Share

PART 20 - "HOTEL O MOTEL?"

“N-nasa’n tayo?!” bulong ko na medyo nagpa-panic.

“Nandito tayo sa hotel. Akala ko talaga hindi na kita makikitang muli,” anas ni Chinito habang tinutupi ang kapipiga palang nyang bimpo para ilagay sa noo ko. Nakangiti sya sa akin.

“H-huh? Motel o hotel?”

Nawala ang mata nya nang matawa sya sa senseless kong tanong.

“Hotel, babe. We’re at a hotel. Iuuwi sana kita sa tinitirhan mo pero your friend over there doesn’t seem to trust me. It’s totally fine, though. Naintindihan ko naman sya,” hinaplos nya ang braso kong nangingilabot sa lamig ng aircon at sa lagnat. Inayos nya ang kumot ko.

Nilingon ko si Orlie sa kabilang kama, 'yon siguro ang pinagtatalunan nila no'ng nakahiga palang ako sa backseat ng sasakyan ni Chinito. Nagka-initiative rin si bakla. Alam nya ang sine-set kong boundaries sa mga nagiging boylets ko.

“Since ayaw mo rin magpadala sa hospital, I called my sister's friend doctor to checkup on you. Babalik sya mamaya, what you need to do for now is magpahinga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status