CHE-CHE'S POV
"Maiba tayo, buti binili pa ang mga tilapia?" Tanong niya sa akin."Oo binili pa rin ni Madam Deday." Sagot ko sa kanya."Madam Deday?" Parang hindi naniniwala na tanong niya sa akin."Si Madam Deday nga, alam mo ang kulit mo rin talaga.""Ang swerte mo naman," aniya sa akin."Kilala mo ba siya?" Tanong ko sa kanya."Oo naman sila ang may-ari ng malaking bahay doon sa bungad ng subdivision. Minsan na akong nakapasok sa bahay nila nang isinama ako ni inay." Sagot niya sa akin."Kanila pala 'yon. Kung nakita mo lang siya kanina ay napakasimple lang niya manamit. Kung hindi siya naka kotse ay hindi mo akalain na mayaman siya." Sabi ko kay Joy."Ang alam ko, dating maid si Madam ng isang propesor na naging asawa niya.""Talaga! Ang swerte pala niya sa buhay." Namamangha na sabi ko."Sinabi mo pa, lahi sila ng magaganda at gwapo. Pag nakita mo siguro mga anak niya kahit na masikip ang garter ng panty mo baka bigla masira at malaglag." Humahagikgik na parang kiti-kiti na saad niya sa akin."Grabe naman 'yan. Bakit hinila ba nila panty mo? Kung ako 'yon hahawakan ko ng mabuti ang panty ko. Sayang din kasi kapag nasira. Ang mahal kaya ng panty ngayon, hindi ko pa nga 'yon tapos bayaran kay bombay. In short hulugan ko lang ang panty ko." Sabi ko sa kanya."Akin nga one month to pay. Avon tatak, minsan kapag wala akong pambayad two months to pay na. Matibay 'to nabubutas lang pero di nalo-loose thread, pero para sure na hindi mahulog hinigpitan ko ang kapit.""Buti nga 'yang sa 'yo buwanan. Akin nga arawan ang hulog. Minsan nagtatago na nga ako sa bombay eh. Sabi ba naman sa akin, ligawan daw ako para libre na lang daw ang mga panty ko.""Jowain mo na, para libre ang mga panty mo na soen." Natatawa na sabi sa amin ni Joy."Ayaw ko nga, kahit na butas-butas pa mga panty ko at magbayad ako araw-araw. Hindi ko 'yun jojowain. Teka lang, bakit ba nandito pa rin tayo? Diba maglalako tayo ng pechay mo." Sabi ko sa kanya bigla."Oo nga, kasi naman ikaw eh.""Anong ako? Halika na nga, para maubos na 'yang pechay mo. Ilako na natin habang fresh pa. Kaysa naman mamaya lanta na." Hinila ko na siya papunta sa palengke. Wala kaming puwesto kaya ilalako lang namin doon para na rin mabilis maubos."Pechay kayo diyan, fresh na fresh!" Sigaw ko dito sa palengke."Paano mo nasabi na fresh 'yan?" Tanong sa akin ng kontrabida na si Amelia."Mas fresh pa 'to sa 'yo. Nakita mo 'to, makinis, maganda higit sa lahat malinis." Pang-aasar na sagot ko sa kanya."Bakit parang ako ang nilalait mo?" Nanlalaki ang butas ng ilong na tanong niya sa akin."Anong nilalait? Sinasabi ko lang kalidad ng pechay ni Joy. Eh 'yang patola mo, fresh ba 'yan?" Tanong ko sa kanya."Oo naman fresh 'to!" Mabilis na sagot niya sa akin."Eh ba't kulubot?" Maarte na tanong ko sa kanya."Hindi kulubot ang patola ko. Iyang pechay mo nga lanta na." Pagtatanggol niya sa patola niya."Lumapit ka dito," utos ko sa kanya."B-Bakit?" Nauutal na tanong niya sa akin."Para malaman mo kung gaano ito ka fresh. Hindi mo ba alam kung saan 'to galing?" Sabi ko pa sa kanya."Saan?""Sa lupa, saan ba dapat galing ang pechay?""Ewan ko sa pechay mong lanta na""Kulubot.""Lanta""Kulubot, kulubot, kulubot ang patola mo." Pang-aasar ko sa kanya."Lanta nga 'yang pechay mo!" Naiinis na siya ngayon."Excuse you and me, fresh na fresh ang pechay ni Joy." Nakapamewang na sabi ko sa kanya."Fresh daw, kwento mo sa pagong." Inirapan pa ako."Ikaw nga kulubot na nga 'yong patola pati ba naman nagtitinda." Pang-aasar ko pa sa kanya."Bawiin mo sinabi mo, bawiin mo." Umiiyak na utos niya sa akin."Ayaw ko nga, bakit ko babawiin? Ano ba 'yan. Napaka-iyakin mo naman, Joy pasayahin mo nga ito. Tulo uhog na eh." Utos ko sa kaibigan ko."Peekaboo! Where is Amelia? Peekaboo! Peekaboo, b*bo!" Nagsimula na si Joy pero lalo lang umiyak si Amelia."Ano ba naman 'yan Joy? Galingan mo naman. Hindi naman siya natawa kundi lalo mo lang pinaiyak." Kunwaring sabi ko kay Joy."Sorry na ito na, Amelia, Amelia, yes Joy-joy, eating patola no Joy-joy telling lies no Joy-joy open your mouth hahaha!" Kumakanta na si Joy at sabay acting kasama ang patola ni Amelia.Ako naman tawa ng tawa dahil uto-uto rin talaga ang kaibigan ko. Nabulunan pa siya sa kakaasar kay Amelia."Bwisit ka huhuhu." Umiiyak na sabi ni Amelia sabay tutok ng patola kay Joy."Round one fight," ako naman ang nagsilbing referee sa kanilang dalawa.Kumuha naman ng patola si Joy at kaagad na itinutok kay Amelia. Nagsimula na silang maglaban gamit ang patola. May mga nanonood na kaya naman naglagay na ako ng lata. Siyempre kailangan nila magbigay. Hindi pwede ang libreng sine dito hahaha!"Piso, piso lang! Hulog na kayo pang icetubigbeh lang po! Wala na pong libre ngayon kaya arat na, pwede kayong tumaya kung sino sa dalawa ang manok niyo. Sa team patola o team pechay?" Sigaw ko kaya mabilis namang nagsilapit ang iba na nais tumaya."Ipapakita ko sa 'yo na fresh ang patola ko." Naiinis na sabi ni Amelia habang patuloy sa pag-atake kay Joy."Sige nga ihampas mo nga 'yan sa ulo ko. Kung talaga bang fresh 'yan." Utos ni Joy kay Amelia."Ipapakita ko sa 'yo na hindi ito kulubot. Fresh ang patola ko fresh!" Sigaw niya kasabay ng pagpalo niya sa ulo ni Joy."Kitam, kulubot na bulok pa ang patola mo naputol eh. Ano ba 'yan may nanalo na?" Sabi pa ni Joy kay Amelia."Besh, announce mo na ako nanalo." Utos sa akin ni Joy."At ang nagwagi…tan, tan, tan, tan…. Teaaammmm…. Pechay!" Anunsyo ko."Woah! I am the championist! Championist, championist!" Paulit-ulit na saad ni Joy. Mabilis naman na nagwalk-out si Amelia.Pero nagulat ako dahil bigla na lang natumba si Joy."Besh, gabi na ba? Bakit may mga stars?" Tanong niya sa akin bigla."May nakita ka bang, twinkle twinkle little star how i wonder what you are? Akala ko ba matigas 'yang ulo mo?" Tanong ko sa kanya with matching kanta. Sa ganda ng boses ko tiyak aantokin siya. Kung pwede lang ako sumali sa the voice of the voices ay ako siguro ang magiging kampyon."Akala ko rin besh, mas matigas pala patola niyang kulubot." Sagot niya sa akin na ikinatawa namin pareho."Ilako na natin itong refreshing pechay mo. Kumita pa tayo sa patola ni Amelia. Mamaya na lang ang hatian." Aya ko sa kanya at nagsimula kaming magtinda ng mga pechay niya."Dalasan ko na nga ang pang-aasar sa kanya. Nagkakapera pa tayo hahaha." Saad sa akin ni Joy."Hahaha! Last na 'yon, naawa ako bigla." Sabi ko sa kanya."Kung sabagay, napaka iyakin kasi. Pero lakas magmaldita, parang ang nanay niyang sesmosa." Natatawa na sabi pa ni Joy sa akin.Ganito palagi ang araw namin ni Joy. Masaya kaming nagtitinda para may maiuwi kami sa pamilya namin. Mahirap ang buhay na kinagisnan ko kaya sinisikap ko na may kitain para may pambili kami ng pagkain.Ako ang panganay kaya nasa akin ang malaking responsibilidad. Anim kaming magkakapatid ang lahat kami mga panganay pero ako ang pinakamatanda. Universal ang lahi namin. Isa lang ang pinoy, 'yon ang bunso namin. Ako ang tatay ko naman ay isang Italyano. Nabuntis si inay at hindi na bumalik dito sa Pilipinas ang ama ko. Kaya marami ang nagsasabi na maganda ako. Pero kahit na maganda ako ay hindi pa rin naman nagbago ang buhay ko.Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral high school nga ay hirap na si inay kaya mas pinili ko na lang magtrabaho. Mahirap man ang buhay ay pipilitin kung sumabay sa agos. Kaya kahit na dise otso na ako ay wala akong sinasagot sa mga manliligaw ko.Sa panahon ngayon dapat may mindset ka. Yon yung i-seset mo ang mind mo. Focusing lang dapat, focusing. Shalla talaga gumagaling na ako sa englishing ko. Needing ko talaga na matuto dahil kapag nagkita kami ni What the fvck ay pak na pak din ang englishing ko sa kanya.CHE-CHE'S POV“Besh, salamat sa pagtulong sa akin na ilako ang mga pechay ko.” Pasasalamat sa akin ni Joy.“No, problem Joy. Your paninda is also may paninda.”Sagot ko sa kanya.“Gumagaling na talaga ang englishing mo besh.” aniya sa akin. “Diba bilib ka na naman sa 'kin? Steystey ka lang sa tabi ko dahil marami ako baon na mga wordi dito. Whenever you're in trouble just yell for help.” Sagot ko sa kanya.“Besh, diba words 'yon?” Tanong pa niya sa akin.“Kita mo 'to kinukorek pa 'ko, wala ka bang tiwala sa 'kin. Kumain nga muna tayo ng mami, doon sa mamihan ni Lome.” “Alam mo ba besh—”“Diko pa alam,” pabiro na putol ko sa sasabihin niya.“Yan ka na naman,” nagtatampo na sabi niya sa akin.“Ikaw talaga, nagbibiro lang naman ako,” sabi ko sa kanya at inakbayan ko siya.“Nagtataka lang kasi ako, doon sa may mamihan. Kasi ang pangalan MANG LOME pero mami at pares ang binebenta nila.” Sabi niya sa akin. Napaisip rin tuloy ako sa sinasabi niya.“Oo nga noh, bakit kaya? Pero alam mo baka
CHE-CHE’S POV“Besh! Tikman mo na nga ito!” Sigaw ko kay Joy galing dito sa kusina.“Luto na, besh?!” Tanong niya sa akin.“Hindi pa besh, hilaw itong titikman mo.” pabiro na sabi ko sa kanya.“Mukhang masarap, amoy pa lang ulam na.” Sabi niya sa akin.“Ulam naman talaga ‘yan, besh.” “Besh, huhuhu!” umiiyak na tawag niya sa akin.“Bakit ka umiiyak? Nagbibiro lang ako, tahan kana.” sabi ko sa kanya.“Hindi naman ako umiiyak dahil sa sinabi mo.” Sagot niya sa akin.“Eh, saan ka naiyak?” Tanong ko sa kanya.“Sa niluto mo, huhuhu!”“O, bakit ka naman umiyak lalo?” Tanong ko sa kanya.“Kasi….”“Kasi ano?” Tanong ko sa kanya kasi pinutol pa niya ang sasabihin niya.“Kasi sobrang sarap,” sagot niya sa akin na ikinatulala ko. Ang buong akala ko talaga ay kung ano na ang nangyari sa kanya pero ‘yun lang pala. Nasarapan lang pala siya.“Kinabahan ako sa ‘yo, next time ‘wag ka naman umiyak na para bang may nangyari sa ‘yo.” Sabi ko sa kanya.“Okay besh, pahingi ako nito ha. Ipapatikim ko rin sa
CHE-CHE’S POV“Beshy! Gising kana ba?!” naririnig kong sigaw ni Joy mula sa labas ng bahay.“Yes, beshy. Ready ka rin na ba?” Tanong ko rin sa kanya.“Hindi nga ako makatulog dahil excited akong pumunta doon sa Academy.” “Ako rin eh,” sagot ko sa kanya.“Let’s…..go!” Masayang sabi niya sa akin.Naglakad lang kami papunta sa Academy dahil wala kaming extrang pera para sa pamasahe. Ngayon kasi kami mag-apply at talagang inagahan namin ang pagpunta. Pagdating namin ay talagang namangha ako sa laki ang ganda ng school nila. Dati tuwing napapadaan ako dito ay pangarap ko na makapasok dito pero may mga bagay na mas mahalaga kaysa sa sarili ko. Kaya hanggang tingin lang muna ako sa ngayon.Pumasok kami at nagtanong sa guard kung saan ang canteen nila. Nang ituro niya sa amin ay kaagad kaming pumunta. Pagdating namin ay wala pa gaanong mga tao. May mga itinanong lang sa amin at sinagot naman namin ng maayos ni Joy. Hindi ko rin nagawang magbiro dahil seryoso na ako ngayon.“Tanggap na kayo,”
CHE-CHE'S POV“Lumayo ka nga sa akin?!” Naiinis na sabi ko sa kanya at itinulak ko siya palayo sa akin. Kinakabahan kasi ako sa mga sinasabi niya na ibang paraan. Hindi ko maiwasan na hindi mag-overthinker dahil sa mga sinasabi. niya.“Ang arte mo akala mo type kita.” Supladong sabi niya kaya kaagad na kumulo ang dugo ko sa kanya.“Bakit tingin mo ba type rin kita?! Hindi ka naman ganun ka-gwapo kaya ‘wag kang feeler d’yan!” Naiinis na sabi ko rin sa kanya.“Bayaran mo ako, kung sa tingin mo makakatakas ka sa akin ay nagkakamali ka. Kahit saan ka pa magtago mahahanap pa rin kita.”“Magbabayad ako basta maghintay ka lang dahil ikaw lang naman ang babayaran ko. Hindi ko kaya ang two gives na sinasabi mo. Twenty gives ang kaya ko. TWENTY GIVES,” diniinan ko pa talaga ang twenty give na sabi ko sa kanya.“Wala akong pakialam kung saan ka kukuha ng pera basta bayaran mo ako. At hindi twenty gives kundi TWO GIVES. Dahil kung hindi ipapakulong kita.” Pinagbabantaan pa ako.“Alam mo fvcking bo
CHE-CHE’S POV Ang ganda ng ngiti ko habang papalapit sa kotse. Panay din ang yuko ko para maghanap ng pwede kong gamitin para butasin ang gulong. Lalong lumawak ang ngiti ko ng may makita akong may kalawang na pako. Kaagad ko itong dinampot.“Butas ka sa akin ngayo—”“Miss, anong ginagawa mo dito?” Tanong sa akin nang guard.“Hello kuya. Nahulog kasi ang singsing ko. Hinahanap ko lang,” palusot na sagot ko sa kanya.“Tulungan na kita.”“Naku! Nakita ko na, sige alis na po ako.” Paalam ko sa kanya.Mabilis akong naglakad palayo kay kuyang guard. Mabuti na lang hindi ko pa nabubutas ang gulong dahil kapag ako nahuli baka ipakulong ako ng may-ari. Mukha pa namang mamahalin ang kotse niya. Pero kahit na mamahalin pa ay kailangan kong makaganti sa kanya."Sayang, pero may next time pa naman." Saad ko sa sarili at umuwi na ako sa bahay namin."Nandito na po ako!" Sigaw ko pagpasok ko sa bahay namin."Mabuti naman at nandito kana anak, sakto ang dating mo kumain na tayo." Masigla na sabi sa
CHE-CHE'S POV"Why are you here? What are you doing here?!" Galit na tanong niya sa akin."Eh ikaw, bakit ka nandito?" Tanong ko rin naman sa kanya."Bakit ako nandito? Bahay ko lang naman 'to!" Suplado na sagot niya sa akin."B—Bahay mo, asawa mo ba si Mada—""Jayson, anak may problema ba?" Biglang dumating si Madam Deday."She punch me. Bakit ba nandito ang babaeng 'yan, mom?" Smbong nito sa mommy niya."Mom? Ibig sabihin mommy niya si Madam." Kausap ko sa sarili ko. Maling akala ako dahil anak pala siya ni Madam. Siya ba ang sinasabi ni Joy na gwapong anak ni Madam."Siya ang magluluto ng mga food natin bukas." Sagot naman ni Madam sa kanya."Bakit siya pa? Chef ba siya?""Jayson," may pagbabanta sa tono ng boses ni Madam."I'm just concerned, mom. Nakakahiya kong hindi naman masarap ang mga pagkain na i-siserve bukas."Yumuko ako dahil parang napahiya ako doon. Kung sabagay mayaman pala talaga siya. At tama siya hindi naman ako Chef. Lutong karinderya at cafeteria lang naman ang al
CHE-CHE’S POVHinayaan ko siya at hindi ko siya tinulungan.“Lagyan mo nga!” utos niya bigla sa akin.“Kaya mo na ‘yan. Hindi naman ‘yan sakop ng trabaho ko, diba?" Sagot ko sa kanya.“Tsk!” asik niya sa akin.“Tsk ka rin! Ikaw naman ang nagsabi kanina.” Sagot ko rin sa kanya.“Oo na tama kana! Shut your fvcking mouth” Naiinis na sabi niya sa akin.Hindi ko na siya pinansin at hinayaan ko na lang siya. Tumataas kasi ang presyon ko sa kanya. Baka hindi ko mapigilan sarili ko at maisubsob ko siya dito sa loob ng tulyasi. Nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko.Pasalamat naman ako dahil lumabas na siya dito sa kusina dahil kung nagtagal pa siya ay sigurado akong mag-aaway na talaga kami. Natuwa naman ako dahil nagustuhan ni Madam ang mga niluto ko. Akala ko ay magiging maayos na kami dito sa kusina dahil lumayas na si fvcking boy. Pero sadyang inu-urat niya ako sa pabalik-balik niya dito sa kusina. Sa tingin ko ay binabantayan ako ng h*******k na lalaki.Bilang na bilang ko pa kung ilang b
CHE-CHE'S POVLumapit na ako kay Madam at ibinigay sa kanya ang inutos sa akin ni Manang. Hindi ako tumingin kay fvcking boy. Masyado silang sweet ni sexy. Masakit sa mata at baka dapuan ako ng langgam. Lihim akong napangiti dahil ang ganda ng kakambal nila na si Jacell. Para itong artista pero nalaman ko na ballerina pala ito. Talagang walang tapon sa pamilya nila. Kahit ang asawa ni Madam ay sobrang gwapo rin."Che-che, mamaya kana umuwi ha." Nakangiti na sabi sa akin ni Madam."Okay po," sagot ko naman sa kanya.Nag-exit na ako dahil wala naman akong gagawin doon. Isa pa nakakahiya na makihalubilo ako sa mga mayaman at sino ba ako para tumambay doon. I'm just nobody, nobody but you. Dahil sa wala naman akong ginagawa at wala rin naman akong selpon para magpesbok ay lumabas na lang muna ako sa bahay nila. Naglakad-lakad ako. Sa totoo lang ay naiinip na ako at gusto ko ng umuwi pero nahihiya naman ako kung magpupumilit ako dahil kabilin-bilinan pa naman ni Madam na mamaya pa ako uuwi
CHE-CHE POV(AFTER 10 YEARS)“CHEMMARY PELIPA–RODRIGUEZ, C*M LAUDE!” Isang masigabong palakpakan ang naririnig ko mula sa mga tao sa paligid. Kaliwa't-kanan na pagbati mula sa kapwa ko mag-aaral.Araw ng graduation ko ngayon at napaiyak talaga ako sa sobrang saya ko. Pagkatapos ng ilang taon ay natupad ko rin ang pangarap ko na makapagtapos sa pag-aaral. Sobrang hirap ng mga dumaan na taon sa akin. Pero dahil nasa tabi ko ang asawa ko at mga anak ko ay lahat kinaya ko. Marami akong gabi na walang tulog at laging pagod. Pero ang lahat ng 'yon ay nagbunga. At ngayon ay aanihin ko na. “I’m so proud of you, Boba. Congratulations!” Malambing na bulong sa akin ni Jayson.“Thank you so much, Bubu. Hindi ko ito magagawa na ako lang. Kayo ng mga anak natin ang lakas ko at dahilan ko kaya patuloy akong nagsisikap. Para sa inyo ito.” Naiiyak na sabi ko sa kanya.“You’re the best wife and mother ever. How to be you, Boba?” pabiro na tanong niya sa akin.“Iba po kasi ang alagang Jayson Rodriguez.
WEDDING DAY AND HONEYMOONWARNING: THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK! (MATURE CONTENT R18+)CHE-CHE POVHalos dalawang buwan na pinaghandaan namin ang kasal namin ni Jayson. At sa wakas ay dumating na ang araw na pinakahihintay naming dalawa. Nasa harap ako ngayon ng isang malaking vanity mirror. At inaayosan ako ng glam team na kinuha ni Ana.“Naiiyak ako, beshy. Dahil sa wakas ay ikakasal kana na nandito si Tiyang.” Saad sa akin ni Joy.“Masaya ako na ikakasal ako na nasa tabi ko si inay. Thank you, beshy dahil hanggang ngayon kaibigan pa rin kita. Malaki ang pasasalamat ko sa ‘yo dahil sa mga panahon na kailangan ko ng kaibigan ay nariyan ka palagi para sa akin.” Parang naiiyak na sabi ko sa kaibigan ko.“Me too you, beshy.” umiiyak na sagot sa akin ni Joy.“How about me? Friend mo rin naman ako ah,” biglang tanong ni Ana na nakanguso na parang bata.“Makakalimutan ba kita. Syempre ikaw ang pinakapangit kong kaibigan na laging nandyan para sa akin.
JAYSON’S POVNagpaalam ako sa asawa ko na may pupuntahan lang kami saglit ni Asher. Pero habang nasa byahe kami ay hindi ako mapakali. Para kasing may kakaiba sa asawa ko na hindi ko mawari. Biglang tumunog ang phone ko at kapatid niya ko ang tumatawag sa akin. Mabilis ko naman itong sinagot.“H–Hello, k–kuya. Nawawala po si Ate Che-che.” “Paanong nawawala?” Nagtataka na tanong ko sa kanya. Pero bigla na lang sinipa ng kaba ang dibdib ko.“Hindi ko po namalayan na nakaidlip po ako. Nang magising ako ay wala na po siya.” Umiiyak na sabi niya sa akin.“Just stay there,” matigas na sabi ko sa kanya bago ko ibinaba ang tawag.“Fvcking sh*t!” sigaw ko na ikinagulat ni Asher.“What’s the matter, Kuya? Sino ang nawawala?” Tanong niya sa akin.“Ang asawa ko nawawala siya,” frustrated na sagot ko sa kanya.“Sorry, kuya but I need to answer this.” aniya sa akin dahil bigla na lang may tumawag sa kanya.“Hello, Ana. What?! Okay pupuntahan na namin ngayon, thanks.” saad ni Asher bago niya ibinaba
CHE-CHE POVBinalot ng takot ang puso ko dahil sa text message na natanggap ko. Natatakot ako pero mabilis ko rin pinatay ang phone ko para hindi makita ng asawa ko. Kailangan kong mag-isip ng mabuti. Kailangan kong isipin ang kapakanan ng anak ko.Alam ko na mahina pa ako dahil kakapanganak ko pa lang. Pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ka para lang maging maayos ang lahat. Ililigtas ko ang anak ko sa taong kumuha sa kanya. Lumabas ang asawa ko dahil may pupuntahan sila ni Asher.Kapatid ko ngayon ang kasama ko dito sa silid na inakupa namin. Lihim akong umiiyak. Litong-lito na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit ngayon pa? Bakit kailangan pang mangyari ang lahat ng ito. Alam ko na delikado pero kinuha ko ang phone ko para i-text si Ana at si Joy. Nang mai-send ko na ang mensahe ko ay dahan-dahan akong lumabas sa silid ko. Tulog ang kapatid ko kaya nakalabas ako ng hindi niya nalalaman.May nararamdaman akong sakit pero tiniis ko. Para hindi ako maabutan ng mga bantay. Na
JAYSON’S POVKahit kinakabahan at natatakot ako ay pinilit kong lakasan ang loob ko. At nakahinga naman akong maluwag dahil naging maayos ang panganganak ng asawa ko. Ang pagiging makulit niya ay wala talagang pinipili na lugar. Kaya sobrang natutuwa sa kanya si Doktora dahil nagagawa pa niyang magdaldal kahit na nasa kalagitnaan siya ng panganganak. Hindi ko napigilan ang mga luha ko nang masilayan ko ang anak ko. Ang liit niya at para bang nakakatakot akong buhatin siya. Inilabas muna siya para malinisan. Ako naman ay sinamahan ko ang asawa ko. Nakatulog ito dahil sa sobrang pagod.Hanggang sa humahangos na pumasok ang isang nurse.“S–Sir, ang b–baby niyo po..” nauutal at namumutla na sabi niya sa akin.“Anong nangyari sa baby ko? Nasaan na ang anak ko?!” sigaw ko sa kanya.“Nawawala po ang baby niyo, Sir.” Sagot niya sa akin na ikinatigil ng mundo ko. Nawawala ang anak ko? Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan ko ang braso niya.“Paanong nawawala ang anak ko?” May diin na ta
CHE-CHE POVSa bawat araw na dumadaan sa buhay namin ng asawa ko ay puno ng saya at pagmamahalan. Lahat kami ay excited na sa paglabas ni baby shark ko. Laking pasasalamat ko dahil tumigil na ang paglilihi ko noong anim na buwan ang tiyan ko. Kaya hindi na nahirapan ang asawa ko sa akin. Nandito ako ngayon sa may veranda namin. Nakikinig kami ni baby shark ng music. Habang kumakain ng prutas.“Baby shark, kailan ka ba lalabas? Alam mo ba na excited na si mommy na makita ka?” Tanong ko sa kanya at hinimas-himas ko ang tiyan ko.“Ayyy! Ang lakas naman ng sipa mo, baby shark.” Natatawa na sabi ko dahil bigla na lang siyang sumipa.Kabuwanan ko na kasi at anytime ay puwede na siyang lumabas. Maraming tao ang nagsasabi na nakakatakot raw ang manganak. Dahil nasa h*kay raw ang isa mong paa. Pero alam ko na kahit gaano pa kahirap ay kakayanin ko. Alam ko na ginagabayan kami ni Lord at ni baby shark number one namin.Nasa trabaho ngayon ang asawa ko. Gusto sana niyang magfile ng leave sa tra
JAYSON'S POVMaraming nagbago sa asawa ko simula noong pinagalitan siya ni inay. Okay lang sa akin na pinakain niya ako. Pero si inay ang nagalit sa kanya. At ayoko naman na makipagtalo kay inay. Napapansin ko n ang tamlay ng asawa ko palagi. Na parang lagi itong nalulungkot. Hindi ko na rin siya nakikita na kumakain ng kung anu-ano o humihingi sa akin. At hindi ko kaya na makita ang mga mata niya na ganun.Kaya gumawa ako ng paraan. Naglagay ako ng hidden camera sa veranda at sa side table namin kung saan siya palaging tumatambay. Araw-araw ko itong sinisilip at nalalaman ko na marami pala siyang gustong kainin. Na marami pala siyang gustong gawin na hindi niya kayang isatinig.Minsan ay pinipili ko na iwan siya dito sa silid namin para makakain siya ng maayos. Alam ko kasi na naiilang siya kapag nasa tabi niya ako.At ngayong araw ay sumapit na ang ultrasound at para malaman namin ang gender ng baby shark namin. Tuwing naiisip ko na baby shark ang tawag niya sa baby namin ay napapan
CHE-CHE POVPagpasok ko sa loob ng bahay namin ay nagtataka ako dahil nandito na ang kotse ng asawa ko. Kaya mabilis akong pumasok sa loob ng bahay para alamin kung talaga bang nakauwi na siya. Pagpasok ko pa lang ay niyakap na ako ng asawa ko.“Hindi mo sinasagot ang tawag ko?” Tanong niya sa akin.“Sorry, Bubu. Naka-silent ang phone ko.” mahinang sabi ko sa kanya.“It’s okay, Boba. Next time ‘wag mo ng i-silent mode ang phone mo.” Sabi niya sa akin.“Opo, sorry po talaga.” Sabi ko sa kanya.“Saan ka pumunta? Ang sabi mo kay inay sa convenience store ka lang pupunta.” Tanong niya sa akin.“Wala kasi akong nagustuhan doon kaya pumunta ako sa palengke.” Sagot ko sa kanya.“Next time kapag may gusto ka sabihan mo ako. Kasi ako na mismo ang bibili para sa ‘yo.” Sabi niya sa akin.“Sorry po talaga, Bubu.” Bigla akong nakonsensya at parang gusto kong kutusan ang sarili ko dahil nakikita ko sa mga mata niya na nag-aalala siya sa akin. Alam ko na masyado ko ng pinapasakit ang ulo niya. Minsa
CHE-CHE POVSa palawan pala kami pumunta ng asawa ko. At sobrang gaan ng pakiramdam ko. Ang ganda ng buong lugar at talagang nakaka-relax. Gusto kong sulitin ang mga oras na kasama ko ang asawa ko. Isa sa natutunan ko ngayon ay pahalagahan ang oras lalo na sa mga taong mahal ko.“Boba, dinner na tayo.” Nakangiti na yaya niya sa akin.“Okay, Bubu. Kanina pa ako nagugutom sagot ko rin sa kanya.”Sabay kaming bumaba at hawak niya ang kamay ko. Sobrang romantic ng dinner naming dalawa. Masasabi ko na isa ito sa pinaka-sosyal at magandang hapunan na kasama ko ang asawa ko. Pero hindi ko lang maiwasan na mainis sa mga babaeng nagpapansin sa kanya. “Nakakainis ka naman, Bubu.” naiinis na sabi ko sa kanya.“Why, boba?” Tanong niya sa akin.“Lahat kasi ng mga babae ay nakatingin sa ‘yo. Bakit kasi ang gwapo mo?” sagot ko sa kanya.“Hahaha, hayaan mo lang silang tumingin dahil sa ‘yo lang naman ako. Ikaw lang ang makakatikim sa akin.” nakangisi na saad niya sa akin.“Ako lang pala ha, e marami