Share

Chapter 21

Thea

Masakit na ang mata ko sa kakaiyak sa maghapon pagkatapos kong iwan si Lucian pagkagaling namin sa simbahan.

Galit ako sa kanya at kahit nagpaliwanag siya ay hindi ko pa rin iyon matanggap. Nagseselos ako! Nasasaktan ako! At kahit pa sabihing hindi niya ginusto yon ay hindi ko mapigilang masaktan.

“Thea!”

Napalingon ako at nakita ko si Karen na pumasok sa kwarto ko. Automatic na yumakap ako sa kaibigan ko at muli akong napaiyak.

Parang kailan lang, siya ang umiiyak pero ngayon, ako na.

“Karen, ang sakit! Hindi ko yata kaya!”

Hinagod ni Karen ang likod ko at hinayaan lang akong umiyak. Nang kalmado na ako ay tinanong niya ako kung nagkita na kami ni Lucian.

Ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari kanina at napahikbi na lang ako.

“Thea sa tingin ko nagsasabi ng totoo si Lucian.” biglang sabi niya kaya natigil ako sa pag-iyak

“A-anong ibig mong sabihin?”

“Kasi ayun na nga diba nakita ko na kahalikan niya yung babae sa bar! Kinunan ko pa ng picture saka ko sinend agad sayo.”
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status