akong maisama sa pagkakaluhod nya. “Oh, tatlo na! Hahaha!” nawala ang mata nya nang humalakhak sya
Bahagya akong natigilan.‘Ano ba naman kasing nangyayari sa ‘yo?!’ pinagalitan ko ang sarili ko. Ilang na ilang ako kay Sir Seiji gayong wala namang ginagawa sa aking masama iyong tao. Dati-rati naman makapal ang mukha ko kahit binasted ko na ang nanliligaw sa akin ay nagpapasundo pa rin ako. Pumina ako sa likod ng kotse nya, doon na nga lang ako mauupo sa nabuksan na nyang pinto.“Ikaw talaga, wala naman akong sakit bakit naman ilag na ilag ka sa ‘kin,” anas nya nang nagkaharap kami bago ako humakbang papasok ng sasakyan nya.+++++Mataman lang akong nakikinig sa masayang kwentuhan nina Sir Seiji at Miss Nori habang nasa daan kami. Nalaman kong wala pa palang isang taon si Sir Seiji sa eskuwelahan, akala ko matagal na sya. "Kumain muna kaya tayo? Gutom na 'ko eh," ani Sir Seiji nang matrapik kami sa stoplight. "Sige, sir, tara!" excited na sambit ni Miss Nori sa aya sa amin. "Kayo na lang ang kumain, hindi pa naman ako gutom," sagot ko naman kahit kumukulo na ang tiyan ko. Kaya
Kumunot ang noo ko sa kanya sa tinuran nya. "Oh, inano ka?" "Napagalitan kanina ni Sir Knives," nguso ni Nanay Myrna nang pumasok sya sa kusina para initin ang sabaw ng sinigang na hipon."Nye! Bakit?!" hindi ko inalis ang tingin ko kay Pearl na sa pakiwari ko ay kagagaling lang sa iyak tapos maiiyak na naman ngayon."'Yung dahil po sa prutas, hinanap po kasi nya kanina—" naputol ang kwento nya nang sumabat ulit si Nanay Myrna. "--tapos sabi nya, wala ka pa raw kasi kaya wala pang prutas… Ang tanga eh! Hindi na lang nya sinabing, 'Sir saglit lang, nasa kusina, ipagbabalat ko po kayo,'" nangingiwi si Nanay Myrna habang kinukwento nya ang nangyari. Gusto kong matawa, kaso iniintindi ko ang nararamdaman ni Pearl. Nangingiti ang mata kong tinitigan si Nanay Myrna na pumapalatak at nagpapailing-iling habang hinahalo ang sabaw ng sinigang."Masungit sya, ma'am. Hindi ko na sya kras," napasigok sya sa kakapigil nya ng luha."'Susko, 'kala ko nadonselya ka na d'yan!" biro ko sa kanya. “Gin
[Knives’ POV] “Hindi ako pwede, Atsi. Nasa malayo ako. Bukas hindi ako aalis, mag-uusap tayo… H’wag kang umiyak,” alo ko sa paghihimutok ni Atsi Olivia sa kabilang linya. Iniiyakan na naman nya ako. Napabuntung-hininga ako. Nagba-bonding daw sila sa pool ng kapatid naming hilaw, but I couldn’t care less. Pinagmamasdan ko ang dalawang nakaupo sa baba na malapit sa exit na madalas nilang pinupuwestuhan, narito na sila kaya lalong hindi pa ako pwedeng umuwi. “Sinayang mo ang bakasyon mo, imbis na makapag-get together man lang tayong magkakapatid nand’yan ka sa… Where the hell are you, anyway??! Napakaingay!” puna nya sa background noise ko. She doesn’t need to know where I am. Mahabang eksplanasyon pa ang gagawin ko, at siguradong hindi rin nya ako maiintindihan. “I gotta go, Atsi, we’ll have breakfast tomorrow, or I'll fetch you at work then we'll eat somewhere, okay?” Pinatay ko ang tawag nang hindi ko na narinig ang boses nya. I took a deep breath, binuhat ko ang basong ini
[Kataleia's POV]“Nasa malayo raw sya.” Ibinaba ni Atsi Olivia ang cellphone nya sa wooden table na katabi nya pagkatapos ay binottoms up ang wine sa kanyang wine glass. Nakita ko ang frustration sa mga mata nya, pero wala akong magawa sa kanya. Kung kilala ko lang talaga ‘yung Knives na ‘yon tinawagan ko na tapos pinagmumura ko. Nag-iisa nga lang nyang kapatid na hindi pa nya madalas makita eh hindi pa nya mapagtuunan ng pansin. Pero okay na rin ‘yon kahit hindi sya dumating. Bigla kong naalala ang iyak ni Pearl habang kinukuwento na pinagalitan nito kanina nang dahil lang sa prutas. Itinaga ko na sa bato na sa wedding day na lang kami magkikita. Parating na si Kuya Mike, naaninag ko ang pag-swerve nang mabilis ng kanyang SUV sa driveway. Tumakbo si Yvonne para salubungin sya. Tiningnan ko si Atsi, nakatingin sya sa sasakyan ng asawa pero hindi sya natinag sa pagkakasandal nya sa bench. “Atsi, si Kuya Mike dumating na,” untag ko sa kanya. “Traffic siguro,” sagot lang nya sa ak
[Olivia's POV] I quickly turn on the other side of my bed and pull the blanket up to my head the moment I hear the door squeak open. Napakatanga ko. Maaga sya dumating, kasi alam nya lasing ako. Pero kahit sumusuka man ako sa kalasingan, alam ko kung anong nangyayari sa paligid ko. Tanga lang ako, boba na nga rin siguro. Pero hindi ako manhid. Sinabihan ko sila bago dumating si Knives dito sa mansyon na h’wag naman nilang gabi-gabihin. ‘Dumating ang kapatid ko, be discreet.’ And they agreed. Nagkaroon ng control ng ilang araw. Kaso, napauwi ko nga dito si Knives pero lagi naman syang wala, so bumalik ulit sa nakasanayan na. Tinakpan ko ng unan ang ulo ko, diinan ko pa, para hindi ko marinig ang mga kaluskos at mga ungol nilang dalawa. Pero dahil aware ako, rinig ko pa rin. Iniisip ko nang bumili na lang ulit ng sleeping pills, kaso may bago akong ilalabas na fashion line ngayon for this summer. Kapag nagsi-sleeping pills ako pati sa office nakakatulog ako. I wish I co
[Kataleia's POV] “‘Nak, Kumusta ka naman, kumusta ang trabaho? Nakapag-adjust ka na ba?” malambing na tanong sa akin ni Mama habang hinihilod nya ng malambot na sponge ang likod ko. Inaya nya akong maghottub sa malaki at maganda nilang bathroom, noong nag-aaral palang ako may pagkakataong nagsasabay kaming maligo. Wala naman kaming bathtub noon, umuupo lang kami sa plastic stool sa maliit naming banyo at naghihiluran ng likod; iyon ang pinaka-bonding naming dalawa. Busy kasi sya palagi, lalo na noong dumating sa buhay nya si Tito Miguel. “Okay lang po, ‘Ma. Mababait ang co-teachers ko. May nag-drawing nga ng mukha ko, ang ganda ‘Ma!” bida ko sa kanya. “Talaga? Sino’ng nag-drawing?” “‘Yung Master Teacher po namin. Mamaya ipapakita ko sa ‘yo,” ngiti ko sa kanya habang nilalaro ang bula na umiibabaw sa paggalaw ng tubig. “Eh dito ba sa mansyon, nakapag-adjust ka na?” “Okay lang po ‘Ma, medyo malungkot lang kasi laging walang tao,” pag-amin ko sa kanya. “Makakasanayan
“Don’t you fucking dare,” nagngingitngit na bulong ko sa nakakaloko nyang ngisi. “Manyakis kang hayop ka.”“Woah! Matinding akusasyon ‘yan, Knives,” he laughs sarcastically. “Nagpapamasahe lang ako, manyakis na ba ‘yun agad?!”“Please, whatever you’re up to, galangin mo si Atsi at si Shobe sa loob ng bahay nila,” I mutter through my gritted teeth.“Talking about respect, Knives? I can’t believe I’d hear that from you. Alam mo, I know what you two are doing. Kung manhid ang kapatid mo, ibahin mo ako. Malakas ang pakiramdam ko sa mga ganyan, kaya wala kang matatago sa ‘kin. Catching her sneaking out of your room one too many times at the crack of dawn, I couldn’t help but wonder what exactly she was doing with you all night—bukod sa, you know, magpatirintas ng mahaba nyang buhok sa ‘yo.”I got so fucking furious. Agad na kumawala ang lumulukob na galit sa dibdib ko at umigkas nang malakas ang kamao ko sa panga nya. Napaupo sya sa sofa syang nakahawak sa baba nya sa gulat nya. “Hindi ko
[Knives’ POV] I can’t believe everything that’s happened today. The first one was how ridiculous Divine was nang umatungal sya sa akin dahil lang sa ayokong makipag-sex. Lumabas sya at inistorbo ang ibon ko sa paggawa nya ng homeworks para makipag-inuman. Nagpaalalay pa sya kay Kataleia hanggang sa kwarto pagkatapos nyang magkukuwento ng kung anu-ano. Nahulaan ko na agad ‘yun kahit hindi ko naririnig ang usapan nila, halata ko sa mukha ni Kataleia mula sa balcony kung saan ko sila pinanonood ang awkwardness na nararamdaman nya kahit na tumatawa sya. Para saan? Para kiligin si Kataleia sa pagiging ‘perfect couple’ namin? O para kaawaan sya ni Kataleia kasi wala akong kwentang asawa? Kung ang purpose nya ay para maghanap ng karamay sa disappointments nya sa buhay ay hindi lang nya alam baka sumaya pa ‘kamo ang ibon ko sa mga pinagsasabi nya dahil napatunayan ko sa kanyang totoo lahat ng mga sinasabi ko. The second was Atsi. May pagkakataon naman talagang nakikita ko syang tumat
“Ubusin mo muna ‘yan. Mamaya mo na sya ipagtimpla kapag aakyat ka na… O baka naman naiilang ka nga sa ‘kin eh kuya mo rin naman ako, ‘di ba?” tinaasan nya ako ng kilay sabay kumportableng sumandal sa sofa na nakaunat pa ang mga braso sa sandalan. Nagsisi ako bigla na naupo sa pinakagilid ng sofa, wala na tuloy akong maurungan. “Hindi po ako naiilang. Sus! Bakit naman ako maiilang?” sagot ko rin sa kanya, tinaasan ko rin sya ng kilay sabay hampas ko sa braso nya para ipakita na hindi totoo ang sinasabi nya. Ano nga ba ang dahilan ko bakit kailangan kong mailang? Hindi naman ako nakakanti ng mga malalagkit nyang tingin. Noon naman nakikipaglabanan talaga ako ng tingin sa mga lalakeng gano’n kung makatitig, kaso hindi sya iba sa akin; asawa sya ni Atsi at malaki ang paggalang ko sa kanya. Bukod sa layo ng agwat ng edad namin ay parang bata pa talaga ako kung ituring nya minsan; gaya ng turing sa akin ni Atsi at ni Knives na rin kapag nakaharap kami sa ibang tao. Hindi ko sya dapat pinag
Nasinghot ko agad ang nakakahilong tapang ng pabango nya sa kanyang damit na kaamoy ng loob ng kotse nya sa pagkakadikit ng mukha ko sa kanyang dibdib.“Watch where you’re going, little miss,” bulong ni Kuya Mike pagtingala ko, titig na titig sya sa akin na nakahawak sa mga balikat ko. Napatda ako nang ilang segundo sa gulat ko na kasunuran ko pala sya sa paglalakad. Hindi ko man lang napansin dahil lumilipad ang isip ko. Inalihan ako ng pagkailang lalo na nang dumausdos ang mga kamay nya mula sa balikat ko hanggang sa aking siko kaya napaatras ako, saka nya lang ako binitawan. “Naiilang ka ba sa ‘kin?” nakangiting tanong nya. “Hi-hindi po, kuya, sorry po. Nagulat lang ako,” napapangiting aso na sagot ko pagtungo ko saka inaayos-ayos ang salamin ko sa mata.Lalo akong naasiwa nang tumawa sya nang malakas. Sinulyapan ko ang likuran nya kasi baka nakasilip si Knives sa pintuan at makita kami, nakahinga ako nang maluwag nang nakapinid pa rin ang pinto ng kwarto nya.“Sa’n ka ba dapat
Napaka-sexy nang suot nya sa ilalim ng pula nyang satin na bathrobe. Kulay itim na negligee na may ternong itim na thong na halos pinakagitna lang ang may takip. Hulmang-hulma ang mapipintog at malalaki nyang suso na may maliliit na utong sa napakanipis na tela ng suot nya. Mas makapal pa talaga ang pantyhose na ginagamit ni Miss Nori. Nag-abala pang magdamit, sana hindi na lang!So siguro ita-try nya ngayon na akitin ang kanyang asawa, hinanap nya ang lakas ng loob nya sa alak kaya nakipag-inuman sya sa akin. Dinamay pa nya ako talaga. Napaismid ako. Sumulyap akong muli sa balcony pero wala si Knives doon.“Kat, ihatid mo naman ako sa room, please. Nahihilo na kasi ako talaga, baka hindi ako umabot sa stairs,” pakiusap nya habang ginagagap ng isang kamay ang kabilang dulo ng bathrobe para sumara itong muli. Tumayo ako sa kinauupuan ko at maingat ko syang inalalayan sa paglalakad. Mula sa pool area hanggang sa makaakyat kami ng hagdan ay magkaakbay kaming dalawa at pinagtatawanan ang
Tawa ako nang tawa sa mga nakakatuwang moments nila bilang mag-asawa. Na-i-imagine kong para silang mag-asawa sa isang TV sitcom. Um-akting akong ganyak na ganyak sa kanyang pagkukuwento pero ang totoo ay gustung-gusto ko nang tumulo ng mga luha ko sa bigat ng nararamdaman ko sa aking dibdib. Ang sakit-sakit! Iniisip ko nga kanina pa kung ano ang pwedeng kong i-alibi para makapag-walkout at maputol ang pagkukuwento nya ng mga istorya tungkol sa kanilang dalawa na kahindik-hindik sa akin. Hindi ako pwedeng magdahilan na pupunta na sa kwarto ko dahil masyado pang maaga at paniguradong hahanapin ako ni Knives, magagalit na naman ‘yun kapag nagkulong ako sa kwarto. Malaking kabastusan naman kung iiwan ko sya rito at lilipat na lang sa ibang puwesto dahil wala naman ibang available na makakakwentuhan ngayon dito sa mansyon kundi ako lang at ayoko rin namang magpaka-obvious na naaapektuhan kahit kahit tila ba may paulit-ulit na tumutusok sa puso ko kahit panay ang hagikhik ko. “Hindi sigu
[Kataleia’s POV] Kahit medyo malamok ay dito ko sa pool area piniling maupo ngayon para mabilis akong masisilip ng chinito ko mula sa balcony. Gusto kasi nya nakikita nya ako palagi. Sa katunayan nga, sa halos wala pang thirty minutes na pag-upo ko rito sa pool area ay dalawang beses na nya akong sinilip. Naglagay na lang ako ng rechargeable na electric fan sa paanan ko para hindi ubusin ng mga lamok ang mga binti ko. Binawalan nya kasi akong tumambay sa kwarto ko nang matagal kung hindi pa naman oras ng pagtulog. Lalong-lalo na kapag naririto si Seiji. Wala naman na nga raw kasi akong sakit para dalaw-dalawin ako sa mismong kwarto ko at napakaraming ibang lugar na pwedeng pagtambayan na may makakakita sa amin at sa kung anong ginagawa namin.Nagpunta nga rito si Seiji kanina, pero pinauwi ko na rin bago magtakipsilim. Parang ayaw pa nga nyang umuwi eh, napilitan na lang kasi nagdahilan akong masakit ang ulo at inaantok. Ayaw kasi ni Knives na nagpapaabot si Seiji ng gabi rito sa ba
Malakas na tili ang pumailanlang sa buong kwarto ko sa pagsadlak nya pahiga sa sahig. Tumilapon ang ilang patak ng dugo galing sa kanyang sugatan nang bibig sa carpeted flooring ng kwarto ko. “Tumayo ka kasi d’yan!” singhal ko nang malakas. “Pinatatayo ka na nga eh, ayaw mo pa!” “Tuwing uuwi ka na lang lagi mo ‘kong binubugbog! Kasalanan ko bang hindi ka mahalin ng babaeng gusto mo?! Demonyo ka kase!” nagtataas-baba ang nanginig nyang boses nang sigawan nya ako. Nagpapanting ang tenga kong nasuntok kong muli ang matabil nyang bibig kaya lalong lumakas ang hagulgol nya. Tuwing uuwi ako galing kina Kataleia ay talagang naiinis ako na hindi ko lang masabi. Gustong kong matulog do’n na katabi sya, gusto ko syang yakapin, gusto ko pa syang makasama, kaso kapag feeling ko okay na kami ay mahihimigan ko na sa kanyang kailangan ko nang umuwi. Wala akong choice; kahit pigilan ako ng ate nyang patay na patay sa akin ay sinusunod ko sya. Pag-uwi ko sa bahay ay mainit ang ulo ko at depres
[Sieji’s POV] Nalamukos ko nang matindi ang hawak kong papel habang pinagmamasdan ang kulay green na kotseng iyon na kaka-park lang sa gilid ng building sa kabilang banda ng kalsada. “Hi, love! Bakit maingay? Nasa’n ka? Sinong kasama mo?” tanong ko agad nang sagutin nya ang tawag ko. Pinilit ko ang ngiti sa aking nagdidilim na mukha para hindi mahalata ang galit ko sa aking boses. “Uhm, andito ako sa office ni Atsi. Papunta ka na ba?” Tama naman ang sinagot nya. Hindi sya nagsisinungaling. Hindi lang nya sinabi kung sino’ng kasama nya sa mga oras na ito. “Hindi pa, nandito pa ‘ko sa University. Hinihintay ko pa ‘yung ibibigay na papel ng Prof mo.” Ako ang nagsinungaling, kasi hindi naman talaga ako nagpunta sa MA class nya at kanina ko pa hawak ang papel na ibibigay ko sa kanya na hindi naman talaga galing sa Prof. Heto nga at lukot-lukot na sa mga kamay ko. “Ay sige, kasi baka gabihin ako. Kung mauna ka, please, pakibigay mo na lang sa guard ‘yung papel. Bukas ka na lang p