Professor's Maid Triplets (Rodriguez Series 1) Arogante, masungit at strict na Professor si Jayson Rodriguez sa isang Academy. Para sa kanya hindi uso ang salitang awa lalo na pagdating sa kanyang mga estudyante. Chemmary Pelipa aka Che-Che. Isang babaeng galing sa mahirap na pamilya ngunit isa rin siyang babaeng palaban. Pagtitinda ng tilapia ang hanapbuhay ng kanilang pamilya. Nagkasakit ang kanyang ina kaya kinailangan niyang mamasukan bilang isang kusinera sa isang school canteen. Paano kapag magtagpo ang landas ng dalawang masungit? May pag-ibig kayang mabubuo?
View MoreCHE-CHE POV(AFTER 10 YEARS)“CHEMMARY PELIPA–RODRIGUEZ, C*M LAUDE!” Isang masigabong palakpakan ang naririnig ko mula sa mga tao sa paligid. Kaliwa't-kanan na pagbati mula sa kapwa ko mag-aaral.Araw ng graduation ko ngayon at napaiyak talaga ako sa sobrang saya ko. Pagkatapos ng ilang taon ay natupad ko rin ang pangarap ko na makapagtapos sa pag-aaral. Sobrang hirap ng mga dumaan na taon sa akin. Pero dahil nasa tabi ko ang asawa ko at mga anak ko ay lahat kinaya ko. Marami akong gabi na walang tulog at laging pagod. Pero ang lahat ng 'yon ay nagbunga. At ngayon ay aanihin ko na. “I’m so proud of you, Boba. Congratulations!” Malambing na bulong sa akin ni Jayson.“Thank you so much, Bubu. Hindi ko ito magagawa na ako lang. Kayo ng mga anak natin ang lakas ko at dahilan ko kaya patuloy akong nagsisikap. Para sa inyo ito.” Naiiyak na sabi ko sa kanya.“You’re the best wife and mother ever. How to be you, Boba?” pabiro na tanong niya sa akin.“Iba po kasi ang alagang Jayson Rodriguez.
WEDDING DAY AND HONEYMOONWARNING: THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK! (MATURE CONTENT R18+)CHE-CHE POVHalos dalawang buwan na pinaghandaan namin ang kasal namin ni Jayson. At sa wakas ay dumating na ang araw na pinakahihintay naming dalawa. Nasa harap ako ngayon ng isang malaking vanity mirror. At inaayosan ako ng glam team na kinuha ni Ana.“Naiiyak ako, beshy. Dahil sa wakas ay ikakasal kana na nandito si Tiyang.” Saad sa akin ni Joy.“Masaya ako na ikakasal ako na nasa tabi ko si inay. Thank you, beshy dahil hanggang ngayon kaibigan pa rin kita. Malaki ang pasasalamat ko sa ‘yo dahil sa mga panahon na kailangan ko ng kaibigan ay nariyan ka palagi para sa akin.” Parang naiiyak na sabi ko sa kaibigan ko.“Me too you, beshy.” umiiyak na sagot sa akin ni Joy.“How about me? Friend mo rin naman ako ah,” biglang tanong ni Ana na nakanguso na parang bata.“Makakalimutan ba kita. Syempre ikaw ang pinakapangit kong kaibigan na laging nandyan para sa akin.
JAYSON’S POVNagpaalam ako sa asawa ko na may pupuntahan lang kami saglit ni Asher. Pero habang nasa byahe kami ay hindi ako mapakali. Para kasing may kakaiba sa asawa ko na hindi ko mawari. Biglang tumunog ang phone ko at kapatid niya ko ang tumatawag sa akin. Mabilis ko naman itong sinagot.“H–Hello, k–kuya. Nawawala po si Ate Che-che.” “Paanong nawawala?” Nagtataka na tanong ko sa kanya. Pero bigla na lang sinipa ng kaba ang dibdib ko.“Hindi ko po namalayan na nakaidlip po ako. Nang magising ako ay wala na po siya.” Umiiyak na sabi niya sa akin.“Just stay there,” matigas na sabi ko sa kanya bago ko ibinaba ang tawag.“Fvcking sh*t!” sigaw ko na ikinagulat ni Asher.“What’s the matter, Kuya? Sino ang nawawala?” Tanong niya sa akin.“Ang asawa ko nawawala siya,” frustrated na sagot ko sa kanya.“Sorry, kuya but I need to answer this.” aniya sa akin dahil bigla na lang may tumawag sa kanya.“Hello, Ana. What?! Okay pupuntahan na namin ngayon, thanks.” saad ni Asher bago niya ibinaba
CHE-CHE POVBinalot ng takot ang puso ko dahil sa text message na natanggap ko. Natatakot ako pero mabilis ko rin pinatay ang phone ko para hindi makita ng asawa ko. Kailangan kong mag-isip ng mabuti. Kailangan kong isipin ang kapakanan ng anak ko.Alam ko na mahina pa ako dahil kakapanganak ko pa lang. Pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ka para lang maging maayos ang lahat. Ililigtas ko ang anak ko sa taong kumuha sa kanya. Lumabas ang asawa ko dahil may pupuntahan sila ni Asher.Kapatid ko ngayon ang kasama ko dito sa silid na inakupa namin. Lihim akong umiiyak. Litong-lito na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit ngayon pa? Bakit kailangan pang mangyari ang lahat ng ito. Alam ko na delikado pero kinuha ko ang phone ko para i-text si Ana at si Joy. Nang mai-send ko na ang mensahe ko ay dahan-dahan akong lumabas sa silid ko. Tulog ang kapatid ko kaya nakalabas ako ng hindi niya nalalaman.May nararamdaman akong sakit pero tiniis ko. Para hindi ako maabutan ng mga bantay. Na
JAYSON’S POVKahit kinakabahan at natatakot ako ay pinilit kong lakasan ang loob ko. At nakahinga naman akong maluwag dahil naging maayos ang panganganak ng asawa ko. Ang pagiging makulit niya ay wala talagang pinipili na lugar. Kaya sobrang natutuwa sa kanya si Doktora dahil nagagawa pa niyang magdaldal kahit na nasa kalagitnaan siya ng panganganak. Hindi ko napigilan ang mga luha ko nang masilayan ko ang anak ko. Ang liit niya at para bang nakakatakot akong buhatin siya. Inilabas muna siya para malinisan. Ako naman ay sinamahan ko ang asawa ko. Nakatulog ito dahil sa sobrang pagod.Hanggang sa humahangos na pumasok ang isang nurse.“S–Sir, ang b–baby niyo po..” nauutal at namumutla na sabi niya sa akin.“Anong nangyari sa baby ko? Nasaan na ang anak ko?!” sigaw ko sa kanya.“Nawawala po ang baby niyo, Sir.” Sagot niya sa akin na ikinatigil ng mundo ko. Nawawala ang anak ko? Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan ko ang braso niya.“Paanong nawawala ang anak ko?” May diin na ta
CHE-CHE POVSa bawat araw na dumadaan sa buhay namin ng asawa ko ay puno ng saya at pagmamahalan. Lahat kami ay excited na sa paglabas ni baby shark ko. Laking pasasalamat ko dahil tumigil na ang paglilihi ko noong anim na buwan ang tiyan ko. Kaya hindi na nahirapan ang asawa ko sa akin. Nandito ako ngayon sa may veranda namin. Nakikinig kami ni baby shark ng music. Habang kumakain ng prutas.“Baby shark, kailan ka ba lalabas? Alam mo ba na excited na si mommy na makita ka?” Tanong ko sa kanya at hinimas-himas ko ang tiyan ko.“Ayyy! Ang lakas naman ng sipa mo, baby shark.” Natatawa na sabi ko dahil bigla na lang siyang sumipa.Kabuwanan ko na kasi at anytime ay puwede na siyang lumabas. Maraming tao ang nagsasabi na nakakatakot raw ang manganak. Dahil nasa h*kay raw ang isa mong paa. Pero alam ko na kahit gaano pa kahirap ay kakayanin ko. Alam ko na ginagabayan kami ni Lord at ni baby shark number one namin.Nasa trabaho ngayon ang asawa ko. Gusto sana niyang magfile ng leave sa tra
JAYSON'S POVMaraming nagbago sa asawa ko simula noong pinagalitan siya ni inay. Okay lang sa akin na pinakain niya ako. Pero si inay ang nagalit sa kanya. At ayoko naman na makipagtalo kay inay. Napapansin ko n ang tamlay ng asawa ko palagi. Na parang lagi itong nalulungkot. Hindi ko na rin siya nakikita na kumakain ng kung anu-ano o humihingi sa akin. At hindi ko kaya na makita ang mga mata niya na ganun.Kaya gumawa ako ng paraan. Naglagay ako ng hidden camera sa veranda at sa side table namin kung saan siya palaging tumatambay. Araw-araw ko itong sinisilip at nalalaman ko na marami pala siyang gustong kainin. Na marami pala siyang gustong gawin na hindi niya kayang isatinig.Minsan ay pinipili ko na iwan siya dito sa silid namin para makakain siya ng maayos. Alam ko kasi na naiilang siya kapag nasa tabi niya ako.At ngayong araw ay sumapit na ang ultrasound at para malaman namin ang gender ng baby shark namin. Tuwing naiisip ko na baby shark ang tawag niya sa baby namin ay napapan
CHE-CHE POVPagpasok ko sa loob ng bahay namin ay nagtataka ako dahil nandito na ang kotse ng asawa ko. Kaya mabilis akong pumasok sa loob ng bahay para alamin kung talaga bang nakauwi na siya. Pagpasok ko pa lang ay niyakap na ako ng asawa ko.“Hindi mo sinasagot ang tawag ko?” Tanong niya sa akin.“Sorry, Bubu. Naka-silent ang phone ko.” mahinang sabi ko sa kanya.“It’s okay, Boba. Next time ‘wag mo ng i-silent mode ang phone mo.” Sabi niya sa akin.“Opo, sorry po talaga.” Sabi ko sa kanya.“Saan ka pumunta? Ang sabi mo kay inay sa convenience store ka lang pupunta.” Tanong niya sa akin.“Wala kasi akong nagustuhan doon kaya pumunta ako sa palengke.” Sagot ko sa kanya.“Next time kapag may gusto ka sabihan mo ako. Kasi ako na mismo ang bibili para sa ‘yo.” Sabi niya sa akin.“Sorry po talaga, Bubu.” Bigla akong nakonsensya at parang gusto kong kutusan ang sarili ko dahil nakikita ko sa mga mata niya na nag-aalala siya sa akin. Alam ko na masyado ko ng pinapasakit ang ulo niya. Minsa
CHE-CHE POVSa palawan pala kami pumunta ng asawa ko. At sobrang gaan ng pakiramdam ko. Ang ganda ng buong lugar at talagang nakaka-relax. Gusto kong sulitin ang mga oras na kasama ko ang asawa ko. Isa sa natutunan ko ngayon ay pahalagahan ang oras lalo na sa mga taong mahal ko.“Boba, dinner na tayo.” Nakangiti na yaya niya sa akin.“Okay, Bubu. Kanina pa ako nagugutom sagot ko rin sa kanya.”Sabay kaming bumaba at hawak niya ang kamay ko. Sobrang romantic ng dinner naming dalawa. Masasabi ko na isa ito sa pinaka-sosyal at magandang hapunan na kasama ko ang asawa ko. Pero hindi ko lang maiwasan na mainis sa mga babaeng nagpapansin sa kanya. “Nakakainis ka naman, Bubu.” naiinis na sabi ko sa kanya.“Why, boba?” Tanong niya sa akin.“Lahat kasi ng mga babae ay nakatingin sa ‘yo. Bakit kasi ang gwapo mo?” sagot ko sa kanya.“Hahaha, hayaan mo lang silang tumingin dahil sa ‘yo lang naman ako. Ikaw lang ang makakatikim sa akin.” nakangisi na saad niya sa akin.“Ako lang pala ha, e marami
CHE-CHE’S POV“Nay! Alis na po ako!” sigaw ko sa aking ina dahil nagmamadali na ako papunta sa palengke. “Sige anak, mag-iingat ka!” sigaw niya buhat sa aming kusina.“Opo, uuwi rin po ako kaagad!” Mabigat ang dala kong timba na may lamang tilapia. Nagtitinda kasi ako sa palengke tatlong beses sa isang linggo. Ako ang panganay sa pamilya namin kaya ako talaga ang inaasahan nila inay. Dalawa ang trabaho ko, minsan ay taga-linis ako sa mga condo ng mayayaman kasama ko ang kaibigan ko na si Joy.Masaya siyang kasama dahil bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya. Madalas ginagamit ko rin siya, panghugas ng plato hindi kasi maganda na gamitin ang bareta may naiiwan pa kaya magastos sa tubig. Kaya nagswitch ako sa joy isang patak 'sang katutak kasi 'sang katutak rin ang mga hugasan. Joy ang gamit ko pero 'di ako enjoy. Dahil sa mga naiisip ko ay hindi ko napansin ang paparating na sasakyan."Ayyy! Ang mga tilapia ko!" Pasigaw na bulalas ko dahil natapon sa daan ang mga isda na dala. Hi...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments