Share

CHAPTER 10

NANG makarating sa hospital ay naabutan ni Lalaine na nakaratay sa emergency room ang kanyang kapatid na duguan at walang malay. Napahagulhol si Lalaine at saka nanlulumong napaupo sa sahig habang hawak ang kamay ng kapatid. Napakasakit ng kanyang puso na makita sa ganoong ayos ang nag-iisa niyang kapatid.

"Laine, be strong..." pang-aalo naman ni Troy sa dalaga. Naaawa siya rito dahil kung siya man ang nasa ganoong sitwasyon ay baka magwala pa siya.

Mayamaya pa'y dumating ang doktora saka lumapit kay Lalaine at nagtanong, "Ikaw ba ang relatives ng pasyente?"

Mabilis na tumayo si Lalaine mula sa pagkakasalampak sa sahig at saka humahagulhol na hinarap ang doktora. "Doc, iligtas niyo ang kapatid ko. Nakikiusap ako..." pagmamakaawa ni Lalaine.

"Please calm down, Ms. Aragon dahil kailangan mong maintindihan nang maayos ang ipapaliwanag ko sa'yo," anang doktor na may bakas ng kaseryosohan sa tinig.

"Laine, please calm yourself," wika naman ni Troy na bakas ang pag-aala sa tinig hab
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status