Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat

Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat

By:  Annam  In-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
10
1 Rating
50Mga Kabanata
3.3Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Si Sebastian Lazarus ay tinaguriang King of Hades, mailap, at kinatatakutan ng lahat. Nagdesisyon siyang iwanan ang kanyang trabaho upang magbagong buhay kasama ng kanyang pamilya. Nag-apply siya bilang isang sales clerk sa kumpanya ng mga Villareal kung saan doon niya nakilala si Allison Villareal, ang kanyang amo na ubod ng ganda, seksi, at may mataray na pag-uugali. Akala ni Sebastian ay tuluyan na siyang matatahimik sa kanyang nakaraan pero nang dahil sa paulit-ulit na peligrong dala ni Allison, napilitan siyang gamitin ang kanyang dating pagkatao upang iligtas ito mula sa mga taong gusto siyang patayin. Hindi nagtagal ay nahulog sila sa isa't-isa ngunit dumating ang araw ay natuklasan ng bawat-isa ang mga sikretong pinakainingatan nila lalo na ang pagkatao ni Sebastian. Ano kaya ang mangyayari sa kanilang pag-iibigan pagkatapos nilang malaman ang mga sikretong bumabalot sa kanilang pagkatao? Handa ba silang tanggapin ang pagkatao ng bawat-isa o wawakasan ang namumuong pagmamahal dahil hindi sila pwede para sa isa't-isa?

view more
Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
Zhaegy Doremo
ay gusto ko to
2024-09-17 08:21:03
0
50 Kabanata

Kabanata 1

“You are fired!”Isang matangkad na may magandang pigura, nakasuot ng isang itim na hip skirt, at nababalot ng yelo ang reaksyon nito ay bigla na lamang nagsalita. Walang nagawa si Sebastian kung hindi ang mapatitig sa seksing babae na may nakakaakit na pangangatawan. Hindi niya napigilan ang sarili na mapalunok.Si Allison Villareal ay ang vice president ng Villareal Group. Ang babaeng amo niya ay na sa edad dalawampu't pito. Isa itong nagbabalik doctor na may hawak na dalawang degree. Tinatala ring lagpas sa isang bilyon ang sinasahod nito sa isang taon lang. Nang makarating ito sa kumpanya ay nagsimula siyang makipag-usap at magtanggal ng mga empledyo nang may labis na kagalakan.“Sebastian Lazarus, you're next!” May biglang lumapit kay Sebastian para sabihan na siya na ang susunod. Sa wakas ay siya na rin ang sunod na pinatawag at kinakabahang pumasok si Sebastian sa loob ng opisina. “Miss Villareal, pinapatawag niyo raw po ako?” Pagkapasok niya sa loob, naabutan niyan
Magbasa pa

Kabanata 2

Kinuha ni Cynthia ang kanyang bag at saka galit siyang sininghalan.“My name is Cynthia Agoncillo, a higher degree graduate and also a senior employee at a top 100 domestic company! My salaray reaches 20,000. I also have two cars and a suite!” aniya sa galit na boses at saka nagpatuloy, “Your salary of less than 4,000 weekly is so stinky. Where do you get the courage to go on a blind date with me!?”“Akala ko ay isa kang mayaman at talentado. Sa edad mong twenty-five ay wala ka pang bahay o sasakyan man lang. Paanong ang isang walang kwentang katulad mo ay nabubuhay pa sa mundong ito?” pagpapatuloy ng babae na may kasamang pangungutya.Nakaduro pa ang daliri nito sa direksyon ng ilong ni Sebastian habang sinasabi ang masasakit na salitang 'yon. Mabilis namang lumamig ang ekspresyon ni Sebastian at kung parte lang talaga ang babaeng ito sa mga naging kalaban niya, sigurado siyang pinapahirapan na ito ngayon.Agad namang pumagitna si Katrina nang makita ang eksenang 'yon. “Alam kon
Magbasa pa

Kabanata 3

“What?”Nagtataka si Sebastian habang nakatingin sa babae.“Why do you look like you're in a daze? Can't you recognize my face? We just met, right?”Nang mapansin ni Allison na nanatiling walang reaksyon si Sebastian at magkasalubong lang ang kilay nito, pasimple niyang hinablot ang kamay nito saka nagsimulang maglakad patungo sa Bentley niyang sasakyan. Agad niyang pinaharurot ang sasakyan paalis. Halos lahat ng tao ay hindi makapaniwala at nanatiling nakanganga. Hindi nila inakala na ang magandang babaeng 'yon na dumating para kay Sebastian ay talaga namang nakakagulat.Pakiramdam ni Cynthia ay halos malaglag na ang kanyang panga sa nasaksihan. Hindi niya lubos maisip na ang babaeng 'yon ay nagkainteres sa tinatawag niyang mabahong pangit na si Sebastian.Gulat pa rin ang mukha ni Mrs. Agoncillo at halatang may bahid na ng takot ang mukha. “It seems that your son has been on the blind date list already, Katrina. What kind of blind date did you try to play with us, huh?”Kah
Magbasa pa

Kabanata 4

At dahil ang kabilang partido ay ang Hades King ng hilaga, isa sa nagpapatibay sa isang lugar, at higit sa lahat, ito ay ang nagdadala sa isang grupo kaya ganoon na lang kalaki ang pusta para dito. Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa King of Hades, alam nilang mas mataas pa ang kanilang mararating at ang kanilang mga pag-asa sa hinaharap ay hindi limitado.“Mukhang natanggap niyo rin ang balitang nandito ang Hades at kamakailan lang ay nakikipag-blind date,” ani Tristan, ang leader ng siyudad. “Kailangan kong magbantay sa susunod dahil hindi ko hahayaang maunahan niyo ako!”Alam ng tatlong lalaki kung gaano nakakatakot ang Hades na ito. Na kahit ang ibang leader sa ibang mga lugar ay walang binatbat sa kanya. Mahirap man ang makipaglapit sa Hades ngunit nakaimportante naman nito. Kapag nagalit ang Hades ay maaaring maging isang sakuna dahil maraming buhay ang pwedeng malagay sa alanganin. Sa isang iglap ay maaaring mawala ang tatlong malalaking leader dito sa bansa sa isang pag-
Magbasa pa

Kabanata 5

Saglit na natigilan si Sebastian, namumula ang pisngi dahil sa hiya.“Hindi mo ba ako narinig? Bilisan mo na o baka masesante pa kita!” diing sabi ni Allison sa mahinang boses. Sinadya niya talagang lapitan si Sebastian habang ang magandang hubog na katawan ay tila ba mapanuksong umiindayog sa kanyang harapan.Sebastian gritted his teeth with no choice. Ininat niya ang kanyang kamay at matapang na pinisil ang sensitibong parte ng katawan ni Allison.Nagbago bigla ang reaksyon ni Allison. Nanginig naman ang kanyang katawan, at dahil diyan ay tinapunan niya nang masamang tingin ang lalaki. Isang casual na hawak lang ang gusto niyang gawin ng lalaki pero napa-sobra naman ito at ang mas malala pa ay sa sensitibong parte pa ng kanyang katawan.Pinilit niyang pinigilan ang kanyang sarili at ngpanggap na kalmado lang. “Nakita niyo ba? Mahal namin ang isa't-isa. Wala kayong magagawa sa nararamdaman ko!” diing sabi ni Allison sa kanila.“I don't care whatever relationship you had with
Magbasa pa

Kabanata 6

Nang marinig ng pamilya Villareal ang sinabi ni Sebastian, lahat ay sila ay galit na galit sa kanya.“Saan ba galing ang lalaking ito? Wala talagang kalidad!”“Sige buksan mo pa 'yang bibig mo at isumpa si Don Romulo!”“Ang isang kagaya niya na parang aso ay walang silbi. Bakit naman siya bibigyan pa ng pera dahil sa ginawa niya kay Ramon kanina!”“Isa siyang basura sa baba. Sayang ang oras kapag tinignan lang natin siya!”Bumaba ang tingin ni Romulo at saka ito nagsalita. “Alam mo ba kung ano ang sinasabi mo, Lalaki? Humingi ka ng tawad para matapos na ang lahat nang ito.”Bilang isang nakakatanda, ang isumpa ng kamatayan sa harap ng mga tao ay sobrang nakakagigil. Napailing naman si Sebastian at hindi niya mapigilang sumimangot.“Nagsasabi ako ng totoo. Malapit ka na mamatay,” aniya kay Romulo.Nandilim naman ang ekspresyon ni Romulo Villareal nang sobrang bilis. Sa kabila no'n, pinigilan niya ang kanyang galit at nagsalita, “Anong sinabi mo?”“L-Lolo Romulo, 'wag niyo pon
Magbasa pa

Kabanata 7

Natuod sa tinatayuan ang buong pamilya Villareal pero kalaunan ay tumawa naman ang mga ito nang napakalakas. “Huwag kayong magbiro nang ganiyan, Doctor Alfonso. Ilang beses niya lang diniin ang katawan ng ama namin at paanong ang nakakamatay na sakit ay posibleng nagamot niyan?” “Walang kinalaman ang medisina sa ginawa niya ngunit isa 'yong teolohiya,” ani ng doctor.“Ano bang sinasabi mo?”Napakunot ang noo ng doctor saka nagsalita ulit. “Kahit pa isa lang 'yong paghilot, isa pa rin 'yong tradisyonal na panggagamot at hindi iyon gano'n kadaling gawin...”Sumabat naman agad si Romulo sa pamamagitan nang pagkumpas sa kamay.“Huwag na natin itong pag-usapan pa. Mabuti pang uminom ka na muna ng tsaa, Doctor Alfonso. Marami kaming stock ng masasarap na tsaa dito,” ani Don Romulo sa doctor. Walang ibang nagawa si Doctor Alfonso kung hindi ang sumuko na lang. Nagdesisyon siyang hayaan na lang ito dahil nahihirapan siyang kumbinsihin ang mga taong may ibang paniniwala at opinyon. Ku
Magbasa pa

Kabanata 8

Mabilis ang galaw ng mga mata ni Sebastian at sa isang iglap ay isang matulis na patalim ang biglang lumipad sa kanyang direksyon. Mabilis niyang nasalo ito bago pa man tuluyang tumama sa kanya.Napaatras ng halos pito o walong hakbang ang may-ari ng aninong iyon kaya nagulat si Sebastian. Ang ginawa niyang pagsalo ay isa pa lang sa kakayanan niya at walang sinuman ang makakagawa no'n sa ganoong sitwasyon. “Magaling ang lalaking ito. Sino naman kaya ang nagawan ng kasalanan ni Allison para gawin ang ganitong kalupitan?” Hindi nagsalita ang lalaki kay Sebastian at mabilis itong umalis patungo sa ikalawang palapag. Nanlamig ang buong katawan ni Sebastian dahil masama ang kanyang kutob. Hindi siya pwedeng umakyat sa ikalawang palapag pero mamamatay si Allison. Nagdadalawang isip siyang pumunta doon dahil sinabihan siya ni Allison na hindi siya pwedeng pumunta sa second floor. Subalit wala na siyang pakialam. Kailangan niyang iligtas ang buhay nito at 'yon ang mas importante. Wala
Magbasa pa

Kabanata 9

Mukhang napahiya ng sobra si Katrina sa likuran dahil sa pwersahang pagpasok ng mag-ina. Nandilim naman ang mukha ni Sebastian.Marami na siyang nakitang mga tao na walang hiya kung kumilos pero ito ang unang beses na makatagpo siya ng sobra ang kagaspangan. Kung aaminin niya ang tungkol kay Allison Villareal, alam niyang ang dalawang babaeng ito ay siguradong masasabik na lapitan si Allison dahil sa kanyang status sa buhay.“I am so disappointed to all of you. Allison Villareal is my boss. She just came to see me yesterday just because of work and immediately left after she discussed her tasks,” aniya na hindi sinabi ang buong katotohanan sa mga ito.Agad na nagbago ang reaksyon sa mukha ni Cynthia at ng ina niyang si Elizabeth nang marinig ang sinabi ni Sebastian.“Anong sinabi mo? Siya ang boss mo? Paanong ang isang katulad ni Allison Villareal ay magkaka-interest sa isang nobody na tulad mo?”“Pinasaya mo kami sa walang kabuluhan! Malas ka talaga!”Galit na sabi ng mag-ina sa kanya
Magbasa pa

Kabanata 10

“It's about the health care product named as Barley that was produced by the Villareal Group meets the national quality inspection standards. This is made from plants rich in high fiber and can reduce any type of disease.”Hindi pinansin ni Sebastian ang ingay sa paligid nang sabihin niya ang mga salitang 'yon. Dagdag pa niya, “Give me two millions within five minutes only.”Sa mga oras din na 'yon, sa opisina ni Alejandro Fernandez, ang isa sa mga makapangyarihang leader ng Makati City ay mahigpit na nakahawak sa kanyang cellphone.Nanginginig pa ang kanyang boses nang sagutin niya ang kabilang linya. “It's Hades! He never forgotten me, and it's actually the Hades!”Noon ay nagtatrabaho lamang si Alejandro bilang isang private cook ni Sebastian sa kampo niya. Napahanga niya si Sebastian dahil sa galing niyang magluto at nakuha niya ang paghanga ni Sebastian. Kalaunan ay tinulungan siya ni Sebastian at binigyan ng magandang trabaho. Kalaunan napadpad siya sa Makati City at naging isang
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status