TheaMaaga akong nagising kinabukasan para makapagsimba kahit pa nanakit ang katawan ko dahil sa ginawa ni Lucian sa akin. Bandang alas-onse ng umuwi ito kina Tata Kardo dahil may lakad kami ngayon. Wala pa din si Arvie kaya naman tinext ko na ito para alamin kung ano oras ito uuwi.Pagkatapos kong maligo at magbihis ay nakarinig ako ng katok sa pinto at nang buksan ko iyon ay ang nakangiting mukha ni Lucian ang nakita ko.“Ready ka na?” tanong niya sa akin “Ang ganda talaga ng Hon ko!”Nakasuot lang naman ako ng isang simpleng bestida na kulay puti na may mga bulaklak na disenyo. Wala itong manggas kaya nakalitaw ang braso ko. Tinernuhan ko ito ng itim na sandals na mababa lang ang takong.Nakasuot lang naman si Lucian ng maong na pantalon, rubber shoes at T-shirt. Simple ang gayak niya pero napakagwapo niya pa rin sa paningin ko.Tumango naman ako saka ko kinuha ang susi para mailock ang pinto. He grabbed my hand and we started walking kaya naman ang mga kapitbahay ay masayang na
Thea“Okay ka lang ba? Nabalitaan ko kay Arvie yung pagpunta ng tatay mo?” malungkot na sabi sa akin ni Karen noong nasa canteen kami para kumain ng tanghalian“Ayos lang ako!” pinilit kong paglabanan ang muling pagbangon ng galit sa dibdib ko sa twing naaalala ko ang pagpunta ni itay sa amin“Hindi ko lang talaga maintindihan kung saan kumukuha ang tatay ko ng lakas ng loob para makuha pa niyang humarap sa amin.”“Gusto niya lang siguro kayong makita.”“Bakit pa? Dahil okay na kami? Dahil kaya na namin at wala na siyang pwedeng itulong pa kaya magpapakita na siya?” pakiramdam ko kaharap ko ang itay habang binibitawan ko ang mga salitang iyon“Hindi naman siguro. Tatay niyo pa rin yun. Baka naman gusto mo bigyan ng pagkakataong makabawi sa inyo.”“Hindi na Karen! Hindi na niya kailangan bumawi!” matigas na pahayag ko ditoAlam kong matigas ang tingin sa akin ni Karen pero wala akong magagawa. Nasakatan ako ng sobra at malalim ang iniwang sugat non sa akin at sa pamilya ko.Di bale sa
LucianWe are at Jackson’s bar this night dahil gusto ni Marcus na magkita-kita kami. Medyo naging busy kasi kami for the past weeks at gusto niya daw lumabas kaya naman napagpasyahan namin siyang samahan.Minsan lang siyang mag-request eversince Blanca died at I feel na kailangan ko siyang samahan.I just felt guilty dahil nagsinungaling na naman ako sa babaeng mahal ko. Dalawang buwan na ang relasyon namin ni Thea and I have been thinking of ways kung paano ko aaminin sa kanya ang totoo.Hanggat maari ayaw ko na siyang lokohin tungkol sa tunay na pagkatao ko pero sa twing iniisip ko na yun ang magiging dahilan ng hiwalayan namin, parang maduduwag ako.Gaya ngayon, sinabi ko na may overtime ako at hindi ako makakauwi sa kanila. I felt guilty knowing na kanina pa siya naghahanda ng dinner namin tapos bigla akong nag-cancel.“Lumilipad ang utak ni Segovia!” Asar sa akin ni Drake kaya napasimangot na lang ako“Ano na ba ang status, Segovia? Pinapatagal mo ng masyado baka lalo ka niyang
Thea Masakit na ang mata ko sa kakaiyak sa maghapon pagkatapos kong iwan si Lucian pagkagaling namin sa simbahan. Galit ako sa kanya at kahit nagpaliwanag siya ay hindi ko pa rin iyon matanggap. Nagseselos ako! Nasasaktan ako! At kahit pa sabihing hindi niya ginusto yon ay hindi ko mapigilang masaktan. “Thea!” Napalingon ako at nakita ko si Karen na pumasok sa kwarto ko. Automatic na yumakap ako sa kaibigan ko at muli akong napaiyak. Parang kailan lang, siya ang umiiyak pero ngayon, ako na. “Karen, ang sakit! Hindi ko yata kaya!” Hinagod ni Karen ang likod ko at hinayaan lang akong umiyak. Nang kalmado na ako ay tinanong niya ako kung nagkita na kami ni Lucian. Ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari kanina at napahikbi na lang ako. “Thea sa tingin ko nagsasabi ng totoo si Lucian.” biglang sabi niya kaya natigil ako sa pag-iyak “A-anong ibig mong sabihin?” “Kasi ayun na nga diba nakita ko na kahalikan niya yung babae sa bar! Kinunan ko pa ng picture saka k
TheaTinapos ko ang mga kailangan kong gawin sa school dahil naka-schedule na bukas ang lakad namin ni Lucian pa- Boracay.Hindi talaga makakasama si Arvie dahil may mga gawain pa siya sa school. Gusto ko nga sanang hintayin siya pero ito na ang tumanggi at sinabi niya na may susunod pa naman.Sabi ni Lucian may tutuluyan kaming private na bahay doon na pag-aari ng kaibigan niya. At all-expense paid naman daw lahat kaya wala kaming dapat intindihin.Excited ako dahil ito ang unang beses ko na makakapunta sa Boracay. Maaga akong susunduin ni Lucian bukas para sa flight namin.“Excited ah!” biro sa akin ni Karen na siyang kasama ko ngayon dito sa Faculty Room. Gaya ko ay nagpa-finalize din siya ng mga grades“Oo naman, Karen. Ikaw kasi ayaw mong sumama eh sabi naman ni Lucian pwede kang sumama.” I was hoping na magbago ang isip nito since iniimbitahan naman siya ni Lucian“Ay naku ayaw ko nga! Isa pa may plano na din kami ni Troy. Alam mo naman ang isang yun, gustong bumawi sa akin.” s
TheaNapakaganda ng lugar na pinuntahan namin ni Lucian sa Boracay. Sabi niya ay pag-aari daw ito ng boss niya at bilang incentive sa kanya ay pinahiram ito sa amin habang nandito kami.Sobrang proud ako kay Lucian dahil sandali pa lang siya sa trabaho ay madami na siyang nagawang maganda para bigyan ng mga incentives na ganito.Private ang lugar at malapit ito sa dagat kaya anytime na gusto mong maligo ay okay lang. May barrier din daw kaya naman walang basta-basta nakakapasok dito na ibang tao.“Kumpleto napo ang mga gamit sa loob, boss. Pati po yung mga pinagbilin niyong supplies, okay na po! Babalikan ko na lang po kayo sa araw ng pag-alis niyo.” “Salamat! Mag-iingat ka at kung sakaling may biglaan kaming kailanganin, tatawagan na lang kita!” nakita ko na may inabot si Lucian dito at nagliwanag na akala mo flashlight ang mukha ng bangkerong naghatid sa amin dito“Naku, salamat po sir! Salamat! Basta po tawag lang po kayo!” sabi pa nito saka siya bumalik sa nakahimpil na bangka n
TheaKinabukasan pagkatapos naming mag-almusal ay sumakay uli kami ni Lucian sa speedboat para makapunta sa kabilang isla. Gusto kasi niyang itry namin ang mga water sports na inooffer doon at sobra akong na-excite dahil first time ko itong mae-experience.May kinausap siyang tao pagdating namin doon at agad kaming sinamahan sa isang stall para sa orientation. Una naming gagawin ang snorkelling at hindi naman ako kinakabahan dahil sanay naman akong lumangoy kahit papano.Sumakay kami sa isang malaking bangka para dalhin sa dive site. Tinulungan ako ni Lucian na isuot and diving gear ko at natawa ako dahil halos takpan niya pa ako dahil naka two-piece ako ngayon.“Hon naman! Lata ng babae dito naka two-piece!” “Damn! Bakit naman kasi yan ang sinuot mo?” aburidong sabi ni Lucian“E ano ang isusuot ko? Saya?” pang-iinis ko pa lalo dito Kinuha ko na ang diving gear at ako na ang nagsuot dahil nagtatagal kami sa pag-iinarte nitong kasama ko.Nang matapos na akong magbihis ay pumwesto n
TheaBirthday ni Arvie ngayon at gaya ng napagkasunduan namin ni Lucian sa Boracay ay pinag-usapan namin ang tungkol dito ng makabalik kami sa Maynila.Ang sabi ni Arvie ay mag-iimbita siya ng ilang mga kaibigan at kaklase niya mula sa eskwela. Siyempre pa tiyak na dadalo din ang mga taga looban kaya naman nag-suggest si Lucian na kumuha na lang kami ng catering services. At first ayaw ko pero naisip ko na tama naman ang paliwanag ni Lucian. Hindi ko na kailangan magluto at hindi ko na kailangan pang manghiram ng mga gamit sa mga kapitbahay. Wala na din akong dapat ligpitin pagkatapos dahil sila na magliligpit.May naipon naman ako at inilaan ko talaga ito para kay Arvie. At ang iba naman ay si Lucian ang nagbayad. Hindi ko naman siya mapigil dahil gaya ng sabi niya para kay Arvie ito. At bilang magkarelasyon kami, hayaan ko daw na tulungan niya ako.“Grabe! Ang bongga naman ng birthday ni Arvie!” sabi ni Karen habang pinapanuod namin ang mga nagse-set up ng tent sa harap ng bahay.