Share

CHAPTER 7

“IF YOU keep hanging out with people like this, I will personally tell Olivia to cancel your engagement," mariing wika ni Knives kay Benjamin.

Tila naman sinampal si Lalaine ng mga oras na iyon dahil sa sinabi ni Knives. Kahit hindi sa kanya sinabi iyon ng lalaki, alam niyang siya ang pinatatamaan nito ng mga oras na iyon. Gustong dipensahan ni Lalaine ang sarili pero nang tingnan niya si Knives ay bakas sa mukha nito ang matinding disgusto, kaya naman minabuti na lang niyang huwag nang magpaliwanag pa. Alam naman niyang hindi siya paniniwalaan ng lalaki kahit maglupasay pa siya.

"I'm sorry, Kuya Knives. This will never happen again, I promise," hinging-paumanhin naman ni Benjamin subalit sa isipan niya, gustong-gusto niyang sakalin ang punyetang si Lalaine dahil kung hindi sana ito tumakas, hindi sana siya makikita ni Knives Dawson na ganoon ang itsura.

Hindi maaaring ma-cancel ang engagement niya kay Olivia dahil kailangan ng pamilya niya ang kapangyarihan ng mga Dawson. Kung masira ang kasunduang iyon dahil sa kanya, tiyak niyang ang kanyang daddy mismo ang papatay sa kanya. Not everyone gets the opportunity to belong to the clan that rules all over Luzon, so he has to do everything to not ruin it.

Sinenyasan na ni Knives ang kanyang secretary na muling isara ang elevator dahil kanina pa siya late sa meeting, pero tumaas ang makakapal niyang kilay nang makitang naroon pa rin si Benjamin.

"Do you have anything else to say?" nakaarko ang mga kilay na tanong ni Knives sa lalaki.

Mabilis namang umiling si Benjamin, subalit sa isip niya lihim niyang minumura ang lalaking nasa harapan niya. Kung hindi lang ito kailangan ng kanilang pamilya, hindi siya papayag na tratuhin siya nito ng ganoon.

"N-Nothing, Kuya Knives," ani Benjamin na namilipit pa ang dila dahil sa nerbiyos.

"Then why don't you get out of here?" malamig pang tanong ni Knives dahilan para lalong mag-ngitngit si Benjamin.

"Yeah, I'm leaving Kuya Knives," sagot muli ni Benjamin subalit ang mga mata niya ay matalim na nakatitig kay Lalaine.

Hindi na niya masusundan pa ang punyetang si Lalaine Aragon sa elevator dahil ayaw niyang mairita sa kanya si Knives Dawson, kaya naman ipinasya niyang sa ibang pagkakataon na lang niya ito pagbayarin. Lalong-lalo na ang walang hiyang ina nito na niloko siya.

Hindi na sumagot pa si Knives at siya na mismo ang pumindot sa elevator upang magsara. Matapos niyon ay palihim niyang sinulyapan si Lalaine na tila basang sisiw sa isang tabi, at mangiyak-ngiyak habang yakap ang sarili. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, biglang pumasok sa kanyang isipan ang estrangherang babae na nakasama niya noong nakaraang gabi.

Umalis ang babaeng iyon ng tahimik. Ni hindi ito nag-iwan ng anumang bakas ng pagkakakilanlan, at hindi niya rin alam kung ano ang itsura nito dahil langong-lango siya sa alak nang maka-sex niya ito. Malinaw pa rin sa kanyang pandinig ang mga daing at iyak nito habang inaangkin niya.

Lihim na napailing si Knives. Hindi niya malaman kung bakit nang mapatingin siya kay Lalaine Aragon ay naisip niya ang estrangherang babaeng iyon. It is obvious that these are different person because the woman he was with that night was pure and innocent, unlike Lalaine Aragon who was a fraud and greedy for money.

Tahimik naman si Lalaine na lumuluha sa isang tabi. Sa isip niya ay pinasasalamatan niya si Knives sapagkat kundi dahil sa lalaki, hindi niya matatakasan si Benjamin. Hindi bale nang masama ang tingin nito sa kanya, basta ang importante ay natakasan niya ang demonyong si Benjamin.

Ngunit hindi alam ni Lalaine kung ano ang mangyayari sa kanya sa mga susunod na araw lalo pa't alam niyang maraming koneksyon ang lalaki. Lihim na lang niyang ipinagdasal na sana ay matakot ito sa babala ni Knives na huwag nang makisalamuha sa kanya nang sa gayon ay tigilan na siya nito.

Mayamaya pa'y naramdaman ni Lalaine na nag-vibrate ang kanyang cellphone kaya kinuha niya ito sa bulsa ng kanyang pantalon. Isang unknown number ang nag-text sa kanya at nang buksan niya message ay namutla ang kanyang mukha dahil sa nabasa, “Hindi pa tayo tapos, Lalaine Aragon. Bibigyan pa kita ng chance na ibigay ang gusto ko, pero sa oras na hindi ka sumipot, magbabayad kayo ng walang hiyang nanay mo!"

Nanghina si Lalaine sa mga nabasa, at kung hindi siya nakasandal sa dingding ng mga oras na iyon, marahil ay natumba na siya sa kinatatayuan. Isa pa'y naisip niya ang kapatid niyang si Luke. Bakit nagawang isangkalan ito ng kanilang nanay? At bakit nito nagawa iyon sa kanya? Ang akala pa naman niya at nagbago na ang kanyang nanay dahil sa nangyari 3 years ago. Nang humingi ito ng tawad sa kanilang magkapatid dahil sa nagawa nito ay pinatawad niya ito.

Hindi niya lubos maisip na ang lahat ng iyon ay pagpapanggap lang para makuha nitong muli ang loob nilang magkapatid. Ulila na siya sa ama dahil namatay ito noong tatlong taong gulang pa lang siya sa car accident kaya ang kanilang nanay na lang ang kasa-kasama nilang magkapatid.

Ang kapatid niyang si Luke ay labing-anim na taong gulang pa lang at mentally retarded, subalit kahit ganoon ay gumagawa ito ng paraan para mapag-aral ang sarili sa isang Special Education school. Wala kasing interest ang kanilang ina na pag-aralin sila kaya't heto silang magkapatid at kanya-kanyang diskarte para makapag-aral.

Ilang sandali pa'y bumukas na ang elevator, at dahil iyon ang palapag kung nasaan ang lobby ng hotel ay nagmamadaling lumabas si Lalaine, matapos ay hinarap niya si Knives na blangko naman ang tingin na ipinupukol sa kanya.

"M-Maraming salamat, Mr. Dawson. Maraming salamat sa lahat," anang Lalaine habang panay ang yukod at mangiyak-ngiyak.

Kunot-noo namang pinagmamasdan ni Knives ang babae. At ano naman ang ginawa niya para pasalamatan siya nito ng ganoon? Nang-iinsulto ba ito? Iniisip ba ng babaeng ito na ipinagtanggol niya ito sa bullshit na si Benjamin? Knives chuckled. He just didn't want his cousin Olivia to know about that incident that's why he stopped Benjamin from doing something stupid.

"Just get out of my sight," mariing wika ni Knives habang masama ang anyong nakatunghay kay Lalaine.

Mabilis namang sumunod si Lalaine saka nagmamadaling naglakad palayo at tinungo ang lobby ng hotel subalit mayamaya'y nakarinig siya nang mahinang pagtawag sa kanyang pangalan. Paglingon niya, ang secretary iyon ni Knives na humahangos palapit sa kanya.

“Ms. Lalaine Aragon, do you have time?”

TO BE CONTINUED.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status