Share

PART 26 - UNANG ARAW SA MANSYON

[Kataleia's POV]

Saktong alas-kwatro ng umaga dumating ang puting SUV nina Tito Miguel para sunduin ako, at syempre gaya ng inaasahan ko na, kasama rin si Mama.

“‘Ma!” hinalikan ko sya sa pisngi pagbaba nya ng SUV sa tapat ng bahay namin.

“Sure ka bang kaya mo na’ng pumasok?” tinitigan nya ako mula ulo hanggang paa. “Pumayat ka nga, anak,” alalang sabi nya.

“Hindi po, medyo masikip lang ang uniform ko,” pagkakaila ko naman para mabawasan ang pagwo-worry nya.

“Nasa’n ang mga gamit mo? Para maikarga na sa sasakyan,” ani Mama habang sumisilip sa loob ng bahay mula sa kinatatayuan sa labas ng terrace. Sumunod sa kanya ang driver para magbuhat ng ilang kahon ko ring mga gamit.

“Mother!” nakangiting bati ni Orlie kay Mama, nagbeso sila kahit pairap-irap si Mama sa kanya. Kagagaling lang nya sa trabaho.

“Iningatan mo ba ‘tong anak ko?!” tiningnan sya ni Mama ng patagilid. May pagkamasungit si Mama kay Orlie pero okay lang ‘yon kay bakla, sanay na sya na gano’n palagi si Ma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status