Thea Masakit na ang mata ko sa kakaiyak sa maghapon pagkatapos kong iwan si Lucian pagkagaling namin sa simbahan. Galit ako sa kanya at kahit nagpaliwanag siya ay hindi ko pa rin iyon matanggap. Nagseselos ako! Nasasaktan ako! At kahit pa sabihing hindi niya ginusto yon ay hindi ko mapigilang masaktan. “Thea!” Napalingon ako at nakita ko si Karen na pumasok sa kwarto ko. Automatic na yumakap ako sa kaibigan ko at muli akong napaiyak. Parang kailan lang, siya ang umiiyak pero ngayon, ako na. “Karen, ang sakit! Hindi ko yata kaya!” Hinagod ni Karen ang likod ko at hinayaan lang akong umiyak. Nang kalmado na ako ay tinanong niya ako kung nagkita na kami ni Lucian. Ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari kanina at napahikbi na lang ako. “Thea sa tingin ko nagsasabi ng totoo si Lucian.” biglang sabi niya kaya natigil ako sa pag-iyak “A-anong ibig mong sabihin?” “Kasi ayun na nga diba nakita ko na kahalikan niya yung babae sa bar! Kinunan ko pa ng picture saka k
TheaTinapos ko ang mga kailangan kong gawin sa school dahil naka-schedule na bukas ang lakad namin ni Lucian pa- Boracay.Hindi talaga makakasama si Arvie dahil may mga gawain pa siya sa school. Gusto ko nga sanang hintayin siya pero ito na ang tumanggi at sinabi niya na may susunod pa naman.Sabi ni Lucian may tutuluyan kaming private na bahay doon na pag-aari ng kaibigan niya. At all-expense paid naman daw lahat kaya wala kaming dapat intindihin.Excited ako dahil ito ang unang beses ko na makakapunta sa Boracay. Maaga akong susunduin ni Lucian bukas para sa flight namin.“Excited ah!” biro sa akin ni Karen na siyang kasama ko ngayon dito sa Faculty Room. Gaya ko ay nagpa-finalize din siya ng mga grades“Oo naman, Karen. Ikaw kasi ayaw mong sumama eh sabi naman ni Lucian pwede kang sumama.” I was hoping na magbago ang isip nito since iniimbitahan naman siya ni Lucian“Ay naku ayaw ko nga! Isa pa may plano na din kami ni Troy. Alam mo naman ang isang yun, gustong bumawi sa akin.” s
TheaNapakaganda ng lugar na pinuntahan namin ni Lucian sa Boracay. Sabi niya ay pag-aari daw ito ng boss niya at bilang incentive sa kanya ay pinahiram ito sa amin habang nandito kami.Sobrang proud ako kay Lucian dahil sandali pa lang siya sa trabaho ay madami na siyang nagawang maganda para bigyan ng mga incentives na ganito.Private ang lugar at malapit ito sa dagat kaya anytime na gusto mong maligo ay okay lang. May barrier din daw kaya naman walang basta-basta nakakapasok dito na ibang tao.“Kumpleto napo ang mga gamit sa loob, boss. Pati po yung mga pinagbilin niyong supplies, okay na po! Babalikan ko na lang po kayo sa araw ng pag-alis niyo.” “Salamat! Mag-iingat ka at kung sakaling may biglaan kaming kailanganin, tatawagan na lang kita!” nakita ko na may inabot si Lucian dito at nagliwanag na akala mo flashlight ang mukha ng bangkerong naghatid sa amin dito“Naku, salamat po sir! Salamat! Basta po tawag lang po kayo!” sabi pa nito saka siya bumalik sa nakahimpil na bangka n
TheaKinabukasan pagkatapos naming mag-almusal ay sumakay uli kami ni Lucian sa speedboat para makapunta sa kabilang isla. Gusto kasi niyang itry namin ang mga water sports na inooffer doon at sobra akong na-excite dahil first time ko itong mae-experience.May kinausap siyang tao pagdating namin doon at agad kaming sinamahan sa isang stall para sa orientation. Una naming gagawin ang snorkelling at hindi naman ako kinakabahan dahil sanay naman akong lumangoy kahit papano.Sumakay kami sa isang malaking bangka para dalhin sa dive site. Tinulungan ako ni Lucian na isuot and diving gear ko at natawa ako dahil halos takpan niya pa ako dahil naka two-piece ako ngayon.“Hon naman! Lata ng babae dito naka two-piece!” “Damn! Bakit naman kasi yan ang sinuot mo?” aburidong sabi ni Lucian“E ano ang isusuot ko? Saya?” pang-iinis ko pa lalo dito Kinuha ko na ang diving gear at ako na ang nagsuot dahil nagtatagal kami sa pag-iinarte nitong kasama ko.Nang matapos na akong magbihis ay pumwesto n
TheaBirthday ni Arvie ngayon at gaya ng napagkasunduan namin ni Lucian sa Boracay ay pinag-usapan namin ang tungkol dito ng makabalik kami sa Maynila.Ang sabi ni Arvie ay mag-iimbita siya ng ilang mga kaibigan at kaklase niya mula sa eskwela. Siyempre pa tiyak na dadalo din ang mga taga looban kaya naman nag-suggest si Lucian na kumuha na lang kami ng catering services. At first ayaw ko pero naisip ko na tama naman ang paliwanag ni Lucian. Hindi ko na kailangan magluto at hindi ko na kailangan pang manghiram ng mga gamit sa mga kapitbahay. Wala na din akong dapat ligpitin pagkatapos dahil sila na magliligpit.May naipon naman ako at inilaan ko talaga ito para kay Arvie. At ang iba naman ay si Lucian ang nagbayad. Hindi ko naman siya mapigil dahil gaya ng sabi niya para kay Arvie ito. At bilang magkarelasyon kami, hayaan ko daw na tulungan niya ako.“Grabe! Ang bongga naman ng birthday ni Arvie!” sabi ni Karen habang pinapanuod namin ang mga nagse-set up ng tent sa harap ng bahay.
TheaMalapit ng matapos ang bakasyon at excited ako na makabalik ulit sa paaralan para makapagturo. Hindi maitatanggi that teaching is my passion at masaya ako sa ginagawa ko.Madalas pa rin kaming lumabas ni Lucian twing Linggo at kung hindi siya busy ay palagi siyang umuuwi dito sa amin.Minsan naiisip ko na nasasanay na ako sa presensya ni Lucian. At natatakot ako na hindi ako makabangon kapag nawala siya.Nasa school ngayon si Arvie para mag-enroll at ako naman ay paalis na din para tumulong sa enrollment sa aming paaralan. Palabas na ako ng pinto ng dumating naman si Aling Toyang. May kasunod siyang isang babae na sa tingin ko ay halos ka-edad ko lang. Maiksi ang buhok nito pero bagay ito sa maliit niyang mukha.Morena siya pero makinis at matangkad din. Sa uri ng pananamit at mga alahas na suot niya, nasisiguro ko na kabilang siya sa mga taong ayaw na ayaw ko.“Ma’am Thea, may naghahanap sayo. Eh sinamahan ko na dito si Madam.” sabi ni Aling Toyang ng makalapit siya sa akinKa
Lucian Nasa Cebu ako ngayon at kanina pa ako hindi mapakali dahil panay ang text at tawag ko kay Thea pero hindi ito sumasagot. “Segovia, bakit ba para kang di ma-tae diyan?” puna ni Drake sa akin habang panay pa rin ang tipa ko sa cellphone na hawak ko “Thea isn’t answering my messages and calls.” sagot ko habang nagco-compose ako ng panibagong message para sa nobya ko “Sabi mo nasa school siya at enrollment ngayon right? Maybe she is just busy.” Xavier said na gaya ko ay panay din naman ang pindot sa phone niya “Kahit gaano ka-busy si Thea, sasagot at sasagot yun. And I find it odd kasi pati tawag ko hindi niya sinasagot.” I can’t help but worry my self out dahil hindi naman nangyayari ito not unless galit siya sa akin Napaisip tuloy ako kung may nagawa na ikakagalit niya pero wala naman. We were okay the last time we saw each other. ‘f**k!’ napamura pa ko sa isip ko when my buddy flinched as I remember how we made love the last time. Nasa condo kami noon and it was
TheaPupunta ako sa school ngayon para tumulong sa enrollment ng mga bata. Minabuti kong umalis dahil lalo lang akong mag-iisip pag nasa bahay ako. Gusto ko din makausap si Karen dahil wala naman akong mapaglabasan ng sama ng loob.Alam ko na narinig ni Arvie ang pag-aaway namin ni Lucian kahapon pero nanatiling tikom ang bibig ko. Ayaw kong maapektuhan ang pag-aaral niya dahil sa pag-aalala niya sa akin.Kailangan naming ibalik ang dati naming buhay. Yung mga panahon na kami lang. Na wala si Lucian. Kaya naman namin kahit kami lang. Masaya naman kami kahit kami lang.Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko na nasa labas si Lucian at nag-aabang sa paglabas ko.“Hon..” mahinang tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Ini-lock ko agad ang pinto saka ako nagmamadaling naglakad“Hon, please talk to me.” pilit umagapay sa akin si Lucian at dahil hindi ko naman magawang maglakad ng mabilis ay hinayaan ko na lang pero hindi ko siya pinapansin“Hon naman! Please pag-usapan naman natin to.