CHE-CHE'S POV
“Besh, salamat sa pagtulong sa akin na ilako ang mga pechay ko.” Pasasalamat sa akin ni Joy.
“No, problem Joy. Your paninda is also may paninda.”Sagot ko sa kanya.
“Gumagaling na talaga ang englishing mo besh.” aniya sa akin.
“Diba bilib ka na naman sa 'kin? Steystey ka lang sa tabi ko dahil marami ako baon na mga wordi dito. Whenever you're in trouble just yell for help.” Sagot ko sa kanya.
“Besh, diba words 'yon?” Tanong pa niya sa akin.
“Kita mo 'to kinukorek pa 'ko, wala ka bang tiwala sa 'kin. Kumain nga muna tayo ng mami, doon sa mamihan ni Lome.”
“Alam mo ba besh—”
“Diko pa alam,” pabiro na putol ko sa sasabihin niya.
“Yan ka na naman,” nagtatampo na sabi niya sa akin.
“Ikaw talaga, nagbibiro lang naman ako,” sabi ko sa kanya at inakbayan ko siya.
“Nagtataka lang kasi ako, doon sa may mamihan. Kasi ang pangalan MANG LOME pero mami at pares ang binebenta nila.” Sabi niya sa akin. Napaisip rin tuloy ako sa sinasabi niya.
“Oo nga noh, bakit kaya? Pero alam mo baka naubusan lang sila ng lome kapag pupunta tayo. Matanong nga mamaya.” Saad ko rin sa kanya.
“Tayo na nga, gutom na talaga ako.” Yaya ni Joy sa akin.
Naglakad kami papunta kay Mang lome na mamihan. Kaagad kaming pumasok sa maliit nilang pwesto. Kahit na maliit ay sigurado naman na malinis ang pagkain na itinitinda nila.
“Mga ganda ano sa atin?” Tanong sa amin ni Aling Cora.
“May Lome po ba kayo, Aling Cora?” Tanong ko sa kanya.
“Wala mga ganda, mami at pares lang.” sagot niya sa aki. It's confirmed wala nga silang lome. Mami lang talaga ang binebenta nila.
“Aling Cora, bakit po MANG LOME ang pangalan ng mamihan kung hindi naman lome ang binebenta niyo?” Tanong ni Joy kay Aling Cora.
“Susmaryosep kang bata ka! Pangalan lang ‘yan ng asawa ko, Bartolome kasi ang pangalan ng namayapa kong asawa.” Sagot niya sa amin.
“Namayapa po as in deads na?!” Panabay na tanong namin ni Joy.
“Oo kaya kung ako sa inyo ‘wag kayong maghanap ng lome kung ayaw niyong multuhin niya kayo.” Pananakot niya sa amin.
“Ilang taon po ba namatay si Mang lome?” Tanong ko sa kanya.
“Eighty years old,” sagot niya sa amin.
“Ayy, mahina na tuhod niya. Hindi na niya kami kayang habulin.” Sagot ko kay Aling Cora na ikinatulala niya.
Siniko ko si Joy kaya tumingin siya sa akin.
“Sibat na,” utos ko sa kanya.
“Ha? Bakit?” Tanong niya kaya ininguso ko si Aling Cora na hawak na ngayon ang malaking sandok.
“Aling Cora sa susunod na lang po kami kakain kapag may lome na!” Sigaw ko sa kanya habang mabilis na kaming tumatakbo ni Joy.
“Bumalik kayo dito! Mga pasaway na bata!” Sigaw niya sa amin.
“W-Wait lang besh, tumigil ka nga muna.” Hinihingal na pigil sa akin ni Joy.
“Bakit besh?” Nagtataka na tanong ko sa kanya.
“Bakit ba tayo panay takbo? Eh may rayuma na ‘yon si Aling Cora. Mahina na tuhod niya para habulin pa tayo.” Sabi niya sa akin.
“O-Oo nga noh, hayaan mo na. Siguro bumili na lang tayo ng tinapay sa panaderya ni monay.” Sabi ko sa kaibigan ko.
“Isa pa ‘yon, monay ang pangalan pero walang paninda na monay.” Sabi sa akin ni Joy.
“Hayaan mo na ikaw nga Joy pero d*gyot.” Pabirong sabi ko sa kanya.
“Nanakit kana ng damdamin ha.” Masama ang tingin na sabi niya sa akin.
“Syempre joke lang ‘yon. Ikaw talaga, alam mo naman na tayo ang pinakamaganda sa squamy. We are the squamy queens.” Sabi ko sa kanya.
“Oo naman height na lang kulang—”
“Sa ‘yo,” sabi ko kaya sinamaan na naman niya ako ng tingin. Tuwing ganito siya sa akin ay lalo akong natutuwa sa kanya. Madalas ay pinagtitripan ko na lang siya at ganun rin siya sa akin.
“Pasalamat ka matangkad ka.”
“Thank you,” pabiro ko pa na sagot sa kanya.
“Forenger kasi ang tatay mo ako kasi tatay ko penoy na walang sisiw hahaha!” Natatawa na sabi niya sa akin.
Nagtatawanan naman kaming dalawa. Minsan napagkakamalan kaming may sayad pero ang totoo ay palabiro lang kami. Minsan kasi hindi naman namin sinasadya na lumabas sa bibig namin. Sadyang may sayad lang kami kapag hindi nakainom ng gamot hahaha! Syempre biro lang ‘yun.
“Besh, sa bahay ka kumain ng tanghalian ha. Tikman mo ang bagong putahe na iluluto ko mamaya. Magiging additional menu 'yon sa akin soon to be…. Karinderya…” Masayang sabi ko sa kanya.
“Salamat naman at libre chibog na naman ako. Ako ang magiging judge ng ulam mo dahil jugderist ako.” Sagot niya sa akin.
“Okay, okay jugderist Joy.” pabiro na sagot ko sa kanya.
Masasabi ko na ang pagluluto ang pinaka-talento na meron ako. Pangarap ko na magkaroon ng karinderya. Gusto kong mag-ipon ng pera para sa aking soon to be karinderya.
“Ano nga ulit pangalan ng karinderya mo besh?” Tanong niya sa akin.
“CHE-CHEBOGS KARINDERYA.” Sagot ko sa kanya.
“Ganda ng pangalan pang sosyal.” Natutuwa na sabi pa ni Joy.
“Chechecha para mabusog.” Sabi ko sa kanya.
“Bright color mo talaga,” sabi niya sa akin.
“Naman, tara na nga mauubos ang laway ko kakadaldal sa 'yo.” Sabi ko sa kanya dahil nauubos oras namin sa sesmes.
Naglakad kami papunta sa panaderya ni monay. Habang naglalakad kami ay nakita namin si Amelia. Masama ang tingin niya sa amin.
“Besh, sama ng tingin ni Kulubot patola,” sabi sa akin ni Joy.
“Hayaan mo siya, baka umiyak na naman 'yan mamaya kapag pinansin natin siya.” Sagot ko sa kanya.
“Tinitingin tingin mo jan? Gusto mo putulin ko ‘yang patola mong kulubot?” Paghahamon ni Joy kay Amelia na di man lang pinakinggan ang sinabi ko.
“Sinong tinakot mo Joy? Joyngoloid”
“Besh, ano ang Joyngoloid?” Tanong naman sa akin ni Joy.
“Diko alam besh basta feelingsh ko masamang word ata ‘yun,” pabulong kong sagot sa kanya.
“Joyngoloid mo mukha mo sampal ko sa ‘yo monay ko para naman sumaya araw mo.” Pagbabanta ni Joy kay Amelia.
“Alam mo Joy napaka-sweet mo talaga no, para kang dessert anong flavor mo? Crema De P*ta?” Hindi naman magpapatalo na banat ni Amelia.
“Ikaw nga eh CREMA DE LECHE! Kasi leche ka sa buhay ko patolang kulubot.”
“Nag reklamo ba ako sa pechay mong lanta na kinulang sa dilig!”
“Hoy! Excuse me and you. Para sabihin ko sa 'yo. Fresh na fresh ang pechay ko. Three times a day ang dilig. Eh 'yung patola mong kulubot halatang kinulang sa dilig. Dry na dry like you…. You….!” Pang-aasar na sagot ni Joy. Nakita ko na parang iiyak na naman si Amelia.
“Joy, hayaan mo na siya, baka umiyak na naman 'yan mamaya.”
“Hahaha! Napakaiyakin kasi niya.” Dagdag pa ng siraulo kong kaibigan na mana sa akin.
“Hindi ako iyakin!” Sabi naman ni Amelia sa akin.
“Joy, let’s go na nga! Don’t make patol-patol to that mukhang katol,” sabi ko sa kaibigan.ko.
“Anong sabi mo? Katol ako?” Parang iiyak na talaga na tanong ni Amelia sa akin.
“Alam mo, Amelia. Bakit hindi mo gayahin si Mark, tahimik lang.” Sabi ko sa kanya sabay turo sa boyfriend niya.
“Makakaganti rin ako sa inyo. Masyado na kayong mapang-api.”
“Eh kung tahimik ka lang tulad ni Mark. Tahimik rin sana buhay mo, diba Mark?”
Talagang pinangatawanan niya ang pagiging tahimik niya dahil hindi siya sumagot sa akin. Alam ko na nahihiya ito sa akin dahil alam na alam sa area namin na may gusto siya sa akin. Kaya alam ko na ang dahilan kung bakit galit sa akin si Amelia. Naglakad na kami ni Joy pauwi sa bahay. Ayoko ng patulan pa dahil mas nai-excite ako sa lulutuin kong ulam. Gamit ang tilapia na lumangoy sa kalsada kanina. Na tuwing naalala ko ay kumakati ang kamay ko na basagin ang kotse nang bwisit na lalaki na ‘yun.May araw rin siya sa akin, hindi ko hahayaan na manaig ang gabi. Baka biglang maputol ang katawan ko at hanapin ko bahay nila. Charot!
CHE-CHE’S POV“Besh! Tikman mo na nga ito!” Sigaw ko kay Joy galing dito sa kusina.“Luto na, besh?!” Tanong niya sa akin.“Hindi pa besh, hilaw itong titikman mo.” pabiro na sabi ko sa kanya.“Mukhang masarap, amoy pa lang ulam na.” Sabi niya sa akin.“Ulam naman talaga ‘yan, besh.” “Besh, huhuhu!” umiiyak na tawag niya sa akin.“Bakit ka umiiyak? Nagbibiro lang ako, tahan kana.” sabi ko sa kanya.“Hindi naman ako umiiyak dahil sa sinabi mo.” Sagot niya sa akin.“Eh, saan ka naiyak?” Tanong ko sa kanya.“Sa niluto mo, huhuhu!”“O, bakit ka naman umiyak lalo?” Tanong ko sa kanya.“Kasi….”“Kasi ano?” Tanong ko sa kanya kasi pinutol pa niya ang sasabihin niya.“Kasi sobrang sarap,” sagot niya sa akin na ikinatulala ko. Ang buong akala ko talaga ay kung ano na ang nangyari sa kanya pero ‘yun lang pala. Nasarapan lang pala siya.“Kinabahan ako sa ‘yo, next time ‘wag ka naman umiyak na para bang may nangyari sa ‘yo.” Sabi ko sa kanya.“Okay besh, pahingi ako nito ha. Ipapatikim ko rin sa
CHE-CHE’S POV“Beshy! Gising kana ba?!” naririnig kong sigaw ni Joy mula sa labas ng bahay.“Yes, beshy. Ready ka rin na ba?” Tanong ko rin sa kanya.“Hindi nga ako makatulog dahil excited akong pumunta doon sa Academy.” “Ako rin eh,” sagot ko sa kanya.“Let’s…..go!” Masayang sabi niya sa akin.Naglakad lang kami papunta sa Academy dahil wala kaming extrang pera para sa pamasahe. Ngayon kasi kami mag-apply at talagang inagahan namin ang pagpunta. Pagdating namin ay talagang namangha ako sa laki ang ganda ng school nila. Dati tuwing napapadaan ako dito ay pangarap ko na makapasok dito pero may mga bagay na mas mahalaga kaysa sa sarili ko. Kaya hanggang tingin lang muna ako sa ngayon.Pumasok kami at nagtanong sa guard kung saan ang canteen nila. Nang ituro niya sa amin ay kaagad kaming pumunta. Pagdating namin ay wala pa gaanong mga tao. May mga itinanong lang sa amin at sinagot naman namin ng maayos ni Joy. Hindi ko rin nagawang magbiro dahil seryoso na ako ngayon.“Tanggap na kayo,”
CHE-CHE'S POV“Lumayo ka nga sa akin?!” Naiinis na sabi ko sa kanya at itinulak ko siya palayo sa akin. Kinakabahan kasi ako sa mga sinasabi niya na ibang paraan. Hindi ko maiwasan na hindi mag-overthinker dahil sa mga sinasabi. niya.“Ang arte mo akala mo type kita.” Supladong sabi niya kaya kaagad na kumulo ang dugo ko sa kanya.“Bakit tingin mo ba type rin kita?! Hindi ka naman ganun ka-gwapo kaya ‘wag kang feeler d’yan!” Naiinis na sabi ko rin sa kanya.“Bayaran mo ako, kung sa tingin mo makakatakas ka sa akin ay nagkakamali ka. Kahit saan ka pa magtago mahahanap pa rin kita.”“Magbabayad ako basta maghintay ka lang dahil ikaw lang naman ang babayaran ko. Hindi ko kaya ang two gives na sinasabi mo. Twenty gives ang kaya ko. TWENTY GIVES,” diniinan ko pa talaga ang twenty give na sabi ko sa kanya.“Wala akong pakialam kung saan ka kukuha ng pera basta bayaran mo ako. At hindi twenty gives kundi TWO GIVES. Dahil kung hindi ipapakulong kita.” Pinagbabantaan pa ako.“Alam mo fvcking bo
CHE-CHE’S POV Ang ganda ng ngiti ko habang papalapit sa kotse. Panay din ang yuko ko para maghanap ng pwede kong gamitin para butasin ang gulong. Lalong lumawak ang ngiti ko ng may makita akong may kalawang na pako. Kaagad ko itong dinampot.“Butas ka sa akin ngayo—”“Miss, anong ginagawa mo dito?” Tanong sa akin nang guard.“Hello kuya. Nahulog kasi ang singsing ko. Hinahanap ko lang,” palusot na sagot ko sa kanya.“Tulungan na kita.”“Naku! Nakita ko na, sige alis na po ako.” Paalam ko sa kanya.Mabilis akong naglakad palayo kay kuyang guard. Mabuti na lang hindi ko pa nabubutas ang gulong dahil kapag ako nahuli baka ipakulong ako ng may-ari. Mukha pa namang mamahalin ang kotse niya. Pero kahit na mamahalin pa ay kailangan kong makaganti sa kanya."Sayang, pero may next time pa naman." Saad ko sa sarili at umuwi na ako sa bahay namin."Nandito na po ako!" Sigaw ko pagpasok ko sa bahay namin."Mabuti naman at nandito kana anak, sakto ang dating mo kumain na tayo." Masigla na sabi sa
CHE-CHE'S POV"Why are you here? What are you doing here?!" Galit na tanong niya sa akin."Eh ikaw, bakit ka nandito?" Tanong ko rin naman sa kanya."Bakit ako nandito? Bahay ko lang naman 'to!" Suplado na sagot niya sa akin."B—Bahay mo, asawa mo ba si Mada—""Jayson, anak may problema ba?" Biglang dumating si Madam Deday."She punch me. Bakit ba nandito ang babaeng 'yan, mom?" Smbong nito sa mommy niya."Mom? Ibig sabihin mommy niya si Madam." Kausap ko sa sarili ko. Maling akala ako dahil anak pala siya ni Madam. Siya ba ang sinasabi ni Joy na gwapong anak ni Madam."Siya ang magluluto ng mga food natin bukas." Sagot naman ni Madam sa kanya."Bakit siya pa? Chef ba siya?""Jayson," may pagbabanta sa tono ng boses ni Madam."I'm just concerned, mom. Nakakahiya kong hindi naman masarap ang mga pagkain na i-siserve bukas."Yumuko ako dahil parang napahiya ako doon. Kung sabagay mayaman pala talaga siya. At tama siya hindi naman ako Chef. Lutong karinderya at cafeteria lang naman ang al
CHE-CHE’S POVHinayaan ko siya at hindi ko siya tinulungan.“Lagyan mo nga!” utos niya bigla sa akin.“Kaya mo na ‘yan. Hindi naman ‘yan sakop ng trabaho ko, diba?" Sagot ko sa kanya.“Tsk!” asik niya sa akin.“Tsk ka rin! Ikaw naman ang nagsabi kanina.” Sagot ko rin sa kanya.“Oo na tama kana! Shut your fvcking mouth” Naiinis na sabi niya sa akin.Hindi ko na siya pinansin at hinayaan ko na lang siya. Tumataas kasi ang presyon ko sa kanya. Baka hindi ko mapigilan sarili ko at maisubsob ko siya dito sa loob ng tulyasi. Nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko.Pasalamat naman ako dahil lumabas na siya dito sa kusina dahil kung nagtagal pa siya ay sigurado akong mag-aaway na talaga kami. Natuwa naman ako dahil nagustuhan ni Madam ang mga niluto ko. Akala ko ay magiging maayos na kami dito sa kusina dahil lumayas na si fvcking boy. Pero sadyang inu-urat niya ako sa pabalik-balik niya dito sa kusina. Sa tingin ko ay binabantayan ako ng h*******k na lalaki.Bilang na bilang ko pa kung ilang b
CHE-CHE'S POVLumapit na ako kay Madam at ibinigay sa kanya ang inutos sa akin ni Manang. Hindi ako tumingin kay fvcking boy. Masyado silang sweet ni sexy. Masakit sa mata at baka dapuan ako ng langgam. Lihim akong napangiti dahil ang ganda ng kakambal nila na si Jacell. Para itong artista pero nalaman ko na ballerina pala ito. Talagang walang tapon sa pamilya nila. Kahit ang asawa ni Madam ay sobrang gwapo rin."Che-che, mamaya kana umuwi ha." Nakangiti na sabi sa akin ni Madam."Okay po," sagot ko naman sa kanya.Nag-exit na ako dahil wala naman akong gagawin doon. Isa pa nakakahiya na makihalubilo ako sa mga mayaman at sino ba ako para tumambay doon. I'm just nobody, nobody but you. Dahil sa wala naman akong ginagawa at wala rin naman akong selpon para magpesbok ay lumabas na lang muna ako sa bahay nila. Naglakad-lakad ako. Sa totoo lang ay naiinip na ako at gusto ko ng umuwi pero nahihiya naman ako kung magpupumilit ako dahil kabilin-bilinan pa naman ni Madam na mamaya pa ako uuwi
CHE-CHE'S POVNapapaisip ako sa alok niya sa akin. Kung iisipin nang mabuti ay talagang nakaka-tukso ang offer niya."Sigurado ka ba na 10k isang araw?" Tanong ko pa sa kanya para maka-sigurado ako."Mukha ba akong nagbibiro?" Seryoso na sagot niya sa akin."Pwede ba ako humiram ng selpon mo?" Tanong ko sa kanya."Why?""Tatawagan ko lang si Rain.""Pumapayag kana ba?" Tanong niya sa akin."Wala na bang itataas ang 10k?" Pabiro na tanong ko sa kanya.Nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya. Alam ko na nagmumukha akong pera pero nagbibiro lang naman ako."Char lang! Hahaha! Pero teka lang, bakit ang laki ng bayad mo?" Tanong ko sa kanya. Dahil ngayon lang talaga ako naka encounter ng 10k maglilinis lang sa condo niya tapos isang araw lang 'yun."Gusto ko lang, saka marami akong pera." Sagot niya sa akin."Marami ka pa lang pera. Pero kung makasingil ka sa akin wagas. Siguraduhin mo lang talaga na wala kang gagawing masama sa akin.""Sa gwapo kong 'to, magbabalak pa ng masama sa 'yo. Ba
CHE-CHE POV(AFTER 10 YEARS)“CHEMMARY PELIPA–RODRIGUEZ, C*M LAUDE!” Isang masigabong palakpakan ang naririnig ko mula sa mga tao sa paligid. Kaliwa't-kanan na pagbati mula sa kapwa ko mag-aaral.Araw ng graduation ko ngayon at napaiyak talaga ako sa sobrang saya ko. Pagkatapos ng ilang taon ay natupad ko rin ang pangarap ko na makapagtapos sa pag-aaral. Sobrang hirap ng mga dumaan na taon sa akin. Pero dahil nasa tabi ko ang asawa ko at mga anak ko ay lahat kinaya ko. Marami akong gabi na walang tulog at laging pagod. Pero ang lahat ng 'yon ay nagbunga. At ngayon ay aanihin ko na. “I’m so proud of you, Boba. Congratulations!” Malambing na bulong sa akin ni Jayson.“Thank you so much, Bubu. Hindi ko ito magagawa na ako lang. Kayo ng mga anak natin ang lakas ko at dahilan ko kaya patuloy akong nagsisikap. Para sa inyo ito.” Naiiyak na sabi ko sa kanya.“You’re the best wife and mother ever. How to be you, Boba?” pabiro na tanong niya sa akin.“Iba po kasi ang alagang Jayson Rodriguez.
WEDDING DAY AND HONEYMOONWARNING: THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK! (MATURE CONTENT R18+)CHE-CHE POVHalos dalawang buwan na pinaghandaan namin ang kasal namin ni Jayson. At sa wakas ay dumating na ang araw na pinakahihintay naming dalawa. Nasa harap ako ngayon ng isang malaking vanity mirror. At inaayosan ako ng glam team na kinuha ni Ana.“Naiiyak ako, beshy. Dahil sa wakas ay ikakasal kana na nandito si Tiyang.” Saad sa akin ni Joy.“Masaya ako na ikakasal ako na nasa tabi ko si inay. Thank you, beshy dahil hanggang ngayon kaibigan pa rin kita. Malaki ang pasasalamat ko sa ‘yo dahil sa mga panahon na kailangan ko ng kaibigan ay nariyan ka palagi para sa akin.” Parang naiiyak na sabi ko sa kaibigan ko.“Me too you, beshy.” umiiyak na sagot sa akin ni Joy.“How about me? Friend mo rin naman ako ah,” biglang tanong ni Ana na nakanguso na parang bata.“Makakalimutan ba kita. Syempre ikaw ang pinakapangit kong kaibigan na laging nandyan para sa akin.
JAYSON’S POVNagpaalam ako sa asawa ko na may pupuntahan lang kami saglit ni Asher. Pero habang nasa byahe kami ay hindi ako mapakali. Para kasing may kakaiba sa asawa ko na hindi ko mawari. Biglang tumunog ang phone ko at kapatid niya ko ang tumatawag sa akin. Mabilis ko naman itong sinagot.“H–Hello, k–kuya. Nawawala po si Ate Che-che.” “Paanong nawawala?” Nagtataka na tanong ko sa kanya. Pero bigla na lang sinipa ng kaba ang dibdib ko.“Hindi ko po namalayan na nakaidlip po ako. Nang magising ako ay wala na po siya.” Umiiyak na sabi niya sa akin.“Just stay there,” matigas na sabi ko sa kanya bago ko ibinaba ang tawag.“Fvcking sh*t!” sigaw ko na ikinagulat ni Asher.“What’s the matter, Kuya? Sino ang nawawala?” Tanong niya sa akin.“Ang asawa ko nawawala siya,” frustrated na sagot ko sa kanya.“Sorry, kuya but I need to answer this.” aniya sa akin dahil bigla na lang may tumawag sa kanya.“Hello, Ana. What?! Okay pupuntahan na namin ngayon, thanks.” saad ni Asher bago niya ibinaba
CHE-CHE POVBinalot ng takot ang puso ko dahil sa text message na natanggap ko. Natatakot ako pero mabilis ko rin pinatay ang phone ko para hindi makita ng asawa ko. Kailangan kong mag-isip ng mabuti. Kailangan kong isipin ang kapakanan ng anak ko.Alam ko na mahina pa ako dahil kakapanganak ko pa lang. Pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ka para lang maging maayos ang lahat. Ililigtas ko ang anak ko sa taong kumuha sa kanya. Lumabas ang asawa ko dahil may pupuntahan sila ni Asher.Kapatid ko ngayon ang kasama ko dito sa silid na inakupa namin. Lihim akong umiiyak. Litong-lito na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit ngayon pa? Bakit kailangan pang mangyari ang lahat ng ito. Alam ko na delikado pero kinuha ko ang phone ko para i-text si Ana at si Joy. Nang mai-send ko na ang mensahe ko ay dahan-dahan akong lumabas sa silid ko. Tulog ang kapatid ko kaya nakalabas ako ng hindi niya nalalaman.May nararamdaman akong sakit pero tiniis ko. Para hindi ako maabutan ng mga bantay. Na
JAYSON’S POVKahit kinakabahan at natatakot ako ay pinilit kong lakasan ang loob ko. At nakahinga naman akong maluwag dahil naging maayos ang panganganak ng asawa ko. Ang pagiging makulit niya ay wala talagang pinipili na lugar. Kaya sobrang natutuwa sa kanya si Doktora dahil nagagawa pa niyang magdaldal kahit na nasa kalagitnaan siya ng panganganak. Hindi ko napigilan ang mga luha ko nang masilayan ko ang anak ko. Ang liit niya at para bang nakakatakot akong buhatin siya. Inilabas muna siya para malinisan. Ako naman ay sinamahan ko ang asawa ko. Nakatulog ito dahil sa sobrang pagod.Hanggang sa humahangos na pumasok ang isang nurse.“S–Sir, ang b–baby niyo po..” nauutal at namumutla na sabi niya sa akin.“Anong nangyari sa baby ko? Nasaan na ang anak ko?!” sigaw ko sa kanya.“Nawawala po ang baby niyo, Sir.” Sagot niya sa akin na ikinatigil ng mundo ko. Nawawala ang anak ko? Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan ko ang braso niya.“Paanong nawawala ang anak ko?” May diin na ta
CHE-CHE POVSa bawat araw na dumadaan sa buhay namin ng asawa ko ay puno ng saya at pagmamahalan. Lahat kami ay excited na sa paglabas ni baby shark ko. Laking pasasalamat ko dahil tumigil na ang paglilihi ko noong anim na buwan ang tiyan ko. Kaya hindi na nahirapan ang asawa ko sa akin. Nandito ako ngayon sa may veranda namin. Nakikinig kami ni baby shark ng music. Habang kumakain ng prutas.“Baby shark, kailan ka ba lalabas? Alam mo ba na excited na si mommy na makita ka?” Tanong ko sa kanya at hinimas-himas ko ang tiyan ko.“Ayyy! Ang lakas naman ng sipa mo, baby shark.” Natatawa na sabi ko dahil bigla na lang siyang sumipa.Kabuwanan ko na kasi at anytime ay puwede na siyang lumabas. Maraming tao ang nagsasabi na nakakatakot raw ang manganak. Dahil nasa h*kay raw ang isa mong paa. Pero alam ko na kahit gaano pa kahirap ay kakayanin ko. Alam ko na ginagabayan kami ni Lord at ni baby shark number one namin.Nasa trabaho ngayon ang asawa ko. Gusto sana niyang magfile ng leave sa tra
JAYSON'S POVMaraming nagbago sa asawa ko simula noong pinagalitan siya ni inay. Okay lang sa akin na pinakain niya ako. Pero si inay ang nagalit sa kanya. At ayoko naman na makipagtalo kay inay. Napapansin ko n ang tamlay ng asawa ko palagi. Na parang lagi itong nalulungkot. Hindi ko na rin siya nakikita na kumakain ng kung anu-ano o humihingi sa akin. At hindi ko kaya na makita ang mga mata niya na ganun.Kaya gumawa ako ng paraan. Naglagay ako ng hidden camera sa veranda at sa side table namin kung saan siya palaging tumatambay. Araw-araw ko itong sinisilip at nalalaman ko na marami pala siyang gustong kainin. Na marami pala siyang gustong gawin na hindi niya kayang isatinig.Minsan ay pinipili ko na iwan siya dito sa silid namin para makakain siya ng maayos. Alam ko kasi na naiilang siya kapag nasa tabi niya ako.At ngayong araw ay sumapit na ang ultrasound at para malaman namin ang gender ng baby shark namin. Tuwing naiisip ko na baby shark ang tawag niya sa baby namin ay napapan
CHE-CHE POVPagpasok ko sa loob ng bahay namin ay nagtataka ako dahil nandito na ang kotse ng asawa ko. Kaya mabilis akong pumasok sa loob ng bahay para alamin kung talaga bang nakauwi na siya. Pagpasok ko pa lang ay niyakap na ako ng asawa ko.“Hindi mo sinasagot ang tawag ko?” Tanong niya sa akin.“Sorry, Bubu. Naka-silent ang phone ko.” mahinang sabi ko sa kanya.“It’s okay, Boba. Next time ‘wag mo ng i-silent mode ang phone mo.” Sabi niya sa akin.“Opo, sorry po talaga.” Sabi ko sa kanya.“Saan ka pumunta? Ang sabi mo kay inay sa convenience store ka lang pupunta.” Tanong niya sa akin.“Wala kasi akong nagustuhan doon kaya pumunta ako sa palengke.” Sagot ko sa kanya.“Next time kapag may gusto ka sabihan mo ako. Kasi ako na mismo ang bibili para sa ‘yo.” Sabi niya sa akin.“Sorry po talaga, Bubu.” Bigla akong nakonsensya at parang gusto kong kutusan ang sarili ko dahil nakikita ko sa mga mata niya na nag-aalala siya sa akin. Alam ko na masyado ko ng pinapasakit ang ulo niya. Minsa
CHE-CHE POVSa palawan pala kami pumunta ng asawa ko. At sobrang gaan ng pakiramdam ko. Ang ganda ng buong lugar at talagang nakaka-relax. Gusto kong sulitin ang mga oras na kasama ko ang asawa ko. Isa sa natutunan ko ngayon ay pahalagahan ang oras lalo na sa mga taong mahal ko.“Boba, dinner na tayo.” Nakangiti na yaya niya sa akin.“Okay, Bubu. Kanina pa ako nagugutom sagot ko rin sa kanya.”Sabay kaming bumaba at hawak niya ang kamay ko. Sobrang romantic ng dinner naming dalawa. Masasabi ko na isa ito sa pinaka-sosyal at magandang hapunan na kasama ko ang asawa ko. Pero hindi ko lang maiwasan na mainis sa mga babaeng nagpapansin sa kanya. “Nakakainis ka naman, Bubu.” naiinis na sabi ko sa kanya.“Why, boba?” Tanong niya sa akin.“Lahat kasi ng mga babae ay nakatingin sa ‘yo. Bakit kasi ang gwapo mo?” sagot ko sa kanya.“Hahaha, hayaan mo lang silang tumingin dahil sa ‘yo lang naman ako. Ikaw lang ang makakatikim sa akin.” nakangisi na saad niya sa akin.“Ako lang pala ha, e marami