Sa edad na bente anyos ay nagpakasal si Lalaine dahil sa kahilingan ng kanyang pinakamamahal na lola na malapit nang yumao. Hindi niya kilala ang naging asawa dahil inalok lang siya ni Lola Mathilde na pakasalan niya ang apo nito. Pumayag si Lalaine sa alok ng matanda alang-alang sa huling kahilingan ng kanyang lola. Not until nang kunin ni Lalaine ang marriage certificate tatlong buwan matapos siyang ikasal, nalaman niyang ang lalaking pinakasalan niya ay si Knives Dawson—ang may-ari ng Dawson's Group of Companies at pinakamayamang businessman sa buong Luzon. Nalaman din niyang kinamumuhian siya ni Knives at napilitan lang itong magpakasal dahil kay Lola Mathilde, kaya naman ipinasya niyang mag-file ng annulment isang taon matapos magbalik ng lalaki mula sa California. Tutal ay namayapa na ang kanyang lola kaya wala nang dahilan pa para matali sa kasal na walang halong pagmamahal. Subalit nang araw na nagpunta si Lalaine sa suite ni Knives Dawson para sana papirmahan ang annulment paper ay nagulat siya nang bigla siya nitong hatakin sa kama at kunin ang kanyang pagkababae. Nagbunga ang nangyaring iyon sa pagitan ni Knives at Lalaine, subalit paano niya sasabihin sa lalaki na ito ang ama ng kanyang ipinagbubuntis kung langong-lango ito sa alak at hindi siya nito nakilala nang gabing angkinin siya nito. At ano ang gagawin niya ngayong bumalik na ang first love ni Knives Dawson at nakatakdang magpakasal ang mga ito? Itutuloy pa ba niya ang annulment o ipaglalaban niya ang karapatan niya bilang asawa kahit alam niyang wala itong pagmamahal sa kanya?
View MoreKAHIT lango na sa alak, hindi pa rin nakalimutan ni Lalaine ang humingi ng pera dahil sa ginawa nitong pag-inom bagay na lalong nagpainit sa kanyang ulo. Ngunit ayaw niyang makipagtalo pa sa lasing dahil alam niyang walang saysay iyon, kaya naman sinabing niyang, “Are you really not going to let me go?” tanong niya sa malamig ngunit seryosong tinig.Mabilis namang umiling si Lalaine bilang sagot. Alam niyang langong-lango na siya sa alak subalit hindi niya hahayaag umalis ang lalaki nang hindi siya nababayaran.Ngumisi si Knives sa sinabi ng babae saka walang sabi-sabing binuhat niya ito, dahilan naman pala mapatili si Lalaine, “Ay! S-Saan mo a-ako d-dadalhin?!” nauutal na tanong ni Lalaine nang maramdaman ang braso ng lalaki na pumulupot sa kanyang bawyang.Tila naman batang paslit na kinarga ni Knives si Lalaine sa kanyang balikat at tinungo ang pinto palabas sa lounge. Ni hindi man lang nito ininda ang bigat ng babae na para bang isa lang itong papel.Ang lahat ng naroon ay hindi n
NOONG dalagita pa si Lalaine, takot na takot siya sa kanyang nanay sa t'wing nakainom ito. Simula kasi ng yumao ang kanilang tatay ay nag-umpisa na itong magbisyo. Pag-uwi nito sa bahay galing sa inuman ay sinasaktan sila nitong magkapatid lalo na kung talo ito sa sugal. Ginagawa naman niya ang lahat para protektahan ang kapatid. Ang lahat ng mga latay, mga kurot, mga suntok, at sabunot na para kay Luke ay sinasalo niya dahil hindi niya kayang makita ang kapatid niyang nasasaktan dahil doble ang balik nito sa kanya. Kaya naman para kay Lalaine, ang alak ay tulad ng isang lason na sumisira sa katinuan ng isang tao.Ngunit walang pagpipilian si Lalaine, dahil sa tuwing naaalala niya ang nakababatang kapatid na nakikipaglaban para sa buhay nito ay nasasaktan siya. Handa siyang gawin ang lahat para kay Luke kahit pa ikapapahamak niya ito.Lakas loob na dinampot ni Lalaine ang bote, nagsalin sa baso, saka nakatikom ang labi na sumimsim ng alak. Ngunit masyadong minaliit ni Lalaine ang esp
WALANG nagawa si Lalaine kundi sundin ang ipinag-uutos ni Mr. Evans. Nagsalin siya ng wine sa baso at ibinigay sa lalaki, ngunit sa halip na abutin iyon at nginisihan lang siya nito at tinanong, “Is this your first time, little girl?"Awtomatikong namula ang mukha ni Lalaine sa tanong niyang iyon kaya naman humalakhak si Knox. Sa tingin niya ay hindi nababagay ang tulad nito sa ganoong lugar, sa halip ay pag-aaral ang inaatupag nito dahil mukha itong menor de edad.Sinulyapan ni Knox ang kaibigang si Knives na tila ba walang pakialam sa nangyayari at abala lang sa pagtingin sa MacBook nito. “Give that to Knives Dawson. He's the special guest," utos niya kay Lalaine.Ang okasyon na iyon ay welcome party na ipinahanda ni Knox at Eros para sa bagbabalik ni Knives sa Pilipinas matapos ng isang-taong pamamalagi nito sa California, pero ang ungas niyang kailangan ay tila wala namang pakialam. Well, he's used to Knives' behavior because he's been like that ever since they were in college.Pu
Imperial Hotel and Casino At the very top of the Imperial Hotel and Casino— one of the most famous hotels in the country are the VIP lounges, where the wealthiest people in society often stay here to unwind after a stressful day at work Knives Dawson sitting on a long sofa and holding a cigarette is a center of attraction, especially among women. He was sitting with his long legs crossed and his back straight, something that gave the young man a casual but sexy posture. Maski ang mga waitress na nagsisilbi sa kabilang table ay walang tigil ang pagsulyap kay Knives. Bagaman napakaraming lalaki roon na tulad nito ay kilala rin sa lipunan, bihira lang ang tulad nitong bukod-tangi ang angking kaguwapuhan. "Baby, punasan mo ang laway mo," biro ni Knox sa babaeng waitress na nakatayo sa kanyang tabi na kanina pa nakatingin kay Knives. May katabi itong magandang babae at sexy na kanina pa nakayapos sa kanya. "Nandito naman ako, sa'kin ka tumingin. Gwapo rin naman ako,"dagdag pa ni Knox
“WHAT are you doing?!" Dumilim ang anyo ng dean ng university na si Mr. Lee nang maabutan ang eksenang iyon sa pagitan ni Lalaine at ng guidance counselor. Huling-huli niya sa akto na magkahawak-kamay ang dalawa sa loob pa mismo ang opisina.Naroon pa naman si Mr. Knives Dawson para dumalo sa gaganaping groundbreaking ceremony ng bagong gawang gusali na donasyon mismo ng Dawson's Group Of Companies. Hindi maaaring masira ang imahe ng university dahil sa kagagawan ng mga ito.Nahintakutan naman si Mr. Martinez nang makita na naroon ang matatas na opisyal ng unibersidad, kaya ang unang pumasok sa kanyang isipan ay hindi s'ya maaaring mawalan ng trabaho.Mabilis na tumayo ang guidance counselor at nakayukong humingi ng tawad sa mga opisyal na naroroon, “I'm really sorry, Mr. Lee. Ms. Aragon said she likes me. I've rejected her many times but she keeps pestering me," pagsisinungaling ni Mr. Martinez.Nanigas sa kinatatayuan si Lalaine nang marinig ang sinabi ni Mr. Martinez patungkol sa
BAKAS ang matinding pagtataka sa mukha ni Mark na katrabaho ni Lalaine habang sinusundan ang lalaking papalayo. Sa pagkakaalam niya, ang lalaking iyon ang kanilang VIP at umorder ng napakaraming pagkain kahit wala naman itong kasama. Inutusan siya ng kanyang boss na silipin ito at alamin kung mayroon pang kailangan ang lalaki, pero pagdating niya sa VIP room ay nagtaka siya kung bakit ang mga pagkain ay naroon sa labas samantalang naka-lock naman ang pinto ng kwarto.Alam niyang si Lalaine ang nagdala nito pero bakit iniwan nito iyon sa labas? At bakit naka-lock ang kwarto ngunit napakatahimik sa loob? Doon na siya kinutuban ng masama. Kilala pa naman sa kanilang lugar na si Benjamin Scott na anak ng kanilang governor ay mahilig sa babae. In fact, marami nang mga babae ang inireklamo ito sa kasong sexual harassment pero dahil malakas ang kapit nito ay nabaliwala iyon.Iyon ang dahilan kung bakit pilit niyang kinatok ang kwarto at alamin kung ano ang nangyayari sa loob. Iniisip niyang
TINAKASAN ng kulay ang mukha ni Lalaine nang marinig ang pagbabantang iyon ni Benjamin. Hindi siya tanga para hindi malaman kung ano kakayahan ng lalaki. Kayang-kaya nitong sirain ang kanyang buhay na wala siyang kalaban-laban. Naranasan na niya kung paano pag-usapan at paratangan noon kaya hindi niya hahayaan na muling mangyari iyon sa kanya.Dahan-dahang kinalma ni Lalaine ang sarili. Kung gustong makipaglaro ni Benjamin ay pagbibigyan niya ang gusto nito. Sinikap ni Lalaine na baguhin ang ekspresyon ng mukha at hinarap si Benjamin na may pekeng ngiti sa labi. Tila naman nasiyahan si Benjamin sa nakitang pagbabago ng babae. Mukhang natauhan ito sa huling sinabi niya. Sino nga namang gugustustuhing maparatangan ng hindi totoo? "That's it, baby. Walang mangyayari sa'yong masama kung susundin mo lang ang gusto ko. But before that, let me kiss you." Hindi na siya makapaghintay pa na matikman ang labi nito, subalit kumpara sa mga plano niyang iparanas kay Lalaine sa oras na pumayag ito
“REMEMBER this, if I find out you are still seeing Lola Mathilde, I will kill you for sure." Matapos sabihin iyon ay umiling-iling si Knives na puno ng disgusto ang gwapong mukha. "Get out of my sight and never show up again," dagdag pa ni Knives saka tumalikod na kasama ang secretary nito. Si Lalaine naman ay masayang lumuluha habang sinusundan ng tingin ang mga ito habang nagpapasalamat, “Maraming salamat, Mr. Dawson. Napakabait mo. Maraming salamat..." Bagaman hindi maganda ang naging trato sa kanya ni Knives, taos-puso pa ring nagpapasalamat si Lalaine dahil pinahiram pa rin siya nito ng pera para sa operasyon ni Luke. Sa mga mata ni Lalaine, mabuting tao pa rin ang lalaki dahil tinulungan siya nitong mailigtas ang buhay ng kanyang kapatid. Nang makasakay naman si Knives ng sasakyan ay umarko ang kanyang makakapal na kilay at puno ng pangungutya niyang pinagmasdan si Lalaine na tuwang-tuwa habang hawak ang pera. 'Good person?' isip-isip ni Knives nang marinig ang sinabi ng b
SI KNIVES na lang ang tanging pag-asa ni Lalaine kaya kahit alam niyang kinamumuhian siya nito ay lakas-loob siyang nagmakaawa sa lalaki, “Please, kailangan ko talaga ng pera..."Samantalang si Knives naman ay hindi malaman kung matatawa o maiinsulto sa babae. Kanina lang ay takot na takot ito, pero ngayon ay sawa na yata itong mabuhay para maglakas-loob itong hingan pa siya ng pera.Sa galit ni Knives ay halos bumaon ang daliri niya sa payat na braso ni Lalaine upang tanggalin ang pagkakahawak nito sa kanya, saka galit na galit niya itong hinila upang tumayo at saka pabatong itinulak. Dahil sa lakas ng pagkakatulak niya sa babae, tumama ang likod nito sa pader dahilan para mapaluhod ito habang namimilipit sa sakit.“How dare you ask me for money? Bakit? Kulang pa ba ang nahuthot mo kay Lola Mathilde?!" nanlilisik ang mga mata na tanong ni Knives. Talagang sinasagad ng babaeng ito ang kanyang pasensya. This little bitch doesn't seem to know what kind of person he is.Nanginginig ang b
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments