Share

Kabanata 4

At dahil ang kabilang partido ay ang Hades King ng hilaga, isa sa nagpapatibay sa isang lugar, at higit sa lahat, ito ay ang nagdadala sa isang grupo kaya ganoon na lang kalaki ang pusta para dito. Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa King of Hades, alam nilang mas mataas pa ang kanilang mararating at ang kanilang mga pag-asa sa hinaharap ay hindi limitado.

“Mukhang natanggap niyo rin ang balitang nandito ang Hades at kamakailan lang ay nakikipag-blind date,” ani Tristan, ang leader ng siyudad. “Kailangan kong magbantay sa susunod dahil hindi ko hahayaang maunahan niyo ako!”

Alam ng tatlong lalaki kung gaano nakakatakot ang Hades na ito. Na kahit ang ibang leader sa ibang mga lugar ay walang binatbat sa kanya. Mahirap man ang makipaglapit sa Hades ngunit nakaimportante naman nito. Kapag nagalit ang Hades ay maaaring maging isang sakuna dahil maraming buhay ang pwedeng malagay sa alanganin.

Sa isang iglap ay maaaring mawala ang tatlong malalaking leader dito sa bansa sa isang pag-iisip niya lang.

“May narinig akong balita na nakatira na siya ngayon dito sa Manila at kailangan ko siyang mahanap sa mas lalong madaling panahon!” sambit ni Tristan.

“Sisiguraduhin kong ako ang mauunang makahanap sa kanya!” sabat naman ng dalawa at dahil doon, nagpalitan ng mga masasamang titig ang tatlong bigateng leader.

*****

Sa Villa ng Villareal.

Lumabas ng sasakyan si Allison at nagsimulang maglakad papasok na walang preno. At sobrang nakakaloka ang karangyaan ng bahay sa loob pagpasok nila.

“Saan mo ba ako dadalhin, Miss Allison?” takang tanong ni Sebastian.

“Malalaman mo rin kaya pumasok ka na,” sagot ni Allison sa kanya at dinala niya si Sebastian sa isang malawak na may maraming mga tao.

“What is this, Allison? Why did you bring an outsider to a family gathering?”

May ilang mga lalaki na nakasuot ng mga magagarang damit ang biglang naglakad patungo sa direksyon niya. Kumabog naman ang dibdib niya dahil doon.

Nagulat pa siya nang makita niya ang hindi basta-bastang mga tao tulad ni Miguel Villareal, ang president ng kumpanya, at si Albert Villareal, ang executive director ng kumpanya. Marami pang matataas na opisyal sa kumpanya ang nandito sa loob.

Ang mga ito ang nakita ni Sebastian doon sa honorary pictures nang pumasok siya sa kumpanya.

Samantala ay napatakip sa mga bibig ang ibang miyembro ng pamilya Villareal nang makita si Sebastian at para bang nanonood ang mga ito ng isang zoo spectacle.

“Ano naman kaya ang pumasok sa isip ni Allison para dalhin niya ang taong ito dito?”

“At tignan niyo naman ang kanyang suot. Parang pinulot lang niya ito sa isang basurahan at mas maganda pa ang damit ng aso ko kaysa sa kanya!”

“Kung gusto mo ng pagkain, 'wag ka dito magpunta. Mas mabuti pang hubarin mo na lang 'yang sapatos mo at lumabas na nakayapak lang!” sambit ng tiyuhin ni Allison kay Sebastian. “This floor you are standing with was owned by the Villareal. Everything you see here could be a mean of your entire life's salary!”

Nang marinig ni Sebastian ang mga ito, pakiramdam niya ay parang nandilim ang kanyang paningin. Dati na siyang may pera at sobra pa sa kailangan niya pero hindi siya interesado sa yaman na 'yon. Sapat na sa kanya ang pamumuhay ng simple at makapagbigay man lang ng sapat sa pamilya.

Hindi na rin siya magtataka kung paano pahalagahan ng iba ang perang inayawan niya.

“Kausapin niyo naman nang mahinahon ang tao, Tito. Nagpunta ako rito dahil may gusto akong sabihin,” ani Allison at kinuha pa ang kamay ni Sebastian saka malakas na nagpatuloy, “This man beside me is my fiancè. I don't want to marry the heir of the Castro Company anymore.”

Dahil sa anunsyo ay nagpaingay ito sa buong paligid. Napatitig ang buong miyembro ng Villareal at halos lumuwa na ang kanilang mga mata.

“Nagustuhan ni Allison ang lalaking ito na mukhang nandito lang naman para kumain. Joke ba ito?”

Napaatras si Sebastian sa kanyang narinig. Ngayon niya lang napagtanto na dinala pala siya ni Allison dito upang gawin pananggala. Hindi siya makapaniwala na tinutulak siya nito sa apoy.

Galit na hinampas ni Miguel Villareal ang lamesa ng kanyang kamay at galit na nagsalita.

“Mapangahas! Saan mo naman nakita ang ligaw na lalaking ito? Kaaya-aya ba siya na maging parte ng pamilyang ito!?” ani Miguel saka nagpatuloy. “Alam kong masama ang loob mo na ipapakasal ka sa anak ng mga Castro at naiintindihan ko 'yon, Allison, pero kailangan mong sumunod sa tungkulin mo sa pamilyang ito!”

“This is all wrong! I will decide my marriage and my future because this is my life. I know you are my father, but I will not allow you to dictate my decisions in life!” galit niyang sigaw sa ama. “My first time was already given to him, and this time, I refused to marry Adrien Castro!”

Bakas ang gulat sa mukha ng buong Villareal at halos mamutla na ang mga ito. Hindi sila makapaniwala na ang isang walang damdamin na si Allison Villareal ay binigay ang sarili sa isang mababang tao.

Galit siyang tinitigan ng kanyang ama.

“I have regretted raising a child like you. All these years, you will become a failure on my part,” aniya at napailing pa sa kanyang ulo. “This is really so unbelievable, Allison. You just picked an average employee from the company and then used him as a trophy for turning against this family? Do you really love him, huh?”

Natawa naman si Allison dahil sa sinabi ng ama at agad itong sinagot.

“Maniwala ka man o hindi sa sinasabi ko pero nagsasabi ako ng totoo.”

“Miss Allisonl—”

Akmang magsasalita sana si Sebastian pero agad din siyang binara ni Allison.

“Just shut up, and touch my body. That's an order!”

Tinitigan ni Allison nang masama si Sebastian nang sabihin niya ang mga salitang 'yon sa mataas na boses na parang nag-uutos.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status