Share

CHAPTER 5

NANG makita ni Benjamin ang box ng birth control pills ay nanlisik ang kanyang mga mata kaya dinaklot niya ang leeg ni Lalaine at sinakal. Lalo pang siyang nag-apoy sa galit nang makita ang leeg ng babae na mayroon mapupulang marka na sigurado siyang ang lalaki nito ang may gawa.

He thought she was still a virgin because that was what Lalaine's mother assured to him. It turned out that the shameless old hag was just lying to get his money. 'Humanda ka punyetang matanda ka! Makikita mo kung sino ang tinarantado mo!' nanggagalaiti niyang saad sa isipan.

Pumalatak si Benjamin at saka buong pagkadismaya na pinasasadahan ng tingin ang dalaga. "I thought you were still a virgin. But fuck! Natikman ka na pala ng ibang lalaki," nagngingitngit na wika ni Benjamin pero mayamaya rin ay nag-ngising aso ito. "Siguro naman papayag ka na sa gusto ko? Tutal nilaspag ka na ng iba."

Natigilan naman si Lalaine nang makita ang kahon ng contraceptives na binili niya. Hind niya naitapon iyon sa pagmamadali nang tumawag ang kanyang nanay at sinabing nasa pahamak ang kapatid niyang si Luke. Tuloy ay nakita pa iyon ng demonyong lalaki at pinag-isipan siya nang masama.

Nahintakutan si Lalaine nang makita ang kakaibang tingin ni Benjamin sa kanya. Nagmistulan itong aso na hayok na hayok sa sariwang laman. Nasasaktan na rin siya at nahihirapang huminga dahil sa pagkakasakal nito sa kanyang leeg. Ngunit hindi niya alintana pa ang sakit na nararanasan niya dahil okupado ang kanyang isipan kung paano matatakasan ang demonyong lalaki.

Ilang sandali pa'y nabuhayan ng pag-asa si Lalaine nang makarinig ng sunod-sunod na pag-doorbell mula sa pinto. Dahil desperada na siyang makawala sa lalaki ay ubod ng lakas isang sumigaw. "Tulong! Please, tulungan mo ako!"

Nang marinig naman ni Benjamin ang pagsigaw ni Lalaine ay napangisi siya. Alam niyang ang waiter na inutusan niya ang dumating kaya kahit humingi pa ito ng saklolo ay hindi ito papansinin. "Come in," aniya saka binitiwan si Lalaine at parang wala lang na naupo sa sofa at pinag-krus ang braso sa dibdib.

Pumasok ang lalaking waiter na may dalang maliit na cart na natatakpan ng puting tela. Buong akala ni Lalaine ay sasaklolohan siya nito pero nahintakutan siya nang hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin at nagtuloy-tuloy lang sa pagpasok.

"Ito na po ang ipinahanda ninyo, Mr. Scott," anang waiter habang isa-inihahanda aa mesa ang mga pagkain. Naglabas din ito ng kandila at eleganteng candle holder subalit tumayo si Benjamin at inagaw iyon.

"Ako na, makakaalis ka na," iritableng pagtataboy ni Benjamin sa waiter nang tumayo siya sa kinauupuan na inip na inip. Kanina pa siya kating-kati at napipikon na siya sa sobrang pagpapakipot ni Lalaine sa kanya.

"O-Opo, Mr. Scott," nauutal namang sagot waiter at saka tumalikod na habang tulak-tulak ang cart.

Hindi naman malaman ni Lalaine ang gagawin nang mga sandaling iyon habang tinitingnan ang papalabas na waiter, subalit nagulat siya nang palihim siyang sulyapan ng waiter at pasimpleng tanguan. Kaagad namang nakuha ni Lalaine ang ibig sabihin nito. Iyon na ang huli niyang pag-asa kaya tinipon niya ang lahat ng lakas na mayroon siya. Buong pwersa niyang itinulak ang cart papunta sa direksyon ni Benjamin dahilan para masapul ito at saka mabilis siyang tumakbo sa pinto na iniwan ng waiter na nakabukas.

"Fuck you bitch! Naghahanap ka talaga ng sakit ng katawan!" nanggagalaiting sigaw ni Benjamin habang sapu-sapo ang binting tinamaan ng cart. "Ano pang tinatayo-tayo mo riyan? Habulin mo 'yung babae, inutil!" baling pa nito sa nagulat na waiter.

"O-Opo, Sir!"

Hindi na nilingon pa ni Lalaine ang lalaki dahil alam niyang sa oras na maabutan siya nito ay katapusan na niya. Mabilis niyang tinungo ang direksyon kung nasaan ang elevator dahil alam niyang sa oras na makasakay siya roon ay ligtas na siya. Eksakto namang pagdating niya sa elevator ay papasara na ito kaya malakas siyang sumigaw, "Sandali lang!"

Sa pagmamadali ni Lalaine na pigilan ang papasarang elevator ay itinulak niya ang sarili papasok dahilan para muntikan na siyang mapasubsob sa sahig kung, hindi lang siya nasalo ng isang matipunong braso. Dahil nanghihina, sinikap ni Lalaine na tumayo at ayusin ang sarili subalit pakiramdam niya ay para nauupos siyang kandila ng mga sandaling iyon.

"Pasensya na, hindi ko sinasadya—”

Napatda si Lalaine sa kinatatayuan nang makilala kung sino ang lalaking nasa elevator. Si Knives Dawson iyon na madilim ang anyo at walang kasing lamig kung tumitig. Ngunit dahil sa pinagdaanan ni Lalaine sa malupit na kamay ni Benjamin, pakiramdam niya ay nakakita siya ng kakampi. Tuloy ay naramdaman niyang uminit ang sulok ng kanyang mga mata at isa-isang pumatak ang kanyang mga luha.

While Knives couldn't explain why his heart beat abnormally when he smelled the familiar scent of baby cologne. Sumagi tuloy sa kanyang isipan ang estrangherang babae na nakasama niya sa buong magdamag noong nakaraang gabi. Ganoong-ganoon kasi ang pabango na nasamyo niya sa hindi kilalang babae.

Dahil sa inis, naitulak ni Knives si Lalaine palayo sa kanya. Naiinsulto siyang isipin na ipinagkumpara niya ang dalawang babae dahil obviously ay magkaiba ito. Ang babaeng kaharap niya ngayon ay magpanggap at walang kahihiyan.

"Argh!" daing naman ni Lalaine dahilan para mapataas ng kilay ni Knives. Ni hindi nga niya nilakasan ang pagtulak sa babae. Hindi ito mahusay umarte kaya alam niyang nagpapanggap lang ito na kunwaring nasaktan. 'Fucking bitch!' isip-isip ni Knives habang buong dismayadong pinagmamasdan ito.

Kanina lang, ibinalita sa kanya ng secretary niyang si Liam na hindi nagkataon ang pagkakakilala ng kanyang Lola Mathilde at ni Lalaine Aragon kundi plinano ito ng dalaga. Napag-alaman kasi nitong galing sa mayamang angkan ang matanda kaya nakipaglapit ito. Nagtahi-tahi pa ng mga kuwento ang babae kaya naman napapaniwala nito ang kanyang lola, dahilan para ipagpilitan nito na pakasalan niya ang magpagpanggap na babae.

Ang lahat ng impormasyong iyon ay nakalap ng kanyang secretary mula sa isang member ng women's organization at malapit daw na kaibigan ni Lalaine Aragon. Isiniwalat nito na palihim na nag-imbestiga at nagtanong-tanong si Lalaine Aragon tungkol sa tunay na katauhan ng kanyang Lola Mathilde para maisakatuparan nito ang plano.

TO BE CONTINUED.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status