Thea
“Hoy Thea! Hindi pwede na hindi ka sasama mamaya sa party ha! Birthday ko yun!” Nakasimangot na sabi ng kaibigan ko na si Karen sa akin habang nag-aayos kami ng gamit dito sa faculty room. Co-teacher ko siya dito sa public school na pinapasukan ko at naging matalik na rin na kaibigan. Sa awa ng Diyos ay naitawid ko ang review para sa Licensure Examination for Teachers(LET) at isa ako sa topnotcher ng exam kaya naging madali ang pagpasok ko sa public school. Mas mataas kasi ang sahod sa mga public schools kumpara sa mga private, idagdag pa ang ilang benepisyo na natatanggap namin mula sa gobyerno. Well hindi naman sobrang laki pero sapat naman na para sa amin ng kapatid ko. Dalawang taon nalang at magtatapos na si Arvie sa kursong Criminology. Hindi din naging madali ang lahat sa kapatid ko dahil gaya ko, nagtrabaho din ito habang nag-aaral. Proud kami sa aming mga sarili dahil naitaguyod namin ang pag-aaral namin na sana ay si itay ang gumawa. Buhat ng palayasin ko siya sa burol ni Tanya ay hindi na nagpakitang muli ang itay. Kung nasaan man siya, wala na din kaming pakialam. Ang mahalaga sa amin ngayon ni Arvie, ay gumaling ang aming inay. “Huy!” yugyog sa akin ni Karen kaya naman halos mabitiwan ko na ang cellphone na hawak ko “Karen naman! Hindi pa nga bayad tong cellphone sisirain mo na!” saway ko dito kaya naman lalo siyang sumimangot “E pano kasi hindi ka nakikinig sa akin!” “Karen, alam mo naman kung bakit ayaw kong sumama diyan sa party mo eh!” tanggi ko pa rin sa pangungulit niya “Diyos ko naman Thea! Hanggang ngayon ba yan parin ang panuntunan mo sa buhay? Hindi naman kasi lahat ng mayayaman e masama!” litanya niya sa akin “Kayo nalang Karen! Saka na lang tayo mag celebrate na dalawa!” Pilit kasi akong inaaya nito sa isang sikat na bar dahil doon daw gaganapin ang party niya. Malamang tambayan yun ng mga mapepera kaya ayoko talagang sumama pero itong kaibigan ko, hindi ata ako titigilan. “Sige na, please?” nag-puppy eyes pa ito sa akin kaya natawa na lang ako “Sige na! Sige na! Pero sandali lang ako ha!” inunanahan ko na siya kaya naman wagas ang ngiti ng bruha Mayaman kasi ang boyfriend ni Karen kaya hanggat maari, ayokong makikihalubilo sa kanila. Pero dahil birthday niya, sige, mapagbigyan na! “Susunduin ka namin ni Troy sa inyo. Huwag ka ng tumanggi dahil on the way naman yung bahay mo.” paniniguro niya sa akin kaya tumango na lang ako Sabay na kaming lumabas ng paaralan ni Karen. Sinamahan ko muna siyang mag-abang ng jeep dahil malayo sa paaralan ang bahay nila. Walking distance lang naman sa bahay ang eskwelahan at pabor sa akin yun dahil tipid ako sa pamasahe. “May lakad ka?” tanong sa akin ni Arvie ng lumabas ako ng kwarto na nakabihis Pagkatapos naming maghapunan ay pumasok na ako sa loob para makapaghanda para sa party ni Karen. Nagsuot lang naman ako skinny jeans at bodyfit na t-shirt. Itinali ko pataas ang mahaba kong buhok saka ako naglagay ng manipis na lipstick. Hindi naman kasi ako mahilig sa make up. Lipstick at pulhos lang okay na sa akin yun. Isinukbit ko ang sling bag ko kung saan ko nilagay ang cellphone ko kasama na ang lipstick at powder. Nagsuot lang ako ng flat doll shoes. Hindi ako masyadong nagsusuot ng mataas na takong dahil matangkad naman ako. Sabi nga nila, papasa daw akong modelo dahil sa height at built ng katawan ko. “Birthday ng ate Karen mo. Nag-aayang lumabas.” sagot ko sa kapatid ko habang tine-text ko si Karen “Sige ate, mag-iingat ka! Maaga akong matutulog at may exam ako bukas kaya hindi na kita mahihintay.” Ginulo ko ang buhok ni Arvie saka ako ngumiti. Masipag talagang mag-aral ang kapatid ko, idagdag pang mabuti din itong kapatid. Hindi naman nagtagal ay may narinig akong busina sa labas. Hula ko ay si Karen na ito at si Troy kaya naman kinuha ko na amg susi sa sabitan at binilinan ng kapatid ko na i-lock na ang pinto. Sumakay na ako agad sa likod matapos kong batiin ang boyfriend ni Karen. “Mabuti na lang sumama ka, Thea! Ipapakilala kita sa kaibigan ko ha?” nakangiting sabi ni Troy kaya napangiwi ako “Baby, alam mo naman kung ano ang phobia ni Thea diba?” sabat naman ni Karen and I heard Troy’s chuckle “Thea, hindi naman lahat ng mayaman, masama ugali. Look at me? I mean, sa palagay mo ba magugustuhan ako ni Karen kung masama ang ugali ko?” May point naman si Troy sa sinabi niya. At ilang beses ko na din naman itong nakakasama at nakikita ko naman na okay siya. Ayon sa kwento ni Karen, nagtatrabaho ito sa sariling kumpanya nila. Kaya naman madalas tuksuhin ng mga co-teachers namin si Karen kasi ginayuma daw nito si Troy. Bukod sa mayaman kasi ay gwapo naman talaga ito. Maganda naman din si Karen at matalino. Hindi na lugi sa kanya si Troy. Mabait at mapagmahal din ito lalo sa mga magulang at kapatid niya. “Pasensya ka na Troy, alam mo naman siguro ang pinagdaanan ko.” sagot ko dito I heard him sigh… “That’s up to you Thea. Basta sana huwag mo naman lahatin. Malay mo un pala ang kapalaran mo.” “Salamat Troy. Don’t worry, hindi ko naman sila aawayin. Hindi lang talaga ako kumportable.” pagdadahilan ko dito After thirty minutes narating namin ang bar na sinasabi niTroy na pag-aari ng pinsan niya. “Kuya Jackson!” bati nito sa lalakeng sumalubong sa amin. Guwapo ito, no question about that. “Dumeretso na kayo sa VIP, nakareserve na yun sa inyo.” utos nito kay Troy “Happy birthday, Karen!” bati din nito sa kaibigan ko. Well from the looks of it, mukhang kilala na din ni Karen ang lalaking ito “Thank you kuya Jackson ha!” b****o siya dito at nakita ko na tinapik nung may-ari ang balikat ni Karen “Oo naman! Ikaw pa ba,e love na love ka ni Troy! Enjoy your party, on the house lahat.” Wow! Iba naman talaga kapag mayaman! Umakyat kami sa ikalawang palapag ng bar dahil nandun ang VIP room na inilaan sa grupo namin. Ang ibang mga bisita ni Karen ay mga kaibigan niya noong college. Pinakilala naman niya ako sa kanila. Medyo magulo at maingay sa loob kaya naman naupo na lang ako sa sulok. Hindi ko talaga gusto ang mga ganitong lugar. Naiingayan ako pero bilang kaibigan kailangan ko naman magpakita ng suporta dito. Kumuha ako ng drinks at tinikman iyon. Well hindi naman masama ang lasa kaya tahimik na lang akong uminom hanggang sa lumapit si Troy at may kasamang lalaki na hindi nalalayo sa edad niya. “Thea, siya yung kaibigan ko na sinasabi ko sa’yo. Si Billy. Billy this is Thea, bestfriend ni Karen.” “Hi Thea!” masayang bati naman nito sa akin “H-hi!” medyo nahihiyang bati ko kay Billy Mukha naman itong mabait but judging from his clothes and over all aura, mayaman ito. Nag-usap kami ni Billy peri madalas siya lang ang nagsasalita. Oo o hindi nga lang ang sinasagot ko pag nagtatanong siya. Matagal din kaming nag-usap at medyo nahihilo na din ako kasi hindi ko namalayan na marami na pala akong naiinom. Nagpaalam sandali si Billy na gagamit ng restroom kaya kinuha ko ang pagkakataon na yun para lumapit kay Karen. “Karen, mauuna na ako ha!” Nakita ko na medyo tipsy na din ito at ng tignan ko ang oras ay alas- onse na din pala ng gabi kaya naman gusto ko ng umuwi. “Teka, sino kasama mong uuwi?”tanong niya pero nginitian ko ito “Don’t worry, magta taxi na lang ako.” She just nodded kaya naman agad na akong lumabas ng VIP room. Baka abutan pa ako ni Billy at hindi pa ako makauwi. Pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ako kaya naman hinanap ko na ang hagdan pababa para makalabas na ako sa bar. Kumapit ako sa railings pero dahil na din sa hilo ko ay hindi ko natantya ang hagdan at muntik na akong mahulog pero may matipunong braso ang sumalo sa akin. Napayakap pa ako sa kanya and immediately I smelled his manly scent. Napapikit pa ako and when I opened my eyes, pakiramdam ko nakakita ako ng napakagwapong nilalang. Artista ba to? “Hey! Be careful miss!” Oh my God! Ang pula ng labi niya at ang ganda ganda ng mga mata niya. “S-salamat!” sabi ko pero hindi ko naman magawang alisin ang pagkakayakap ko sa kanya “Mukhang lasing ka na! May dala ka bang sasakyan? Ihahatid na kita doon?” “Ah e. Wala. Magta taxi lang ako.” nakaramdam na naman ako ng hilo hanggang sa tuluyan ng magdilim ang paningin ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari basta pag gising ko kinabukasan, nakahiga na ako sa isang malaking kama. Iginala ko ang paningin ko at hindi ako nagkamali, nasa isang hotel ako. S**t! Ano ba tong napasukan ko? Pinakiramdaman ko ang sarili ko pero wala naman akong naramdamang iba. Hindi naman ata ako na-rape o kung ano pa man. Narinig kong may ingay sa banyo at mukhang may naliligo kaya naman nakaramdam ako ng takot. Dahan dahan akong bumaba sa kama at hinagilap ang sapatos ko pati na ang bag ko. Agad ko naman iyong nakita at ng makuha ko iyon ay agad akong nagpunta sa pinto at dahan dahang lumabas ng kwarto. Lakad takbo ang ginawa ko para makalayo ako at marating ko ang elevator. Agad naman iyong bumukas kaya pumasok ako agad at sinuot at sapatos ko. Isip ako ng isip kung ano ang nangyari pero wala talaga akong matandaan. Ang alam ko lang nagpaalam ako kay Karen na mauuna na akong umuwi. ‘Diyos ko Thea! Nasaan ba ang utak mo!” kastigo ko sa sarili ko habang lumalabas ako ng hotel. May mga taxi namang nakapila doon kaya agad akong nakasakay at nilisan ang lugar na iyon.Lucian“Hey! Are you even listening?” Niyugyog ako ni Marcus dahil may sinasabi siya pero dahil lumilipad ang utak ko ay hindi ko naintindihan iyon.“Ano ba yun?” iritang sagot ko dito dahil naputol ang pag-iisip ko sa pangyayari kagabi“What the f**k? Anong nakain mo Segovia at tahimik ka ata ngayon?” pang-aasar naman sa akin ni Drake “Let me guess, babae yan!” singit naman ni Hendrix habang humihigop ng kape niya“Tinakasan ako!” maiksing sagot ko sa kanila kaya lahat sila napatingin sa akin“What?” sabay-sabay nilang tanong na halos ikabingi ko“Are you guys deaf?”“Linawin mo kasi!” Xavier said while wearing that smirk in his damn faceNapilitan tuloy akong ikwento ang engkwentro namin ng babaeng iyon kagabi. Well wala naman kaming inililihim sa isa’t-isa. Lahat ng nangyayari sa amin ay alam ng lahat. “May nangyari ba?” tanong ni Drake sa akin kaya umiling ako agad“Lasing yung tao bro! Hindi ko naman magagawa yun.” “Then she ditched you?” Inulit pa talaga ni Xavier sinabi k
Thea“Nandito ka na pala ate!” Napatingin ako kay Arvie at nakita ko na palabas siya ng kwarto niya at bihis na bihis ito.“May lakad ka?” tanong ko dito habang papasok ako ng kusina para ibaba ang pinamili ko. Sweldo ngayon kaya naman namili ako ng konting stocks namin para sa bahay.“Tayo ate! Kaya magbihis ka na.” lumapit ito sa akin at sinimulang ilabas ang mga pinamili ko para iayos“Bakit? May nakalimutan ba ako? Di mo naman birthday ah!” biro ko pa dito habang kumukuha ako ng tubig sa ref“Hindi nga ate!” ngumiti pa ito sa akin saka sinimulang isalansan ang ilang de lata sa cabinet“Nagpunta kasi si Tata Kardo dito. Nangungumbida at dumating daw yung pamangkin niya. May pakain daw sa bahay.” bida niya sa akin“Ganun ba! Ikaw na lang siguro, Arvie. Gusto ko ng magpahinga.” tanggi ko dito “Ate, hindi ako nagluto kaya wala kang kakainin dito. Sumama ka na sandali tapos pagkakain mo, uuwi ka na.” pamimilit niya sa akin“Isa pa pinagbilin ka ni Tata Kardo, isama daw kita!”“Eat
TheaPagpasok ko sa faculty room ay napansin ko ang kakaibang ngiti ng mga kasamahan ko? Napakunot naman ang noo ko ng makita ko ang isang malaking boquet ng puting rosas sa ibabaw ng mesa ko.Nilapitan ko iyon at agad naman akong sinundan ni Karen sabay sundot sa tagiliran ko.“Ikaw ha! May hindi ka sinasabi sa akin!” buska niya sa akin“Ano bang sinasabi mo Karen? Saka kanino ba ito?” tinuro ko ang magandang bulaklak sa harap ko at sa itsura palang alam ko na medyo may kamahalan ang ganito“Aba malamang sa iyo? Nasa mesa mo diba? So sino nga? May manliligaw ka na pala!” tanong niya pero wala talaga akong idea kung kanino ito galingKinuha ko ang card sa bulaklak matapos kong ibaba ang mga libro na dala ko. I opened it saka ko binasa ang nakasulat dito.Thea,I hope this flowers will remind you of how beautiful you are especially in my eyes. Have a great day, Hon!LPS“Ayieee! May boyfriend ka na pala hindi mo pa sinasabi sa akin!” Kilig na kilig na sabi ni Karen sa akin“Wala akong
Thea“Ate may bisita ka!” tinig iyon ni Arvie mula sa labas ng kwarto ko kasabay ng mahinang katok niyaSinulyapan ko ang oras sa relo at alas- otso na pala ng gabi. Hindi ko na namalayan ang oras dahil malibang ako sa paggawa ng lesson plan ko para sa mga susunod na araw.Agad akong tumayo at binuksan ang pinto habang nakakunot ang noo ko. Sino naman kaya ang dadalaw ng ganitong oras? Malamang hindi si Karen iyon dahil paniguradong tatawag siya bago magpunta dito.Agad akong tumayo at lumabas ng kwarto and then I saw Lucian na nakaupo sa maliit na sala namin. Tumayo pa ito ng makita ako with a big smile on his face.“Good evening, Thea.” bati niya sa akin“Good evening din, Lucian.” sagot ko naman sa kanya saka ko siya pinaupo“Napadaan ka?” tanong ko ng makaupo ako sa upuang katapat niya“Diba sinabi ko na sayo, babalik ako? Manliligaw nga ako diba?’ paalala niya sa akin sabay abot sa akin ng chocolate na nakalagay pa sa isang lagayang plastic na hugis puso“Ano nanaman yan?” tanon
TheaTatlong araw na hindi ko naramdaman ang presensya ni Lucian pagkatapos nung huling beses na sinundo niya ako sa school.Hindi ko alam pero parang hinahanap ko din naman siya pero sa huli pinagalitan ko pa ang sarili ko dahil hindi ko naman dapat maramdaman iyon.Dumating ang araw ng linggo kaya naman maaga akong gumising para makapagsimba. Nakabihis na ako at paglabas ko ng kwarto ay nagulat ako dahil nasa sala si Lucian at kausap si Arvie.“Magandang umaga, Thea!” nakangiti niyang bati sa akin kaya sinimangutan ko itoTatlong araw na walang paramdam tapos ngayon kung makangiti sa akin? ‘uy, nagtatampo!’ Sigaw ng utak ko “Anong ginagawa mo dito?” Napakamot na naman si Lucian sa ulo niya. Isa ito sa mannerism niya na napansin ko.“Diba may lakad tayo? Sunday ngayon?” pagpapa-alala niya sa akinGusto ko sanang sabihin na wag na naming ituloy pero pinigil ko na lang ang sarili ko.“Magsisimba ako!” sagot ko na lang dito saka ako nagsimulang lumabas ng bahay“Okay!” naramdaman ko
TheaNakarating kami sa Tagaytay Picnic Grove at hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng lugar. Malamig ang panahon ngayon dito kaya nayakap ko ang braso ko habang nakaupo kami sa view deck at nakatanaw sa magandang view ng bulkang Taal.Naramdaman ko na may ipinatong na jacket si Lucian sa balikat ko kaya napangiti ako sa kanya. Laging handa ang lalaking ito and I appreciate that very much.“Ang ganda dito!” sabi ko na hindi inaalis ang tingin ko sa tanawing nasa harapan ko“If you want, we can buy a property here. Resthouse?” Napalingon ako sa sinabi niya at agad ko siyang inirapan.“Biro lang! Hindi ko pa kayang bumili ng bahay pero kapag nakaipon ako, yun ang unang bibilhin ko!” pagyayabang niya kaya naman napailing ako“Pwede ba akong magtanong sayo?” medyo nahihiya pang sabi ni Lucian “Pwede naman! Ano ba yun?” Balik-tanong ko naman sa kanyaHe cleared his throat bago siya nagsalita.“Nabanggit kasi sa akin ni Tito ang tungkol sayo, at sa galit mo sa mga mayayaman.” Napatin
Lucian“You are playing with fire bro!’ babala sa akin ni Xavier after I shared with them ang tungkol sa amin ni Thea.Tatlo lang kami dito ngayon sa bar nila Drake at Xavier dahil ayaw lumabas ni Marcus at Hendrix. Well naiintindihan ko naman since may mga pinagdadaanan talaga sila dahil sa pagkawala ng mga babaeng mahal nila.“I know bro! Pero unti-unti ipapakilala ko naman kay Thea ang totoong ako. Isa pa, I’m always telling her na hindi naman lahat ng mayaman, masama ang ugali.” Katwiran ko kay Xavier“Well I just hope kapag inamin mo yan, hindi siya magagalit sayo.” sabi naman ni Drake sa akin“Kamusta na pala kayo ni Cinderella?” naalala kong tanungin si Drake dahil mukhang masaya naman ito“We are fine! Little by little nagiging open na si Alie sa akin.” “Well that’s great to hear.”Sabay pa kaming napatingin kay Xavier kaya naman nagtaas siya ng kilay sa amin.“What?” “How’s Max?” tanong ni Drake dito na may himig ng pang-aasar“Why are you even asking?” “C’mon Monteverde,
TheaNapatingin ako sa pinto ng bumukas iyon and my heart skipped ng makita ko si Lucian. Mukha itong tumakbo ng malayo dahil medyo hinihingal pa ito kaya nag-alala ako.Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.“Lucian? Okay ka lang?” tanong ko.Kanina naiinis na ako dahil anong oras na wala pa rin ang lalaking ito. Gusto ko ng itago ang mga hinanda ko pero sabi niya natraffic daw siya kaya naman mas pinili kong maghintay.And seeing him now, parang nawala ang inis ko dahil halata sa kanya ang pagmamadaling makarating dito.“Sorry, hon! Grabe ang traffic!” sabi niya ng pakawalan niya ako“Okay lang! Tara na kain na tayo!” aya ko naman sa kanya at saka ko hinanda ang mga niluto ko“Wow!” sabi naman niya ng makita ang nasa lamesa pagkatapos niyang maghugas ng kamay“Lucian, huwag kang OA! Adobong manok lang yan at chopsuey!” natatawang sabi ko dito“No hon! Hindi yan ‘lang’ para sa akin kasi ikaw ang naghanda! I’m sure may kasamang pagmamahal yan!” nakangiti niyang sagot
Thea “Are you ready?” tanong sa akin ni Lucian bago kami bumaba ng kotse He held my hand at kumapit naman ako sa kanya ng mahigpit. I smiled at him and I nodded. “Yes Hon! I’m ready at palagi akong magiging handa sa kahit na ako kasi nandyan ka!” Binigyan ako ni Lucian ng magaan na halik sa aking labi. Kahit na nadagdagan ang edad namin, hindi nabawasan ang pagiging sweet namin sa isa’t-isa. Nandito kami ngayon sa hotel kung saan gaganapin ang 20th anniversary ng Tanya Marie Vergara Foundation. Ito ang foundation na itinayo namin ni Lucian para matulungan ang mga batang deserving mag-aral ng college pero kapos naman sa budget. Naalala ko na sa Malibu nabuo ang konsepto nito during our honeymoon. Pagbalik namin ng Pilipinas ay naging busy na ako lalo ng maipanganak ko si Hyacinth at hindi ko alam na ongoing na pala ang processing nito at nang mabigyan ito ng approval sa SEC ay saka lang ito sinabi ni Lucian sa akin. It was my birthday ng pormal itong buksan ni Lucian at
LucianHindi na ako mapakali the moment na ipasok si Thea sa labor room. Si Nancy ang nakasama ko dito sa ospital dahil hindi naman pwedeng si Nurse Joy since walang maiiwan kay Inay.I called my parents at agad naman silang nagpunta dito sa ospital kasama si Margarette. They are all excited to see their first-born apo.“Kuya please, relax okay!” narinig kong sabi ni Margarette kaya naman napalingon ako dito“Paano naman ako magre-relax? Hanggang ngayon nasa loob pa si Thea at wala akong balita kung ano na ang nangyayari sa kanya!” sagot ko sa kapatid ko na prenteng nakaupo sa tabi ni Mommy“I’m sure the doctor’s are doing their job, iho. At kung may problema naman for sure malalaman natin yun!” sabi naman ng Mommy ko“Eh bakit nga ba ang tagal-tagal!” sabi naman ni Daddy na napatayo na din tulad ko“Tony utang na loob ha, huwag ka ng makisali kay Lucian!” suway naman ni Mommy kay Daddy na halatang kinakabahan din gaya ko“Jane, unang apo ko iyon! Natural kabahan ako!” katwiram namn
TheaSa mansion na kami dumiretso when we arrived at the Philippines at muli na naman akong sinorpresa ni Lucian. Pag-uwi namin sa bahay ay nandoon na si Arvie pero ang labis na nagpaluha sa akin ay nang makita ko ang inay.Nakaupo siya sa wheelchair habang nasa likod naman niya si nurse Joy. “Inay?” Agad ko siyang nilapitan at saka ko kinuha ang kamay niyaHindi naman nag-react si Inay pero ayos lang naman sa akin iyon. Ang mahalaga sa ngayon ay kasama na namin siya. Hindi pa rin ako mapapagod na magdasal na sana dumating ang araw na gumaling na siya.Makalipas ang isang buwan ay nagkaroon naman kami ng housewarming party. Invited lahat ng mga taong malapit sa buhay namin at masaya sila para sa amin ni Lucian at sa bagong tahanan namin.Nakita din ng mga taga-looban si Inay at hindi mapigil ni Aling Toyang at Tita Beth ang sarili nila na mapaiyak nang muli nilang makita ang kaibigang nawalay sa kanila.Maayos naman ang lahat pwera lang talaga ang paglilihi ko dahil noong tatlong
TheaSunundo ulit kami ng service para sa isa na namang tour na pina-book ni Lucian. Halos maghapon ang tour na ito and the guide reminded us to bring water and snacks just in case gutumin kami habang na sa sasakyan.Lucian made sure that we will have our breakfast first bago kami umalis ng hotel. Nagdala din siya ng tubig sa dalawang flask and snacks too.“Let’s go hon!” sabi niya saka niya inilahad ang kamay sa akinI can’t help but admire my husband kasi kahit anong isuot nito ay kayang-kaya niyang dalhin. He was just wearing short-sleeved polo and cargo shorts. May shades na nakasabit sa polo niya and topsider shoes. Nakasuot lang naman ako ng maong shorts since maliit pa naman ang tiyan ko. Naka sando lang ako at may shades din with my white rubber shoes.“Ang seksi naman ni buntis!” pang-aasar sa akin ni Lucian kaya natawa ako kasi minsan iyon ang itinatawag niya sa akin.Magkahawak kamay kaming lumabas ng hotel at nasa baba naman na ang service namin.Unang destinasyon ng tou
TheaSa private plane ni Drake kami sumakay papunta sa Malibu para sa honeymoon namin. Bago mananghali ay nakarating na kami dito at mabuti na lang nakisama ang katawan ko sa biyahe. Hindi naman ako nahilo or nagsuka man lang. Mukhang excited din ang anak ko sa trip na ito.Nagcheck-in kami ni Lucian sa Hilton Garden Inn and when we got into our room ay nagpahinga muna kami. “Okay ka lang Hon?” tanong niya saka niya hinipo ang tyan ko“Yeah I’m fine. Gusto ko lang muna magpahinga.” sagot ko sa kanya after kissing my tummy“May gusto ka bang kainin Hon? Any cravings?” tanong niya uli sa akinNag-isip muna ako pero wala naman akong nagugustuhang kainin ngayon kaya umiling ako kay Lucian.“Basta pag may gusto ka, always tell me. Huwag mong titiisin okay?” Tumango ako sa kanya saka ko tinapik ang kaliwang bahagi ng kama. Naintindihan naman ni Lucian yun at agad siyang tumabi sa akin. Yumakap ako sa kanya saka ko siya inamoy. Iyon ang gusto ko at yun ang nagpapakalma sa akin.Hinalika
Thea Magkahawak-kamay kaming pumasok ni Lucian sa malaking pavillion kung saan gaganapin ang reception ng kasal namin. Bago kami makarating sa venue ay magkayakap lang kami sa kotse habang hindi namin mapigil ni Lucian ang mga emosyon namin. Magkayakap kami habang pareho kaming umiiyak. Pero ngayon sigurado ako na luha ito ng labis na kaligayahan. “Thank you, Hon! Thank you so much!” yun ang paulit-ulit na ibinubulong sa akin ni Lucian Masigabong palakpakan ang sumalubong sa amin as we entered the place. Lahat ay masaya para sa amin ni Lucian at makikita mo iyon sa mga mukha nila. Nagsimula ang kainan at picture taking namin with the guests. Mabuti na lamang at na-accomodate lahat ng mga bisita namin dahil na din sa laki ng venue na ito. May program din at hiningan ng mga messages ang mga taong malapit sa amin kaya walang pagsidlan ang kaligayahan ko lalo pa at nandito lahat ng mga taong mahalaga sa amin. Malungkot lang dahil hindi pinayagan ng hospital na makapunta si in
Third person’s POVIto na ang araw na tuluyan ng palalayain ni Lucian si Thea. Pagkatapos ng lahat ng ito, they will just be parents for their baby. Nothing more, nothing less.Naligo na si Lucian at nagbihis matapos siyang kuhaan ng video at pictures ng mga taong magco-cover ng kasal. Nakakatawa lang pero hinayaan na niya since ayaw niyang magkaroon ng idea ang mga tao na wala naman talagang kasalang magaganap.Alas-diyes ang kasal nila ni Thea kaya pagkatapos niyang mag-ayos ay dumiretso na siya sa simbahan. Tumawag na din sa kanya ang kapatid niyang si Liam at sinabing nandoon na siya pati na si Margarette at ang magulang niya.Huminga siya ng malalim bago siya sumakay ng kotse at ihatid ng driver papunta sa simbahan. Marami ng naka park na sasakyan doon at mukhang siya na lang ang iniintay.He went inside the church at marami ang lumapit sa kanya at kumamay. He just said thank you and smiled at them kahit pa durog na durog ang kanyang puso. Nanatili naman sa upuan ang pamilya
Thea(One day before the wedding)Hindi ko mapigilang umiyak the moment I saw the wedding gown that Sophia Conti has designed for me. Dumating ito kahapon kasama ng gown ni Karen at ang amerikana ni Arvie. Naninikip ang dibdib ko habang inaalala ang nakaraan namin ni Lucian. Kung paano namin inayos ang mga detalye ng kasal. Kung gaano kami kasaya habang pinaghahandaan ang araw na ito.We already made plans para sa pamilyang bubuuin namin. Our honeymoon too is already set at hindi ko alam kung pati yon ay hindi kinansel ni Lucian.Alam ko na nasaktan ko si Lucian and I’m at fault kung nagkakagulo man ang mga tao sa paligid namin ngayon. Lalo pa at sinabi niya ang plano niya para bukas.Maghihintay siya sa harap ng altar kahit pa alam niyang hindi ako darating dahil yun lang daw ang nakikita niyang paraan para matanggap niya ang katotohanang hindi na kami mabubuo.Ano kaya ang reaksyon ng magulang ni Lucian? Will they hate me? Maari, lalo na ang Daddy ni Lucian.Si Mommy Jane kaya? G
Lucian(Three days before the wedding)I immediately knocked as soon as I arrived at Thea’s door. Hindi ko mapigilan ang sayang bumalot sa akin nang tawagan niya ako at pabalikin.When the door opened nakita ko ang mata ni Thea na puno ng luha kaya agad ko siyang ikinulong sa mga bisig ko. “Shhh..tahan na! Nandito na ako!” sinubsob ni Thea ang mukha niya sa leeg ko “Sorry Lucian. Hindi ko mapigilan! Hindi talaga ako makatulog!” bulong niya kaya inaya ko na siyang pumasok sa kwarto niya“Matulog ka na. Dito lang ako.” sabi ko and she immediately lied down to bedTinanggal ko ang sapatos ko at saka ako nahiga sa tabi niya matapos kong ipatong sa side table ang susi ng kotse at phone ko.Umunan siya agad sa braso ko at niyakap ako habang ramdam ko kung paano niya amuyin ang dibdib ko kaya napapangiti na lang ako.Suddenly I had this hope in my heart that we can work this out. Na pwede pa naming ayusin ang lahat. Kailangan ko lang sigurong magtiyaga at maghintay.Hinalikan ko ang ulo n