CHE-CHE’S POV
“Nay! Alis na po ako!” sigaw ko sa aking ina dahil nagmamadali na ako papunta sa palengke.“Sige anak, mag-iingat ka!” sigaw niya buhat sa aming kusina.“Opo, uuwi rin po ako kaagad!”Mabigat ang dala kong timba na may lamang tilapia. Nagtitinda kasi ako sa palengke tatlong beses sa isang linggo. Ako ang panganay sa pamilya namin kaya ako talaga ang inaasahan nila inay. Dalawa ang trabaho ko, minsan ay taga-linis ako sa mga condo ng mayayaman kasama ko ang kaibigan ko na si Joy.Masaya siyang kasama dahil bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya. Madalas ginagamit ko rin siya, panghugas ng plato hindi kasi maganda na gamitin ang bareta may naiiwan pa kaya magastos sa tubig. Kaya nagswitch ako sa joy isang patak 'sang katutak kasi 'sang katutak rin ang mga hugasan. Joy ang gamit ko pero 'di ako enjoy. Dahil sa mga naiisip ko ay hindi ko napansin ang paparating na sasakyan."Ayyy! Ang mga tilapia ko!" Pasigaw na bulalas ko dahil natapon sa daan ang mga isda na dala. Hindi ko tuloy alam kung alin ang una kong dadamputin."What the fvck! Tanga ka ba?" Galit na bulalas ng lalaki sa harapan ko."Hoy! What the fvck mo mukha mo! 'Wag mo akong ma what the fvck dahil wala akong pakpak. Tao ako at hindi ibon, b*bo. Bulag ka ba? Ikaw na nga itong mananagasa ikaw pa galit!" Sigaw ko rin sa kanya.Nakasuot ito ng shades at sa tingin ko gwapo naman siya. Tsk! Tumigil ka nga Chemmary. Saway ko sa sarili ko."Hindi ko kasalanan kung tanga ka! Pwede ba umalis ka nga sa daan!" asik niya sa akin."Bwisit ka! Paano na ang mga isda ko? Kawawa naman ang mga precious tilapia ko, huhuhu." Parang naiiyak na sabi ko habang isa-isa kung hinuhuli ang mga isda este dinadampot pala."Hindi ko na 'yan problema! Umalis ka na nga diyan baka tuluyan kita dyan eh." May pagbabanta na saad niya sa akin."Aba, ako pa talaga ang pinagbabantaan mo. Anong hindi mo problema?! Ihampas ko kaya 'tong isda sa mukha! Bayaran mo ako!" Sigaw ko sa kanya."You're crazy," sabi pa niya sa akin."Anong crazy? Crazy for you g*go! Nagsasabi ka nga lang mali pa." Nakita ko na natulala ito siguro bilib siya sa englishing ko."Oh, ano natulala kana diyan? Bayaran mo na nga lang ako.""Hindi kita babayaran, baka modus mo lang 'yan. Hindi mo ako maloloko babaeng baliw." Sabi niya kaya lalong uminit ang ulo ko sa narinig ko mula sa kanya."Ah.. baliw pa la ha. Ipapakita ko sa 'yo kung gaano ako ka baliw bwisit ka!" Sinimulan kong batuhin ng isda ang sasakyan niya."Stop that! Baliw kana nga talaga!""Hindi ako titigil hangga't hindi mo ako binabayaran. Ang susunod na bato ko tatama na talaga 'to sa mukha mo!" May pagbabanta na sabi ko. Nawala na sa isip ko ang mga kawawa kong tilapia."Magkano ba gusto mo?" Nakukunsumi na tanong niya sa akin."1k lang lahat 'yan." Mabilis na sagot ko sa kanya."Okay," saad nito at pumasok sa loob ng kotse niya. Siguro ay kukuha ito ng pera para ibayad sa akin.Nagulat na lang ako dahil sa isang iglap ay wala na ang kotse niya sa harapan ko. Mabilis akong nilayasan ng siraulong lalaki."Tatandaan ko plate number mo! May araw ka rin sa akin! Mayaman ka nga kuripot ka naman! Siraulo ka! Fvck you!" Sigaw ko sa papalayo niyang sasakyan.Akala niya siguro ay siya lang marunong ng fvck niya. Pero tama ba na 'yon? Tanong ko bigla sa sarili ko. Bahala siya ako pa ba mag-adjust sa kanya."Kawawa naman ang mga precious tilapia ko huhuhu!" Kausap ko sa mga isda habang isa-isa ko silang pinupulot sa kalsada.Hindi ko alam kung maibebenta ko pa ba ang mga ito. Kung minamalas ka nga naman. Malapit na akong matapos sa pagpulot ng mga isda ko ng may biglang tumigil na kotse sa harapan ko."Okay ka lang ba iha?" Tanong sa akin ng isang magandang babae."Okay lang po ako madam," sagot ko naman sa kanya dahil halatang mayaman ito. Simple man ang suot niya pero napakakinis naman ng balat niya."Ano ba ang nangyari sa 'yo?" Malumanay na tanong niya sa akin."Naku ho, 'wag niyo na po itanong. Mababadtrip lang po ako." Sagot ko sa kanya."Ganun ba? Saan mo ba dadalhin ang mga 'yan?" Tanong pa niya ulit sa akin."Sa palengke ho sana, ibebenta ko po. Kaya lang hindi na po ako sigurado kung may bibili pa po ng mga ito." Malungkot na sagot ko sa kanya."Okay lang ba kung ako na lang ang bibili ng mga 'yan? Paborito kasi 'yan ng panganay ko." Nakangiting sabi niya sa akin."Sigurado po ba kayo?" Hindi makapaniwala na tanong ko sa kanya. Nahihiya rin kasi ako dahil may mga buhangin ang ibang isda."Oo naman iha, magkano ba 'yan lahat?""1k po, ipinapabenta lang po iyan sa akin at 300 po ang parte ko." Sagot ko sa kanya."Ito ang bayad iha," aniya sa akin sabay abot ng tatlong libo."Naku, isang libo lang ho.""Kunin mo na ito, sa 'yo na ang dalawang libo." Nakangiti na sabi niya sa akin."Nakakahiya po," nahihiyang sabi ko sa kanya. Kahit ganito ako ay tinatablan naman ako ng hiya."Huwag kana mahiya sa akin. Ano pala ang pangalan mo iha?""Che-che for short, Chemmary for long po." Sagot ko sa kanya.Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa."Ako naman si Deday, pwede mo akong tawagin na Tita o Mommy Deday. Sana magkita pa tayo ulit may dalawa akong binata, ipapakilala kita." Masayang sabi niya sa akin."Naku, Madam. Sigurado po ako na gwapo ang mga anak ninyo at mayaman po kayo. Hindi po kami bagay." Sagot ko sa kanya."Sigurado ako na bagay na bagay kayo. Lalo na ang panganay ko." Nakangiting sabi nito sa akin."Hahaha! Sa panaginip po," natatawa na sagot ko sa kanya."Nakakatuwa ka naman.""Huwag ho kayong matuwa sa akin Madam hindi po ako clowny… clown?" Napaisip pa ko kung tama ba ang sinabi ko sa kanya. Basta 'yun na 'yun. Clowny clown na lang hahaha."Hahaha! Sige na iha, mauna na kami sa 'yo. Iluluto ko pa itong mga tilapia mo, este itong mga tilapia pala." aniya sa akin."Sige po, sarapan niyo po ang luto sa mga tilapia ko, na tilapia niyo na po kasi binili niyo na sa akin.""Sige, Che-che.""Bye po, Madam. Maraming salamat po sa pagbili sa mga tilapia ko na tilapia niyo na rin."Ngumiti naman ito sa akin. Kaya kumaway ako sa kanya. Mabuti pa si Madam, maganda na mabait pa. Sana magustuhan ng anak niya ang mga tilapia ko. Ano ka ba Chemmary? Hindi mo na 'yon tilapia. Saway ko sa sarili ko."Hoy! Chemmary bakit ka nakatulala diyan?!" Sigaw ni Joy sa akin."Ayy, Joy na panghugas." Gulat na bulalas ko."Narinig ko 'yon!" Nakataas ang isang kilay na sabi niya sa akin."Alam ko, banlawan kita d'yan eh. Tumawid ka na nga dito!" Utos ko sa kanya. Kaagad naman itong tumawid habang bitbit ang mga pechay niya."Ubos na kaagad mga tilapia mo?" Tanong niya sa akin."Oo, binili lahat sa akin. Tulungan na lang kitang ilako 'yang pechay mo." Saad ko sa kanya."Sige, para makapag-sesmes naman tayo." Natutuwang sabi niya sa akin."Siguraduhin mo na okay ang sesmes mo sa akin Joy. Dapat 'yung sesmes na pewede nating ibenta." Pabiro na sabi ko sa kanya."Oo naman, alam mo ba 'yong condo na nilisan ko kahapon?" Panimula niya."Hindi ko pa alam," pabiro na sagot ko sa kanya."Paano ko itutuloy kung ganyan ka.""Sorry naman dapat kasi kapag nagkukwento ka on point, straight forward at fastest. Alam mo ba 'yon?" Tanong ko sa kanya."Basag trip ka rin talaga. Kaibigan ba kita?!""Oo naman, bff for life tayo. 'Wag lang for dead kasi mahal ko pa buhay ko. Mabuti na lang Chemmary ang pangalan ko at hindi chicken." Bigla kong naisip 'yon kaya sinabi ko sa kanya."Bakit mo naman naisip 'yan? Wala naman sigurong nanay ang mabibigay ng pangalan sa anak niya ng Chicken, ano palayaw niya? Manok? O nokma?""Alam mo ang slow mo. Kasi kong naging chicken ang pangalan ko. Ang pangalan ng tandem natin Chickenjoy." Sabi ko sa kanya.Nakita ko na natulala siya."Huwag kana matulaley d'yan. Siguro manghang-mangha ka sa pagiging matalino ko?" Tanong ko sa kanya."Oo nga, ang talino mo." Sagot niya sa akin."Sabi ko sa 'yo eh." Pagmamalaki ko pa."Teka lang besh, may nakikita ako.""Ano 'yon?" Tanong ko sa kanya."May isa pang tilapia doon oh," turo niya sa akin."Oo nga tilapia ko 'yan. Siguro lumangoy siya papunta doon. Ang layo rin kasi ng narating niya. O baka nahulog doon sa sasakyan ng siraulo na 'yon.""Sinong siraulo besh?" Tanong ni Joy sa akin."Si what the fvck 'yon. Ang dahilan kung bakit lumangoy sa kalsada ang mga tilapia ko kahit na wala namang tubig. Pag nakita ko talaga 'yun, bubutasan ko talaga ang gulong ng kotse niya." Nanggigil na sabi ko sa kaibigan ko.CHE-CHE'S POV"Maiba tayo, buti binili pa ang mga tilapia?" Tanong niya sa akin."Oo binili pa rin ni Madam Deday." Sagot ko sa kanya."Madam Deday?" Parang hindi naniniwala na tanong niya sa akin."Si Madam Deday nga, alam mo ang kulit mo rin talaga.""Ang swerte mo naman," aniya sa akin."Kilala mo ba siya?" Tanong ko sa kanya."Oo naman sila ang may-ari ng malaking bahay doon sa bungad ng subdivision. Minsan na akong nakapasok sa bahay nila nang isinama ako ni inay." Sagot niya sa akin."Kanila pala 'yon. Kung nakita mo lang siya kanina ay napakasimple lang niya manamit. Kung hindi siya naka kotse ay hindi mo akalain na mayaman siya." Sabi ko kay Joy. "Ang alam ko, dating maid si Madam ng isang propesor na naging asawa niya." "Talaga! Ang swerte pala niya sa buhay." Namamangha na sabi ko."Sinabi mo pa, lahi sila ng magaganda at gwapo. Pag nakita mo siguro mga anak niya kahit na masikip ang garter ng panty mo baka bigla masira at malaglag." Humahagikgik na parang kiti-kiti na saa
CHE-CHE'S POV“Besh, salamat sa pagtulong sa akin na ilako ang mga pechay ko.” Pasasalamat sa akin ni Joy.“No, problem Joy. Your paninda is also may paninda.”Sagot ko sa kanya.“Gumagaling na talaga ang englishing mo besh.” aniya sa akin. “Diba bilib ka na naman sa 'kin? Steystey ka lang sa tabi ko dahil marami ako baon na mga wordi dito. Whenever you're in trouble just yell for help.” Sagot ko sa kanya.“Besh, diba words 'yon?” Tanong pa niya sa akin.“Kita mo 'to kinukorek pa 'ko, wala ka bang tiwala sa 'kin. Kumain nga muna tayo ng mami, doon sa mamihan ni Lome.” “Alam mo ba besh—”“Diko pa alam,” pabiro na putol ko sa sasabihin niya.“Yan ka na naman,” nagtatampo na sabi niya sa akin.“Ikaw talaga, nagbibiro lang naman ako,” sabi ko sa kanya at inakbayan ko siya.“Nagtataka lang kasi ako, doon sa may mamihan. Kasi ang pangalan MANG LOME pero mami at pares ang binebenta nila.” Sabi niya sa akin. Napaisip rin tuloy ako sa sinasabi niya.“Oo nga noh, bakit kaya? Pero alam mo baka
CHE-CHE’S POV“Besh! Tikman mo na nga ito!” Sigaw ko kay Joy galing dito sa kusina.“Luto na, besh?!” Tanong niya sa akin.“Hindi pa besh, hilaw itong titikman mo.” pabiro na sabi ko sa kanya.“Mukhang masarap, amoy pa lang ulam na.” Sabi niya sa akin.“Ulam naman talaga ‘yan, besh.” “Besh, huhuhu!” umiiyak na tawag niya sa akin.“Bakit ka umiiyak? Nagbibiro lang ako, tahan kana.” sabi ko sa kanya.“Hindi naman ako umiiyak dahil sa sinabi mo.” Sagot niya sa akin.“Eh, saan ka naiyak?” Tanong ko sa kanya.“Sa niluto mo, huhuhu!”“O, bakit ka naman umiyak lalo?” Tanong ko sa kanya.“Kasi….”“Kasi ano?” Tanong ko sa kanya kasi pinutol pa niya ang sasabihin niya.“Kasi sobrang sarap,” sagot niya sa akin na ikinatulala ko. Ang buong akala ko talaga ay kung ano na ang nangyari sa kanya pero ‘yun lang pala. Nasarapan lang pala siya.“Kinabahan ako sa ‘yo, next time ‘wag ka naman umiyak na para bang may nangyari sa ‘yo.” Sabi ko sa kanya.“Okay besh, pahingi ako nito ha. Ipapatikim ko rin sa
CHE-CHE’S POV“Beshy! Gising kana ba?!” naririnig kong sigaw ni Joy mula sa labas ng bahay.“Yes, beshy. Ready ka rin na ba?” Tanong ko rin sa kanya.“Hindi nga ako makatulog dahil excited akong pumunta doon sa Academy.” “Ako rin eh,” sagot ko sa kanya.“Let’s…..go!” Masayang sabi niya sa akin.Naglakad lang kami papunta sa Academy dahil wala kaming extrang pera para sa pamasahe. Ngayon kasi kami mag-apply at talagang inagahan namin ang pagpunta. Pagdating namin ay talagang namangha ako sa laki ang ganda ng school nila. Dati tuwing napapadaan ako dito ay pangarap ko na makapasok dito pero may mga bagay na mas mahalaga kaysa sa sarili ko. Kaya hanggang tingin lang muna ako sa ngayon.Pumasok kami at nagtanong sa guard kung saan ang canteen nila. Nang ituro niya sa amin ay kaagad kaming pumunta. Pagdating namin ay wala pa gaanong mga tao. May mga itinanong lang sa amin at sinagot naman namin ng maayos ni Joy. Hindi ko rin nagawang magbiro dahil seryoso na ako ngayon.“Tanggap na kayo,”
CHE-CHE'S POV“Lumayo ka nga sa akin?!” Naiinis na sabi ko sa kanya at itinulak ko siya palayo sa akin. Kinakabahan kasi ako sa mga sinasabi niya na ibang paraan. Hindi ko maiwasan na hindi mag-overthinker dahil sa mga sinasabi. niya.“Ang arte mo akala mo type kita.” Supladong sabi niya kaya kaagad na kumulo ang dugo ko sa kanya.“Bakit tingin mo ba type rin kita?! Hindi ka naman ganun ka-gwapo kaya ‘wag kang feeler d’yan!” Naiinis na sabi ko rin sa kanya.“Bayaran mo ako, kung sa tingin mo makakatakas ka sa akin ay nagkakamali ka. Kahit saan ka pa magtago mahahanap pa rin kita.”“Magbabayad ako basta maghintay ka lang dahil ikaw lang naman ang babayaran ko. Hindi ko kaya ang two gives na sinasabi mo. Twenty gives ang kaya ko. TWENTY GIVES,” diniinan ko pa talaga ang twenty give na sabi ko sa kanya.“Wala akong pakialam kung saan ka kukuha ng pera basta bayaran mo ako. At hindi twenty gives kundi TWO GIVES. Dahil kung hindi ipapakulong kita.” Pinagbabantaan pa ako.“Alam mo fvcking bo
CHE-CHE’S POV Ang ganda ng ngiti ko habang papalapit sa kotse. Panay din ang yuko ko para maghanap ng pwede kong gamitin para butasin ang gulong. Lalong lumawak ang ngiti ko ng may makita akong may kalawang na pako. Kaagad ko itong dinampot.“Butas ka sa akin ngayo—”“Miss, anong ginagawa mo dito?” Tanong sa akin nang guard.“Hello kuya. Nahulog kasi ang singsing ko. Hinahanap ko lang,” palusot na sagot ko sa kanya.“Tulungan na kita.”“Naku! Nakita ko na, sige alis na po ako.” Paalam ko sa kanya.Mabilis akong naglakad palayo kay kuyang guard. Mabuti na lang hindi ko pa nabubutas ang gulong dahil kapag ako nahuli baka ipakulong ako ng may-ari. Mukha pa namang mamahalin ang kotse niya. Pero kahit na mamahalin pa ay kailangan kong makaganti sa kanya."Sayang, pero may next time pa naman." Saad ko sa sarili at umuwi na ako sa bahay namin."Nandito na po ako!" Sigaw ko pagpasok ko sa bahay namin."Mabuti naman at nandito kana anak, sakto ang dating mo kumain na tayo." Masigla na sabi sa
CHE-CHE'S POV"Why are you here? What are you doing here?!" Galit na tanong niya sa akin."Eh ikaw, bakit ka nandito?" Tanong ko rin naman sa kanya."Bakit ako nandito? Bahay ko lang naman 'to!" Suplado na sagot niya sa akin."B—Bahay mo, asawa mo ba si Mada—""Jayson, anak may problema ba?" Biglang dumating si Madam Deday."She punch me. Bakit ba nandito ang babaeng 'yan, mom?" Smbong nito sa mommy niya."Mom? Ibig sabihin mommy niya si Madam." Kausap ko sa sarili ko. Maling akala ako dahil anak pala siya ni Madam. Siya ba ang sinasabi ni Joy na gwapong anak ni Madam."Siya ang magluluto ng mga food natin bukas." Sagot naman ni Madam sa kanya."Bakit siya pa? Chef ba siya?""Jayson," may pagbabanta sa tono ng boses ni Madam."I'm just concerned, mom. Nakakahiya kong hindi naman masarap ang mga pagkain na i-siserve bukas."Yumuko ako dahil parang napahiya ako doon. Kung sabagay mayaman pala talaga siya. At tama siya hindi naman ako Chef. Lutong karinderya at cafeteria lang naman ang al
CHE-CHE’S POVHinayaan ko siya at hindi ko siya tinulungan.“Lagyan mo nga!” utos niya bigla sa akin.“Kaya mo na ‘yan. Hindi naman ‘yan sakop ng trabaho ko, diba?" Sagot ko sa kanya.“Tsk!” asik niya sa akin.“Tsk ka rin! Ikaw naman ang nagsabi kanina.” Sagot ko rin sa kanya.“Oo na tama kana! Shut your fvcking mouth” Naiinis na sabi niya sa akin.Hindi ko na siya pinansin at hinayaan ko na lang siya. Tumataas kasi ang presyon ko sa kanya. Baka hindi ko mapigilan sarili ko at maisubsob ko siya dito sa loob ng tulyasi. Nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko.Pasalamat naman ako dahil lumabas na siya dito sa kusina dahil kung nagtagal pa siya ay sigurado akong mag-aaway na talaga kami. Natuwa naman ako dahil nagustuhan ni Madam ang mga niluto ko. Akala ko ay magiging maayos na kami dito sa kusina dahil lumayas na si fvcking boy. Pero sadyang inu-urat niya ako sa pabalik-balik niya dito sa kusina. Sa tingin ko ay binabantayan ako ng h*******k na lalaki.Bilang na bilang ko pa kung ilang b
CHE-CHE POV(AFTER 10 YEARS)“CHEMMARY PELIPA–RODRIGUEZ, C*M LAUDE!” Isang masigabong palakpakan ang naririnig ko mula sa mga tao sa paligid. Kaliwa't-kanan na pagbati mula sa kapwa ko mag-aaral.Araw ng graduation ko ngayon at napaiyak talaga ako sa sobrang saya ko. Pagkatapos ng ilang taon ay natupad ko rin ang pangarap ko na makapagtapos sa pag-aaral. Sobrang hirap ng mga dumaan na taon sa akin. Pero dahil nasa tabi ko ang asawa ko at mga anak ko ay lahat kinaya ko. Marami akong gabi na walang tulog at laging pagod. Pero ang lahat ng 'yon ay nagbunga. At ngayon ay aanihin ko na. “I’m so proud of you, Boba. Congratulations!” Malambing na bulong sa akin ni Jayson.“Thank you so much, Bubu. Hindi ko ito magagawa na ako lang. Kayo ng mga anak natin ang lakas ko at dahilan ko kaya patuloy akong nagsisikap. Para sa inyo ito.” Naiiyak na sabi ko sa kanya.“You’re the best wife and mother ever. How to be you, Boba?” pabiro na tanong niya sa akin.“Iba po kasi ang alagang Jayson Rodriguez.
WEDDING DAY AND HONEYMOONWARNING: THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK! (MATURE CONTENT R18+)CHE-CHE POVHalos dalawang buwan na pinaghandaan namin ang kasal namin ni Jayson. At sa wakas ay dumating na ang araw na pinakahihintay naming dalawa. Nasa harap ako ngayon ng isang malaking vanity mirror. At inaayosan ako ng glam team na kinuha ni Ana.“Naiiyak ako, beshy. Dahil sa wakas ay ikakasal kana na nandito si Tiyang.” Saad sa akin ni Joy.“Masaya ako na ikakasal ako na nasa tabi ko si inay. Thank you, beshy dahil hanggang ngayon kaibigan pa rin kita. Malaki ang pasasalamat ko sa ‘yo dahil sa mga panahon na kailangan ko ng kaibigan ay nariyan ka palagi para sa akin.” Parang naiiyak na sabi ko sa kaibigan ko.“Me too you, beshy.” umiiyak na sagot sa akin ni Joy.“How about me? Friend mo rin naman ako ah,” biglang tanong ni Ana na nakanguso na parang bata.“Makakalimutan ba kita. Syempre ikaw ang pinakapangit kong kaibigan na laging nandyan para sa akin.
JAYSON’S POVNagpaalam ako sa asawa ko na may pupuntahan lang kami saglit ni Asher. Pero habang nasa byahe kami ay hindi ako mapakali. Para kasing may kakaiba sa asawa ko na hindi ko mawari. Biglang tumunog ang phone ko at kapatid niya ko ang tumatawag sa akin. Mabilis ko naman itong sinagot.“H–Hello, k–kuya. Nawawala po si Ate Che-che.” “Paanong nawawala?” Nagtataka na tanong ko sa kanya. Pero bigla na lang sinipa ng kaba ang dibdib ko.“Hindi ko po namalayan na nakaidlip po ako. Nang magising ako ay wala na po siya.” Umiiyak na sabi niya sa akin.“Just stay there,” matigas na sabi ko sa kanya bago ko ibinaba ang tawag.“Fvcking sh*t!” sigaw ko na ikinagulat ni Asher.“What’s the matter, Kuya? Sino ang nawawala?” Tanong niya sa akin.“Ang asawa ko nawawala siya,” frustrated na sagot ko sa kanya.“Sorry, kuya but I need to answer this.” aniya sa akin dahil bigla na lang may tumawag sa kanya.“Hello, Ana. What?! Okay pupuntahan na namin ngayon, thanks.” saad ni Asher bago niya ibinaba
CHE-CHE POVBinalot ng takot ang puso ko dahil sa text message na natanggap ko. Natatakot ako pero mabilis ko rin pinatay ang phone ko para hindi makita ng asawa ko. Kailangan kong mag-isip ng mabuti. Kailangan kong isipin ang kapakanan ng anak ko.Alam ko na mahina pa ako dahil kakapanganak ko pa lang. Pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ka para lang maging maayos ang lahat. Ililigtas ko ang anak ko sa taong kumuha sa kanya. Lumabas ang asawa ko dahil may pupuntahan sila ni Asher.Kapatid ko ngayon ang kasama ko dito sa silid na inakupa namin. Lihim akong umiiyak. Litong-lito na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit ngayon pa? Bakit kailangan pang mangyari ang lahat ng ito. Alam ko na delikado pero kinuha ko ang phone ko para i-text si Ana at si Joy. Nang mai-send ko na ang mensahe ko ay dahan-dahan akong lumabas sa silid ko. Tulog ang kapatid ko kaya nakalabas ako ng hindi niya nalalaman.May nararamdaman akong sakit pero tiniis ko. Para hindi ako maabutan ng mga bantay. Na
JAYSON’S POVKahit kinakabahan at natatakot ako ay pinilit kong lakasan ang loob ko. At nakahinga naman akong maluwag dahil naging maayos ang panganganak ng asawa ko. Ang pagiging makulit niya ay wala talagang pinipili na lugar. Kaya sobrang natutuwa sa kanya si Doktora dahil nagagawa pa niyang magdaldal kahit na nasa kalagitnaan siya ng panganganak. Hindi ko napigilan ang mga luha ko nang masilayan ko ang anak ko. Ang liit niya at para bang nakakatakot akong buhatin siya. Inilabas muna siya para malinisan. Ako naman ay sinamahan ko ang asawa ko. Nakatulog ito dahil sa sobrang pagod.Hanggang sa humahangos na pumasok ang isang nurse.“S–Sir, ang b–baby niyo po..” nauutal at namumutla na sabi niya sa akin.“Anong nangyari sa baby ko? Nasaan na ang anak ko?!” sigaw ko sa kanya.“Nawawala po ang baby niyo, Sir.” Sagot niya sa akin na ikinatigil ng mundo ko. Nawawala ang anak ko? Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan ko ang braso niya.“Paanong nawawala ang anak ko?” May diin na ta
CHE-CHE POVSa bawat araw na dumadaan sa buhay namin ng asawa ko ay puno ng saya at pagmamahalan. Lahat kami ay excited na sa paglabas ni baby shark ko. Laking pasasalamat ko dahil tumigil na ang paglilihi ko noong anim na buwan ang tiyan ko. Kaya hindi na nahirapan ang asawa ko sa akin. Nandito ako ngayon sa may veranda namin. Nakikinig kami ni baby shark ng music. Habang kumakain ng prutas.“Baby shark, kailan ka ba lalabas? Alam mo ba na excited na si mommy na makita ka?” Tanong ko sa kanya at hinimas-himas ko ang tiyan ko.“Ayyy! Ang lakas naman ng sipa mo, baby shark.” Natatawa na sabi ko dahil bigla na lang siyang sumipa.Kabuwanan ko na kasi at anytime ay puwede na siyang lumabas. Maraming tao ang nagsasabi na nakakatakot raw ang manganak. Dahil nasa h*kay raw ang isa mong paa. Pero alam ko na kahit gaano pa kahirap ay kakayanin ko. Alam ko na ginagabayan kami ni Lord at ni baby shark number one namin.Nasa trabaho ngayon ang asawa ko. Gusto sana niyang magfile ng leave sa tra
JAYSON'S POVMaraming nagbago sa asawa ko simula noong pinagalitan siya ni inay. Okay lang sa akin na pinakain niya ako. Pero si inay ang nagalit sa kanya. At ayoko naman na makipagtalo kay inay. Napapansin ko n ang tamlay ng asawa ko palagi. Na parang lagi itong nalulungkot. Hindi ko na rin siya nakikita na kumakain ng kung anu-ano o humihingi sa akin. At hindi ko kaya na makita ang mga mata niya na ganun.Kaya gumawa ako ng paraan. Naglagay ako ng hidden camera sa veranda at sa side table namin kung saan siya palaging tumatambay. Araw-araw ko itong sinisilip at nalalaman ko na marami pala siyang gustong kainin. Na marami pala siyang gustong gawin na hindi niya kayang isatinig.Minsan ay pinipili ko na iwan siya dito sa silid namin para makakain siya ng maayos. Alam ko kasi na naiilang siya kapag nasa tabi niya ako.At ngayong araw ay sumapit na ang ultrasound at para malaman namin ang gender ng baby shark namin. Tuwing naiisip ko na baby shark ang tawag niya sa baby namin ay napapan
CHE-CHE POVPagpasok ko sa loob ng bahay namin ay nagtataka ako dahil nandito na ang kotse ng asawa ko. Kaya mabilis akong pumasok sa loob ng bahay para alamin kung talaga bang nakauwi na siya. Pagpasok ko pa lang ay niyakap na ako ng asawa ko.“Hindi mo sinasagot ang tawag ko?” Tanong niya sa akin.“Sorry, Bubu. Naka-silent ang phone ko.” mahinang sabi ko sa kanya.“It’s okay, Boba. Next time ‘wag mo ng i-silent mode ang phone mo.” Sabi niya sa akin.“Opo, sorry po talaga.” Sabi ko sa kanya.“Saan ka pumunta? Ang sabi mo kay inay sa convenience store ka lang pupunta.” Tanong niya sa akin.“Wala kasi akong nagustuhan doon kaya pumunta ako sa palengke.” Sagot ko sa kanya.“Next time kapag may gusto ka sabihan mo ako. Kasi ako na mismo ang bibili para sa ‘yo.” Sabi niya sa akin.“Sorry po talaga, Bubu.” Bigla akong nakonsensya at parang gusto kong kutusan ang sarili ko dahil nakikita ko sa mga mata niya na nag-aalala siya sa akin. Alam ko na masyado ko ng pinapasakit ang ulo niya. Minsa
CHE-CHE POVSa palawan pala kami pumunta ng asawa ko. At sobrang gaan ng pakiramdam ko. Ang ganda ng buong lugar at talagang nakaka-relax. Gusto kong sulitin ang mga oras na kasama ko ang asawa ko. Isa sa natutunan ko ngayon ay pahalagahan ang oras lalo na sa mga taong mahal ko.“Boba, dinner na tayo.” Nakangiti na yaya niya sa akin.“Okay, Bubu. Kanina pa ako nagugutom sagot ko rin sa kanya.”Sabay kaming bumaba at hawak niya ang kamay ko. Sobrang romantic ng dinner naming dalawa. Masasabi ko na isa ito sa pinaka-sosyal at magandang hapunan na kasama ko ang asawa ko. Pero hindi ko lang maiwasan na mainis sa mga babaeng nagpapansin sa kanya. “Nakakainis ka naman, Bubu.” naiinis na sabi ko sa kanya.“Why, boba?” Tanong niya sa akin.“Lahat kasi ng mga babae ay nakatingin sa ‘yo. Bakit kasi ang gwapo mo?” sagot ko sa kanya.“Hahaha, hayaan mo lang silang tumingin dahil sa ‘yo lang naman ako. Ikaw lang ang makakatikim sa akin.” nakangisi na saad niya sa akin.“Ako lang pala ha, e marami