CHE-CHE’S POV
“Beshy! Gising kana ba?!” naririnig kong sigaw ni Joy mula sa labas ng bahay.“Yes, beshy. Ready ka rin na ba?” Tanong ko rin sa kanya.“Hindi nga ako makatulog dahil excited akong pumunta doon sa Academy.”“Ako rin eh,” sagot ko sa kanya.“Let’s…..go!” Masayang sabi niya sa akin.Naglakad lang kami papunta sa Academy dahil wala kaming extrang pera para sa pamasahe. Ngayon kasi kami mag-apply at talagang inagahan namin ang pagpunta. Pagdating namin ay talagang namangha ako sa laki ang ganda ng school nila. Dati tuwing napapadaan ako dito ay pangarap ko na makapasok dito pero may mga bagay na mas mahalaga kaysa sa sarili ko. Kaya hanggang tingin lang muna ako sa ngayon.Pumasok kami at nagtanong sa guard kung saan ang canteen nila. Nang ituro niya sa amin ay kaagad kaming pumunta. Pagdating namin ay wala pa gaanong mga tao. May mga itinanong lang sa amin at sinagot naman namin ng maayos ni Joy. Hindi ko rin nagawang magbiro dahil seryoso na ako ngayon.“Tanggap na kayo,” sabi sa amin ni Ate Sally.“Totoo po ba?” Hindi makapaniwala na tanong ko sa kanya.“Oo, at magsisimula na kayo ngayon.”"Ngayon po?Agad-agad?" Excited na tanong ko sa kanya."Oo, ngayon na talaga." Nakangiti na sagot ni ate sa akin.Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ko rin na pigilan ang sarili ko na yakapin siya. Sobrang saya ko lang dahil may stable na akong trabaho at makakabili na ako ng gamot ni inay. Masaya akong nagsimula sa trabaho, katuwang ko si Joy sa kusina. Binigay ko ang best ko at talagang sinarapan ko ang mga pagkain na niluto ko.“Chemmary, ang sarap mo magluto. Halos nagustuhan ng mga bata. At si Sir Sungit ay napa-order pa ulit.” sabi sa akin ni Ate Sally.“Sir Sungit po?”“Oo may professor dito na masungit pero ubod naman ng gwapo.” Sagot niya sa akin.“Ganun po ba? Kapag kumain siya ng luto ko araw-araw ay maging mabait ‘yun.” Pabiro na sabi ko sa kanya.“Hahaha! Malabo ‘yang sinasabi mo, anak.”"Masyado po bang masama ang ugali niya?" Natatawa na tanong ko sa kanya."Lahat yata ng mga estudyante ay takot sa kanya. Pero bata pa siya nasa bente-singko pa lang yata siya."Marami pang naging kwento si Ate Sally. Kami naman ni Joy ay nakikinig at nakitawa na lang sa kanya. Naubos na ang unang batch ng niluto ko kaya kasalukuyan ulit akong nagluluto. Ang sabi pa nila sa akin ay ngayon lang raw nangyari na nagdagdag pa dahil marami pa ang may gustong kumain at bumili.Nakakapagod man ang araw na ito ay sulit naman ang magiging sweldo ko. Linggohan ang pinili ko dahil kailangan ko laging bumili ng mga gamot ni inay. At pambaon na rin ng dalawa kong kapatid. Tumulong muna kami sa pagliligpit bago umuwi. Pagkarating ko sa bahay ay umidlip muna ako dahil kailangan ko pang pumasok mamaya sa bar.Ngayon pa lang nanalangin na ako na hindi ako sisantihin sa trabaho. Sigurado ako na inaalam na ni Fvcking boy ang bahay ko dahil sa pagsira ko sa side mirror niya.Talagang pinili ko na magpa-late sa pagpasok. Hindi ako sumabay kay Joy dahil ayoko na maagang mapagalitan ng manager."Chemmary, mabuti naman at nandito kana. Ihatid mo ito sa VIP room." Utos kaagad sa akin ng manager namin. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi niya ako pinagalitan."S-Sige po," kabado na sagot ko sa kanya. Hindi ko rin alam pero kinakabahan talaga ako.Kabado man ay mabilis akong umakyat papunta sa VIP room. Pagbukas ko sa pintuan ay bigla akong sinalubong ng kadiliman."Mali yata ang pinasukan kong silid. Makalabas nga at itatanong ko ulit." Saad ko sa sarili ko dahil sobrang dilim ng paligid.Akmang lalabas na ako ng biglang bumukas ang mga ilaw. Napapikit pa ako dahil bigla akong nasilaw. Nang idilat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin si fvcking boy."Ayy kalabaw kang masungit!" Bigla kong bulalas sa pagkagulat.Nakaupo ito sa couch habang may hawak na baso ng alak. Tanging kami lang na dalawa ang narito ngayon. Ngumiti ito sa akin pero alam ko na may kakaiba sa ngiti niya. Alam ko rin na galit ito sa akin.Patay ako nito. Bakit kasi hindi ko naisip ang magiging resulta ng ginawa ko? Bigla akong natakot pero dahil matapang ako. Oo matapang ako, hindi ako puwedeng magpatalo na lang sa kanya. Dahan-dahan kong ibinaba ang dala kong alak sa mesa at hindi ko siya sinulyapan."Sir, kung may kailangan pa po kayo ay pindutin niyo lang ito." Magalang na sabi ko sa kanya.Akmang lalabas ako nang bigla itong nagsalita."Saan ka pupunta? Hindi ba sinabi sa 'yo ang trabaho mo ngayong gabi." Seryoso na tanong niya sa akin."Wala po si lang sinasabi—""Set down," putol niya sa sasabihin ko pa."Ho?""Alam kong narinig mo ako. Do I need to repeat it again?" Masungit na tanong niya sa akin.Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at umupo sa dulong bahagi ng couch. Matalim na ngayon ang tingin na ipinukol niya sa akin."G—Galit ka ba?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya."Sa tingin mo ba dapat maging masaya ako?"Natameme ako sa naging sagot niya sa akin. Alam ko naman na hindi nakakatuwa ang ginawa ko. Pero syempre dapat deadma ako dahil siya naman talaga ang may atraso sa akin."Malay ko sa 'yo, bakit ako tinatanong mo kung dapat ka ba maging masay—""Bayaran mo ang sinira mo.""Bayaran mo rin ang tilapia ko!" Mataray na sabi ko sa kanya."Ayoko!" Mabilis na sagot niya sa akin."Ayoko rin!" Naiinis na sabi ko sa kanya."Magbabayad ka o ipapakulong kita?" Pananakot niya sa akin."Bakit nang muntik mo na akong mabangga at natapon ang mga tilapia ko? Tumawag ba ako ng pulis?" Naiinis rin na tanong ko sa kanya. Akala niya siguro ay matatakot niya ako. Sarap niyang hampasin ng hawak kong tray."Mukha bang joke ang side mirror ng sasakyan ko?""Bakit mukha bang joke ang mga tilapia ko?!""Fvcking sh*t!""Hoy! Fvcking boy 'wag mo akong minumura ha. Akala mo siguro hindi ko alam mga sinasabi mo." Galit na sabi ko sa kanya."Magkano ba ang tilapia mo?""1k, sinabi ko na sa 'yo kahapon diba." Mataray na sagot ko sa kanya."Okay, babayaran kita pero bayaran mo rin ang sinira mo." Sabi niya sa akin sabay dukot sa wallet niya ng isang libo.Inabot niya sa akin ang pera. Napalunok ako at tinitigan lang ito."Ayaw mong kunin?" Suplado na tanong niya sa akin."Kung kukunin ko 'yan, magkano naman babayaran ko sa 'yo?""Ten thousand.""Ano?! 10k?!" Laglag ang panga ko sa kanya."Yeah, 10k nga.""Bakit ang mahal?""Bakit anong tingin mo sasakyan ko?""Sa 'yo na 'yang 1k na 'yan. Puwede naman hulugan diba. Alam mo ba 'yon? 'Yung parang sa bombay? Saka hindi ko naman 'yon gagawin kung binayaran mo na sana ako agad." Tanong ko sa kanya."Puwede naman, pero two gives." Nakataas ang isang kilay niya habang nagsasalita."Grabe ka naman sa two gives. Puwede ba na linggohan, five hundred?" Tanong ko sa kanya."Hindi puwede," matigas na sabi niya sa akin."Kahit anong piga mo sa akin ay hindi ko kaya ang two gives." Naiinis na sabi ko sa kanya."Puwede mo naman akong bayaran sa ibang paraan." Sabi niya bigla sa akin. Umusod ito papunta sa akin at ako naman ay sumiksik pa lalo sa dulo ng couch. Kahit na alam kong wala na akong uusuran.Lumapit ang mukha niya sa akin. Sh*t! Ang gwapo niya talaga, saad ko sa sarili. Pero kaagad ko rin namang sinaway ang sarili ko dahil hindi ito ang oras para purihin ko siya."A—Anong paraan ang sinasabi mo?" Nauutal na tanong ko sa kanya dahil sa kinakabahan ako sa sobrang lapit na niya sa akin.Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya na para bang may binabalak na masama sa akin.Hello po, thank you po sa pag-add sa story na ito. Susubukan ko po na mag-update palagi dito. Inuuna ko lang po sa ngayon ang Hiding the Miracle Heiress ko. Sana po ay subukan niyo po basahin ang iba kong story lalo na ang professor's Maid. Dahil 'yun po ang story ng parents ni Jayson.
CHE-CHE'S POV“Lumayo ka nga sa akin?!” Naiinis na sabi ko sa kanya at itinulak ko siya palayo sa akin. Kinakabahan kasi ako sa mga sinasabi niya na ibang paraan. Hindi ko maiwasan na hindi mag-overthinker dahil sa mga sinasabi. niya.“Ang arte mo akala mo type kita.” Supladong sabi niya kaya kaagad na kumulo ang dugo ko sa kanya.“Bakit tingin mo ba type rin kita?! Hindi ka naman ganun ka-gwapo kaya ‘wag kang feeler d’yan!” Naiinis na sabi ko rin sa kanya.“Bayaran mo ako, kung sa tingin mo makakatakas ka sa akin ay nagkakamali ka. Kahit saan ka pa magtago mahahanap pa rin kita.”“Magbabayad ako basta maghintay ka lang dahil ikaw lang naman ang babayaran ko. Hindi ko kaya ang two gives na sinasabi mo. Twenty gives ang kaya ko. TWENTY GIVES,” diniinan ko pa talaga ang twenty give na sabi ko sa kanya.“Wala akong pakialam kung saan ka kukuha ng pera basta bayaran mo ako. At hindi twenty gives kundi TWO GIVES. Dahil kung hindi ipapakulong kita.” Pinagbabantaan pa ako.“Alam mo fvcking bo
CHE-CHE’S POV Ang ganda ng ngiti ko habang papalapit sa kotse. Panay din ang yuko ko para maghanap ng pwede kong gamitin para butasin ang gulong. Lalong lumawak ang ngiti ko ng may makita akong may kalawang na pako. Kaagad ko itong dinampot.“Butas ka sa akin ngayo—”“Miss, anong ginagawa mo dito?” Tanong sa akin nang guard.“Hello kuya. Nahulog kasi ang singsing ko. Hinahanap ko lang,” palusot na sagot ko sa kanya.“Tulungan na kita.”“Naku! Nakita ko na, sige alis na po ako.” Paalam ko sa kanya.Mabilis akong naglakad palayo kay kuyang guard. Mabuti na lang hindi ko pa nabubutas ang gulong dahil kapag ako nahuli baka ipakulong ako ng may-ari. Mukha pa namang mamahalin ang kotse niya. Pero kahit na mamahalin pa ay kailangan kong makaganti sa kanya."Sayang, pero may next time pa naman." Saad ko sa sarili at umuwi na ako sa bahay namin."Nandito na po ako!" Sigaw ko pagpasok ko sa bahay namin."Mabuti naman at nandito kana anak, sakto ang dating mo kumain na tayo." Masigla na sabi sa
CHE-CHE'S POV"Why are you here? What are you doing here?!" Galit na tanong niya sa akin."Eh ikaw, bakit ka nandito?" Tanong ko rin naman sa kanya."Bakit ako nandito? Bahay ko lang naman 'to!" Suplado na sagot niya sa akin."B—Bahay mo, asawa mo ba si Mada—""Jayson, anak may problema ba?" Biglang dumating si Madam Deday."She punch me. Bakit ba nandito ang babaeng 'yan, mom?" Smbong nito sa mommy niya."Mom? Ibig sabihin mommy niya si Madam." Kausap ko sa sarili ko. Maling akala ako dahil anak pala siya ni Madam. Siya ba ang sinasabi ni Joy na gwapong anak ni Madam."Siya ang magluluto ng mga food natin bukas." Sagot naman ni Madam sa kanya."Bakit siya pa? Chef ba siya?""Jayson," may pagbabanta sa tono ng boses ni Madam."I'm just concerned, mom. Nakakahiya kong hindi naman masarap ang mga pagkain na i-siserve bukas."Yumuko ako dahil parang napahiya ako doon. Kung sabagay mayaman pala talaga siya. At tama siya hindi naman ako Chef. Lutong karinderya at cafeteria lang naman ang al
CHE-CHE’S POVHinayaan ko siya at hindi ko siya tinulungan.“Lagyan mo nga!” utos niya bigla sa akin.“Kaya mo na ‘yan. Hindi naman ‘yan sakop ng trabaho ko, diba?" Sagot ko sa kanya.“Tsk!” asik niya sa akin.“Tsk ka rin! Ikaw naman ang nagsabi kanina.” Sagot ko rin sa kanya.“Oo na tama kana! Shut your fvcking mouth” Naiinis na sabi niya sa akin.Hindi ko na siya pinansin at hinayaan ko na lang siya. Tumataas kasi ang presyon ko sa kanya. Baka hindi ko mapigilan sarili ko at maisubsob ko siya dito sa loob ng tulyasi. Nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko.Pasalamat naman ako dahil lumabas na siya dito sa kusina dahil kung nagtagal pa siya ay sigurado akong mag-aaway na talaga kami. Natuwa naman ako dahil nagustuhan ni Madam ang mga niluto ko. Akala ko ay magiging maayos na kami dito sa kusina dahil lumayas na si fvcking boy. Pero sadyang inu-urat niya ako sa pabalik-balik niya dito sa kusina. Sa tingin ko ay binabantayan ako ng h*******k na lalaki.Bilang na bilang ko pa kung ilang b
CHE-CHE'S POVLumapit na ako kay Madam at ibinigay sa kanya ang inutos sa akin ni Manang. Hindi ako tumingin kay fvcking boy. Masyado silang sweet ni sexy. Masakit sa mata at baka dapuan ako ng langgam. Lihim akong napangiti dahil ang ganda ng kakambal nila na si Jacell. Para itong artista pero nalaman ko na ballerina pala ito. Talagang walang tapon sa pamilya nila. Kahit ang asawa ni Madam ay sobrang gwapo rin."Che-che, mamaya kana umuwi ha." Nakangiti na sabi sa akin ni Madam."Okay po," sagot ko naman sa kanya.Nag-exit na ako dahil wala naman akong gagawin doon. Isa pa nakakahiya na makihalubilo ako sa mga mayaman at sino ba ako para tumambay doon. I'm just nobody, nobody but you. Dahil sa wala naman akong ginagawa at wala rin naman akong selpon para magpesbok ay lumabas na lang muna ako sa bahay nila. Naglakad-lakad ako. Sa totoo lang ay naiinip na ako at gusto ko ng umuwi pero nahihiya naman ako kung magpupumilit ako dahil kabilin-bilinan pa naman ni Madam na mamaya pa ako uuwi
CHE-CHE'S POVNapapaisip ako sa alok niya sa akin. Kung iisipin nang mabuti ay talagang nakaka-tukso ang offer niya."Sigurado ka ba na 10k isang araw?" Tanong ko pa sa kanya para maka-sigurado ako."Mukha ba akong nagbibiro?" Seryoso na sagot niya sa akin."Pwede ba ako humiram ng selpon mo?" Tanong ko sa kanya."Why?""Tatawagan ko lang si Rain.""Pumapayag kana ba?" Tanong niya sa akin."Wala na bang itataas ang 10k?" Pabiro na tanong ko sa kanya.Nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya. Alam ko na nagmumukha akong pera pero nagbibiro lang naman ako."Char lang! Hahaha! Pero teka lang, bakit ang laki ng bayad mo?" Tanong ko sa kanya. Dahil ngayon lang talaga ako naka encounter ng 10k maglilinis lang sa condo niya tapos isang araw lang 'yun."Gusto ko lang, saka marami akong pera." Sagot niya sa akin."Marami ka pa lang pera. Pero kung makasingil ka sa akin wagas. Siguraduhin mo lang talaga na wala kang gagawing masama sa akin.""Sa gwapo kong 'to, magbabalak pa ng masama sa 'yo. Ba
CHE-CHE'S POV"Bwisit ka talaga!" Sigaw ko sa kanya dahil sa sobrang inis ko."Bilisan mo na diyan dahil marami ka pang trabaho na naghihintay sa 'yo!" Sigaw rin niya sa akin.Bwisit talaga ang lalaking 'to. Wala siyang puso, balunbalunan at atay. Napakasama ng ugali, nakakagigil siya. Yawa talaga, kumukulo ang dugo ko sa kanya at sarap niyang layasan. Kung iisipin ay bayad na, ang 10k niya sa pagod ko sa pag-akyat pa lang sa hagdanan. Isang floor isang libo. Hinayaan ko siya at nakaupo pa rin ako. Dahil nanginginig pa rin ang mga tuhod ko. Nauna na itong pumasok sa unit niya. "Miss, are you okay?" Biglang may nagtanong sa akin."Okay lang po ak—" sh*t! Ang pogi saad ko sa sarili. Parang artista, matangkad at talagang makalaglag panty ang kagwapuhan niya. Mabuti na lang bago itong panty na inutang ko kay bombey."Are you sure?" Tanong pa niya sa akin ulit."Opo," sagot ko sa kanya at inalalayan niya akong tumayo. Sh*t! Ang bango pa niya."What the fvck?! Ang tagal mo!" Nagulat ako da
CHE-CHE'S POVTama nga ako dahil sumakit lang naman ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko tuloy ay eighty years old na ako at may rayuma na. Nahirapan tuloy akong bumangon kanina. Pero kinaya ko dahil kailangan kong pumasok. Pagdating ko sa canteen ay kaagad akong nagtrabaho. Wala si Joy dahil may sakit, kaya mag-isa lang ako ngayon sa kusina. "Chemmary, tulungan mo muna ako. Nagsabay-sabay ang breaktime ng mga bata." Sabi sa akin ni Ate Sally."Sige po," sagot ko sa kanya.Lumabas ako at tumulong ako sa kanya. Ang dami ng mga estudyante at halatang mga mayayaman. Nakangiti sila sa akin kaya napangiti naman ako. Ang buong akala ko ay masungit ang mga ito dahil nga mga rich pero hindi naman pala lahat. "Sir Rodriguez, alin po ang gusto niyong ulam ngayon?" Rinig ko na tanong ni Ate. Dahil sa kagustuhan kong malaman kung sino ang masungit na professor na sinasabi niya sa akin palagi ay lumingon ako. Nagkagulatan pa kaming dalawa dahil si Jayson ang tinutukoy niya. Nakatingin rin pala ito s
CHE-CHE POV(AFTER 10 YEARS)“CHEMMARY PELIPA–RODRIGUEZ, C*M LAUDE!” Isang masigabong palakpakan ang naririnig ko mula sa mga tao sa paligid. Kaliwa't-kanan na pagbati mula sa kapwa ko mag-aaral.Araw ng graduation ko ngayon at napaiyak talaga ako sa sobrang saya ko. Pagkatapos ng ilang taon ay natupad ko rin ang pangarap ko na makapagtapos sa pag-aaral. Sobrang hirap ng mga dumaan na taon sa akin. Pero dahil nasa tabi ko ang asawa ko at mga anak ko ay lahat kinaya ko. Marami akong gabi na walang tulog at laging pagod. Pero ang lahat ng 'yon ay nagbunga. At ngayon ay aanihin ko na. “I’m so proud of you, Boba. Congratulations!” Malambing na bulong sa akin ni Jayson.“Thank you so much, Bubu. Hindi ko ito magagawa na ako lang. Kayo ng mga anak natin ang lakas ko at dahilan ko kaya patuloy akong nagsisikap. Para sa inyo ito.” Naiiyak na sabi ko sa kanya.“You’re the best wife and mother ever. How to be you, Boba?” pabiro na tanong niya sa akin.“Iba po kasi ang alagang Jayson Rodriguez.
WEDDING DAY AND HONEYMOONWARNING: THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK! (MATURE CONTENT R18+)CHE-CHE POVHalos dalawang buwan na pinaghandaan namin ang kasal namin ni Jayson. At sa wakas ay dumating na ang araw na pinakahihintay naming dalawa. Nasa harap ako ngayon ng isang malaking vanity mirror. At inaayosan ako ng glam team na kinuha ni Ana.“Naiiyak ako, beshy. Dahil sa wakas ay ikakasal kana na nandito si Tiyang.” Saad sa akin ni Joy.“Masaya ako na ikakasal ako na nasa tabi ko si inay. Thank you, beshy dahil hanggang ngayon kaibigan pa rin kita. Malaki ang pasasalamat ko sa ‘yo dahil sa mga panahon na kailangan ko ng kaibigan ay nariyan ka palagi para sa akin.” Parang naiiyak na sabi ko sa kaibigan ko.“Me too you, beshy.” umiiyak na sagot sa akin ni Joy.“How about me? Friend mo rin naman ako ah,” biglang tanong ni Ana na nakanguso na parang bata.“Makakalimutan ba kita. Syempre ikaw ang pinakapangit kong kaibigan na laging nandyan para sa akin.
JAYSON’S POVNagpaalam ako sa asawa ko na may pupuntahan lang kami saglit ni Asher. Pero habang nasa byahe kami ay hindi ako mapakali. Para kasing may kakaiba sa asawa ko na hindi ko mawari. Biglang tumunog ang phone ko at kapatid niya ko ang tumatawag sa akin. Mabilis ko naman itong sinagot.“H–Hello, k–kuya. Nawawala po si Ate Che-che.” “Paanong nawawala?” Nagtataka na tanong ko sa kanya. Pero bigla na lang sinipa ng kaba ang dibdib ko.“Hindi ko po namalayan na nakaidlip po ako. Nang magising ako ay wala na po siya.” Umiiyak na sabi niya sa akin.“Just stay there,” matigas na sabi ko sa kanya bago ko ibinaba ang tawag.“Fvcking sh*t!” sigaw ko na ikinagulat ni Asher.“What’s the matter, Kuya? Sino ang nawawala?” Tanong niya sa akin.“Ang asawa ko nawawala siya,” frustrated na sagot ko sa kanya.“Sorry, kuya but I need to answer this.” aniya sa akin dahil bigla na lang may tumawag sa kanya.“Hello, Ana. What?! Okay pupuntahan na namin ngayon, thanks.” saad ni Asher bago niya ibinaba
CHE-CHE POVBinalot ng takot ang puso ko dahil sa text message na natanggap ko. Natatakot ako pero mabilis ko rin pinatay ang phone ko para hindi makita ng asawa ko. Kailangan kong mag-isip ng mabuti. Kailangan kong isipin ang kapakanan ng anak ko.Alam ko na mahina pa ako dahil kakapanganak ko pa lang. Pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ka para lang maging maayos ang lahat. Ililigtas ko ang anak ko sa taong kumuha sa kanya. Lumabas ang asawa ko dahil may pupuntahan sila ni Asher.Kapatid ko ngayon ang kasama ko dito sa silid na inakupa namin. Lihim akong umiiyak. Litong-lito na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit ngayon pa? Bakit kailangan pang mangyari ang lahat ng ito. Alam ko na delikado pero kinuha ko ang phone ko para i-text si Ana at si Joy. Nang mai-send ko na ang mensahe ko ay dahan-dahan akong lumabas sa silid ko. Tulog ang kapatid ko kaya nakalabas ako ng hindi niya nalalaman.May nararamdaman akong sakit pero tiniis ko. Para hindi ako maabutan ng mga bantay. Na
JAYSON’S POVKahit kinakabahan at natatakot ako ay pinilit kong lakasan ang loob ko. At nakahinga naman akong maluwag dahil naging maayos ang panganganak ng asawa ko. Ang pagiging makulit niya ay wala talagang pinipili na lugar. Kaya sobrang natutuwa sa kanya si Doktora dahil nagagawa pa niyang magdaldal kahit na nasa kalagitnaan siya ng panganganak. Hindi ko napigilan ang mga luha ko nang masilayan ko ang anak ko. Ang liit niya at para bang nakakatakot akong buhatin siya. Inilabas muna siya para malinisan. Ako naman ay sinamahan ko ang asawa ko. Nakatulog ito dahil sa sobrang pagod.Hanggang sa humahangos na pumasok ang isang nurse.“S–Sir, ang b–baby niyo po..” nauutal at namumutla na sabi niya sa akin.“Anong nangyari sa baby ko? Nasaan na ang anak ko?!” sigaw ko sa kanya.“Nawawala po ang baby niyo, Sir.” Sagot niya sa akin na ikinatigil ng mundo ko. Nawawala ang anak ko? Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan ko ang braso niya.“Paanong nawawala ang anak ko?” May diin na ta
CHE-CHE POVSa bawat araw na dumadaan sa buhay namin ng asawa ko ay puno ng saya at pagmamahalan. Lahat kami ay excited na sa paglabas ni baby shark ko. Laking pasasalamat ko dahil tumigil na ang paglilihi ko noong anim na buwan ang tiyan ko. Kaya hindi na nahirapan ang asawa ko sa akin. Nandito ako ngayon sa may veranda namin. Nakikinig kami ni baby shark ng music. Habang kumakain ng prutas.“Baby shark, kailan ka ba lalabas? Alam mo ba na excited na si mommy na makita ka?” Tanong ko sa kanya at hinimas-himas ko ang tiyan ko.“Ayyy! Ang lakas naman ng sipa mo, baby shark.” Natatawa na sabi ko dahil bigla na lang siyang sumipa.Kabuwanan ko na kasi at anytime ay puwede na siyang lumabas. Maraming tao ang nagsasabi na nakakatakot raw ang manganak. Dahil nasa h*kay raw ang isa mong paa. Pero alam ko na kahit gaano pa kahirap ay kakayanin ko. Alam ko na ginagabayan kami ni Lord at ni baby shark number one namin.Nasa trabaho ngayon ang asawa ko. Gusto sana niyang magfile ng leave sa tra
JAYSON'S POVMaraming nagbago sa asawa ko simula noong pinagalitan siya ni inay. Okay lang sa akin na pinakain niya ako. Pero si inay ang nagalit sa kanya. At ayoko naman na makipagtalo kay inay. Napapansin ko n ang tamlay ng asawa ko palagi. Na parang lagi itong nalulungkot. Hindi ko na rin siya nakikita na kumakain ng kung anu-ano o humihingi sa akin. At hindi ko kaya na makita ang mga mata niya na ganun.Kaya gumawa ako ng paraan. Naglagay ako ng hidden camera sa veranda at sa side table namin kung saan siya palaging tumatambay. Araw-araw ko itong sinisilip at nalalaman ko na marami pala siyang gustong kainin. Na marami pala siyang gustong gawin na hindi niya kayang isatinig.Minsan ay pinipili ko na iwan siya dito sa silid namin para makakain siya ng maayos. Alam ko kasi na naiilang siya kapag nasa tabi niya ako.At ngayong araw ay sumapit na ang ultrasound at para malaman namin ang gender ng baby shark namin. Tuwing naiisip ko na baby shark ang tawag niya sa baby namin ay napapan
CHE-CHE POVPagpasok ko sa loob ng bahay namin ay nagtataka ako dahil nandito na ang kotse ng asawa ko. Kaya mabilis akong pumasok sa loob ng bahay para alamin kung talaga bang nakauwi na siya. Pagpasok ko pa lang ay niyakap na ako ng asawa ko.“Hindi mo sinasagot ang tawag ko?” Tanong niya sa akin.“Sorry, Bubu. Naka-silent ang phone ko.” mahinang sabi ko sa kanya.“It’s okay, Boba. Next time ‘wag mo ng i-silent mode ang phone mo.” Sabi niya sa akin.“Opo, sorry po talaga.” Sabi ko sa kanya.“Saan ka pumunta? Ang sabi mo kay inay sa convenience store ka lang pupunta.” Tanong niya sa akin.“Wala kasi akong nagustuhan doon kaya pumunta ako sa palengke.” Sagot ko sa kanya.“Next time kapag may gusto ka sabihan mo ako. Kasi ako na mismo ang bibili para sa ‘yo.” Sabi niya sa akin.“Sorry po talaga, Bubu.” Bigla akong nakonsensya at parang gusto kong kutusan ang sarili ko dahil nakikita ko sa mga mata niya na nag-aalala siya sa akin. Alam ko na masyado ko ng pinapasakit ang ulo niya. Minsa
CHE-CHE POVSa palawan pala kami pumunta ng asawa ko. At sobrang gaan ng pakiramdam ko. Ang ganda ng buong lugar at talagang nakaka-relax. Gusto kong sulitin ang mga oras na kasama ko ang asawa ko. Isa sa natutunan ko ngayon ay pahalagahan ang oras lalo na sa mga taong mahal ko.“Boba, dinner na tayo.” Nakangiti na yaya niya sa akin.“Okay, Bubu. Kanina pa ako nagugutom sagot ko rin sa kanya.”Sabay kaming bumaba at hawak niya ang kamay ko. Sobrang romantic ng dinner naming dalawa. Masasabi ko na isa ito sa pinaka-sosyal at magandang hapunan na kasama ko ang asawa ko. Pero hindi ko lang maiwasan na mainis sa mga babaeng nagpapansin sa kanya. “Nakakainis ka naman, Bubu.” naiinis na sabi ko sa kanya.“Why, boba?” Tanong niya sa akin.“Lahat kasi ng mga babae ay nakatingin sa ‘yo. Bakit kasi ang gwapo mo?” sagot ko sa kanya.“Hahaha, hayaan mo lang silang tumingin dahil sa ‘yo lang naman ako. Ikaw lang ang makakatikim sa akin.” nakangisi na saad niya sa akin.“Ako lang pala ha, e marami