Share

Chapter 5

Thea

Pagpasok ko sa faculty room ay napansin ko ang kakaibang ngiti ng mga kasamahan ko? Napakunot naman ang noo ko ng makita ko ang isang malaking boquet ng puting rosas sa ibabaw ng mesa ko.

Nilapitan ko iyon at agad naman akong sinundan ni Karen sabay sundot sa tagiliran ko.

“Ikaw ha! May hindi ka sinasabi sa akin!” buska niya sa akin

“Ano bang sinasabi mo Karen? Saka kanino ba ito?” tinuro ko ang magandang bulaklak sa harap ko at sa itsura palang alam ko na medyo may kamahalan ang ganito

“Aba malamang sa iyo? Nasa mesa mo diba? So sino nga? May manliligaw ka na pala!” tanong niya pero wala talaga akong idea kung kanino ito galing

Kinuha ko ang card sa bulaklak matapos kong ibaba ang mga libro na dala ko. I opened it saka ko binasa ang nakasulat dito.

Thea,

I hope this flowers will remind you of how beautiful you are especially in my eyes. Have a great day, Hon!

LPS

“Ayieee! May boyfriend ka na pala hindi mo pa sinasabi sa akin!” Kilig na kilig na sabi ni Karen sa akin

“Wala akong boyfriend! Ni hindi ko nga kilala yan eh!” Napaisip ako dahil wala talaga akong kilala na may ganyang initials

Sinipat ko ang relo at malapit na ang flag ceremony kaya nag-ayos na ako. Panay parin ang hirit ni Karen kaya naman sinaway ko na ito at sabay na kaming lumabas ng quadrangle.

Habang nakapila ang mga bata ay hindi parin ako mapakali sa kakaisip kung kanino galing ang bulaklak. 

Siyempre hindi naman ito ang unang beses na nakatanggap ako ng ganun. Nung nasa kolehiyo ako at noong unang taon ko sa pagtuturo ay may nanliligaw naman na sa akin.

Hindi sila kabilang sa mga taong kinaiinisan ko pero wala talaga akong magustuhan sa kanila kaya agad ko silang tinatapat.

Mahirap na umasa sila sa akin dahil wala talaga akong maramdamang espesyal para sa kanila. Tatanda nga daw akong dalaga sabi ni Karen pero okay lang naman sa akin kung yun talaga ang kapalaran ko.

Tanghali na ng bumalik ako sa faculty room para ayain si Karen na mag-lunch. Medyo nag-overtime kasi ako dahil may pinagalitan akong estudyante na nahuli ko na may kodigo sa quiz na ibinigay ko.

I gave him a warning at sinabi ko na kapag naulit ito, deretso suspension ang mangyayari sa kanya.

Magulo sa loob ng faculty room ng makapasok ako at para silang nagkakasiyahan. Nakita ako ni Karen at todo ngiti naman ito na lumapit sa akin.

“Nandito ka na pala! Tara na mag-lunch na tayo! May libreng pagkain!” hinila ako ni Karen papasok at nakita ko na inayos pa talaga nila ang mesa.

May apat na foodtrays na nasa gitna ng kwarto. May mga foodwares din na diposable at may drinks pang kasama.

“Uy bongga! Anong meron?” nakita ko ang mga ulam na nasa foodtray at talaga namang nakakatakam

“Ang tagal mo nga eh! Alangan namang kumain kami na wala ka dito e para sayo yan?”

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Kaninang umaga bulaklak. Ngayon naman, pagkain?

“Ma’am Thea, kain na tayo! Hindi mauubos yan pag tinitigan lang natin!” biro ni Sammy, isa sa mga co teachers ko

Wala sa loob na tumango ako kaya naghiyawan ang mga nandito. Kanya kanya na silang kuha ng pagkain at inumin. 

Hinila ako ni Karen sa isang sulok at saka ako tinignan ng matalim. 

“Hoy Thea! Kanina bulaklak ngayon pagkain! Ano to ha? Umamin ka nga sakin?” pangungulit ni Karen

“Hindi ko nga alam! Kailan ba ako nagsunungaling sayo?” balik ko sa kanya kaya napaisip din siya 

Nakarinig kami ng pagtikhim sa pinto kaya agad kaming napalingon. Natakot pa ako na baka ang principal namin ito at papagalitan kami dahil sa ingay ng mga kasamahan ko.

Siniko ako ni Karen na natulala sa bagong dating. Well pati naman din ako dahil nagtaka ako kung ano ang ginagawa dito ng taong ito.

“Hi Thea!” bati niya sa akin 

Lucian….LPS…oh my God! Siya ba yun?

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya pero ngiti ang isinukli niya sa mukha kong aburido na buhat pa kanina

“I’m just checking kung natanggap mo yung mga padala ko.” cool niyang sagot kaya naman lalo akong napikon dito

Mayaman ba siya at kung makapagtapon ng pera ay ganun ganun na lang? E ang sabi ni Tata Kardo nag abroad ang pamangkin niyang ito kaya nakaipon.

Nilapitan ko ito at agad siyang hinila palabas ng faculty room.

“Lucian, ano ba ang ginagawa mo?”

“Uulitin ko ba yung sinabi ko?” he smirked kaya lalo akong sumimangot

“Ang ibig kong sabihin, bakit may paganito ka pang nalalaman! Ano ka mayaman?”

“Thea, hindi ako mayaman. Oo may pera ako pero pinaghirapan ko yun dahil sa pagsisikap ko. Gusto lang kitang pasayahin.”

“Bakit mo ko kailangang pasayahin? Clown ka ba?” bwisit din itong lalaki na ito eh. Tiyak na magiging tampulan na naman ako ng kantyaw ng mga kasamahan ko dahil sa kanya.

“Because I like you! I think na-love at first sight ako sayo!” he proudly said while grinning

Adik ba to?

“Hoy Lucian, utang na loob ha! Pamangkin ka ng isang taong ginagalang ko kaya please lang wag mo kong pag tripan!”

“At sino namang may sabi sayo na pinagt tripan kita?” sagot naman niya at kung wala lang kami sa paaralan malamang nakatikim na sa akin ang hambog na ito

“E anong tawag mo dito sa ginagawa mo? Malamang hindi ako titigilan ng mga ka-trabaho ko dahil sayo.”

“You’re asking me kung ano ang ibig sabihin ng ginagawa ko? Bakit, paslit ka ba at dimo maintindihan?”

Kumunot na naman ang noo ko kay Lucian. Konti nalang talaga mauubos na ang pasensya ko dito.

“Nanliligaw ako Ma’am Thea Denise Vergara. Gusto kong malaman mo na malinis ang intensiyon ko sayo.”

Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Lucian. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dito dahil binigla niya ako.

“Okay lang ba sayo yun, Thea? Pwede ba kitang ligawan kasi gusto talaga kita.” 

“Huh?!” wala sa loob na sagot ko

Ipinamulsa ni Lucian ang kamay sa bulsa ng suot niyang pantalon. Nabistahan kong mabuti ang suot niya at hindi maitatanggi na magaling siyang magdala ng damit.

Nakasuot siya ng black jeans na halos hapit sa kanya. Isabay mo pa ang puting t-shirt niya na fit sa kanya kaya kita mo ang magandang hubog ng katawan niya.

Hindi maikakaila na gwapo siyang nilalang. Well, gwapo is an understatement, actually. Gorgeously handsome ! Yun ang tamang salita! Redundant, but true.

Tumikhim si Lucian kaya naman napakurap ako sa pagiging tulala ko. Did I just drool over him?

“Silence means yes?” nakangiti pa rin siya at hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha

“Wala akong sinabi!” Mataray kong sagot ng makabawi ako

“Tsk! Basta liligawan nga kita!” kulit niya sa akin kaya naman tumalikod na ako dahil hindi ko na yata kaya ang pagtibok ng malakas ng puso ko

“Bahala ka sa buhay mo!” 

Iniwan ko na siya sa labas at hindi na ako lumingon. Nawiwindang ako sa paandar ni Lucian pero hindi naman maikakaila na kinikilig ako. 

Pagbalik ko sa loob ay hinila na ako ni Karen at binigyan ng plato.

“Kumain ka na! Lalamig ang pagkain! In fairness, masarap ang mga dala ni pogi!” 

Inikutan ko ito ng mata kaya natawa siya.

“Humanda ka sa akin mamaya ha, may utang kang kwento!” dagdag pa ni Karen kaya napailing na lang ako

Totoo ang sinabi ni Karen dahil talagang masarap ang mga dalang pagkain ni Lucian. Mukhang galing sa mamahaling restaurant ang mga ito. 

Gustuhin ko mang pagalitan siya dahil sayang ang pera niya, e wala na akong magagawa dahil nandito na ito. But of course, naappreciate ko naman ang effort niya. At naishare ko pa ito sa mga kasamahan ko.

Pagkatapos ng tanghalian ay tulong tulong na kaming nagligpit ng mga ginamit namin. Naiuwi pa ng iba ang mga natirang ulam na di na namin kinayang ubusin. 

Nag ayos na kaming lahat at saka naghanda para sa susunod naming klase.

Noong uwian na ay nakita ko si Amelia na nasa loob ng classroom dahil may gagawin pa daw silang report ng mga ka- grupo niya. Gusto ko sanang magtanong tungkol kay Lucian pero hindi ko na ginawa dahil nahihiya ako.

Napailing na lang ako sa sarili ko. Ano ako? Nagdadalaga?

****

Sabay na kaming lumabas ni Karen sa paaralan ng uwian na. Gaya ng dati ay sasamahan ko muna siyang mag-abang ng jeep saka ako uuwi pero paglabas namin ng gate ay laking gulat ko na nadun si Lucian sa labas.

“Ay bongga! Sinusundo ka ni Pogi!” bulong sa akin ni Karen

Naikwento ko na sa kanya kanina kung sino si Lucian at talaga namang kilig na kilig ito. Sabi pa niya pamilyar ang mukha nito pero hindi lang niya maalala kung saan niya nakita. Well ako din naman kaso di ko talaga maisip kung saan ko siya nakita.

“Good afternoon, Thea!” bati niya sa akin ng makalapit siya sa amin “Good afternoon, Ma’am?” 

“Karen! Karen Santos, bestfriend ni Thea!”

Inabot ni Lucian ang kamay niya at tinanggap naman iyon ni Karen. May humintong jeep sa harap namin at agad namang nagpaalam si Karen.

Nagsimula na akong maglakad pero nagulat ako ng kunin ni Lucian ang mga dala kong bag pati na ang mga libro. Iniwan lang niya sa mga kamay ko ang bulaklak na binigay niya kanina.

“Nagustuhan mo ba ang mga yan?” tukoy niya sa mga puting rosas na dala ko

Tumango ako sa kanya pero tinaasan ko ito ng kilay.

“Sa susunod huwag ka ng gumasta sa mga ganito! Sayang lang ang pera, malalanta dn naman!” 

“Wala namang sayang pagdating sayo!” 

Huminto ako at tinignan si Lucian. Heto na naman ang hampas ng puso ko sa tuwing malapit siya sa akin.

“Kung pinaglalaruan mo lang ako ngayon palang tumigil ka na!” banta ko sa kanya

Ngumiti si Lucian at mas lumapit pa sa akin. Nasa harap ko na siya and I swear, ambango bango niya.

“Hinding hindi kita sasaktan. As I’ve said, malinis ang intensyon ko sayo!” 

Hindi na ako kumibo hanggang sa maihatid niya ako sa pinto ng bahay. Inabot niya sa akin ang mga gamit ko at saka siya nagpaalam na uuwi na. 

“Babalik na lang ako mamaya!” 

‘ano daw?’

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status