Hello po, thank you po sa inyong lahat. Ingat po kayo palagi ❤️❤️❤️
CHE-CHE'S POVUnang bumungad sa akin ang puting kisame. Oh my gosh! Tige na ba ako? Nakikita ko na ba si San Pedro? Jusko po hindi pa po ako handa. Hindi pa ako prepared. Mahal ko pa buhay ko. Help! Napabalikwas ako ng bangon. "Miss, anong nararamdaman mo?" Tanong sa akin ng isang magandang babae."Miss, patay na ba ako? Isa ka bang anghel?" Tanong ko sa kanya."Miss, buhay na buhay ka. Nahimatay ka lang pero hindi ka pa patay." Natatawa na sagot niya sa akin."Hehehe! Akala ko kasi natige na ako." Sagot ko rin sa kanya kaya tumawa ito.Nakahinga naman ako ng maluwag. Ang buong akala ko talaga ay nakikipag sabong na ako kay San Pedro. Bumangon ako dahil naalala ko na may trabaho pa pala ako."Miss, nasaan pala ako?" Biglang tanong ko sa babaeng maganda. "Nandito ka sa Academy clinic. Nahimatay ka kaya dinala ka dito ni Prof." Sagot niya sa akin."Maraming salamat, Miss. Pero kailangan ko ng umalis. May trabaho pa ako. Pasensya na sa abala." Sabi ko sa kanya."Naku, Miss. Dito ka daw
CHE-CHE'S POV"Anak, kumusta ang araw mo? Nandito pala si Jayson. May dala siyang pagkain, pinadala daw ni Madam sa atin." Sabi sa akin ni nanay.Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni nanay. Tumingin ako kay Jayson pero tahimik lang ito ngayon. Alam ko na nagsisinungaling lang siya. Kakagaling lang niya sa Academy at malayo pa ang bahay nila madam para kunin niya ito doon. Ano siya lumipad? Ngumiti na lang ako kay inay bago pumasok sa maliit kong silid. Pagpasok ko ay kaagad akong umupo sa luma kong papag.Tinatamad akong kumilos lalo na alam ko na nasa labas lang si fvcking boy. Sa tingin ko ay may hidden agenda siya sa akin o sa pamilya ko. Hindi siya pupunta dito para lang sa wala. Pero bakit nga ba siya pumunta dito? Biglang sumakit ang ulo ko. Hindi kaya sinisingil na niya ako? Nagpalit ako ng damit at ang uniform ko sa bar ang sinuot ko. Balak ko kasi na pumasok na lang kaysa manatili dito sa bahay. Lalo na alam ko na nandito siya."Ang aga mo yatang pumasok ngayon, anak? Mabuti
CHE-CHE'S POVKaagad akong sumunod sa kanya sa loob ng bahay namin. Nagulat ako dahil gising pa pala si inay. Nagtataka ako dahil hindi man lang ito nagtanong kung bakit kasama ko si Jayson."Nay, saan ko po siya papatulugin?" Mahinang tanong ko kay inay."Sa kwarto mo, may kutson doon at may electric fan. Kaysa dito sala malamok. Nakakahiya naman kung dito mo siya patulugin." Sagot naman sa akin ni inay."Doon kana sa kwarto ko matulog." Sabi ko kay Jayson."Saan ka matutulog?" Tanong naman niya sa akin."Dito na lang ako sa labas.""No, ako na lang dito." Mabilis na kontra niya."Pero malamok dito," sagot ko sa kanya."Okay lang, makatikim man lang sila ng gwapo." Sagot niya sa akin na ikinangiti ko.Marunong din pala siya magjoke. Hindi kasi halata. Saka ang swerte rin naman talaga ng mga lamok kung sakali dahil sa makatikim sila ng dugo ng gwapo. Saad ko sa sarili na kaagad ko ring sinaway dahil kung anu-ano na naman ang naiisip ko."Anak mauna na ako dahil inaantok na ako. Kaya ni
CHE-CHE'S POVPagbalik ko sa canteen ay naging tahimik na lang ako. Paano ba naman kasi masakit na naman ang tuhod ko. Kakagaling pa lang ng mga tuhod ko ay umakyat na naman kasi ako."Beshy, what happening to you? Are you okie o owright?" Tanong sa akin ni Joy."My toes my knees are ek-ek." Sagot ko naman sa kanya."Oh my gulay, you hab a ray-ray." Natatawa na sabi niya sa akin."What's ray-ray my beshy?" Natatawa na tanong ko sa kanya."Ray-ray long for rayuma and short for ray-ray." Natatawa na sagot niya sa akin.Masaya kaming nag-uusap ni Joy habang si Ate Sally ay naiiyak na. Nagkatinginan naman kami Joy. Iniisip ko baka may pinagdadaanan si ate. Malungkot kaya siya? Tanong ko sa sarili."Ate, may problema ka ba? Bakit ka umiiyak?" Nag-aalala na tanong ko sa kanya."Ha? Ako may problema? Wala, wala naman akong problema." Sagot niya sa akin habang pinupunasan ang mga luha niya."Eh bakit ka umiiyak?" Tanong ko pa sa kanya ulit."Naiyak lang ako sa kakatawa sa inyo. Kayo na talaga
CHE-CHE'S POV"Ano mga plans mo sa buhay mo? Matutulaley ka na lang ba there poreber?" Tanong ko sa kanya."Dito ako matutulog," biglang sagot niya sa akin."What? No, chu-chu uwi kana." Pagtataboy ko sa kanya."Gusto ko dito, masarap ang tulog ko dito eh." Sagot pa niya sa akin."Jay-jay coco...melon.... Uwi kana po, alam mo inaantok na kasi ako." Sabi ko pa sa kanya."Gusto ko nga dito." Pagpupumilit niya."Hoy! Anong ginagawa mo?" Natataranta na tanong ko sa kanya dahil balak niya umakyat sa bintana ko."Jusmiyo marimar! Tumigil ka! Maawa ka naman sa bintana ko. Pashneya ka! Umikot ka doon sa pintuan." Utos ko sa kanya.Pasaway talaga na lalaki. Hindi na naawa sa bahay namin. Sa laki niyang tao sigurado akong pagpasok niya ay tanggal pati dingding namin. Mabilis akong lumabas sa silid ko para pagbuksan siya ng pinto. Naisip ko nga na 'wag na lang sana kaso baka bumalik ulit sa bintana ko. Kaysa makipagmatigasan sa kanya ay susunod na lang ako.Pagbukas ko ay kaagad itong pumasok at
CHE-CHE'S POV"Anong ginagawa mo?! Akin na nga 'yan!" Naiinis kong hinablot sa kanya ang bra ko."Wala naman akong ginagawa, pinulot ko lang 'yan." Sagot niya sa akin habang nakangiti."Bakit mo kasi pinulot?" Naiinis pa na tanong ko."Sumabit sa paa ko." "Bwisit ka! Lumabas kana nga doon. Huwag ka ng pumasok dito." Inis na inis at hiyang-hiya ako."Baby, may kinakapitan pa ba 'yan?" Biglang tanong niya sa akin."Sympre meron! Ano ba tingin mo sa akin? Labas ka na nga!" "Akala ko kasi wala eh. Pero may alam akong paraan para lumaki 'yan." Nakangisi na sabi niya sa akin."Di ko 'yon kailangan!"Sa inis ko ay tinulak ko na siya palabas. Hiyang-hiya talaga ako. Burara ka kasi! Naiinis na saad ko sa sarili ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko. Grabe talaga siya sa akin palagi na lang niyang pinupuna ang dibdib ko. Gusto ba niya maging katulad ito sa jowa niya na parang pakwan kalaki. Mabilis kong tinago ang bra ko na inutang ko pa kay bombey. Lumabas ako at hindi ko siya pinapansin. Sila la
CHE-CHE'S POVKinuha niya ang kamay ko at nilagay niya ito sa balikat niya at hinawakan niya ang baywang ko. Hindi ko naman magawa na tumugon dahil di ko naman knows ang gagawin ko. Paano ba kasi ang halik na sinasabi niya?"Kiss me back, please." Mahinang bulong niya nang tumigil siya."Bakit?""Because, I want you to kiss me back.""P-Paano ba kasi gawin 'yon?" Tanong ko sa kanya."Sundin mo lang ang galaw ng labi ko." Sagot niya sa akin at hinalikan ako ulit. Akmang hahalikan at tutugon na ako nang bigla na lang kumunot ang noo ko. May naamoy akong kakaiba. Parang sunog? Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko na may niluluto pala ako."Ouch! Hiyaw niya dahil mabilis ko siyang tinulak at bumaba ako para patayin ang kalan at tinignan ko ang niluto ko. Sunog nga talaga.Kaagad akong lumingon kay Jayson na d*******g sa sakit ng likod niya. Kaya mabilis akong lumapit sa kanya. "Sorry, kasi ikaw kasalanan mo rin. Bakit mo kasi ako hinahalikan? Nasunog pa tuloy 'yong niluluto ko.""Ano
CHE-CHE'S POV"Saan ka pupunta? Bakit ka sasama diyan?" Tanong sa akin ni Jayson.Napalunok ako dahil bigla akong natakot sa awra niya. Halatang galit siya at anumang oras ay mananapak na siya. "M—May pupuntahan lang kami." Nauutal na sagot ko sa kanya."Saan?" Seryoso na rin kahit ang pananalita niya."Puwede ba, dude? Umalis ka nga dahil nakakaisturbo ka!" Sigaw ng lalaki kay Jayson."Shut your fvcking mouth!" Sigaw ni Jayson doon sa lalaki."Jayson, huwag ka naman ganyan." Mahinahon na saad ko sa kanya."Hindi ka aalis," puno ng otoridad na sabi niya sa akin."Kailan kong umalis," parang naiiyak na sabi ko sa kanya."NO, walang aalis dito. Alam mo ba kung anong mangyayari sa 'yo kapag sumama ka sa kanya?" "Hayaan mo na lang ako," akmang papasok ako ng hilain niya ako sabay buhat na para bang sako ng bigas."Jayson, ibaba mo ako! Please, ibaba mo ako!" Umiiyak na sabi ko sa kanya pero hindi siya nakikinig. Diretso lang siya sabay malibag sa akin papasok sa loob ng kotse niya. Hind
CHE-CHE POV(AFTER 10 YEARS)“CHEMMARY PELIPA–RODRIGUEZ, C*M LAUDE!” Isang masigabong palakpakan ang naririnig ko mula sa mga tao sa paligid. Kaliwa't-kanan na pagbati mula sa kapwa ko mag-aaral.Araw ng graduation ko ngayon at napaiyak talaga ako sa sobrang saya ko. Pagkatapos ng ilang taon ay natupad ko rin ang pangarap ko na makapagtapos sa pag-aaral. Sobrang hirap ng mga dumaan na taon sa akin. Pero dahil nasa tabi ko ang asawa ko at mga anak ko ay lahat kinaya ko. Marami akong gabi na walang tulog at laging pagod. Pero ang lahat ng 'yon ay nagbunga. At ngayon ay aanihin ko na. “I’m so proud of you, Boba. Congratulations!” Malambing na bulong sa akin ni Jayson.“Thank you so much, Bubu. Hindi ko ito magagawa na ako lang. Kayo ng mga anak natin ang lakas ko at dahilan ko kaya patuloy akong nagsisikap. Para sa inyo ito.” Naiiyak na sabi ko sa kanya.“You’re the best wife and mother ever. How to be you, Boba?” pabiro na tanong niya sa akin.“Iba po kasi ang alagang Jayson Rodriguez.
WEDDING DAY AND HONEYMOONWARNING: THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK! (MATURE CONTENT R18+)CHE-CHE POVHalos dalawang buwan na pinaghandaan namin ang kasal namin ni Jayson. At sa wakas ay dumating na ang araw na pinakahihintay naming dalawa. Nasa harap ako ngayon ng isang malaking vanity mirror. At inaayosan ako ng glam team na kinuha ni Ana.“Naiiyak ako, beshy. Dahil sa wakas ay ikakasal kana na nandito si Tiyang.” Saad sa akin ni Joy.“Masaya ako na ikakasal ako na nasa tabi ko si inay. Thank you, beshy dahil hanggang ngayon kaibigan pa rin kita. Malaki ang pasasalamat ko sa ‘yo dahil sa mga panahon na kailangan ko ng kaibigan ay nariyan ka palagi para sa akin.” Parang naiiyak na sabi ko sa kaibigan ko.“Me too you, beshy.” umiiyak na sagot sa akin ni Joy.“How about me? Friend mo rin naman ako ah,” biglang tanong ni Ana na nakanguso na parang bata.“Makakalimutan ba kita. Syempre ikaw ang pinakapangit kong kaibigan na laging nandyan para sa akin.
JAYSON’S POVNagpaalam ako sa asawa ko na may pupuntahan lang kami saglit ni Asher. Pero habang nasa byahe kami ay hindi ako mapakali. Para kasing may kakaiba sa asawa ko na hindi ko mawari. Biglang tumunog ang phone ko at kapatid niya ko ang tumatawag sa akin. Mabilis ko naman itong sinagot.“H–Hello, k–kuya. Nawawala po si Ate Che-che.” “Paanong nawawala?” Nagtataka na tanong ko sa kanya. Pero bigla na lang sinipa ng kaba ang dibdib ko.“Hindi ko po namalayan na nakaidlip po ako. Nang magising ako ay wala na po siya.” Umiiyak na sabi niya sa akin.“Just stay there,” matigas na sabi ko sa kanya bago ko ibinaba ang tawag.“Fvcking sh*t!” sigaw ko na ikinagulat ni Asher.“What’s the matter, Kuya? Sino ang nawawala?” Tanong niya sa akin.“Ang asawa ko nawawala siya,” frustrated na sagot ko sa kanya.“Sorry, kuya but I need to answer this.” aniya sa akin dahil bigla na lang may tumawag sa kanya.“Hello, Ana. What?! Okay pupuntahan na namin ngayon, thanks.” saad ni Asher bago niya ibinaba
CHE-CHE POVBinalot ng takot ang puso ko dahil sa text message na natanggap ko. Natatakot ako pero mabilis ko rin pinatay ang phone ko para hindi makita ng asawa ko. Kailangan kong mag-isip ng mabuti. Kailangan kong isipin ang kapakanan ng anak ko.Alam ko na mahina pa ako dahil kakapanganak ko pa lang. Pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ka para lang maging maayos ang lahat. Ililigtas ko ang anak ko sa taong kumuha sa kanya. Lumabas ang asawa ko dahil may pupuntahan sila ni Asher.Kapatid ko ngayon ang kasama ko dito sa silid na inakupa namin. Lihim akong umiiyak. Litong-lito na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit ngayon pa? Bakit kailangan pang mangyari ang lahat ng ito. Alam ko na delikado pero kinuha ko ang phone ko para i-text si Ana at si Joy. Nang mai-send ko na ang mensahe ko ay dahan-dahan akong lumabas sa silid ko. Tulog ang kapatid ko kaya nakalabas ako ng hindi niya nalalaman.May nararamdaman akong sakit pero tiniis ko. Para hindi ako maabutan ng mga bantay. Na
JAYSON’S POVKahit kinakabahan at natatakot ako ay pinilit kong lakasan ang loob ko. At nakahinga naman akong maluwag dahil naging maayos ang panganganak ng asawa ko. Ang pagiging makulit niya ay wala talagang pinipili na lugar. Kaya sobrang natutuwa sa kanya si Doktora dahil nagagawa pa niyang magdaldal kahit na nasa kalagitnaan siya ng panganganak. Hindi ko napigilan ang mga luha ko nang masilayan ko ang anak ko. Ang liit niya at para bang nakakatakot akong buhatin siya. Inilabas muna siya para malinisan. Ako naman ay sinamahan ko ang asawa ko. Nakatulog ito dahil sa sobrang pagod.Hanggang sa humahangos na pumasok ang isang nurse.“S–Sir, ang b–baby niyo po..” nauutal at namumutla na sabi niya sa akin.“Anong nangyari sa baby ko? Nasaan na ang anak ko?!” sigaw ko sa kanya.“Nawawala po ang baby niyo, Sir.” Sagot niya sa akin na ikinatigil ng mundo ko. Nawawala ang anak ko? Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan ko ang braso niya.“Paanong nawawala ang anak ko?” May diin na ta
CHE-CHE POVSa bawat araw na dumadaan sa buhay namin ng asawa ko ay puno ng saya at pagmamahalan. Lahat kami ay excited na sa paglabas ni baby shark ko. Laking pasasalamat ko dahil tumigil na ang paglilihi ko noong anim na buwan ang tiyan ko. Kaya hindi na nahirapan ang asawa ko sa akin. Nandito ako ngayon sa may veranda namin. Nakikinig kami ni baby shark ng music. Habang kumakain ng prutas.“Baby shark, kailan ka ba lalabas? Alam mo ba na excited na si mommy na makita ka?” Tanong ko sa kanya at hinimas-himas ko ang tiyan ko.“Ayyy! Ang lakas naman ng sipa mo, baby shark.” Natatawa na sabi ko dahil bigla na lang siyang sumipa.Kabuwanan ko na kasi at anytime ay puwede na siyang lumabas. Maraming tao ang nagsasabi na nakakatakot raw ang manganak. Dahil nasa h*kay raw ang isa mong paa. Pero alam ko na kahit gaano pa kahirap ay kakayanin ko. Alam ko na ginagabayan kami ni Lord at ni baby shark number one namin.Nasa trabaho ngayon ang asawa ko. Gusto sana niyang magfile ng leave sa tra
JAYSON'S POVMaraming nagbago sa asawa ko simula noong pinagalitan siya ni inay. Okay lang sa akin na pinakain niya ako. Pero si inay ang nagalit sa kanya. At ayoko naman na makipagtalo kay inay. Napapansin ko n ang tamlay ng asawa ko palagi. Na parang lagi itong nalulungkot. Hindi ko na rin siya nakikita na kumakain ng kung anu-ano o humihingi sa akin. At hindi ko kaya na makita ang mga mata niya na ganun.Kaya gumawa ako ng paraan. Naglagay ako ng hidden camera sa veranda at sa side table namin kung saan siya palaging tumatambay. Araw-araw ko itong sinisilip at nalalaman ko na marami pala siyang gustong kainin. Na marami pala siyang gustong gawin na hindi niya kayang isatinig.Minsan ay pinipili ko na iwan siya dito sa silid namin para makakain siya ng maayos. Alam ko kasi na naiilang siya kapag nasa tabi niya ako.At ngayong araw ay sumapit na ang ultrasound at para malaman namin ang gender ng baby shark namin. Tuwing naiisip ko na baby shark ang tawag niya sa baby namin ay napapan
CHE-CHE POVPagpasok ko sa loob ng bahay namin ay nagtataka ako dahil nandito na ang kotse ng asawa ko. Kaya mabilis akong pumasok sa loob ng bahay para alamin kung talaga bang nakauwi na siya. Pagpasok ko pa lang ay niyakap na ako ng asawa ko.“Hindi mo sinasagot ang tawag ko?” Tanong niya sa akin.“Sorry, Bubu. Naka-silent ang phone ko.” mahinang sabi ko sa kanya.“It’s okay, Boba. Next time ‘wag mo ng i-silent mode ang phone mo.” Sabi niya sa akin.“Opo, sorry po talaga.” Sabi ko sa kanya.“Saan ka pumunta? Ang sabi mo kay inay sa convenience store ka lang pupunta.” Tanong niya sa akin.“Wala kasi akong nagustuhan doon kaya pumunta ako sa palengke.” Sagot ko sa kanya.“Next time kapag may gusto ka sabihan mo ako. Kasi ako na mismo ang bibili para sa ‘yo.” Sabi niya sa akin.“Sorry po talaga, Bubu.” Bigla akong nakonsensya at parang gusto kong kutusan ang sarili ko dahil nakikita ko sa mga mata niya na nag-aalala siya sa akin. Alam ko na masyado ko ng pinapasakit ang ulo niya. Minsa
CHE-CHE POVSa palawan pala kami pumunta ng asawa ko. At sobrang gaan ng pakiramdam ko. Ang ganda ng buong lugar at talagang nakaka-relax. Gusto kong sulitin ang mga oras na kasama ko ang asawa ko. Isa sa natutunan ko ngayon ay pahalagahan ang oras lalo na sa mga taong mahal ko.“Boba, dinner na tayo.” Nakangiti na yaya niya sa akin.“Okay, Bubu. Kanina pa ako nagugutom sagot ko rin sa kanya.”Sabay kaming bumaba at hawak niya ang kamay ko. Sobrang romantic ng dinner naming dalawa. Masasabi ko na isa ito sa pinaka-sosyal at magandang hapunan na kasama ko ang asawa ko. Pero hindi ko lang maiwasan na mainis sa mga babaeng nagpapansin sa kanya. “Nakakainis ka naman, Bubu.” naiinis na sabi ko sa kanya.“Why, boba?” Tanong niya sa akin.“Lahat kasi ng mga babae ay nakatingin sa ‘yo. Bakit kasi ang gwapo mo?” sagot ko sa kanya.“Hahaha, hayaan mo lang silang tumingin dahil sa ‘yo lang naman ako. Ikaw lang ang makakatikim sa akin.” nakangisi na saad niya sa akin.“Ako lang pala ha, e marami