Share

Chapter 28

Thea

Pupunta ako sa school ngayon para tumulong sa enrollment ng mga bata. Minabuti kong umalis dahil lalo lang akong mag-iisip pag nasa bahay ako. Gusto ko din makausap si Karen dahil wala naman akong mapaglabasan ng sama ng loob.

Alam ko na narinig ni Arvie ang pag-aaway namin ni Lucian kahapon pero nanatiling tikom ang bibig ko. Ayaw kong maapektuhan ang pag-aaral niya dahil sa pag-aalala niya sa akin.

Kailangan naming ibalik ang dati naming buhay. Yung mga panahon na kami lang. Na wala si Lucian. Kaya naman namin kahit kami lang. Masaya naman kami kahit kami lang.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko na nasa labas si Lucian at nag-aabang sa paglabas ko.

“Hon..” mahinang tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Ini-lock ko agad ang pinto saka ako nagmamadaling naglakad

“Hon, please talk to me.” pilit umagapay sa akin si Lucian at dahil hindi ko naman magawang maglakad ng mabilis ay hinayaan ko na lang pero hindi ko siya pinapansin

“Hon naman! Please pag-usapan naman natin to.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status