Share

CHAPTER 3

MULA sa isang luxury car na Bentley Spur ay bumaba si Knives na punong-puno ng charisma. Bagay na bagay sa lalaki ang suot nitong Dormeuil Vanquish ll— a million dollar high-end suit. Walang hindi mapapatingin kay Knives Dawson ng mga sandaling iyon dahil napakalakas ng aura nito habang naglalakad papasok sa lobby ng Celestial Hotel. He was at the hotel because he had a meeting with Mr. Davis, one of their investors an they will discuss their company's new project.

"Mr. Dawson, I have chosen a condo for Ms. Aragon. It's in Manila and near the university where she studies so it's more convenient," saad ni Liam sa kanyang boss. Kasa-kasama siya ng kanyang boss kung saan man ito magpunta, dahil kahit wala ito sa trabaho ay marami pa rin itong inaasikaso.

"Good," matipid namang sagot ni Knives.

Bagaman sa papel lang sila kasal ni Lalaine Aragon ay ito pa rin ang babaeng gusto ng kanyang Lola Mathilde kaya naisip niyang i-compensate ito kahit papaano. Isa pa'y nakipag-sex siya sa ibang babae noong isang gabi kaya gusto niyang linisin ang konsensya sa pamamagitan ng pera. Besides, ang ganoong kaliit na halaga ay barya lang para sa kanya.

Nang maisip ni Knives ang kanyang Lola Mathilde ay binalingan niya ang secretary. "Don't let Lola Mathilde know about the annulment," bilin niya rito.

Mahina ang puso ng kanyang Lola Mathilde kaya iniiwasan niyang magalit ito sa kanya. Iyon din ang dahilan kung bakit pumayag siya sa kagustuhan nitong magpakasal sa babaeng hindi niya kilala. Natatakot siyang baka atakihin ito sa puso dahil sa matinding sama ng loob.

Mabilis namang tumango ang secretary niya. "I understand, Mr. Dawson," sagot nito subalit mayamaya ay natigil ito sa paglalakad nang may pamilyar na babae siyang nakita papasok din sa lobby ng naturang hotel. 'Ano ang ginagawa n'ya rito?' tanong niya sa isipan na puno ng pagtataka.

"What's the problem?" tanong ni Knives sa kanyang secretary nang makitang natigilan ito.

"Mr. Dawson, Lalaine Aragon is the young girl in front of you." wika ni Liam. Isang beses lang niyang nakita ang babae nang utusan siya ng kanyang boss na kunin ang marriage certificate, subalit dahil matalas ang kanyang memorya na kailangan niya sa trabaho ay mabilis niya itong natandaan.

Pinagmasdan naman ni Knives ang babaeng tinutukoy ng secretary niya. Nakasuot ito ng simpleng kulay pink na blouse at maong na pantalon. May sukbit rin itong bag pack sa likuran na tila ba papasok ito sa school. Napakabata pa rin nitong tingnan dahil sa maliit nitong mukha at balingkinitang katawan, na kung hindi tatanungin ang tunay na edad ay mapagkakamalan itong minor.

Frankly speaking, iyon ang unang pagkakataon na nakita ni Knives ang mukha ng kanyang so-called wife. Because on the day they took their marriage certificate, he didn't look at the woman for even a second. Hindi niya maisip kung ano ang ipinakain nito sa kanyang Lola Mathilde at nagpumilit ang matanda na pakasalan niya ang babaeng ito.

As Knives watched the woman, he couldn't understand why she seemed so familiar. He's a hundred percent sure that he has never seen the girl before and this is the first time. Mayamaya pa'y lumapit ang isang security guard kay Lalaine Aragon saka nagmamadaling umalis ang mga ito at sumakay sa elevator.

Samantalang nagtataka naman si Liam kung paano napunta roon si Lalaine Aragon. Ang Celestial Hotel ay isang luxurious hotel sa Makati at pawang nasa high-society lang ang may access na makapasok doon. Paanong naroon ang tulad nito sa ganoong hotel?

Si Knives naman ay hindi na pinagtuunan pa ng pansin kung bakit naroon ang babae at ipinagpatuloy ang matikas na paglalakad, subalit nang hindi sinasadyang narinig niya ang pag-uusap ng dalawang staff ng hotel kaya nilingon niya ito. Ang isa roon ay ang security guard na kasama ni Lalaine Aragon kanina lang.

"Nakahanda na ba ang lahat ng hinihingi ni Mr. Scott?" tanong ng security guard sa waiter na may dalang cart na natatakpan ng puting tela.

"Hindi ko talaga maintindihan ang trip ni Mr. Scott. Mukhang inosente pa ang babaeng iyon. Makayanan kaya niya ang trip ni Mr. Scott?" sagot naman ng waiter na hindi mawari kung nag-aalala o natatakot.

"Shhh! Tumigil ka nga! Gawin mo na lang ang trabaho mo. Napakagalanteng magbayad ni Mr. Scott kaya hindi mo kailangang makonsensya. Kailangan mo rin ng pera 'di ba? Kahit mamatay ka kakatrabaho hindi ka makakahawak ng ganyan kalaking pera, tandaan mo 'yan."

"Pero napakabata pa niya at mukhang inosente—"

"Maraming babae ngayon na mukhang inosente lang sa panglabas na anyo, pero walang pinipili ang mga 'yan pagdating sa pera. Kasehodang ibenta ang sarili para mabili ang luho ay gagawin..."

Matapos ang pag-uusap na iyon ay umalis na ang mga ito at naiwan naman si Knives na hindi malaman ang magiging reaksyon.

"Mr. Dawson, gusto mo bang alamin ko kung si Ms. Lalaine Aragon ang tinutukoy nila?" tanong naman ni Liam sa kanyang boss.

Dahil walang idea si Knives sa tunay na pagkatao ni Lalaine Aragon at hindi naman niya ito nagawang ipa-background check, kaya hindi niya alam kung anong klaseng babae ito. Naisip din niyang baka na-brainwash lang nito ang matanda kaya napapayag ito na magpakasal sila.

"Go ahead!" malamig niyang utos sa kanyang secretary. Gusto niyang malaman kung ano ang motibo ng babae sa pagpunta nito sa hotel na iyon. Isa ba itong call girl? O baka naman nagpapanggap lang itong inosente pero nasa loob naman ang kulo?

"Alright, Mr. Dawson."

———

Nagmamadali si Lalaine na sumunod sa security guard na sumundo sa kanya sa lobby ng naturang hotel, pero nagtaka siya dahil pagdating niya sa isang kwarto ay nawala na ito pagtapos nitong sabihin na naroon sa loob ang kanyang kapatid.

Kahit nag-aatubili ay pinihit ni Lalaine ang doorknob, at kipkip ang kanyang bagpack ay pumasok siya sa loob ng malaking kwarto. Ngunit ipinagtaka ni Lalaine nang makitang walang katao-tao roon at napakatahimik ng paligid.

Inilibot ni Lalaine ang paningin sa kabuohan ng kwarto. Kasinglaki iyon ng suite ni Knives, subalit ang interior design nito ay mas madilim. Pinghalong red at gold ang motif ng kwartong iyon kaya nasabi niyang mas madilim ito. Mayroong king size na kama at eleganteng chandelier sa pinakasentro, at three-seater sofa.

"Luke! Nasaan ka? Nandito na si Ate Lalaine!" pagtawag ni Lalaine sa kanyang kapatid habang naglalakad-lakad sa loob ng silid. "Luke! Umuwi na tayo—"

Naputol ang sana'y sasabihin ni Lalaine nang marinig niyang bumukas ang pinto, at mula sa kanyang likuran ay isang pamilyar na tinig ang nagsalita,

"There you're, Lalaine..."

TO BE CONTINUED.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status