Thea
“Ate may bisita ka!” tinig iyon ni Arvie mula sa labas ng kwarto ko kasabay ng mahinang katok niya Sinulyapan ko ang oras sa relo at alas- otso na pala ng gabi. Hindi ko na namalayan ang oras dahil malibang ako sa paggawa ng lesson plan ko para sa mga susunod na araw. Agad akong tumayo at binuksan ang pinto habang nakakunot ang noo ko. Sino naman kaya ang dadalaw ng ganitong oras? Malamang hindi si Karen iyon dahil paniguradong tatawag siya bago magpunta dito. Agad akong tumayo at lumabas ng kwarto and then I saw Lucian na nakaupo sa maliit na sala namin. Tumayo pa ito ng makita ako with a big smile on his face. “Good evening, Thea.” bati niya sa akin “Good evening din, Lucian.” sagot ko naman sa kanya saka ko siya pinaupo “Napadaan ka?” tanong ko ng makaupo ako sa upuang katapat niya “Diba sinabi ko na sayo, babalik ako? Manliligaw nga ako diba?’ paalala niya sa akin sabay abot sa akin ng chocolate na nakalagay pa sa isang lagayang plastic na hugis puso “Ano nanaman yan?” tanong ko sa kanya. Hindi ko iyon inabot kaya naman nilapag lang niya ito sa lamesitang nasa pagitan namin “Chocolate, para sayo?” nakangiti siya pero ako naiinis na dahil gumastos na naman siya “Hindi ka pa ba sawang gumasta?” Inis na tanong ko pero nagkibit- balikat lang ito “Para sayo, hon, hindi ako magsasawa!” “Mayaman ka ba? Alam mo wag mong sayangin sa akin yung pinagharapan mo sa ibang bansa. Hindi ako materyosang tao para bigyan mo ako ng mga kung ano-ano!” inis na sagot ko sa kanya “Hindi ako mayaman. Sorry kasi diba pag nanliligaw may ganyan.” napakamot pa ito sa ulo niya pero ewan ko ba at bakit ang cute niya pang tignan sa ginawa niya “Mabuti at hindi ka mayaman kasi kung nagkataon, wala kang pag-asa sa akin.” Sabi ko sa kanya at dahil doon napangiti pa siya “Edi ibig sabihin may pag-asa ako kasi hindi ako mayaman?” Tinaasan ko siya ng kilay dahil bumalik ata ang sinabi ko sa akin. “Ewan ko sayo!” Natawa siya. Yung tawang ang sarap pakinggan. “Pwede ba kitang ayaing lumabas sa linggo?” tanong niya sa akin “Saan naman?” “Pasyal tayo! Tapos dinner? Okay lang?” tanong niya sa akin “Edi gagasta ka na naman?” “Hon, hindi naman pwedeng walang gasta. Normal lang naman yun!” katwiran niya sa akin. Naisip ko tama naman siya pero para sa akin ayoko ng sobra at hindi na tamang paggasta “Hon? Ang alam ko Thea ang pangalan ko?” napakamot uli siya sa ulo niya sabay tingin sa akin “Ayaw mo ba na tinatawag kitang Hon?” “Malamang! Di naman kita boyfriend!” napasandal ako sa sofa pero hindi naman maalis ang tingin ko sa kanya Sa totoo lang, gwapo talaga itong si Lucian. Sandali pa nga lang ito sa lugar namin pero madami na ang nagpapantasya sa kanyang mga babae. Nadinig ko pa na mabait ito at magaling makisama sa mga taga looban kaya marami ang natutuwa sa kanya. “Tsk! Magiging boyfriend mo din ako!” tila siguradong- sigurado na sabi nito sa akin kaya naman umiling na lang ako “Ano ba ang naging trabaho mo sa Switzerland?” tanong ko sa kanya dahil gusto ko naman din siyang makilala “Ah. Nasa pharmaceutical ako.” sagot niya kaya napaisip ako “Gumagawa ka ng gamot?” tanong ko kasi yun ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya “Hindi. Nasa packaging ako.” “Ah! E bakit ka umuwi?” dagdag tanong ko pa “Gusto ko na kasing mag-asawa!” deretsong sagot niya sabay tingin sa akin Bigla naman akong nakaramdam ng uneasiness sa sinabi niya. Grabe din magpakilig ang isang ito. “Puro ka biro!” Yun nalang ang naisagot ko sa kanya kaya natawa siya “I’m serious! Sabi ng tatay ko mag-asawa na daw ako kasi tumatanda na ako! Nasa tamang edad naman na ako, hon. May ipon na kaya sa tingin ko pwede na! Yung babaeng papakasalan ko na lang ang kulang. Ayaw pa akong sagutin eh!” Ako naman ang natawa sa sagot ni Lucian. Aba ibang klase din naman ito. Wala pang isang linggo na nanliligaw gusto sagutin na agad. “Ikaw ba? Ayaw mo pang mag-asawa?” Sinimangutan ko siya sa sinabi niya. Hindi naman ganun kadali ang pag-aasawa. “Wala pa akong balak!” pagtataray na sagot ko sa kanya “Well, I can wait! Kaya kitang intayin.” Pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa dibdib ko sa lakas ng kabog nito. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kilig sa bawat salitang binibitawan ni Lucian pero syempre hindi ko naman ipinahalata sa kanya. Ilang saglit pa kaming nagkwentuhan ni Lucian hanggang sa magpaalam na ito sa akin. Napag-usapan namin na aalis kami ng linggo at dahil suko ako sa kakulitan niya ay pumayag na din ako. He looks happy ng pumayag ako. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero sabi niya, tiyak na magugustuhan ko ang pupuntahan namin. **** Kinabukasan paglabas ko ng bahay ay nakaabang na si Lucian. Alam ko na ihahatid ako nito sa paaralan and I admit, my heart skipped a beat ng makita ko siyang nakangiti sa akin. “Hatid na kita!” kinuha niya uli ang mga gamit ko at siya na ang nagdala habang sabay kaming naglalakad “Aba! At mukhang may natipuhan ka na dito sa looban ah, Lucian!” bati sa kanya ni Mang Rey “ Opo, Mang Rey!” agad naman niyang sagot “Aba, e paghusayan mo! Hindi ka lugi sa Ma’am Thea namin! Maganda, mabait, magalang ay naku, wala kang maipipintas!” sabat naman ng asawa ni Mang Rey “Alam ko po yun! Kaya nga po hindi ko papakawalan hanggat hindi ako sinasagot!” sakay naman niya sa dalawa Siniko ko ito ng mahina saka inaya ko ng umalis dahil baka mahuli pa ako sa school. Madaldal pa naman ang mag-asawang ito “Sige po mauuna na po kami!” Paalam ko naman sa kanila “Sige! Mag-iingat kayo!” sabi naman ni Mang Rey sa amin “Mahal na mahal ka ng mga taga-looban ano?” komento ni Lucian ng magsimula na kaming maglakad “Dito na ako lumaki, Lucian. Kaya kilala din ako ng mga taga-dito.” paliwanag ko sa kanya “Mukhang marami akong makakaaway kapag nagalit ka sa akin!” biro pa niya kaya natawa ako “Tiyak yun! Una na dun si Tata Kardo!” “I know! He even warned me!” napansin ko ang husay ni Lucian sa salitang English. Parang sanay na sanay siya dito. Siguro kasi matagal siyang nasa ibang bansa kaya ganun. Hindi na siya pumasok sa gate at inabot na lang ang gamit ko sa akin. “Salamat, Lucian!” “No worries, susunduin kita mamaya!” Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. “Wala ka bang ibang ginagawa sa buhay? Hindi ka ba magt trabaho?” “Naga-apply palang ako. Inaantay ko na lang yung sagot nila.” Nabanggit kasi niya na hindi na siya babalik abroad “Well good luck! Sana matanggap ka!” cheer ko naman dito “Sige na pasok ka na!” taboy niya sa akin and I just nodded saka ako tumalikod Ewan ko ba pero ang gaan-gaan lang ng pakiramdam ko ngayon. Para nga akong nakalutang habang naglalakad kaya hindi ko napansin na nakaabang na pala sa akin si Karen. “Hoy! Madapa ka!” Sabi niya sa akin kaya medyo nagulat pa ako Natawa siya sabay tapik sa balikat ko. “Tulala ka, girl!” “Tsk! May iniisip lang ako!” tanggi ko naman dito “Asus! Ang sabihin mo, kinikilig ka sa manliligaw mo!” pang-aasar niya sa akin “Heh! Hindi no!” “Sige lang! Tulak ng bibig, kabig ng dibdib!” Napangisi pa ito sa akin kaya minabuti ko ng hilain ito papunta sa faculty room. Pagdating namin ng faculty room ay may bulaklak uli akong nadatnan. Umugong nga ang tukso ng mga kasamahan ko kaya naman agad kong kinuha ang bulaklak. Red roses pero wala naman itong card na nakalagay. Napailing na lang ako kay Lucian. Mamaya pagsasabihan ko ito dahil ayan na naman siya sa walang katuturang paggasta niya. Wala namang bago sa buong maghapon ko at gaya ng dati hinintay ko munang makasakay si Karen bago ako umuwi. Bigla namang sumulpot si Lucian out of nowhere kaya naman nagulat ako. Agad niyang kinuha ang gamit ko pero napansin ko ang pagtaas ng kilay niya ng makita niya ang dala kong bulaklak. Tahimik lang siya habang naglalakad kaya naman nanibago ako dahil hindi siya ganito. “May problema ka ba?” He just looked at me saka siya umiling. “Naiwan mo ba ang dila mo sa inyo?” pagbibiro ko pa kaya lalong umasim ang mukha niya pero hindi parin siya nagsalita Hinayaan ko na lang at naglakad na lang ako para makauwi na. Ang awkward lang kasi not until I heard him sigh kaya napahinto ako. “May problema ka ba?!” “I’m mad!” sa wakas ay sabi niya kaya naman nagtaka ako “Kanino?” Napatingin siya sa akin tapos sa bulaklak na dala ko. Hanggang sa maisip ko ang logic kung bakit ganito siya. “I was excited to see you, pakiramdam ko ang tagal ng maghapon na di kita nakikita pero..” “Hindi sayo galing to?” sabat ko dahil alam ko na kung saan papunta ang litanya niya “Of course not! And I’m mad! Nagseselos ako!” Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko kay Lucian. Halata nga sa kanya na galit siya pero wala naman akong alam. Sino naman kaya ang nagbigay nito? “Akala ko sayo galing. Hindi ko alam so bakit sa akin ka nagagalit?” Napahilamos si Lucian sa mukha niya na akala mo talaga aping api. “Hindi ako sayo galit, okay! Doon sa nagbigay sayo niyan! Sino ba yun?” Aba ang isang ito. Hindi ko pa boyfriend e possessive na? Inis kong hinablot ang mga gamit ko mula kay Lucian saka ko ipinasa sa kanya ang bulaklak na dala ko. “Hindi ko alam! Kung gusto mo, hanapin mo!” Iniwan ko na siya saka ako nagmadaling lumakad dahil naiinis ako sa ugali niya. Bahala nga siya sa buhay niya. “Hon! Wait!” habol naman sa akin nito pero hindi ko na siya nilingon Mabilis naman niya akong inabutan at agad pinigil ang pulsuhan ko. “Hon, I’m sorry! Hindi ko lang talaga mapigilang magselos!” paliwanag niya pa sa akin Nakita ko na wala siyang dalang bulaklak kaya hinanap ko naman at nakita ko na nasa gilid na ng kalsada iyon. Napailing na lang ako sa kanya at saka ako lumakad uli pauwi ng bahay.TheaTatlong araw na hindi ko naramdaman ang presensya ni Lucian pagkatapos nung huling beses na sinundo niya ako sa school.Hindi ko alam pero parang hinahanap ko din naman siya pero sa huli pinagalitan ko pa ang sarili ko dahil hindi ko naman dapat maramdaman iyon.Dumating ang araw ng linggo kaya naman maaga akong gumising para makapagsimba. Nakabihis na ako at paglabas ko ng kwarto ay nagulat ako dahil nasa sala si Lucian at kausap si Arvie.“Magandang umaga, Thea!” nakangiti niyang bati sa akin kaya sinimangutan ko itoTatlong araw na walang paramdam tapos ngayon kung makangiti sa akin? ‘uy, nagtatampo!’ Sigaw ng utak ko “Anong ginagawa mo dito?” Napakamot na naman si Lucian sa ulo niya. Isa ito sa mannerism niya na napansin ko.“Diba may lakad tayo? Sunday ngayon?” pagpapa-alala niya sa akinGusto ko sanang sabihin na wag na naming ituloy pero pinigil ko na lang ang sarili ko.“Magsisimba ako!” sagot ko na lang dito saka ako nagsimulang lumabas ng bahay“Okay!” naramdaman ko
TheaNakarating kami sa Tagaytay Picnic Grove at hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng lugar. Malamig ang panahon ngayon dito kaya nayakap ko ang braso ko habang nakaupo kami sa view deck at nakatanaw sa magandang view ng bulkang Taal.Naramdaman ko na may ipinatong na jacket si Lucian sa balikat ko kaya napangiti ako sa kanya. Laging handa ang lalaking ito and I appreciate that very much.“Ang ganda dito!” sabi ko na hindi inaalis ang tingin ko sa tanawing nasa harapan ko“If you want, we can buy a property here. Resthouse?” Napalingon ako sa sinabi niya at agad ko siyang inirapan.“Biro lang! Hindi ko pa kayang bumili ng bahay pero kapag nakaipon ako, yun ang unang bibilhin ko!” pagyayabang niya kaya naman napailing ako“Pwede ba akong magtanong sayo?” medyo nahihiya pang sabi ni Lucian “Pwede naman! Ano ba yun?” Balik-tanong ko naman sa kanyaHe cleared his throat bago siya nagsalita.“Nabanggit kasi sa akin ni Tito ang tungkol sayo, at sa galit mo sa mga mayayaman.” Napatin
Lucian“You are playing with fire bro!’ babala sa akin ni Xavier after I shared with them ang tungkol sa amin ni Thea.Tatlo lang kami dito ngayon sa bar nila Drake at Xavier dahil ayaw lumabas ni Marcus at Hendrix. Well naiintindihan ko naman since may mga pinagdadaanan talaga sila dahil sa pagkawala ng mga babaeng mahal nila.“I know bro! Pero unti-unti ipapakilala ko naman kay Thea ang totoong ako. Isa pa, I’m always telling her na hindi naman lahat ng mayaman, masama ang ugali.” Katwiran ko kay Xavier“Well I just hope kapag inamin mo yan, hindi siya magagalit sayo.” sabi naman ni Drake sa akin“Kamusta na pala kayo ni Cinderella?” naalala kong tanungin si Drake dahil mukhang masaya naman ito“We are fine! Little by little nagiging open na si Alie sa akin.” “Well that’s great to hear.”Sabay pa kaming napatingin kay Xavier kaya naman nagtaas siya ng kilay sa amin.“What?” “How’s Max?” tanong ni Drake dito na may himig ng pang-aasar“Why are you even asking?” “C’mon Monteverde,
TheaNapatingin ako sa pinto ng bumukas iyon and my heart skipped ng makita ko si Lucian. Mukha itong tumakbo ng malayo dahil medyo hinihingal pa ito kaya nag-alala ako.Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.“Lucian? Okay ka lang?” tanong ko.Kanina naiinis na ako dahil anong oras na wala pa rin ang lalaking ito. Gusto ko ng itago ang mga hinanda ko pero sabi niya natraffic daw siya kaya naman mas pinili kong maghintay.And seeing him now, parang nawala ang inis ko dahil halata sa kanya ang pagmamadaling makarating dito.“Sorry, hon! Grabe ang traffic!” sabi niya ng pakawalan niya ako“Okay lang! Tara na kain na tayo!” aya ko naman sa kanya at saka ko hinanda ang mga niluto ko“Wow!” sabi naman niya ng makita ang nasa lamesa pagkatapos niyang maghugas ng kamay“Lucian, huwag kang OA! Adobong manok lang yan at chopsuey!” natatawang sabi ko dito“No hon! Hindi yan ‘lang’ para sa akin kasi ikaw ang naghanda! I’m sure may kasamang pagmamahal yan!” nakangiti niyang sagot
LucianNasa opisina ako ng Segovia Pharmaceuticals at kakatapos ko lang mai-close ang deal sa isang foreign investor na gustong mag-invest sa kumpanya. I was about to text Thea nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang galit na galit na si Daddy.“Lucian! What were you thinking!” nanggagalaiti nitong sigaw sa akin and somehow alam ko na kung ano ang ikinagagalit sa akin ng Daddy ko“Good morning Dad!” cool na sagot ko dito saka ako sumandal sa upuan ko kaya naman lalo itong namula sa pagpipigil ng galit“Huwag na huwag mo akong ipapahiya sa kaibigan ko Lucian! Kapag sinabi kong magpapakasal kayo ni Bettina, magpapakasal kayo!” “I’m sorry Dad pero hindi ako susunod sa gusto niyo! Matanda na ako at hindi niyo ako pwedeng diktahan sa gusto kong gawin sa buhay ko!” may diin na sagot ko sa Daddy kong akala mo bulkan na sumabog ang galit sa akin“Sige Lucian! Kung hindi ka susunod sa utos ko, bumaba ka sa pwesto mo bilang CEO ng kumpanya ko!” Nagulat ako sa sinabi ni Dad pero h
TheaDalawang araw na hindi nagpakita sa akin si Lucian kaya naman hindi ko mapigilang magalit sa kanya. Matapos niya akong halikan bigla na lang siyang hindi magpapakita sa akin?“Mainit ang ulo mo ah! Dahil ba kay Lucian?” pang-iinis sa akin ni Karen na may kasama pang sundot sa tagiliran kaya naman sinaway ko na ito“Hindi Karen! Tigilan mo ako!” kung bakit ba naman kasi kaytagal dumating ng jeep at ng makasakay na ang bruhang ito para makauwi na ako“Asus! Tayo ba naman ay maglolokohan pa!” talagang desidido ang isang ito na may mapiga sa akin dahil simula pa kaninang umaga niya ako kinukulit“Umayos ka, Karen, iiwan kita!” banta ko dito pero tumawa lang ito“Ay naku kahit hindi mo sabihin, alam na alam ko na! Inlove ka na ba kay Lucian?” Nandumilat ang mata ko sa sinabi ni Karen kaya natawa siya. Ganun na ba ako ka-obvious.“Girl, hindi naman masama kung mainlove! Single ka naman. Single din siya! So anong problema!”Napahinga ako ng malalim saka ko hinila si Karen palayo sa ka
Thea Araw ng linggo at gaya ng nakasanayan ko ay maaga akong gumising para makapag pasalamat sa Diyos sa lahat ng mga biyaya at awa na natanggap namin. Wala si Arvie dahil ngayon nila iaayos ang nakuha nilang impormasyon mula sa interview nila kay General Santorin. Madalas namang dumalaw si Lucian sa gabi at kung maaga naman siya ay nakukuha pa niya akong sunduin sa school. Madalang na nga lang siyang matulog kina Tata Kardo dahil medyo malayo daw itong lugar namin sa trabaho niya. Eversince nakita niya ang tampo ko, palagi na siyang nagsasabi sa akin. Kung makakapunta ba siya o hindi, kung nasaan siya, kung ano ang ginagawa niya. And it felt good kasi alam ko na pinapahalagahan niya ang nararamdaman ko. Palabas na ako ng bahay and I was surprised na nandito siya. “Akala ko ba hindi ka makakapunta ngayon?” yun kasi ang sabi niya sa akin sa text niya kagabi “I wanted to surprise you, Hon!” sabi niya saka ako niyakap ng mahigpit “Sobra kitang na-miss hon!” “Tara na!
LucianI don’t want to close my eyes for a single moment as I was staring at Thea’s beautiful face while she was sleeping. Hinaplos ko ang braso niya and she didn’t even move. Maybe that is how tired she was after our hot lovemaking.Napahinga ako ng malalim saka ko siya kinintalan ng halik sa noo. Nakatagilid siya habang nakadantay ang pisngi niya sa unan. I know she was hurt dahil kahit pinilit kong maging gentle sa pag-angkin sa kanya ay hindi ko napanindigan hanggang sa huli dahil sa tindi ng pagnanasang bumalot sa aming dalawa.“I love you..” I faintly whispered dahil ayaw kong magising siya. She needs to rest dahil alam ko na she will feel pain later onNapapikit ako habang inaalala kung paano ko siya inangkin. I started slow dahil gusto ko maging kumportable muna siya sa akin. I know my buddy is big at dahil first time niya, it will really f*****g hurt.I kissed her habang patuloy ako sa paglabas masok sa kanya. It was heaven! The feeling was surreal that I wanted more kay un