Thea
“Nandito ka na pala ate!” Napatingin ako kay Arvie at nakita ko na palabas siya ng kwarto niya at bihis na bihis ito. “May lakad ka?” tanong ko dito habang papasok ako ng kusina para ibaba ang pinamili ko. Sweldo ngayon kaya naman namili ako ng konting stocks namin para sa bahay. “Tayo ate! Kaya magbihis ka na.” lumapit ito sa akin at sinimulang ilabas ang mga pinamili ko para iayos “Bakit? May nakalimutan ba ako? Di mo naman birthday ah!” biro ko pa dito habang kumukuha ako ng tubig sa ref “Hindi nga ate!” ngumiti pa ito sa akin saka sinimulang isalansan ang ilang de lata sa cabinet “Nagpunta kasi si Tata Kardo dito. Nangungumbida at dumating daw yung pamangkin niya. May pakain daw sa bahay.” bida niya sa akin “Ganun ba! Ikaw na lang siguro, Arvie. Gusto ko ng magpahinga.” tanggi ko dito “Ate, hindi ako nagluto kaya wala kang kakainin dito. Sumama ka na sandali tapos pagkakain mo, uuwi ka na.” pamimilit niya sa akin “Isa pa pinagbilin ka ni Tata Kardo, isama daw kita!” “Eat and Run lang!” biro ko kaya natawa naman si Arvie “Oo ate! Tara na!” ulit pa niya sa akin Napangiti ako habang nakatingin kay Arvie. Siya na lang at si inay ang naiwan sa akin. Masaya ako at kahit alam ko na mabigat ang pinagdaanan namin noong mga nakaraang taon, pinipili ni Arvie na maging positibo ang pananaw sa buhay. “Siya sige na! Hintayin mo ako at maliligo lang ako. Amoy ako palengke!” Pagpayag ko sa kanya Agad akong pumasok sa kwarto para kumuha ng pamalit. Isang simpleng bestida na bulaklakin na ang haba ay hanggang sa taas ng tuhod ang pinili ko. Hindi naman siguro kailangan bongga ang damit kaya okay na ito. Isa pa malambot at malamig ang tela nito kaya masarap isuot. Agad kong tinuyo ang buhok ko at saka ako naglagay ng konting lipstick at pulbos sa mukha. Konting pabango at okay na! Nagsuot lang ako ng tsinelas saka ako lumabas ng kwarto. “Tara na!” aya ko kay Arvie Nakakapit ako sa braso niya habang naglalakad kami papunta sa bahay ni Tata Kardo. Nasa Advisory class ko ang anak nito na si Amelia na nasa second year highschool ngayon. Naging estudyante ko din ang panganay niya na si Arnold na ngayon ay first year college na. Mabait si Tata Kardo sa amin lalo nung panahon na walang wala kami. Lahat naman ng kapitbahay namin ay ganun. Sila ang naging karamay namin noon sa hirap na dinanas ng pamilya ko. “Ma’am Thea!” masayang bati sa akin ni Arnold. Kakaiba ang ngiti nito sa akin at hindi ko naman maintindihan kung bakit. “Arnold, kamusta ka na?” bati ko naman dito “Kamusta ang college?” Inaya niya kami sa loob ng bahay dahil nandun daw ang inay at itay niya. May mga mesa naman sa labas pero puno na rin iyon ng mga bisita. “Magandang gabi po!” bati ko sa mga taong nadaanan ko “Ay magandang gabi, Ma’am Thea! Buti at nakahabol ka!” sagot naman sa akin ni Aling Mary “Opo! Kakarating ko lang po kasi!” Napalingon ako dahil narinig ko ang tawag sa akin ni Tata Kardo. Wala na pala sa tabi ko si Arvie at malamang sumunod na kay Arnold sa loob ng bahay “Ma’am Thea, halika na at makakain!” aya nito sa akin kaya tumango ako dito “Salamat po sa imbitasyon, Tata Kardo!” “Aba siyempre naman! Isa ka sa pinagmamalaki ng looban kaya dapat nandito ka!” sagot naman nito sa akin habang papasok kami sa loob “Magandang gabi Ma’am!” bati sa akin ng lahat ng nandun. Mga bata, nanay o tatay man ay nakasanayan na akong tawaging Ma’am Thea “Magandang gabi din po!” magalang kong tugon sa kanila “Tara na dito Ma’am, dito ka na po maupo!” aya sa akin ni Tita Beth, ang maybahay ni Tata Kardo. “Salamat po Tita, ano po ba ang meron?” tanong ko dito pero tumingin lang ito sa asawa niya “Ah kasi Ma’am, dumating po ang pamangkin ko. Pansamantala po dito muna siya tutuloy sa amin habang bakasyon.” kwento ni Tata Kardo ng makaupo kami sa mesa Hinanap ko naman ang sinasabing pamangkin niya pero hindi ko naman makita dahil kilala ko halos ang lahat ng nandito. “Nasaan po siya?” tanong ko habang kumukuha ako ng pagkain. Tumabi naman sa akin si Arvie at nagsimula na ding kumuha ng pagkain niya “Nasa kwarto po niya, Ma’am. Nagbihis lang po. Pinawisan ata, hindi sanay sa init ng Maynila.” Napatango ako sa sinabi ni Tata Kardo saka ako nagtanong. “Galing po ba siya ng ibang bansa?” “Opo Ma’am. Nag-abroad po kasi siya sa Switzerland.” kwento nito sa akin “Ah kaya naman po pala.” “Tito!” napatingin ako sa tinig na narinig ko. At Diyos ko lang, pinigilan ko ang panga ko na malaglag pagkakita ko sa sinasabing pamangkin ni Tata Kardo He is so gorgeous! I mean, drop-dead gorgeous! “Ah Ma’am andito na po pala yung pamangkin ko!” narinig kong sabi ni Tata Kardo kaya naman napakurap ako Nakakahiya kasi obvious naman na sobra akong nakatitig sa bagong dating. Pero teka, parang pamilyar kasi ang mukha niya. Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita. “O Lucian! May kailangan ka pa ba?” tanong ni Tata Kardo sa pamangkin niya “Ah wala naman na po!” Nakita ko na lumapit ito at naupo sa upuang katapat ko “May bisita pa ho pala tayo?” Dagdag pa niya “Ah oo, siya si Ma’am Thea. Teacher siya ni Arnold dati at pati na rin ni Amelia.” pagpapakilala nito sa akin “Ma’am Thea, siya naman si Lucian, pamangkin ko.” “Good evening Thea!” Pakiramdam ko kinilabutan ako sa pagbati na iyon sa akin ni Lucian. Mukha naman siyang mabait pero hindi ko alam kung bakit parang may kakaiba sa kanya. “Good evening din.” tango ko naman sa kanya at saka ko itinuloy ang naudlot na pagkain Napaangat ang tingin ko at nagtama ang paningin namin ni Lucian. Titig na titig siya sa akin at ewan ko kasi bigla akong naging hindi kumportable. Agad ko namang tinapos ang pagkain ko dahil ang gusto ko na lang ay makauwi na. Alam ko na nakatingin sa akin si Lucian and it somehow felt awkward. “Ay Ma’am Thea, may ginawa akong fruit salad, sabi kasi ni Amelia, paborito mo daw yun.” sabi naman ni Tita Beth Wow naman! Pero gusto ko na talagang umuwi. Naiilang na kasi ako sa twing nagtatama ang paningin namin ni Lucian. “Nagmamadali ka ba, Ma’am?” tanong ni Lucian sa akin kaya para naman akong nahiya sa sinabi niya “H-hindi naman.” maiksing sagot ko dito Tumango ito at saka ngumiti sa akin. Nakita ko na kumuha siya ng tissue at tumayo saka dumukwang sa akin. Natulala ako ng maramdaman ko ang pagpunas niya sa labi ko. Awkward talaga! “Nagmamadali ka kasing kumain, hindi mo napansin na may sarsa na diyan sa gilid ng labi mo.” Gusto ko ng lumubog sa kinauupuan ako at pakiramdam ko namumula na ang pisngi ko. Napatingin ako sa mga tao sa paligid namin at lahat sila ay nakangiti habang nakatingin sa amin ni Lucian. Tumikhin si Arvie kaya naman agad ako bumalik sa wisyo. Inagaw ko ang tissue sa kamay ni Lucian kaya naman naupo na ulit ito at pinanuod na lang ako habang pinupunasan ko ang labi ko. “Salamat! Sana sinabi mo nalang!” medyo inirapan ko pa siya dahil hindi ako masaya sa ginawa niya ‘kinilig ka lang?’ “Sorry Ma’am!” Dispensa niya naman Nagkwentuhan pa kami ng ilang saglit pero tahimik lang si Lucian na nakikinig. Hindi naman nagtagal ay nagpaalam na ako pero tumanggi naman si Arvie at sinabing may pag-uusapan lang sila ni Arnold. “Mauuna na ako! Wag ka masyado magpagabi!” Bilin ko dito “Mauuna na po ako Tata Kardo, Tita Beth!” “O e hindi ka na nakakain ng salad. Sandali at ipagbabalot kita.” pigil naman ni Tita Beth sa akin “Naku Tita wag napo!” tanggi ko dahil ayaw ko namang masabihan na nag-Sharon pa ako ng handa “Kuh hindi, intayin mo ako at ikukuha kita!” sabi ni Tita kaya wala naman akong nagawa kundi intayin siya “Ihahatid na kita!” biglang singit naman ni Lucian pero umiling ako “Huwag na! Okay lang ako. Taga-dito naman ako at hindi ako maliligaw!” pinag mukha ko namang biro iyon pero pusigido naman talaga siya sa gusto niya “Sige nga Lucian, ihatid mo na sandali si Ma’am.” utos din ni Tito niya kaya hinayaan ko na lang at ipipilit din naman nila “Salamat pi Tita, mauuna na po ako!” paalam ko sa mag-asawa pagkatapos iabot ni Tita sa akin ang baunan na may salad “Ang dami naman po nito!” “Ayos lang yan, Ma’am! Mag-iingat kayo! Lucian, ikaw na bahala sa kanya!” bilin pa ni Tata Kardo Okay lang ba sila? Ilang bahay lang ang pagitan namin pero kung makabilin akala mo naman sa kabilang barangay ako uuwi. Panay naman ang paalam sa akin ng mga natirang bisita habang nakasunod lang si Lucian. Paglabas namin ng bakuran nila Tata Kardo ay umagapay na sa akin si Lucian sa paglalakad. Hindi naman ako nagsasalita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Hanggang sa marating namin ang tapat ng bahay ay saka lang ako nagsalita. “Salamat Lucian, sa paghatid!” “That’s okay, Ma’am!” napatingin pa ito sa bahay namin at saka siya nagtanong “Kayo lang ba ng kapatid mo dito?” “Oo, nasa ospital kasi ang inay namin.” “Bakit? Is she sick?” tanong niya uli pero hindi na ako sumagot “Sorry! Masyado yata akong matanong e ngayon lang tayo nagkakilala.” Tumango ako sa kanya saka ko kinuha ang susi sa bulsa ko at binuksan ang pinto. “Salamat ulit!” sabi ko dito He smiled at me at pakiramdam ko, kumalabog na naman ang puso ko. “Goodnight, Ma’am Thea!” “Goodnight, Lucian!” “Sige na pumasok ka na. Be sure to lock your door!” bilin niya sa akin saka ako tumango sa kanya Hindi siya umalis hanggat hindi ako nakakapasok ng bahay. Kahit ng isara ko ang pinto ay nandun pa rin siya sa labas. Napasandal nalang ako sa pinto at inilagay ang kamay sa dibdib ko. Why is my heart beating this way?TheaPagpasok ko sa faculty room ay napansin ko ang kakaibang ngiti ng mga kasamahan ko? Napakunot naman ang noo ko ng makita ko ang isang malaking boquet ng puting rosas sa ibabaw ng mesa ko.Nilapitan ko iyon at agad naman akong sinundan ni Karen sabay sundot sa tagiliran ko.“Ikaw ha! May hindi ka sinasabi sa akin!” buska niya sa akin“Ano bang sinasabi mo Karen? Saka kanino ba ito?” tinuro ko ang magandang bulaklak sa harap ko at sa itsura palang alam ko na medyo may kamahalan ang ganito“Aba malamang sa iyo? Nasa mesa mo diba? So sino nga? May manliligaw ka na pala!” tanong niya pero wala talaga akong idea kung kanino ito galingKinuha ko ang card sa bulaklak matapos kong ibaba ang mga libro na dala ko. I opened it saka ko binasa ang nakasulat dito.Thea,I hope this flowers will remind you of how beautiful you are especially in my eyes. Have a great day, Hon!LPS“Ayieee! May boyfriend ka na pala hindi mo pa sinasabi sa akin!” Kilig na kilig na sabi ni Karen sa akin“Wala akong
Thea“Ate may bisita ka!” tinig iyon ni Arvie mula sa labas ng kwarto ko kasabay ng mahinang katok niyaSinulyapan ko ang oras sa relo at alas- otso na pala ng gabi. Hindi ko na namalayan ang oras dahil malibang ako sa paggawa ng lesson plan ko para sa mga susunod na araw.Agad akong tumayo at binuksan ang pinto habang nakakunot ang noo ko. Sino naman kaya ang dadalaw ng ganitong oras? Malamang hindi si Karen iyon dahil paniguradong tatawag siya bago magpunta dito.Agad akong tumayo at lumabas ng kwarto and then I saw Lucian na nakaupo sa maliit na sala namin. Tumayo pa ito ng makita ako with a big smile on his face.“Good evening, Thea.” bati niya sa akin“Good evening din, Lucian.” sagot ko naman sa kanya saka ko siya pinaupo“Napadaan ka?” tanong ko ng makaupo ako sa upuang katapat niya“Diba sinabi ko na sayo, babalik ako? Manliligaw nga ako diba?’ paalala niya sa akin sabay abot sa akin ng chocolate na nakalagay pa sa isang lagayang plastic na hugis puso“Ano nanaman yan?” tanon
TheaTatlong araw na hindi ko naramdaman ang presensya ni Lucian pagkatapos nung huling beses na sinundo niya ako sa school.Hindi ko alam pero parang hinahanap ko din naman siya pero sa huli pinagalitan ko pa ang sarili ko dahil hindi ko naman dapat maramdaman iyon.Dumating ang araw ng linggo kaya naman maaga akong gumising para makapagsimba. Nakabihis na ako at paglabas ko ng kwarto ay nagulat ako dahil nasa sala si Lucian at kausap si Arvie.“Magandang umaga, Thea!” nakangiti niyang bati sa akin kaya sinimangutan ko itoTatlong araw na walang paramdam tapos ngayon kung makangiti sa akin? ‘uy, nagtatampo!’ Sigaw ng utak ko “Anong ginagawa mo dito?” Napakamot na naman si Lucian sa ulo niya. Isa ito sa mannerism niya na napansin ko.“Diba may lakad tayo? Sunday ngayon?” pagpapa-alala niya sa akinGusto ko sanang sabihin na wag na naming ituloy pero pinigil ko na lang ang sarili ko.“Magsisimba ako!” sagot ko na lang dito saka ako nagsimulang lumabas ng bahay“Okay!” naramdaman ko
TheaNakarating kami sa Tagaytay Picnic Grove at hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng lugar. Malamig ang panahon ngayon dito kaya nayakap ko ang braso ko habang nakaupo kami sa view deck at nakatanaw sa magandang view ng bulkang Taal.Naramdaman ko na may ipinatong na jacket si Lucian sa balikat ko kaya napangiti ako sa kanya. Laging handa ang lalaking ito and I appreciate that very much.“Ang ganda dito!” sabi ko na hindi inaalis ang tingin ko sa tanawing nasa harapan ko“If you want, we can buy a property here. Resthouse?” Napalingon ako sa sinabi niya at agad ko siyang inirapan.“Biro lang! Hindi ko pa kayang bumili ng bahay pero kapag nakaipon ako, yun ang unang bibilhin ko!” pagyayabang niya kaya naman napailing ako“Pwede ba akong magtanong sayo?” medyo nahihiya pang sabi ni Lucian “Pwede naman! Ano ba yun?” Balik-tanong ko naman sa kanyaHe cleared his throat bago siya nagsalita.“Nabanggit kasi sa akin ni Tito ang tungkol sayo, at sa galit mo sa mga mayayaman.” Napatin
Lucian“You are playing with fire bro!’ babala sa akin ni Xavier after I shared with them ang tungkol sa amin ni Thea.Tatlo lang kami dito ngayon sa bar nila Drake at Xavier dahil ayaw lumabas ni Marcus at Hendrix. Well naiintindihan ko naman since may mga pinagdadaanan talaga sila dahil sa pagkawala ng mga babaeng mahal nila.“I know bro! Pero unti-unti ipapakilala ko naman kay Thea ang totoong ako. Isa pa, I’m always telling her na hindi naman lahat ng mayaman, masama ang ugali.” Katwiran ko kay Xavier“Well I just hope kapag inamin mo yan, hindi siya magagalit sayo.” sabi naman ni Drake sa akin“Kamusta na pala kayo ni Cinderella?” naalala kong tanungin si Drake dahil mukhang masaya naman ito“We are fine! Little by little nagiging open na si Alie sa akin.” “Well that’s great to hear.”Sabay pa kaming napatingin kay Xavier kaya naman nagtaas siya ng kilay sa amin.“What?” “How’s Max?” tanong ni Drake dito na may himig ng pang-aasar“Why are you even asking?” “C’mon Monteverde,
TheaNapatingin ako sa pinto ng bumukas iyon and my heart skipped ng makita ko si Lucian. Mukha itong tumakbo ng malayo dahil medyo hinihingal pa ito kaya nag-alala ako.Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.“Lucian? Okay ka lang?” tanong ko.Kanina naiinis na ako dahil anong oras na wala pa rin ang lalaking ito. Gusto ko ng itago ang mga hinanda ko pero sabi niya natraffic daw siya kaya naman mas pinili kong maghintay.And seeing him now, parang nawala ang inis ko dahil halata sa kanya ang pagmamadaling makarating dito.“Sorry, hon! Grabe ang traffic!” sabi niya ng pakawalan niya ako“Okay lang! Tara na kain na tayo!” aya ko naman sa kanya at saka ko hinanda ang mga niluto ko“Wow!” sabi naman niya ng makita ang nasa lamesa pagkatapos niyang maghugas ng kamay“Lucian, huwag kang OA! Adobong manok lang yan at chopsuey!” natatawang sabi ko dito“No hon! Hindi yan ‘lang’ para sa akin kasi ikaw ang naghanda! I’m sure may kasamang pagmamahal yan!” nakangiti niyang sagot
LucianNasa opisina ako ng Segovia Pharmaceuticals at kakatapos ko lang mai-close ang deal sa isang foreign investor na gustong mag-invest sa kumpanya. I was about to text Thea nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang galit na galit na si Daddy.“Lucian! What were you thinking!” nanggagalaiti nitong sigaw sa akin and somehow alam ko na kung ano ang ikinagagalit sa akin ng Daddy ko“Good morning Dad!” cool na sagot ko dito saka ako sumandal sa upuan ko kaya naman lalo itong namula sa pagpipigil ng galit“Huwag na huwag mo akong ipapahiya sa kaibigan ko Lucian! Kapag sinabi kong magpapakasal kayo ni Bettina, magpapakasal kayo!” “I’m sorry Dad pero hindi ako susunod sa gusto niyo! Matanda na ako at hindi niyo ako pwedeng diktahan sa gusto kong gawin sa buhay ko!” may diin na sagot ko sa Daddy kong akala mo bulkan na sumabog ang galit sa akin“Sige Lucian! Kung hindi ka susunod sa utos ko, bumaba ka sa pwesto mo bilang CEO ng kumpanya ko!” Nagulat ako sa sinabi ni Dad pero h
TheaDalawang araw na hindi nagpakita sa akin si Lucian kaya naman hindi ko mapigilang magalit sa kanya. Matapos niya akong halikan bigla na lang siyang hindi magpapakita sa akin?“Mainit ang ulo mo ah! Dahil ba kay Lucian?” pang-iinis sa akin ni Karen na may kasama pang sundot sa tagiliran kaya naman sinaway ko na ito“Hindi Karen! Tigilan mo ako!” kung bakit ba naman kasi kaytagal dumating ng jeep at ng makasakay na ang bruhang ito para makauwi na ako“Asus! Tayo ba naman ay maglolokohan pa!” talagang desidido ang isang ito na may mapiga sa akin dahil simula pa kaninang umaga niya ako kinukulit“Umayos ka, Karen, iiwan kita!” banta ko dito pero tumawa lang ito“Ay naku kahit hindi mo sabihin, alam na alam ko na! Inlove ka na ba kay Lucian?” Nandumilat ang mata ko sa sinabi ni Karen kaya natawa siya. Ganun na ba ako ka-obvious.“Girl, hindi naman masama kung mainlove! Single ka naman. Single din siya! So anong problema!”Napahinga ako ng malalim saka ko hinila si Karen palayo sa ka