Lumampas ako ng baba ng jeep, paano’y iniisip ko na ang mga lesson para bukas. Mag-o-observe si Sir Seiji, kailangan kong magpakitang gilas. Sabi ng mga co-teachers ko mabait si Sir Seiji pero wala syang kagatol-gatol magsabi ng harsh feedback kapag may nakitang mali sa paraan ng pagtuturo. Do’n ako medyo nate-tensyon kasi baka makarinig ako nang hindi maganda mula sa kanya dahil sa tono nya kanina ay na-offend ko sya kahit wala naman akong ginawa.“Dapat may service ka na. Gamitin mo ang isang kotse ni Dad, ang bigat pa naman ng dala mo. Araw-araw ba lagi kang may bitbit na ganyan kabigat?” “Okay lang po ako mag-commute, Kuya. Hindi naman ako madalas may uwing mabigat. Kapag ano lang, may kailangan pong tapusin.” “Ah I see, bukas dadalhin mo ba ulit ‘yan? Kung gusto mo, ida-drop na lang kita sa school bago ako pumunta ng store bukas.”“Sige po, kung hindi naman nakakaabala,” nangiti ako. Kahit ilang na ilang ako ay pumayag ako. Masakit rin sa balikat ang magbitbit ng forty na malal
“Mga five po or six ng gabi pa ang bangon nya, ma’am,” sagot sa akin ni Yvonne, kasing-edad ko lang sya, pati na rin si Pearl. Tama ang hula ko. Tiningnan nya ang ginawa ko sa mga prutas, ngumiti sya sa akin. “Uhm, maganda po ang ginawa ninyo, pero hindi po kumakain si Sir ng prutas.” “Kakain sya nito kasi maganda ang pagkakagawa ko,” kumbinsi ko sa kanya. “Kapag hindi nya kinain ako na lang po ulit ang uubos.” Masaya ang kwentuhan namin ng tatlong kasambahay ni Tito Miguel. Marami akong nalamang ka-tsismisan. Nakwento rin nila na may pagka-masungit nga raw si Kuya Knives at tahimik. Tanging si Atsi lang daw ang kinakausap. Mayroon silang labandera na tinatawag tuwing araw ng Sabado para maglaba at mamalantsa ng damit, dinadamay ng labandera ang mga damit ni Kuya Knives pero sya ang mismong namamalantsa. Sya rin daw ang naglilinis ng sarili nyang kwarto kasi ayaw raw ng may pumapasok na iba. Tila diskumpyado raw sa lahat ng tao kung makatingin. Wala pa raw sa kanilang nakakitang
Palabas na ako ng kwarto nang makita ko si Kuya Mike na nakatayo sa may hagdan. Ihahatid nga pala nya ako sa school ngayon. “Are you ready? Let’s go,” ngiti nya sa akin. Kinuha nya ang dala kong ecobag na may mga notebooks na bitbit ko rin kahapon at sinundan sya sa pagbaba ng hagdan hanggang sa SUV nya. Nang makarating kami sa parking lot ng eskwelahan ay sinamahan pa nya ako hanggang sa faculty room, bitbit-bitbit ang ecobag. “Salamat, Kuya, baka ma-late ka na.” “Okay lang, hawak ko ang oras ko,” ngumiti sya sa akin. Bahagyang pinagpawisan si Kuya Mike sa layo ng nilakad nya bitbit ang mabigat na dalahin. “Kunin mo ang number ko para masusundo kita in case may dala ka ulit na mabigat.” Tinanaw ko sya habang naglalakad sya pabalik sa parking lot kung saan nya ipinarada ang dark gray nyang SUV. Nangiti ako. Masarap din pala na mayroong kuya na nag-aalala. Isip-isip ko. +++++ Dalawang araw ngang naki-sit in sa mga klase ko si Sir Seiji. Napakasipag nyang Master Teacher
“Ano ba ‘tong folder mo, sir?! Pinagti-trip-an mo ba ‘ko??!” nababanas na tanong ko kay Sir Seiji. Tinawagan ko sya agad sa cellphone pagkauwing-pagkauwi ko. Kokomprontahin ko na sana sya sa school kanina bago ako umuwi kaso bigla naman syang nawala. Hawak ko ang folder nya na may drawing ng mukha ko. Wala naman akong itulak-kabigin sa galing nya sa pagguhit gamit ang lapis, kuhang-kuha nya ang lahat ng detalye ng kagandahan ko. Talentado rin pala ang ugok. Nakumbinsi nya ako. “Gumawa naman talaga ako ng evaluation mo, hindi ka ba naniniwala sa sinabi ni Rector kanina?! Gusto mo ipakita ko pa sa ‘yo ang sheet mo?!? Tsaka sa ‘kin ‘yang drawing na ‘yan eh, binigay pala sa ‘yo ni Rector. Isoli mo 'yan sa ‘kin sa Linggo!” parang naiinis pa sya sa tono ng pagsasalita nya. “Ayoko nga! Mabuti sana kung mukha mo ‘to, eh mukha ko ‘to eh!” pakli ko naman. Kung naiinis sya, mas naiinis ako. Narinig ko ang lutong ng tawa nya. “Magaling akong mag-drawing no? Kuhang-kuha ko, ‘di ba? Ibalik
Nahiga ako sa kama ko habang tinititigan ang drawing ni Sir Seiji. Naisip ko, wala namang masama kung makipag-date ako sa kanya. Mayroon nga kaming co-teachers na mag-asawa. So, hindi naman talaga iyon problema. Mabait naman si Sir Seiji. Single, may sense of humor, matalino at higit sa lahat, may itsura. Pero parang ang unfair naman kung makikipag-date ako sya dahil lang frustrated ako sa isa pang singkit na napadaan lang sa buhay ko. Hanggang ngayon hindi pa naaalis sa isip ko si Chinito. Nai -imagine ko pa rin ang sarap ng titig at mga halik nya. Pati na ang nakakatunaw nyang mga ngiti. Dalawang beses lang kaming nagkita pero pakiramdam ko matagal ko na syang kakilala. Ibang-iba ang kuneksyon namin sa isa't isa. Nakaramdam ako bigla ng lungkot, nami-miss ko na sya. Noong huling magkasama kami ay may naramdaman akong hindi ko pa na-experience sa ibang nakasama ko na. Hindi ko lang alam kung ano iyon pero pakiwari ko ay may nabago sa akin mula noong nakilala ko sya. Nababal
[Seiji’s POV] My throat grunts habang binababa ko ang dalawang tig-twenty kilos na dumbbell sa isang gilid ng aking kwarto. Nararamdaman ko ang tension sa biceps at triceps ko sa pagha-hammer curl ng may twenty reps. It feels nice na pagpawisan sa exercise at the same time ay nabi-build ang aking forearms at grip strength ng mga braso ko. I chug on the green juice that I prepared bago ako mag-workout. It is composed of kale, celery, cucumber, and ah, whatever the name those green leaves na nasa vegetable rack sa kusina. Mapakla sa dila pero nakasanayan ko na ang lasa. Pinagmamasdan ko ang life-size painting na tatlong araw kong pinagpuyatan. I am deeply satisfied with my work. Kamukhang-kamukha talaga ni Miss Kat, natutuwa ako. Lahat ng features nya ay naipinta ko sa tulong lang ng pagkakatanda ko sa detalye ng mukha nya. Ang noo, ilong, tenga, ang mapupungay nyang mga mata at ang magandang kurba ng bibig nya ay kuhang-kuha ko, pati na rin ang mga tutsang ng buhok na lumulugay sa
[Knives' POV] “Where is it?” “S-ser?” tanong sa akin ng babaeng may maiksing buhok na naghandog sa akin ng kape ko pagkaupo ko rito sa comedor. Dilat na dilat ang mata nyang nakatingin sa akin. “Where are my fruits? ‘Yung sliced?” “Eh s-ser, hi-hindi pa po kasi nakakauwi si Ma’am Kataleia kaya a-ano po, wala pa po.” Nagsalubong ang kilay ko pagtingala ko sa kanya. “Huh?” “Wa-wala pa po si a-ano, Ma’am Katale, uhm, Ma’am Kataleia po,” mahina ang nagkakandautal na pagsasalita nya nang inulit nya ang sagot nya sa akin. “Bakit? Dala ba nya ang mga prutas? O bibili palang sya?” napapaawang ang bibig ko. Hindi ko makuha ang ibig nyang sabihin. “Hi-hindi po, ser. N-nasa ref po. Sya kasi ang nag-aayos no’n, ser—” I glare at her stupid face, “So, you mean, hihintayin ko si Kataleia dumating bago nyo ako bigyan ng prutas?!” Naghintay ako ng rebutt nya pero hindi na sya nakasagot. Lalo lang syang napatanga sa akin. Tinatawag sya ng isa pang maid na may edad na sa kusi
[Kataleia's POV] Nakaupo na ako dito sa loob ng school chapel namin, katabi ko ang tatlo kong co-teachers: si Mrs. Ressie na assistant ni Rector, si Miss Isabel na kapareho kong bago lang sa school, at si Miss Nori, ang maliit at cute na Math teacher na pinaka-close ko sa lahat. Magkakahilera kami sa mahabang upuan at nagtsi-tsismisan habang hinihintay mag-umpisa ang Thursday novena. “Para kayong mga bubuyog,” puna sa amin ni Sir Seiji nang siksikin nya ako para umusog ako sa upuan. Sabay-sabay kaming apat na nagtikom ng aming bibig at nag-ayos ng upo. Tumikwas nang bahagya ang isang gilid ng nguso ko nang palihim akong kindatan ni Miss Nori, lagi nya akong tinutukso kay Sir Seiji. Bagay na bagay raw kasi kami. Nang nag-uumpisa nang umusal ng paunang panalangin ay tumayo ako para dukutin ang rosary sa malalim kong bulsa para hindi ko masiko si Sir Seiji. Hinatak nya ako paupo. “H’wag kang tumayo, nag-s-start na eh,” nguso nya sa madre na nakaupo sa harapan namin. “‘Yung
“Oh, ano naman ang problema mo do’n, Kataleia?! Ganu’n din naman ‘yun eh, bakit patatagalin pa? May naipon naman siguro ‘tong si Seiji, kaya kang pakasalan kahit saang simbahan mo pa gusto,” komento ni Mama. “Ah hindi ‘Ma, sa huwes na lang muna kami. Tapos after two to three years sa simbahan na.” “Smart choice, Mr. Mendoza,” sabat ni Atsi Olivia na kadarating lang. “Good afternoon, Dad.” Hinalikan nya si Tito Miguel sa noo pati na rin kami ni Mama saka naupo sa harapan ko sa lamesa. Nakasunod sa kanya ang asawa nyang nakasuot pa ng shades na parang walang nangyari kagabi na lalong ikinagiba ng mukha ko na hindi ko na lang pinahalata. “Sukob ang kasal n’yo kung ngayong taon din na ‘to kayo ikakasal sa simbahan. Malas ’yun,” dagdag pa nya.“Pwede rin namang sa simbahan na. Hindi naman kailangan pang sumunod sa tradisyon na ‘yan. Malas ang taong naniniwala sa malas,” ani Tito Miguel.“Eh, Seiji,” nguso ko. Hindi ko naiwasang hindi magprotesta. “Hindi naman ganu’n ang sinabi ko eh.”“S
Tumayo sya sa kama at hinawakan ako sa magkabilang bewang. “Para kang Diyosa,” anas pa nya. Napahagikhik na lang ako bigla. “Oh, bakit ka natawa?” ngiti nya. Tila napakalambing naman ngayon ng tinig nya sa aking pandinig. “Kasi ‘kala ko sasabihin mo, ‘para kang multo.’” Hindi sya tumawa o ngumiti man lang. Ito ang pinakaunang pagkakataon na hindi nya sinakyan ang biro ko mula ng magkakilala kami. Naaninag ko ang kaseryosohan ng kanyang mukhang nakatitig sa akin. Binuhat nya ako papunta sa kama at marahang inihiga ako roon. Hindi nya inaalis ang tingin nya sa akin habang hinuhubad nya ang kanyang damit. Nakangiti ang kanyang mga matang kinulumpon ang mahaba at basa ko pang buhok pataas saka marahang dumapa sa ibabaw ko. At doon na nagkatotoo ang matagal na nyang hiling. Sinamba nya nang paulit-ulit ang buong katawan ko hanggang sa pumutok ang bukang-liwayway. +++++ Pinagmamasdan ko sya habang nakadapang natutulog sa tabi ko. Napakaganda ng mga tattoo nya sa likod na umaabot
“Damn, you’re so hot. Hindi ko sila masisisi kung bakit sila nababaliw sa ‘yo,” nakaririmarim ang init ng hininga nya sa tenga ko. Nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang hawakan nya ako sa aking tadyang. Inilalapit nya nang husto ang mukha nya sa mukha ko kaya tinulak ko sya nang ubod ng lakas at nagmadaling dumiretso sa bahagyang nakabukas na pinto. “Shobe? Lalabas ka na?” mahinang usal ni Atsi na nakapikit ang mga mata habang inaayos ang kanyang kumot. Napalingon ako kay Kuya Mike na hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan nya at pangisi-ngising nakatingin din sa akin. “Opo, Atsi. Nandito na si Kuya Mike, may kasama ka na,” matalim na tingin ko kay Kuya Mike. “Goodnight, Siobe. Thanks for taking care of Olivia,” ngiti nya na tila nang-aasar pa akma syang lalapit na naman kaya nagkumahog na akong lumabas ng pintuan. Mangiyak-ngiyak akong tinakbo ang papunta sa kwarto ni Orlie. Siguro naman nakauwi na ‘yun galing sa bar. Ano bang gagawin nya do’n nang mag-isa? Hind
Napakurap-kurap ako nang nakarinig ako ng mahinang lagitik. Maya-maya ay malinaw na nagsalita ang prompt ng network nya.‘The number you have dialed is not accepting calls at this time.’Laglag ang mga balikat na tin-ap kong muli ang re-dial. Baka naman napatay lang nya ang tawag o kung ano, isip-isip ko. Baka tulad ko, hindi rin nya alam kung ano ang sasabihin nya. Pero hindi naman ako ang alam nyang tumatawag, kundi si Atsi, dahil cellphone nya ito. Binigyan ko ang sarili ko ng pag-asa. Kaso sa kasamaang-palad, hindi na ito muling nag-ring pa. Isang mahaba at matining na tunog na lang aking narinig hudyat na hindi na maaari pang tawagan ang cellphone nya. Inis na inis ako. Kung cellphone ko lang ito naibalibag ko na sa bwisit ko. Hanggang ngayon sarili pa rin lang nya iniisip nya. Ultimo ang nakatatanda nyang kapatid, tinanggal na nya sa utak nya.‘Naka-move on na sya, Kat. Ganu’n talaga ‘yon, lalake eh. Para ka namang bago nang bago. Kapag umayaw ang lalake, ayaw na talaga. Kahit
“Uhm, antayin mo na lang ako sa kwarto, love. Susunod ako sa ‘yo, hihintayin ko lang si Kuya Mike na dumating para meron syang kasama rito. For sure, naglalakad-lakad lang ‘yun sa labas,” binigay ko sa kanya ang susi ng kwarto ko. “Gusto n’yo hanapin ko na lang sya?” naiilang na sinulyapan nya si Atsi. “Hindi mo makikita ang ayaw magpakita,” mahinang tugon ni Atsi habang nakatungo sa sahig. Nangingiwing iginiya ko na sya sa pintuan hanggang sa makalabas na sya na natitilihan pa, “susunod naman ako maya-maya lang. Masama ang pakiramdam kasi,” pagdadahilan ko sa kasungitan ni buntis. Pagkasarado ko ng pinto ni Atsi saka sya pumalahaw ng iyak, nataranta ako sa lakas ng atungal nya na parang napakasakit ng kalooban nya. “Atsi, h’wag kang umiyak. Makakasama ‘yan sa baby mo,” alalang-alalang niyakap ko sya. “Muntik na ‘kong dalhin ni Dad sa doktor kanina. What will I tell if he finds out?! This is out of wedlock, Kat,” hagulgol nya sa balikat ko. “I wanted to tell Knives about this.
“Seiji, anak, sige na, sa kanya ka na matutulog, ha. Baka mamaya biglang makaisip na maglakad-lakad ‘yan ng madaling-araw para sundan ‘yung bakla nyang kaibigan, at least and’yan ka para masamahan mo,” tamang parinig sa akin ni Mama pagbaling nya kay Seiji na napapakamot naman ng ulo. “Si-sige po, ‘Ma, kung gusto nya po, bakit naman hindi?” sabay tawa pa nya. “Swerte mo kasi maginoo ang mapapangasawa mo, Kataleia, kaya nga pinagtitiwalaan ko nang husto eh. Sige na magpahinga na kayo, magkita tayo bukas,” Nabaling ang atensyon namin nang dumuwal si Atsi nang malakas, nakasandal sa dingding na sapo-sapo ng isang kamay ang kanyang bibig at ang isa naman ay ang kanyang tiyan. Agad kaming lumapit ni Seiji para alalayan sya. “Nasa’n ba ang asawa mo, Olivia? Parang hindi ko nakita maghapon,” ani Tito Miguel na may iritasyon sa kanyang tinig. “Baka iba na ‘yan kung kanina ka pa nagsusuka. You need to be checked. My love, pumunta ka sa reception baka may doktor sila rito na pwedeng mag-
Pangisi-ngisi ako sa mga kaharap ko sa lamesa pero ang totoo ay kinakabahan ako. Ang isang tenga ko ay kay Atsi nakatuon na hawak-hawak pa rin ang cellphone nya at sinusubukang tawagan si Knives. Pero hanggang sa malinis ng waiter ang lamesa namin at nagsimula ang malakas na tugtog na pansayaw ng banda ay hindi talaga nya ito nakausap. “Anyare, Atsi? Wala pa rin?” ani Orlie na paindak-indak sa saliw ng tugtog ng banda. “He’s not answering.,” ibinaba nya na ang cellphone nya sa lamesa. “We haven’t talked since he left… Sa ‘yo ba, Shobe, tumawag na si Shoti?” “Hindi rin po,” kinibit ko ang balikat ko. Kahit medyo nakahinga ako nang maluwag-luwag, sa likod ng utak ko ay nagdadamdam ako. Tanggap kong galit sya sa akin at hindi na nya ako patawarin, pero ang hindi nya kausapin si Atsi na wala namang ginagawang masama sa kanya lalo na sa kalagayan nito ngayon ay sobra-sobrang pagpapakita ng katigasan ng loob nya. “Galit pa rin sa ‘kin ang kapatid ko,” nahimigan ko ang lungkot sa bose
Ibinaba ako ni Seiji sa mismong tarangkahan ng first class na bar. “Salamat,” mahinang sabi ko na nahihiya. Paano nakatingin sa amin at nakangiti ‘yung malaking lalake at dalawang babaeng sumalubong sa amin sa pintuan. “Naku, naku! Practice na ba ‘yan?” patutsada ni Orlie na nasa likod namin at kasama si Atsi. “Masama kasi ang pakiramdam nito,” napapakamot sa ulong ngiti ni Seiji. “Ako nga masama rin ang pakiramdam, nagsusuka pa nga ako kanina eh pero hindi man lang ako alalayan nitong ungas na ‘to,” ismid nya kay Orlie. “Kung nagsabi ka kasi na gusto mo palang magpabuhat edi nakahiram sana ako ng stretcher, pinabuhat na kita,” pairap-irap namang sagot ni bakla. “Naimpatso ka lang sa kakakain mo ng mangga eh, magpapabuhat ka na.” Napahalakhak kami ni Seiji sa bangayan nilang dalawa. Hindi ko rin minsan maintindihan ‘tong dalawa na ‘to. Minsan mag-boss sila mag-usap, minsan parang mag-jowa naman sila kung nag-aaway. Pareho na rin sila ng pagsasalita, napansin ko lang. Dati ang
“Eh, ‘Ma, kasi… Hindi ba parang maaga pa masyado para magpakasal? Naisip ko lang… Magsusukob ang kasal natin kung sakali—” “Hindi ka aalis!” pagalit na bulyaw nya. Hinatak nya ako sa braso at kinaladkad papunta sa elevator. “Hayaan n’yo na lang po muna ako, ‘Ma. Ayoko pa po munang magpakasal,” mariing tutol ko habang winawaksi ko ang kamay nyang kapit na kapit sa braso ko. Laking gulat ko nang pagbitaw nya ng hawak sa akin ay agad nya akong binuweluhan ng malakas na sampal sa kaliwang pisngi ko. Nagigitlang nasapo ko ang pisngi ko, muntik pang mahulog ang suot kong salamin sa lakas ng hagupit nya. Tumulo agad ang luha ko. Nilingon ko ang saglit na nanahimik na paligid. Pakiwari ko lulubog na ako sa hiya nang makitang lahat ng tao sa lobby ay nakatingin sa amin. “Ang kinabukasan mo lang ang iniisip ko, Kataleia! Wala nang nangyayari sa ‘yo sa pagtatrabaho mo. Tumatanda ka na lang pero hanggang ganyan ka pa rin. Maski para sa sarili mo wala kang napupundar. Anong gusto mo, uma