Thea
Tatlong araw na hindi ko naramdaman ang presensya ni Lucian pagkatapos nung huling beses na sinundo niya ako sa school. Hindi ko alam pero parang hinahanap ko din naman siya pero sa huli pinagalitan ko pa ang sarili ko dahil hindi ko naman dapat maramdaman iyon. Dumating ang araw ng linggo kaya naman maaga akong gumising para makapagsimba. Nakabihis na ako at paglabas ko ng kwarto ay nagulat ako dahil nasa sala si Lucian at kausap si Arvie. “Magandang umaga, Thea!” nakangiti niyang bati sa akin kaya sinimangutan ko ito Tatlong araw na walang paramdam tapos ngayon kung makangiti sa akin? ‘uy, nagtatampo!’ Sigaw ng utak ko “Anong ginagawa mo dito?” Napakamot na naman si Lucian sa ulo niya. Isa ito sa mannerism niya na napansin ko. “Diba may lakad tayo? Sunday ngayon?” pagpapa-alala niya sa akin Gusto ko sanang sabihin na wag na naming ituloy pero pinigil ko na lang ang sarili ko. “Magsisimba ako!” sagot ko na lang dito saka ako nagsimulang lumabas ng bahay “Okay!” naramdaman ko namang sumunod si Lucian pagkatapos niyang magpaalam sa kapatid ko Sumabay siya sa paglalakad ko pero hindi ko siya pinapansin. “Hon, galit ka ba sa akin?” tanong niya habang naglalakad kami sa abangan ng jeep Nilingon ko siya bago ako sumagot. “Bakit naman ako magagalit?” “Ayaw mo kasi akong kausapin.” himig pagtatampo niya. Huminto ako sa sakayan habang naghihintay ng padaan na jeep ng hawakan ni Lucian ang kamay ko. “Sorry na, hon! Nagselos lang talaga ako the last time, hindi ko mapigil. Tapos inasikaso ko yung sa trabaho ko kaya hindi ako nakauwi dito.” Tinignan ko siya na may inis sa mga mata ko. “Una sa lahat, Lucian, hindi ko kilala kung sino yung nagpadala ng bulaklak at kung mayron man, sa tingin ko hindi ko naman kasalanan yun.” huminto ako saka ko ibinaling ang paningin ko sa kalsada na nasa harap ko “Pangalawa, hindi mo kailangan magpaalam sa akin kung saan ka pupunta. Wala naman tayong relasyon para gawin mo yun!” dagdag ko pa “I know hon. Pero promise sa susunod kapag hindi ako makakauwi dito, sasabihan kita. Para hindi mo ako nami-miss!” Gusto kong matawa sa sinabi ni Lucian dahil akala naman niya nami-miss ko siya. ‘hindi nga ba? E pag lalabas ka ng bahay o school siya agad ang hinahanap ng mata mo!’ Napailing na lang ako sa sinisigaw ng utak ko. Agad ko namang pinara ang jeep na nagdaan at sumakay na ako habang kasunod ko si Lucian. Dumukot siya ng pamasahe at inabot iyon sa driver. “Sa simbahan lang po, mama! Dalawa po!” Makalipas ang bente minutos ay narating namin ang simbahan at sakto lang kami para sa ikalawang misa ng araw na iyon. Sa may gawing gitna kami naupo at hindi ko naman mapigilang mapansin ang mga babaeng panay ang tingin sa kasama ko. Well, headturner naman talaga si Lucian. Hindi naman maikakaila iyon at naiirita talaga ako sa mga babaeng ito dahil mga papansin. Binulungan ko si Lucian dahil talagang naiirita na ako. “Sa susunod huwag ka ng sumama sa pagsisimba ko! Hindi ako makapag concentrate dahil sa mga babaeng nagpapapansin sayo!” Nakita ko naman ang pagngiti ni Lucian kaya tinaasan ko pa ito ng kilay. Bumulong din siya sa akin kaya pakiramdam ko nangilabot ako sa ginagawa niya. “Don’t worry, hon. Nasayo ang atensyon ko at wala sa iba. Hayaan mo silang magpacute, diko naman papansinin!” Napalayo ako kay Lucian dahil pakiramdam ko kinikilabutan ako sa sobrang lapit niya. Idagdag pa ang napakabangong amoy niya that is so addicting. Tumingin ako sa harap at nakita ko kung paano ako ismiran ng babaeng nasa harap ko. Ito yung babaeng panay ang pa-cute ky Lucian. Aba! Nakuha pang mag-simba pero panay naman ismid sa akin? Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko kaya tinaasan ko ito ng kilay. Naramdaman ko ang hawak ni Lucian sa kamay ko kaya naman lalong napasimangot ang babae. Alam kong sinadya iyon ni Lucian para matigil na ang babaeng ito at effective naman dahil hindi na uli lumingon ang babae sa amin. ‘o edi natahimik ka!’ After ng misa ay doon ko lang napansin na hindi naman tuluyang binitawan ni Lucian ang kamay ko. Bibitawan niya saglit pero agad din niyang hahawakan at hindi ko maitanggi ang malakas na kabog ng dibdib ko. “Nag-breakfast ka ba kanina?” tanong ni Lucian ng tuluyan kaming makalabas ng simbahan “Hindi talaga ako nag-aalmusal. Kape lang ako pag umaga.” Nakita ko na pumara ng taxi si Lucian at agad akong inalalayang makasakay nang huminto ito. “Saan tayo pupunta?” tanong ko kay Lucian nang makasakay na ako. “Pwede naman tayong mag jeep!” “Huwag na hon! Baka mamaya may tumingin na naman sa akin doon e masira na naman ang araw mo!” Qqq Inikutan ko ng mata si Lucian dahil sa sinabi nito at siya naman ay tumawa lang nang malakas. Ewan ko ba, pakiramdam ko ang sarap sa pandinig ang tawa nito. May sinabi siyang lugar at nang makarating kami doon ay inalalayan niya pa ako para makababa. Gentleman din ang peg niya. Isang eatery ang pinuntahan namin dahil sabi niya kumain daw muna kami ng almusal bago kami mamasyal. Malaki ito kumpara sa karaniwang turo-turo at naka-aircon din ang buong lugar. Malinis at halatang maraming kumakain dito lalo kapag linggo dahil marami na din kaming inabutang customer sa loob. “Ano ang gusto mong kainin?” tanong niya sa akin ng iabot niya sa akin ang menu. Tinignan ko naman ito saka ako namili ng kakainin ng lumapit sa amin ang waiter. “Tapsilog na lang ang sa akin saka tubig.” sagot ko dito “Yun lang?” tanong niya kaya tumango na lang ako “I’ll have the same. Extra fried rice and black coffee, no sugar.” baling ni Lucian sa waiter Tumango lang ang waiter at saka umalis para kuhain ang mga order namin. “Saan tayo mamamasyal?” tanong ko kay Lucian habang iniintay ang pagkain namin. “Hintayin ko lang yung kaibigan ko, hon. Ihahatid niya yung sasakyan na hiniram ko.” nakangiting sagot niya sa akin “Sasakyan? Bakit saan ba tayo pupunta?” malayo ba ang pupuntahan namin at kailangan namin ng sasakyan? “Ipapasyal kita sa Tagaytay!” Nakaramdam naman ako ng excitement sa sinabi ni Lucian. Isang beses palang kasi ako nakapunta ng Tagaytay at medyo matagal na din yun. Napangiti ako sa kanya pero agad naagaw ang atensyon ko nang dumating ang pagkain namin. Amoy palang mukhang masarap na! “Let’s eat, hon!” aya niya sa akin matapos niyang iayos sa mesa ang mga pagkain Ewan ko ba pero nasasanay na ata siyang tawagin akong hon, pero hindi ko naman masaway. Masarap ang pagkain kaya naman hindi kataka-taka na marami talagang dumadayo sa kainan na ito. “Hello, bro!” sagot ni Lucian when his phone rang at napataas ang kilay ko dahil mamahalin ang cellphone niya Mahilig ba talaga siya sa mamahaling gamit? Well, pinaghirapan naman niya ang pera niya, ayon sa kanya so siguro, may karapatan naman siyang bilhin ang gusto niya. Pero kung sa akin lang, sayang kasi ang pera. Hindi ako materyosong tao talaga kahit noon pa. Di baleng mumurahin ang isang bagay, basta magagamit ko ng maayos. “Okay bro, salamat!” sagot niya sa kung anomang sinabi ng kaibigan niya He called the waiter at agad na nagbayad matapos niyang makita ang bill namin habang ako naman ay nagpunta sandali sa restroom. Nag-retouch lang ako ng powder at lipstick saka ako naghugas ng kamay. Lucian stood up when he saw me at saka ako inalalayan palabas ng kainan. “Ito ba ang gagamitin natin?” tanong ko sa kanya ng marating namin ang sasakyang hiniram daw niya sa kaibigan niya. Magara ang sasakyan at hindi ko alam kung ano ang tawag sa ganitong modelo. Mukhang mas magara pa ito sa kotse ni Troy. “Yes, hon! Marami kasing kotse yung kaibigan ko kaya pinahiram niya muna sa akin ito Pinatunog niya ang kotse saka ako inalalayang makapasok. Napigil ko pa ang hininga kong ayusin nito ang setbelt ko dahil ang lapit talaga ng mukha niya sa akin. Tumakbo na siya sa kabilang side matapos niyang isara ang pintuan sa gawi ko then he expertly drove the car palayo sa lugar na ito. “Lucian, saan ka nag-apply ng trabaho?” tanong ko sa kanya habang bumibyahe kami papuntang Tagaytay “Ah yun ba? Well, yung dating kaklase ko kasi sinwerte sa buhay at may kumpanya na siya dito sa Pilipinas. Sa kanila ako nag-apply.” “Anong trabaho?” “May mga hotel kasi siya. E sabi niya ihahanap niya ako ng pwede kong pasukan doon.” kwento niya sa akin “Ayaw mo na bang bumalik sa Switzerland?” umiling siya sa tanong ko “Diba sabi ko sayo, pine-pressure na ako ng tatay ko na mag-asawa kaya hindi na ako babalik.” Akala ko naman ay biro lang yon pero mukhang seryoso siya. “Seryoso ba talaga yan?” natawa pa ako hoping that it will look like a joke pero hindi naman nag-iba ang aura niya “Oo naman. Isa pa tama naman din siya. Hindi na ako bumabata at kailangan ko na din magkapamilya.” Napatango naman ako sa sinabi niya at nagkaroon ng curiosity about his age. “Ilang taon ka na ba at gustong-gusto mo ng mag-asawa?” “Thirty-two.” “Ah! Hindi pa naman gaanong matanda.” sabi ko sa kanya “Talaga? Akala ko sasabihin mong di tayo bagay kasi matanda na ako.” he was obviously joking kaya natawa na din ako “Ewan ko sayo! Maipasok mo lang talaga eh no!” umiling pa ako sa kanya but then he just smirked “Di bale, hon! I will do everything para patunayan sayo na karapat-dapat ako sa matamis mong oo!” Napako ang tingin ko kay Lucian na tutok na tutok naman sa pagmamaneho. Wala ka namang maipipintas sa kanya pagdating sa pisikal na aspeto. As I have said, he is dropdead gorgeous! Maputi siya at makinis, siguro dahil sa pag-aabroad niya. His black hair is cut neatly kaya lalo siyang tumikas sa paningin ko. His brown eyes are expressive lalo kapag tumitingin siya sa akin. Matangos ang ilong niya habang ang mga labi nito ay mapula at may kanipisan. Ang katawan niya, mukhang alagang-alaga din nito. Sa palagay ko nga may abs ito dahil na rin sa mga muscles niya sa braso. ‘ay Diyos ko, ano ba itong pinag-iisip ko! Kakagaling ko lang sa simbahanTheaNakarating kami sa Tagaytay Picnic Grove at hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng lugar. Malamig ang panahon ngayon dito kaya nayakap ko ang braso ko habang nakaupo kami sa view deck at nakatanaw sa magandang view ng bulkang Taal.Naramdaman ko na may ipinatong na jacket si Lucian sa balikat ko kaya napangiti ako sa kanya. Laging handa ang lalaking ito and I appreciate that very much.“Ang ganda dito!” sabi ko na hindi inaalis ang tingin ko sa tanawing nasa harapan ko“If you want, we can buy a property here. Resthouse?” Napalingon ako sa sinabi niya at agad ko siyang inirapan.“Biro lang! Hindi ko pa kayang bumili ng bahay pero kapag nakaipon ako, yun ang unang bibilhin ko!” pagyayabang niya kaya naman napailing ako“Pwede ba akong magtanong sayo?” medyo nahihiya pang sabi ni Lucian “Pwede naman! Ano ba yun?” Balik-tanong ko naman sa kanyaHe cleared his throat bago siya nagsalita.“Nabanggit kasi sa akin ni Tito ang tungkol sayo, at sa galit mo sa mga mayayaman.” Napatin
Lucian“You are playing with fire bro!’ babala sa akin ni Xavier after I shared with them ang tungkol sa amin ni Thea.Tatlo lang kami dito ngayon sa bar nila Drake at Xavier dahil ayaw lumabas ni Marcus at Hendrix. Well naiintindihan ko naman since may mga pinagdadaanan talaga sila dahil sa pagkawala ng mga babaeng mahal nila.“I know bro! Pero unti-unti ipapakilala ko naman kay Thea ang totoong ako. Isa pa, I’m always telling her na hindi naman lahat ng mayaman, masama ang ugali.” Katwiran ko kay Xavier“Well I just hope kapag inamin mo yan, hindi siya magagalit sayo.” sabi naman ni Drake sa akin“Kamusta na pala kayo ni Cinderella?” naalala kong tanungin si Drake dahil mukhang masaya naman ito“We are fine! Little by little nagiging open na si Alie sa akin.” “Well that’s great to hear.”Sabay pa kaming napatingin kay Xavier kaya naman nagtaas siya ng kilay sa amin.“What?” “How’s Max?” tanong ni Drake dito na may himig ng pang-aasar“Why are you even asking?” “C’mon Monteverde,
TheaNapatingin ako sa pinto ng bumukas iyon and my heart skipped ng makita ko si Lucian. Mukha itong tumakbo ng malayo dahil medyo hinihingal pa ito kaya nag-alala ako.Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.“Lucian? Okay ka lang?” tanong ko.Kanina naiinis na ako dahil anong oras na wala pa rin ang lalaking ito. Gusto ko ng itago ang mga hinanda ko pero sabi niya natraffic daw siya kaya naman mas pinili kong maghintay.And seeing him now, parang nawala ang inis ko dahil halata sa kanya ang pagmamadaling makarating dito.“Sorry, hon! Grabe ang traffic!” sabi niya ng pakawalan niya ako“Okay lang! Tara na kain na tayo!” aya ko naman sa kanya at saka ko hinanda ang mga niluto ko“Wow!” sabi naman niya ng makita ang nasa lamesa pagkatapos niyang maghugas ng kamay“Lucian, huwag kang OA! Adobong manok lang yan at chopsuey!” natatawang sabi ko dito“No hon! Hindi yan ‘lang’ para sa akin kasi ikaw ang naghanda! I’m sure may kasamang pagmamahal yan!” nakangiti niyang sagot
LucianNasa opisina ako ng Segovia Pharmaceuticals at kakatapos ko lang mai-close ang deal sa isang foreign investor na gustong mag-invest sa kumpanya. I was about to text Thea nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang galit na galit na si Daddy.“Lucian! What were you thinking!” nanggagalaiti nitong sigaw sa akin and somehow alam ko na kung ano ang ikinagagalit sa akin ng Daddy ko“Good morning Dad!” cool na sagot ko dito saka ako sumandal sa upuan ko kaya naman lalo itong namula sa pagpipigil ng galit“Huwag na huwag mo akong ipapahiya sa kaibigan ko Lucian! Kapag sinabi kong magpapakasal kayo ni Bettina, magpapakasal kayo!” “I’m sorry Dad pero hindi ako susunod sa gusto niyo! Matanda na ako at hindi niyo ako pwedeng diktahan sa gusto kong gawin sa buhay ko!” may diin na sagot ko sa Daddy kong akala mo bulkan na sumabog ang galit sa akin“Sige Lucian! Kung hindi ka susunod sa utos ko, bumaba ka sa pwesto mo bilang CEO ng kumpanya ko!” Nagulat ako sa sinabi ni Dad pero h
TheaDalawang araw na hindi nagpakita sa akin si Lucian kaya naman hindi ko mapigilang magalit sa kanya. Matapos niya akong halikan bigla na lang siyang hindi magpapakita sa akin?“Mainit ang ulo mo ah! Dahil ba kay Lucian?” pang-iinis sa akin ni Karen na may kasama pang sundot sa tagiliran kaya naman sinaway ko na ito“Hindi Karen! Tigilan mo ako!” kung bakit ba naman kasi kaytagal dumating ng jeep at ng makasakay na ang bruhang ito para makauwi na ako“Asus! Tayo ba naman ay maglolokohan pa!” talagang desidido ang isang ito na may mapiga sa akin dahil simula pa kaninang umaga niya ako kinukulit“Umayos ka, Karen, iiwan kita!” banta ko dito pero tumawa lang ito“Ay naku kahit hindi mo sabihin, alam na alam ko na! Inlove ka na ba kay Lucian?” Nandumilat ang mata ko sa sinabi ni Karen kaya natawa siya. Ganun na ba ako ka-obvious.“Girl, hindi naman masama kung mainlove! Single ka naman. Single din siya! So anong problema!”Napahinga ako ng malalim saka ko hinila si Karen palayo sa ka
Thea Araw ng linggo at gaya ng nakasanayan ko ay maaga akong gumising para makapag pasalamat sa Diyos sa lahat ng mga biyaya at awa na natanggap namin. Wala si Arvie dahil ngayon nila iaayos ang nakuha nilang impormasyon mula sa interview nila kay General Santorin. Madalas namang dumalaw si Lucian sa gabi at kung maaga naman siya ay nakukuha pa niya akong sunduin sa school. Madalang na nga lang siyang matulog kina Tata Kardo dahil medyo malayo daw itong lugar namin sa trabaho niya. Eversince nakita niya ang tampo ko, palagi na siyang nagsasabi sa akin. Kung makakapunta ba siya o hindi, kung nasaan siya, kung ano ang ginagawa niya. And it felt good kasi alam ko na pinapahalagahan niya ang nararamdaman ko. Palabas na ako ng bahay and I was surprised na nandito siya. “Akala ko ba hindi ka makakapunta ngayon?” yun kasi ang sabi niya sa akin sa text niya kagabi “I wanted to surprise you, Hon!” sabi niya saka ako niyakap ng mahigpit “Sobra kitang na-miss hon!” “Tara na!
LucianI don’t want to close my eyes for a single moment as I was staring at Thea’s beautiful face while she was sleeping. Hinaplos ko ang braso niya and she didn’t even move. Maybe that is how tired she was after our hot lovemaking.Napahinga ako ng malalim saka ko siya kinintalan ng halik sa noo. Nakatagilid siya habang nakadantay ang pisngi niya sa unan. I know she was hurt dahil kahit pinilit kong maging gentle sa pag-angkin sa kanya ay hindi ko napanindigan hanggang sa huli dahil sa tindi ng pagnanasang bumalot sa aming dalawa.“I love you..” I faintly whispered dahil ayaw kong magising siya. She needs to rest dahil alam ko na she will feel pain later onNapapikit ako habang inaalala kung paano ko siya inangkin. I started slow dahil gusto ko maging kumportable muna siya sa akin. I know my buddy is big at dahil first time niya, it will really f*****g hurt.I kissed her habang patuloy ako sa paglabas masok sa kanya. It was heaven! The feeling was surreal that I wanted more kay un
Thea“How is it?” tanong ni Lucian sa akin nang magsimula na kaming kumain ng lunch. Actually late lunch na ito since nakatulog pagkatapos ng nangyari sa aming dalawaMasakit ang katawan ko especially my private part pero pinilit kong magmukhang maayos sa harap ng Mommy ni Lucian. Nakakahiya na nga na inabutan niya ako dito, mas nakakahiya kung iisipin niya na may ginawa kaming dalawa ng anak niya.“Masarap, salamat po Tita sa pagluluto.” magalang kong sabi and she smiled at me.“Sabi ni Lucian masarap ka din daw magluto? Siguro minsan mag-share tayo ng mga recipes natin?” “Ay Tita, mga simpleng lutong bahay lang po ang alam ko! Wala naman po akong formal training sa pagluluto kung iyon po ang akala niyo.” nahihiya kong sagot dito“That’s okay iha! Ang importante, marunong kang magluto! Isa yan sa dapat alam ng babae lalo kapag nagpakasal na kayo.” Namula ang mukha ko sa sinabi ng Mommy ni Lucian. Hinawakan naman agad ng lalaki ang kamay ko while he chuckled.“Mom, nahihiya po si T