“Ano ba ‘tong folder mo, sir?! Pinagti-trip-an mo ba ‘ko??!” nababanas na tanong ko kay Sir Seiji. Tinawagan ko sya agad sa cellphone pagkauwing-pagkauwi ko. Kokomprontahin ko na sana sya sa school kanina bago ako umuwi kaso bigla naman syang nawala. Hawak ko ang folder nya na may drawing ng mukha ko. Wala naman akong itulak-kabigin sa galing nya sa pagguhit gamit ang lapis, kuhang-kuha nya ang lahat ng detalye ng kagandahan ko. Talentado rin pala ang ugok. Nakumbinsi nya ako. “Gumawa naman talaga ako ng evaluation mo, hindi ka ba naniniwala sa sinabi ni Rector kanina?! Gusto mo ipakita ko pa sa ‘yo ang sheet mo?!? Tsaka sa ‘kin ‘yang drawing na ‘yan eh, binigay pala sa ‘yo ni Rector. Isoli mo 'yan sa ‘kin sa Linggo!” parang naiinis pa sya sa tono ng pagsasalita nya. “Ayoko nga! Mabuti sana kung mukha mo ‘to, eh mukha ko ‘to eh!” pakli ko naman. Kung naiinis sya, mas naiinis ako. Narinig ko ang lutong ng tawa nya. “Magaling akong mag-drawing no? Kuhang-kuha ko, ‘di ba? Ibalik
Nahiga ako sa kama ko habang tinititigan ang drawing ni Sir Seiji. Naisip ko, wala namang masama kung makipag-date ako sa kanya. Mayroon nga kaming co-teachers na mag-asawa. So, hindi naman talaga iyon problema. Mabait naman si Sir Seiji. Single, may sense of humor, matalino at higit sa lahat, may itsura. Pero parang ang unfair naman kung makikipag-date ako sya dahil lang frustrated ako sa isa pang singkit na napadaan lang sa buhay ko. Hanggang ngayon hindi pa naaalis sa isip ko si Chinito. Nai -imagine ko pa rin ang sarap ng titig at mga halik nya. Pati na ang nakakatunaw nyang mga ngiti. Dalawang beses lang kaming nagkita pero pakiramdam ko matagal ko na syang kakilala. Ibang-iba ang kuneksyon namin sa isa't isa. Nakaramdam ako bigla ng lungkot, nami-miss ko na sya. Noong huling magkasama kami ay may naramdaman akong hindi ko pa na-experience sa ibang nakasama ko na. Hindi ko lang alam kung ano iyon pero pakiwari ko ay may nabago sa akin mula noong nakilala ko sya. Nababal
[Seiji’s POV] My throat grunts habang binababa ko ang dalawang tig-twenty kilos na dumbbell sa isang gilid ng aking kwarto. Nararamdaman ko ang tension sa biceps at triceps ko sa pagha-hammer curl ng may twenty reps. It feels nice na pagpawisan sa exercise at the same time ay nabi-build ang aking forearms at grip strength ng mga braso ko. I chug on the green juice that I prepared bago ako mag-workout. It is composed of kale, celery, cucumber, and ah, whatever the name those green leaves na nasa vegetable rack sa kusina. Mapakla sa dila pero nakasanayan ko na ang lasa. Pinagmamasdan ko ang life-size painting na tatlong araw kong pinagpuyatan. I am deeply satisfied with my work. Kamukhang-kamukha talaga ni Miss Kat, natutuwa ako. Lahat ng features nya ay naipinta ko sa tulong lang ng pagkakatanda ko sa detalye ng mukha nya. Ang noo, ilong, tenga, ang mapupungay nyang mga mata at ang magandang kurba ng bibig nya ay kuhang-kuha ko, pati na rin ang mga tutsang ng buhok na lumulugay sa
[Knives' POV] “Where is it?” “S-ser?” tanong sa akin ng babaeng may maiksing buhok na naghandog sa akin ng kape ko pagkaupo ko rito sa comedor. Dilat na dilat ang mata nyang nakatingin sa akin. “Where are my fruits? ‘Yung sliced?” “Eh s-ser, hi-hindi pa po kasi nakakauwi si Ma’am Kataleia kaya a-ano po, wala pa po.” Nagsalubong ang kilay ko pagtingala ko sa kanya. “Huh?” “Wa-wala pa po si a-ano, Ma’am Katale, uhm, Ma’am Kataleia po,” mahina ang nagkakandautal na pagsasalita nya nang inulit nya ang sagot nya sa akin. “Bakit? Dala ba nya ang mga prutas? O bibili palang sya?” napapaawang ang bibig ko. Hindi ko makuha ang ibig nyang sabihin. “Hi-hindi po, ser. N-nasa ref po. Sya kasi ang nag-aayos no’n, ser—” I glare at her stupid face, “So, you mean, hihintayin ko si Kataleia dumating bago nyo ako bigyan ng prutas?!” Naghintay ako ng rebutt nya pero hindi na sya nakasagot. Lalo lang syang napatanga sa akin. Tinatawag sya ng isa pang maid na may edad na sa kusi
[Kataleia's POV] Nakaupo na ako dito sa loob ng school chapel namin, katabi ko ang tatlo kong co-teachers: si Mrs. Ressie na assistant ni Rector, si Miss Isabel na kapareho kong bago lang sa school, at si Miss Nori, ang maliit at cute na Math teacher na pinaka-close ko sa lahat. Magkakahilera kami sa mahabang upuan at nagtsi-tsismisan habang hinihintay mag-umpisa ang Thursday novena. “Para kayong mga bubuyog,” puna sa amin ni Sir Seiji nang siksikin nya ako para umusog ako sa upuan. Sabay-sabay kaming apat na nagtikom ng aming bibig at nag-ayos ng upo. Tumikwas nang bahagya ang isang gilid ng nguso ko nang palihim akong kindatan ni Miss Nori, lagi nya akong tinutukso kay Sir Seiji. Bagay na bagay raw kasi kami. Nang nag-uumpisa nang umusal ng paunang panalangin ay tumayo ako para dukutin ang rosary sa malalim kong bulsa para hindi ko masiko si Sir Seiji. Hinatak nya ako paupo. “H’wag kang tumayo, nag-s-start na eh,” nguso nya sa madre na nakaupo sa harapan namin. “‘Yung
Natawa ako sa kanya, “bakit naman nganga? Hahaha! Hindi ako nganganga, not ever! Pakialam ko ba sa kanilang dalawa.” umikot ang mata ko. "Lagi mo akong tinutukso do'n, baka mamaya may gusto ka pala," ibinalik ko sa kanya ang panunudyo. Hindi alam ni Miss Nori ang tungkol sa drawing at sa pahaging ni Sir Seiji noong nakaraang linggo, iyon kasi ang napagkasunduan naming dalawa nang bastedin ko sya. “Ikakasal na ‘ko, no! Baliw ka! Ikaw ang single pa… and ready to mingle!” hinaharot ako ni Miss Nori, tinanggal nya ang salamin ko at sinubukang suotin. Napakusot ako sa mata ko nang biglang lumabo ang paningin ko. Sinigurado ko ang paghakbang ko pababa ng sementadong hagdan ng chapel. “Oy, dalawa na agad ang kasalanan mo, huh!” “Ay potang kalabaw!” gitlang-gitlang anas ko nang may malapit na malapit na nagsalita sa likod namin. Natalisod naman bigla si Miss Nori sa gulat nya, muntik nya na akong maisama sa pagkakaluhod nya. “Oh, tatlo na! Hahaha!” nawala ang mata nya nang humalakhak sya
Bahagya akong natigilan.‘Ano ba naman kasing nangyayari sa ‘yo?!’ pinagalitan ko ang sarili ko. Ilang na ilang ako kay Sir Seiji gayong wala namang ginagawa sa aking masama iyong tao. Dati-rati naman makapal ang mukha ko kahit binasted ko na ang nanliligaw sa akin ay nagpapasundo pa rin ako. Pumina ako sa likod ng kotse nya, doon na nga lang ako mauupo sa nabuksan na nyang pinto.“Ikaw talaga, wala naman akong sakit bakit naman ilag na ilag ka sa ‘kin,” anas nya nang nagkaharap kami bago ako humakbang papasok ng sasakyan nya.+++++Mataman lang akong nakikinig sa masayang kwentuhan nina Sir Seiji at Miss Nori habang nasa daan kami. Nalaman kong wala pa palang isang taon si Sir Seiji sa eskuwelahan, akala ko matagal na sya. "Kumain muna kaya tayo? Gutom na 'ko eh," ani Sir Seiji nang matrapik kami sa stoplight. "Sige, sir, tara!" excited na sambit ni Miss Nori sa aya sa amin. "Kayo na lang ang kumain, hindi pa naman ako gutom," sagot ko naman kahit kumukulo na ang tiyan ko. Kaya
Kumunot ang noo ko sa kanya sa tinuran nya. "Oh, inano ka?" "Napagalitan kanina ni Sir Knives," nguso ni Nanay Myrna nang pumasok sya sa kusina para initin ang sabaw ng sinigang na hipon."Nye! Bakit?!" hindi ko inalis ang tingin ko kay Pearl na sa pakiwari ko ay kagagaling lang sa iyak tapos maiiyak na naman ngayon."'Yung dahil po sa prutas, hinanap po kasi nya kanina—" naputol ang kwento nya nang sumabat ulit si Nanay Myrna. "--tapos sabi nya, wala ka pa raw kasi kaya wala pang prutas… Ang tanga eh! Hindi na lang nya sinabing, 'Sir saglit lang, nasa kusina, ipagbabalat ko po kayo,'" nangingiwi si Nanay Myrna habang kinukwento nya ang nangyari. Gusto kong matawa, kaso iniintindi ko ang nararamdaman ni Pearl. Nangingiti ang mata kong tinitigan si Nanay Myrna na pumapalatak at nagpapailing-iling habang hinahalo ang sabaw ng sinigang."Masungit sya, ma'am. Hindi ko na sya kras," napasigok sya sa kakapigil nya ng luha."'Susko, 'kala ko nadonselya ka na d'yan!" biro ko sa kanya. “Gin
Pinagmamasdan ko ang mga microwavable tubs na pinahatid ni Mama sa driver ng mansyon dito kanina. Buti hindi sya nagalit noong tumawag si Seiji para magpaalam na hindi na kami tutuloy sa dinner ngayon, hindi naman kasi sya nagagalit kay Seiji kahit na anong sabihin nito. Pero kung ako ‘yung tumawag malamang sa natulig na naman ang aking tenga sa sermon nya.“I will reheat all of this so you can eat it warm, madame,” ani Mamancona na isinasalansan ang mga tub sa isa nyang braso. “Seiji is upstairs. He will join you later after he finishes the meeting.”“Yes, please. Thanks, Mamancona,” ngiti ko sa kanya. Napatingin ako sa hagdan paakyat ng third floor. Pagdating na pagdating namin dito sa bahay, dumiretso na sya agad sa taas; ni hindi nga nya naiparada nang maayos ang kanyang sasakyan. Maski si Veronica na iniwan namin sa ospital ay hindi pa rin dumarating. Napakatagal naman ng meeting na iyon ni Seiji. Nakatapos na akong kumain at nakapagpalit na ng damit-pantulog pero hindi pa rin
I smiled and gently touched Kataleia’s knees para magpaalam na lalabas ako para sagutin ang tumatawag. She just gave me a nod at nagbaling muli ng tingin kay Veronica na nangingiwi habang nilalapatan ng lunas ang sugat sa noo. “Ii shiai datta ne, Oyabun. Nani ga atta ka wakannai kedo, shiai mite nakatta n da yo ne, (It was a good match, Boss. I don’t know what happened; I wasn’t watching the fight,)” mahinang sagot habang nilalakad ko ang palabas ng ER. “Our friends are not happy with the result, and so am I. Losing that huge amount of money to a useless fight is so frustrating. You disappointed me for the second time, Shateigashira.” Yasou sounded calm, yet there was no mistaking the fury beneath his measured tone. “I sincerely apologize. I wasn’t expecting that, too. It won’t happen again, Oyabun. I assure you. ” “Where were you? I was calling you, but you seem to always disappear when you are needed.” "I'm just taking care of a few things, Oyabun. I’m sorry, I was about to
Tumahimik ang paligid ng ilang segundo na tila napakatagal para sa akin, hanggang sa sinagot na rin nya ang tanong ni Kataleia. “Uhm, oo, nauntog. Nauntog ako. Hindi ko kasi nakita… Madilim dito,” napakahinang bulong ni Veronica na halos hindi bumuka ang mga namamaga nang labi. Para akong nabunutan nang malaking tinik sa lalamunan. “See? Nauntog. Nagulat na nga lang ako pag-akyat ko dito umiiyak na sya eh. Hay naku! Ipapalipat ko na nga 'yang pasong ‘yan, laging na lang may nadidisgrasya rito,” natatawa na naiiling ako. Daig ko pang nakapasa sa bar exams nang maibsan ang kaba ko. “Magpahinga ka na Veronica. Ipapasunod ko na lang sa kwarto mo ang first aid kit... ‘Lika na, love.” yakag ko sa kanya. “Gutom na ‘ko, baka hindi pa sila kumakain kakahintay sa ‘tin,” Hinawakan ko syang muli sa braso pero tinapik nya nang malakas ang aking braso. “Hindi pwede! Anong first aid kit?! Kelangan ‘tong matahi,” although may pagpa-panic, marahan nyang sinapo ng panyo ang tumulong dugo sa pisngi ni
“Hindi ba sinabi kong h’wag mong aalisin ang tingin mo sa kanya?!” gumaralgal ang boses ko sa lakas ng aking hiyaw. “Napakawala mong silbi!” “Pa-pasensya na, Boss. A-aalis na po ako nga-ngayon— hahanapin ko si Madame,” nagkakandautal sya sa takot sa nag-aapoy kong titig. Tumalikod sya sa akin at akmang lalayasan ako kaya hinablot ko ang maiksi nyang blonde na buhok, hinatak ko ‘yun at naglakad patungo sa bahay. Hanggang sa napahiga sya sa semento ay hindi ko binitawan ang buhok nya at nagpatuloy sa bilis ng paglalakad. Dumidilim ang utak ko sa nagpupuyos kong galit. Hindi ko na naririnig ang mga matitinis nyang tili sa sakit na dulot ng pagkakakaladkad ko sa kanya paakyat sa hagdan patungo sa ikatlong palapag. “Saan sya nagpunta??!” nanggagalaiting hiyaw ko pagbalibag ko sa maliit nyang katawan sa gilid ng sofa, nauntog pa sya sa matulis na gilid ng kwadradong paso ng halaman kaya dumugo ang malapit sa kanyang kilay . “Nasampal na kita kanina bago kayo umalis, ‘di ba? Hindi ka p
Ilegal ang mga laban sa aking flight club. Mga puganteng kriminal ang aking mga manlalaro—mga itinakwil ng batas at itinulak sa aking teritoryo. Walang anunsyo sa TV o radyo, walang media, walang permit. Isa lang ang batas dito: lumaban hanggang sa huling hininga. Ang gantimpala? Kalayaan para sa nag-iisang mabubuhay na higit pang mahalaga kesa sa pera. At tanging mga high-definition na kamerang nakakonekta sa bahay ni Yasou at ng ilan pang kasapi ng pamilya ang tahimik na nagmamasid sa bawat laban. Sa aming pamilya, death boxing is a sport— a tradition. A challenge of courage. The definition of honor. Isang tournament kung saan ang bawat igkas ay hindi lang pagsubok ng lakas, kundi pati na rin ng tapang at paninindigan. Dito, ang bawat manlalarong nasa loob ng ring ay hindi lumalaban para lang manalo, kundi para patunayan ang kanilang sarili at para sa kanilang kasarinlan. Sa ring na ito, hindi sapat ang bilis ng kamao o tigas ng katawan. Kailangan ng tibay ng loob, dahil ang bawa
[Seiji’s POV] “Aniki! Faito Kurabu o katte ni shimeru nante arienai! Koko de sore ga wakattara, watashitachi no pātonā ga dore dake okoru ka wakatteru no ka!? (Older brother! You can’t just close the fight club like that! Do you know how frustrated our family will get?!) “Kore wa watashi no bijinesu da. Shimeru ka dou ka wa watashi no jiyuu da. (This is my business. Whether I close it or not is my choice.)” mahinanong tugon ko sa kausap ko sa malaking monitor. Bumuntung-hininga ako at hinila ang aking buong bigat sa nakalaglag na lubid. I can feel my muscles flexing with each pull. “No, we cannot do that. The cards have already been laid out, and it is not possible to return their money so easily. That is not how things are done!” Gumusot pang lalo kulubot nyang mukha sa galit nya nang ibalita ko sa kanya na isasarado ko na ang club na matagal kong pinagyaman. Kanina pa nya ako sinisermunan. Paulit-ulit na ang pagpapaliwanag ko, mapa-English, Tagalog, o Nihongo, wala syang mai
Nang makahuma ako sa pagkagitla ay lumabas ako ng kotse. Lumakad pa ako ng may ilang metro para habulin ng tingin ang kumakaripas na motor. Napakabilis nyang nakalayo, gatuldok na lang sya sa aking paningin na nagpapasingit-singit sa trapik. Syet! Sya ba ‘yun??! Napakapit ako banda sa aking dibdib para pigilan ang pagwawala ng puso ko. Natutulala sa kawalang nakatayo lang ako sa gitna ng kalsada sa ilalim ng malakas na ulan. Maya-maya narinig kong sumigaw ang pasahero ko pagbaba nya ng bintana. “Hoy praning! Hindi mo ba nararamdamang umuulan?!” “Ang tanga mo naman! Ginitgit ka na nga, hinabol mo pa. Isusumbong talaga kita kay Boss. Kung nagasgasan lang 'tong kotse pati ako yari kay Boss! Hindi ka nag-iisip...” naiinis na turan nya pagbalik ko sa kotse na tila basang sisiw sa pagkakaligo ko sa ulan. Halos bumula ang kanyang bibig sa kung anu-anong pinagsasabi nyang hindi ko na inintindi. Tahimik at nangangaligkig sa lamig na ipinagpatuloy ko ang pagtahak ko sa daan habang na
“Kung dudang-duda ka, edi tawagan mo. Tawagan mo si Boss, tanungin mo. Ngayon na, hangga’t nandito pa tayo kasi baka nga naman mali ako.” Nagngingitngit ang loob kong dinampot ko ang aking cellphone. Tatanungin ko talaga si Seiji. Sasabihin ko na ring ihahatid ko na ang bruhang ito kung saan pa ito pwedeng tumira bukod sa bahay namin kesa maibusal ko sa matabil nyang bibig ang cellphone at kamao ko. “Ni isang beses hindi pa ako nagkamali sa utos sa ‘kin. Sinu-sure ko lahat ‘yun. Bawal akong magkamali. Kung nagkamali na ako noon edi sana matagal na sana akong patay! Bente-dos lang ako, wala akong pinag-aralan pero hindi naman ako gano’n katanga.” “May galit ka ba sa ‘kin?!” hindi ko na talaga natiis at kinompronta ko na sya. “Kung makapagsalita ka parang kilalang-kilala mo na ‘ko eh. Wala akong ginawang masama sa ‘yo para sagut-sagutin mo ‘ko ng ganyan!” “Wala ka ngang ginagawang masama, pero lalo lang bumigat ang buhay ko mula noong dumating ka!” malakas na singhal nya sabay du
“Ikaw ha, inano mo?” kagyat kong hinampas si Seiji sa braso bago sumakay sa bagong bili nyang kulay pulang sedan. Natatawang ikinibit nya ang kanyang balikat sa pagmamaang-maangan nya. “Wala akong ginawa, ano?” Bumunghalit sya ng tawa sa pagpapalatak ko na nagpapailing-iling. “Abnormal ka ba? Tawa ka nang tawa?!” dagli akong nainis sa OA nyang tawa. Nagi-guilty na nga ako sa pag-atungal ni Veronica, tinatawanan pa ako. “Hindi ako abnormal, love. Ang abnormal eh ‘yung paalis na lang, nagagalit pa… Hay nako! Teka nga pala,” dumukot sya sa kanyang bulsa ng kanyang shorts at iniabot sa akin ang kumpol ng pera na naka-rubber band. “Tapos bumili ka na rin ng gamit mo, love. Kumain na rin muna kayo ng gusto n'yo bago kayo umuwi.” “Oh, may pang-grocery na ako, ‘di ba? Baka wala ka nang pera d’yan?” “Meron akong tinabi dito panggasolina ko. Kung may matitira ka pa, ilagay mo sa ipon mo para sa baby natin... Lumakad na kayo, love. Maaabutan n’yo na ang trapik sa daan kapag hindi pa kayo u