Share

Chapter 25

Thea

Birthday ni Arvie ngayon at gaya ng napagkasunduan namin ni Lucian sa Boracay ay pinag-usapan namin ang tungkol dito ng makabalik kami sa Maynila.

Ang sabi ni Arvie ay mag-iimbita siya ng ilang mga kaibigan at kaklase niya mula sa eskwela. Siyempre pa tiyak na dadalo din ang mga taga looban kaya naman nag-suggest si Lucian na kumuha na lang kami ng catering services.

At first ayaw ko pero naisip ko na tama naman ang paliwanag ni Lucian. Hindi ko na kailangan magluto at hindi ko na kailangan pang manghiram ng mga gamit sa mga kapitbahay. Wala na din akong dapat ligpitin pagkatapos dahil sila na magliligpit.

May naipon naman ako at inilaan ko talaga ito para kay Arvie. At ang iba naman ay si Lucian ang nagbayad. Hindi ko naman siya mapigil dahil gaya ng sabi niya para kay Arvie ito. At bilang magkarelasyon kami, hayaan ko daw na tulungan niya ako.

“Grabe! Ang bongga naman ng birthday ni Arvie!” sabi ni Karen habang pinapanuod namin ang mga nagse-set up ng tent sa harap ng bahay.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status