Lucian
“Hey! Are you even listening?” Niyugyog ako ni Marcus dahil may sinasabi siya pero dahil lumilipad ang utak ko ay hindi ko naintindihan iyon. “Ano ba yun?” iritang sagot ko dito dahil naputol ang pag-iisip ko sa pangyayari kagabi “What the f**k? Anong nakain mo Segovia at tahimik ka ata ngayon?” pang-aasar naman sa akin ni Drake “Let me guess, babae yan!” singit naman ni Hendrix habang humihigop ng kape niya “Tinakasan ako!” maiksing sagot ko sa kanila kaya lahat sila napatingin sa akin “What?” sabay-sabay nilang tanong na halos ikabingi ko “Are you guys deaf?” “Linawin mo kasi!” Xavier said while wearing that smirk in his damn face Napilitan tuloy akong ikwento ang engkwentro namin ng babaeng iyon kagabi. Well wala naman kaming inililihim sa isa’t-isa. Lahat ng nangyayari sa amin ay alam ng lahat. “May nangyari ba?” tanong ni Drake sa akin kaya umiling ako agad “Lasing yung tao bro! Hindi ko naman magagawa yun.” “Then she ditched you?” Inulit pa talaga ni Xavier sinabi ko na nga eh “Ni hindi mo man lang nakuha ang pangalan?” Marcus asked na hindi makapaniwala sa nangyari “Hindi ko nga makausap bro. She passed out at hindi ko alam kung saan ko ihahatid kaya dinala ko sa hotel. She didn’t even manage to wake up the whole night.” paliwanag ko sa kanila “So pagkatapos mong maligo, wala na siya?” Napatingin ako kay Hendrix saka ako tumango Well, his eyes are so dull at hindi ko na nakitaan ng saya simula ng mawala si Sophia. Dalawang taon na pero hindi pa rin siya makita ni Jeric. Marcus, on the other hand is just like Hendrix. Nawalan na rin ng kulay ang buhay ng mamatay si Blanca. Hindi niya pa rin ito matanggap and he never entertained in his thoughts na magmamahal siya ulit. “Hinanap ko pero hindi ko makita.” “Mukhang may tama ka na sa kanya bro! In love ka na?” tanong ni Drake sa akin “She’s so beautiful, bro. Hindi siya mawala sa isip ko!” pag-amin ko sa kanila kaya nagtawanan sila Totoo naman kasi yun! Hindi talaga mawala sa isip ko ang mukha niya. Para na siyang nakadikit sa utak ko. Her face, her addicting scent, her body! “That’s it! Mukhang nahanap mo na ang the one mo!” kantyaw sa akin ni Drake kaya sinulyapan ko siya “Bakit, ikaw din naman ah!” balik ko sa kanya and he just smirked. May nagustuhan din siyang babae. Pero misteryoso at parang maraming tinatago. Hindi nagtagal at tumunog ang phone ko. It was Jackson. Nagtanong kasi ako sa kanya kung sino ang guests na nasa VIP rooms kagabi dahil natitiyak ko na doon galing ang babaeng hinahanap ko. “Jackson?” “Yeah! That’s good! That’s great news. Thanks bro!” I can’t help but smile! Mukhang mapapadali ang paghahanap ko sa babaeng gumugulo sa isipan ko. Tinawagan ko agad ang number ng pinsan ni Jackson na si Troy Joaquin. Ang grupo daw kasi nito ang umokupa ng VIP room kagabi. After a few rings ay sumagot naman ito. “Hello? Kuya Lucian?” bati nito sa akin “Hello Troy. Ah nabanggit ba sayo ni Jackson ang dahilan ng pagtawag ko.” “Yes Kuya. Actually maraming bisita yung girlfriend ko kagabi so sino ba dun ang tinutukoy mo?” “Well I think she left early. She’s drunk and she almost fell from the stairs. Mabuti nalang nandun ako.” A long pause came hanggang sa magsalita uli si Troy. “Palagay ko kilala ko na siya. Siya lang naman ang maagang umuwi kagabi. Si Thea, Karen’s bestfriend.” “Wow! Thanks Troy. May picture ka ba niya? Just to be sure?” “Hahanap ako kuya. I’ll send it to you at once!” “That’s great! Thank you Troy!” “No worries kuya, but I have to warn you though!” Napataas ang kilay ko sa narinig ko. “May boyfriend na siya?” Nagtawanan ang mga kasama ko sa opisina pero hindi ko sila pinansin. “Wala. Kaya lang kung may balak kang manligaw sa kanya, ngayon palang dehado ka na!” “What? Why?” “Because you are rich! And he hates the rich.” That hit me hard! Pagkababa ko ng telepono ay humihingi ng paliwanag ang mga matang nakatutok sa akin. Nasapo ko tuloy ang batok ko at napahinga ng malalim. Pinili ko munang ilihim sa mga kaibigan ko ang nalaman ko about Thea, kung siya nga ang babaeng hinahanap ko. As if on cue, tumunog ang phone ko at may pumasok na message. From Troy I sent you her picture. Her name is Thea Denise Vergara. Kasamahan siya ni Karen sa work. She is also a teacher. I hope hindi siya ang hinahanap mo. Binuksan ko ang sinend niya na picture and Lord! Siya nga ang babaeng hinahanap ko. I even zoomed it para makasigurado. Inagaw naman ni Marcus ang phone ko at tinignan ang picture. “Wow! Panalo!” he commented at saka ipinasa sa tatlo ang phone ko “Maganda siya in fairness! Siya ba yan?’ Tumango ako kay Hendrix and he smiled. “Kaya naman pala nabighani! Maganda siya talaga, bro! Hindi kayo bagay!” bakit mas naging mapang-asar ata si Xavier ngayon kesa kay Drake Natawa lang naman si Drake saka ipinasa sa akin ang phone ko. “What’s your plan?” he then asked me “I don’t know. Maybe I’ll visit her since alam ko na kung saan siya nagt trabaho.” although wala pa akong plano kung paano ako makakalapit sa kanya. Paano kung maaalala niya ako? Idagdag pa na galit siya sa mga mayayaman? Napaisip tuloy ako kung ano ba ang nangyari at ganun siya? “Okay bro! Good luck!” pagpapalakas nila ng loob ko We stayed for a while hanggang sa matapos na kami sa pinag-uusapan namin at magkanya kanya na kaming labas sa building mg TGC. Nung makarating na uli ako sa kotse ay tinawagan ko ulit si Troy. “Balita Kuya, siya ba? “Yes Troy, siya nga!” “Oh no! That's bad news!” “No Troy, I think it’s not. Just please don’t tell her about me, will you do that?” “Seriously Kuya?” “I am Troy! Well I just hope hindi niya ako makilala.” “That’s hard. And risky!” “I think it’s worth it, Troy. I don’t know! I think I already saw the girl that I really want!” Narinig ko ang pagtawa ni Troy sa kabilang linya “You are so damn whipped!” Napangiti ako sa sinabi ni Troy. Well I really don’t mind. Nasa tamang edad na ako and maybe it's time to fix my life. Pero mukhang hindi ito magiging madali. Kailangan kong pag- isipan kung paano ako makakalapit kay Thea. I started the car and found myself driving papunta sa school kung saan nagtuturo si Thea. I patiently waited para makita ko siya dahil hindi naman ako makakapasok sa loob ng school. Isa pa ayaw ko na makita niya ako sa ganitong estado ko knowing that she has issues with the rich. Hindi naman naikwento sa akin ni Troy ang dahilan. Pero siguro nga may malalim na dahilan ang galit niyang ito. Hindi naman nagtagal ay may nakita akong pamilyar na mukha. Ibinaba ko pa ang salamin ng kotse para makasiguro ako at hindi nga ako nagkamali. I saw Mang Kardo. Driver siya sa kumpanya ko at isa siya sa pinakamatagal ng naninilbihan sa kumpanya. “Mang Kardo!” tawag ko dito at agad naman siyang napalingon sa akin “Sir Lucian?” hindi makapaniwalang sabi niya ng makalapit siya sa kotse. Sinenyasan ko siyang umikot para makasakay at sinunod naman niya ako “Ano pong ginagawa niyo dito?” tanong niya ng makapasok ito sa kotse “Ano pong ginagawa niyo sa loob?” tanong ko agad dito “Ah! Sabitan po kasi ng medalya ngayon sir. May honor po ang anak ko!” masayang balita niya sa akin “Wow! Congatulations! Anong grade na po ba?” “Second year high school napo sir! Eh kaya nga po ako nag-absent ngayon para po makadalo sa pagbibigay ng award ngayong araw na ito.” “Wala pong problema yun.” sagot ko sa kanya “Malapit lang po ba kayo dito?”, “Ay opo! Diyan lang po kami nakatira sa susunod na kanto.” Hindi ko alam pero nagkaroon ako ng lakas ng loob na tanungin si Mang Kardo kung kilala niya ba si Thea since dito nag-aaral ang anak niya. “Ah Mang Kardo,” inilabas ko ang telepono ko at hinanap ang picture ni Thea at inabot ito sa kanya “Kilala mo po ba yan?” Napatingin agad si Mang Kardo sa cellphone ko at kumunot ang noo niya. “Bakit po kayo may litrato ni Thea?” Nabuhayan ako ng loob! “Kilala niyo po siya?” Tumango si Mang Kardo sa akin. “Teacher po siya diyan sa school na yan sir. At kapitbahay ko po siya.’ Hindi ko alam but I thought I heard angels singing at the back of my head. Kakailanganin ko ang tulong ni Mang Kardo sa plano kong mapalapit kay Thea. “I need your help!” Seryoso akong tumingin dito at alam ko na naguguluhan siya Napakamot pa ito ng ulo ng ikwento ko dito ang unang pagkikita namin ng babae at ang kagustuhan kong mapalapit dito. “E sir, mawalang galang napo. Si Thea po kasi, mabait na bata yan. Kinagigiliwan po yan sa lugar namin dahil matulungin po siya, lalo sa mga batang medyo mahina sa pag-aaral.” “Ano pong ibig niyong sabihin?” medyo hindi ko nagugustuhan ang pupuntahan ng usapan namin ni Mang Kardo “Ano po ba ang intensiyon niyo kay Thea, sir?” tanong nito sa akin kaya nahulaan ko na ang gusto niyang iparating “Malinis po ang intensyon ko sa kanya. At hindi ko po mapapakita yun kung makikilala niya ako sa ganitong katauhan ko.” paliwanag ko dito Napatango ito. “Alam niyo na po pala na ayaw niya sa mga kagaya niyo.” “Exactly Mang Kardo. Gusto ko po talaga siyang makilala, pakiramdam ko po, siya na yung babaeng gusto kong makasama habang buhay.” Tila naman hindi kumbinsido ang kaharap ko and I know that dahil sa tagal niya sa amin, alam ko na naririnig na niya ang bad reputation naming magkakaibigan pagdating sa babae. “Hindi ko po siya sasaktan kung yan ang inaalala niyo. Handa po akong magbago para sa kanya.” Tinignan ako ni Mang Kardo na para bang pinag-aaralan ang sinseridad ng mga salitang binitiwan ko. Pagkatapos ay ngumiti siya. “Ipangako niyo po sir. Dahil po pag nagkataon, buong looban ang makaka away niyo! Unang una na po ako doon!” “Makakaasa po kayo, Mang Kardo!”Thea“Nandito ka na pala ate!” Napatingin ako kay Arvie at nakita ko na palabas siya ng kwarto niya at bihis na bihis ito.“May lakad ka?” tanong ko dito habang papasok ako ng kusina para ibaba ang pinamili ko. Sweldo ngayon kaya naman namili ako ng konting stocks namin para sa bahay.“Tayo ate! Kaya magbihis ka na.” lumapit ito sa akin at sinimulang ilabas ang mga pinamili ko para iayos“Bakit? May nakalimutan ba ako? Di mo naman birthday ah!” biro ko pa dito habang kumukuha ako ng tubig sa ref“Hindi nga ate!” ngumiti pa ito sa akin saka sinimulang isalansan ang ilang de lata sa cabinet“Nagpunta kasi si Tata Kardo dito. Nangungumbida at dumating daw yung pamangkin niya. May pakain daw sa bahay.” bida niya sa akin“Ganun ba! Ikaw na lang siguro, Arvie. Gusto ko ng magpahinga.” tanggi ko dito “Ate, hindi ako nagluto kaya wala kang kakainin dito. Sumama ka na sandali tapos pagkakain mo, uuwi ka na.” pamimilit niya sa akin“Isa pa pinagbilin ka ni Tata Kardo, isama daw kita!”“Eat
TheaPagpasok ko sa faculty room ay napansin ko ang kakaibang ngiti ng mga kasamahan ko? Napakunot naman ang noo ko ng makita ko ang isang malaking boquet ng puting rosas sa ibabaw ng mesa ko.Nilapitan ko iyon at agad naman akong sinundan ni Karen sabay sundot sa tagiliran ko.“Ikaw ha! May hindi ka sinasabi sa akin!” buska niya sa akin“Ano bang sinasabi mo Karen? Saka kanino ba ito?” tinuro ko ang magandang bulaklak sa harap ko at sa itsura palang alam ko na medyo may kamahalan ang ganito“Aba malamang sa iyo? Nasa mesa mo diba? So sino nga? May manliligaw ka na pala!” tanong niya pero wala talaga akong idea kung kanino ito galingKinuha ko ang card sa bulaklak matapos kong ibaba ang mga libro na dala ko. I opened it saka ko binasa ang nakasulat dito.Thea,I hope this flowers will remind you of how beautiful you are especially in my eyes. Have a great day, Hon!LPS“Ayieee! May boyfriend ka na pala hindi mo pa sinasabi sa akin!” Kilig na kilig na sabi ni Karen sa akin“Wala akong
Thea“Ate may bisita ka!” tinig iyon ni Arvie mula sa labas ng kwarto ko kasabay ng mahinang katok niyaSinulyapan ko ang oras sa relo at alas- otso na pala ng gabi. Hindi ko na namalayan ang oras dahil malibang ako sa paggawa ng lesson plan ko para sa mga susunod na araw.Agad akong tumayo at binuksan ang pinto habang nakakunot ang noo ko. Sino naman kaya ang dadalaw ng ganitong oras? Malamang hindi si Karen iyon dahil paniguradong tatawag siya bago magpunta dito.Agad akong tumayo at lumabas ng kwarto and then I saw Lucian na nakaupo sa maliit na sala namin. Tumayo pa ito ng makita ako with a big smile on his face.“Good evening, Thea.” bati niya sa akin“Good evening din, Lucian.” sagot ko naman sa kanya saka ko siya pinaupo“Napadaan ka?” tanong ko ng makaupo ako sa upuang katapat niya“Diba sinabi ko na sayo, babalik ako? Manliligaw nga ako diba?’ paalala niya sa akin sabay abot sa akin ng chocolate na nakalagay pa sa isang lagayang plastic na hugis puso“Ano nanaman yan?” tanon
TheaTatlong araw na hindi ko naramdaman ang presensya ni Lucian pagkatapos nung huling beses na sinundo niya ako sa school.Hindi ko alam pero parang hinahanap ko din naman siya pero sa huli pinagalitan ko pa ang sarili ko dahil hindi ko naman dapat maramdaman iyon.Dumating ang araw ng linggo kaya naman maaga akong gumising para makapagsimba. Nakabihis na ako at paglabas ko ng kwarto ay nagulat ako dahil nasa sala si Lucian at kausap si Arvie.“Magandang umaga, Thea!” nakangiti niyang bati sa akin kaya sinimangutan ko itoTatlong araw na walang paramdam tapos ngayon kung makangiti sa akin? ‘uy, nagtatampo!’ Sigaw ng utak ko “Anong ginagawa mo dito?” Napakamot na naman si Lucian sa ulo niya. Isa ito sa mannerism niya na napansin ko.“Diba may lakad tayo? Sunday ngayon?” pagpapa-alala niya sa akinGusto ko sanang sabihin na wag na naming ituloy pero pinigil ko na lang ang sarili ko.“Magsisimba ako!” sagot ko na lang dito saka ako nagsimulang lumabas ng bahay“Okay!” naramdaman ko
TheaNakarating kami sa Tagaytay Picnic Grove at hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng lugar. Malamig ang panahon ngayon dito kaya nayakap ko ang braso ko habang nakaupo kami sa view deck at nakatanaw sa magandang view ng bulkang Taal.Naramdaman ko na may ipinatong na jacket si Lucian sa balikat ko kaya napangiti ako sa kanya. Laging handa ang lalaking ito and I appreciate that very much.“Ang ganda dito!” sabi ko na hindi inaalis ang tingin ko sa tanawing nasa harapan ko“If you want, we can buy a property here. Resthouse?” Napalingon ako sa sinabi niya at agad ko siyang inirapan.“Biro lang! Hindi ko pa kayang bumili ng bahay pero kapag nakaipon ako, yun ang unang bibilhin ko!” pagyayabang niya kaya naman napailing ako“Pwede ba akong magtanong sayo?” medyo nahihiya pang sabi ni Lucian “Pwede naman! Ano ba yun?” Balik-tanong ko naman sa kanyaHe cleared his throat bago siya nagsalita.“Nabanggit kasi sa akin ni Tito ang tungkol sayo, at sa galit mo sa mga mayayaman.” Napatin
Lucian“You are playing with fire bro!’ babala sa akin ni Xavier after I shared with them ang tungkol sa amin ni Thea.Tatlo lang kami dito ngayon sa bar nila Drake at Xavier dahil ayaw lumabas ni Marcus at Hendrix. Well naiintindihan ko naman since may mga pinagdadaanan talaga sila dahil sa pagkawala ng mga babaeng mahal nila.“I know bro! Pero unti-unti ipapakilala ko naman kay Thea ang totoong ako. Isa pa, I’m always telling her na hindi naman lahat ng mayaman, masama ang ugali.” Katwiran ko kay Xavier“Well I just hope kapag inamin mo yan, hindi siya magagalit sayo.” sabi naman ni Drake sa akin“Kamusta na pala kayo ni Cinderella?” naalala kong tanungin si Drake dahil mukhang masaya naman ito“We are fine! Little by little nagiging open na si Alie sa akin.” “Well that’s great to hear.”Sabay pa kaming napatingin kay Xavier kaya naman nagtaas siya ng kilay sa amin.“What?” “How’s Max?” tanong ni Drake dito na may himig ng pang-aasar“Why are you even asking?” “C’mon Monteverde,
TheaNapatingin ako sa pinto ng bumukas iyon and my heart skipped ng makita ko si Lucian. Mukha itong tumakbo ng malayo dahil medyo hinihingal pa ito kaya nag-alala ako.Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.“Lucian? Okay ka lang?” tanong ko.Kanina naiinis na ako dahil anong oras na wala pa rin ang lalaking ito. Gusto ko ng itago ang mga hinanda ko pero sabi niya natraffic daw siya kaya naman mas pinili kong maghintay.And seeing him now, parang nawala ang inis ko dahil halata sa kanya ang pagmamadaling makarating dito.“Sorry, hon! Grabe ang traffic!” sabi niya ng pakawalan niya ako“Okay lang! Tara na kain na tayo!” aya ko naman sa kanya at saka ko hinanda ang mga niluto ko“Wow!” sabi naman niya ng makita ang nasa lamesa pagkatapos niyang maghugas ng kamay“Lucian, huwag kang OA! Adobong manok lang yan at chopsuey!” natatawang sabi ko dito“No hon! Hindi yan ‘lang’ para sa akin kasi ikaw ang naghanda! I’m sure may kasamang pagmamahal yan!” nakangiti niyang sagot
LucianNasa opisina ako ng Segovia Pharmaceuticals at kakatapos ko lang mai-close ang deal sa isang foreign investor na gustong mag-invest sa kumpanya. I was about to text Thea nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang galit na galit na si Daddy.“Lucian! What were you thinking!” nanggagalaiti nitong sigaw sa akin and somehow alam ko na kung ano ang ikinagagalit sa akin ng Daddy ko“Good morning Dad!” cool na sagot ko dito saka ako sumandal sa upuan ko kaya naman lalo itong namula sa pagpipigil ng galit“Huwag na huwag mo akong ipapahiya sa kaibigan ko Lucian! Kapag sinabi kong magpapakasal kayo ni Bettina, magpapakasal kayo!” “I’m sorry Dad pero hindi ako susunod sa gusto niyo! Matanda na ako at hindi niyo ako pwedeng diktahan sa gusto kong gawin sa buhay ko!” may diin na sagot ko sa Daddy kong akala mo bulkan na sumabog ang galit sa akin“Sige Lucian! Kung hindi ka susunod sa utos ko, bumaba ka sa pwesto mo bilang CEO ng kumpanya ko!” Nagulat ako sa sinabi ni Dad pero h