Share

PART 9 - TEACHER KAT

“Goodbye, Teacher Kat! Goodbye, classmates! Bring your bags and form your line,” sabay-sabay na sambit ng mga Grade 2 pupils ko.

“Pumila kayo nang maayos, h’wag kayong magtutulakan,” saway ko sa kanila. Ang mga batang ‘to, kapag talaga uwian ay laging nagkakagulo.

Hinatak ko si Rory Ann sa pila ng mga kaklase nya, paano’y nakikipag-trash talk na naman sa mga kaklase nyang lalake.

“Rory Ann, ano’ng sinabi ko sa ‘yo dati? H’wag kang makikipag-away sa mga kaklase mong lalake, baka patulan ka ng mga ’yan, ikaw rin,” inayos ko ang pagkakatali ng kanyang buhok.

“Eh Teacher nauna po sila eh. Alien daw ako,” nagkakandahaba ang nguso nya habang nagsusumbong.

“Alien??! Hindi ah, sino’ng nagsabing alien si Rory Ann?!” nameywang ako sa harap ng pila ng mga pupils ko.

“Eh Teacher kasi, ‘yung mata nya, kulay green!” sagot ng isang pilyong kaklase nya, nagtawanan sila.

“Hindi sya alien, no! Ang ganda-ganda nga ng mata nya eh! H’wag nyo nang uulitin ‘yon ha! Isusumbong ko kayo sa mga
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status