Share

CHAPTER 6

AYON sa nakalap na impormasyon ng kanyang secretary, simula't simula ay nakilaglapit ito sa kanyang Lola Mathilde dahil mayroon itong ibang motibo. Palabas lang ng babae na kaibigan ang turing nito sa matanda, at ang plano nito ay kuhain ang loob ng kanyang lola.

Kung hindi lang isinangkalan ng Lola Mathilde niya ang kompanya, at kung hindi lang sana nagkaroon ng problema sa kanilang kompanya sa California dahilan para mamalagi siya roon ng isang taon, hindi niya hahayaan na mangyari ang bagay na iyon. He would never allow someone like Lalaine Aragon to take advantage of his Lola Mathilde's kindness.

Pakiramdam ni Knives ay nanakit ang kanyang mga mata sa pagtitig pa lang sa mapagpanggap na babae, kaya binalingan niya ang secretary at malamig na nag-utos, "Press the button."

Mabilis namang sinunod iyon ng secretary ni Knives subalit naudlot ang sana'y pagsara ng elevator nang mula sa kung saan ay humahangos ang isang lalaki. Naalerto naman si Lalaine dahil alam niyang si Benjamin iyon. Sa ginawa niya kanina sa lalaki, hindi niya alam pa kung ano na lang ang mangyayari sa kanya sa oras na mahawakan siya nito.

Dahil sa desperada na siyang matakasan ang demonyong lalaki, kinapalan na ni Lalaine ang kanyang mukha at buong tapang na hinarap si Knives Dawson at nagsalita, "M-Mr. Dawson, hindi mo ba ako kilala? A-Ako ang a-asawa mo..."

Halos kainin ng lupa si Lalaine habang sinasabi ang mga katagang iyon subalit wala na siyang choice. Si Knives na lang ang tanging pag-asa niya na matakasan ang baliw na si Benjamin, kaya kahit hindi alam ni Lalaine kung kilala siya nito ay nilakasan na lang niya ang loob at isinantabi ang hiyang nararamdaman.

Dahil naman sa sinabi ni Lalaine ay nakaramdam ng pagkainsulto ni Knives. Sino ang babaeng ito para tawaging asawa niya? Kasal lang sila nito sa papel at wala itong karapatan na tawaging siyang asawa dahil kasunduan lang ang lahat ng iyon na gawa ng kanyang lola.

"Isn't it stated in the prenuptial agreement that our marriage is secret, Ms. Aragon?" malamig na tanong ni Knives.

Natigilan naman si Lalaine at nanigas sa kinatatayuan dahil sa coldness na nakikita niya sa mga abuhing mata ng lalaki. Kung tingnan siya nito ay para bang siya na yata ang pinakamasamang babae sa buong mundo. Pero ano ba ang ginawa niya? Hindi naman siya ang nagpumilit na magpakasal sa lalaki kundi ang lola nito. Nagkataon lang na wala siyang pagpipilian at oras ang hinahabol niya sa buhay ng kanyang lola kaya siya napapayag ni Lola Mathilde.

Napatunayan din niya ng mga sandaling iyon na hindi sa hindi siya kilala ni Knives Dawson, sadyang wala lang talaga itong interest sa kanya. Sino nga ba naman siya para pagtuunan nito ng pansin? Isa lang siyang hamak na babae na nagpakasal sa lalaking ni hindi niya kilala.

Mayamaya pa'y humahangos na dumating si Benjamin sa tapat ng elevator pero napatda ito nang makita na naroon din si Knives Dawson na kasalukuyang malamig ang titig na ipinupukol sa kanya.

“K-Kuya Knives...”

Kumakabog naman ang dibdib ni Lalaine habang pinapanood ang dalawang lalaki. Hindi niya akalain na magkakilala pala si Knives at si Benjamin. Hindi tuloy niya malaman ang gagawin ng mga oras na iyon. Nanginginig ang kanyang mga tuhod at pakiramdam niya ay tinakasan siya ng lakas habang nakatingin sa mga ito.

"Why do you look like that? You look like a shit," malamig na tanong ni Knives kay Benjamin na puno ng disgusto ang tinig habang pinagmamasdan ang pawisang lalaki na magulo ang buhok at lukot ang damit.

Ang pawisang mukha ni Benjamin ay biglang namutla dahil sa sinabi ni Knives. Gusto lang sana niyang mag-enjoy pero sa kamalas-malasan, sa dinami-dami nang makikita niya ng araw na iyon ay bakit si Knives Dawson pa? Hindi maaaring malaman ng lalaki ang kalokohang ginagawa niya ng mga sandaling iyon dahil malalagay sa alanganin ang kanilang pamilya. Dahil bukod sa ito ang kanilang kinakapitan, ang pinsan din nito na si Olivia Dawson ang kanyang fiancé.

Isa pa'y sa tuwing nakikita niya ito ay para ba siyang tino-torture dahil sa nakasisindak na dating ng lalaki. May kakaiba itong aura na para bang ang lahat ay kaya nitong pasunurin kahit na wala itong ginagawa.

"M-My classmate asked me to come here because she said she needed something from me," pagsisinungaling ni Benjamin sabay tingin kay Lalaine na nakatayo sa gilid at para bang takot na takot. 'Bitch! Humanda ka sa akin!' isip-isip niya habang pilit inaayos ang sarili sa harap ni Knives Dawson.

"S-Sinungaling ka! Niloko niyo ako! Ang sabi ng guard nandito raw ang kapatid ko—"

"Stop talking nonsense, bitch!" putol naman ni Benjamin sa sinasabi ni Lalaine saka pinukol ito ng matalim na tingin. "Nilandi mo ako! Nakipagsabwatan ka pa sa magaling mong nanay para perahan ako!" sigaw pa ni Benjamin habang dinuduro si Lalaine. "Don't believe him, Knives. That little bitch is a liar!" pagbabaliktad pa nito na kay Knives nakatingin.

Nanatili namang malamig ang tingin ni Knives sa dalawa, lalo na kay Lalaine kaya ganoon na lang ang takot niya na baka ibigay siya nito sa lalaki lalo na't magkakilala pala ang mga ito.

Sa takot naman na hindi paniwalaan ni Knives ang kanyang alibi, dinukot ni Benjamin ang box ng contraceptive pills sa kanyang bulsa at ibinato iyon sa harapan ni Lalaine. "Look at that Kuya Knives. If she wasn't planning anything, why did she have such pills with her?"

Tinakasan ng kulay ang mukha ni Lalaine nang makita ang pills, lalo na nang makitang madilim ang anyo ni Knives habang nakatingin sa kanya. "Nagkakamali ka, hindi iyan—"

"Are you sure your mother had nothing to do with this?" putol ni Knives sa tangka niyang pagpapaliwanag.

Dahil sa narinig ay napangisi naman si Benjamin habang nakatingin kay Lalaine. Alam niyang hindi maglalakas-loob ang babae na itanggi ang paratang na iyon dahil mayroon siyang ebidensya sa kanyang cellphone.

Samantalang natulos naman si Lalaine sa kinatatayuan at hindi makapagsalita. Alam niyang sa oras sa itanggi niya ang paratang ay hindi siya paniniwalaan nito dahil mayroong pruweba si Benjamin na binayaran nito ang kanyang nanay. Isa pa'y kahit gustuhin man niyang sabihin kay Knives na biktima lang din siya ay alam niyang hindi siya nito paniniwalaan.

Si Knives naman ay walang kasinglamig ang tinging ipinupukol sa babae ng mga sandaling iyon. Hindi na kailangan pang sagutin ni Lalaine Aragon ang kanyang tanong dahil sa ikinikilos pa lang nito, alam niyang guilty ito sa paratang ni Benjamin. He also proved that she was a con artist who approached his Lola Mathilde for money.

TO BE CONTINUED.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status