Share

Kabanata 11

Nawala ang ngiti sa labi ni Dominic at pakiramdam niya ay sinampal siya ng malakas. Iyong tipo na ramdam niya ang sakit ng sampal.

Biglang natahimik ang buong paligid. Sa kabilang banda naman ay ikinatuwa ni Henry at Liam ang kanilang narinig at hindi napigilan ang mga sariling mag-react.

“Ang galing naman, Sebastian!” tuwang sabi ni Henry at ni Liam.

Nagkibit ng balikat si Sebastian dahil naisip niya na isang tusong tao si Alejandro. Dalawang milyon lang ang hiningi niya subalit 20 million naman ang binigay nito. Alam ni Sebastian na gustong patunayan ng lalaki ang sarili sa kanya.

Naglakad si Sebastian sa direksyon ni Dominic na ngayon ay namumutla na.

“Paano ba 'yan, Mr. Legaspi. Nagawa ko na ang sinabi ko sa 'yo. Siguro naman ay gagawin mo rin ang pinangako mo sa 'kin kanina?” tanong ni Sebastian dito.

Nanginig ang labi ni Dominic Legaspi pero pinanatili niya pa rin ang sarili na ngumiti saka ito nagsalita. “Sabi mo sa cellphone kanina ay dalawang milyon lang ngunit kumuha sila ng dalawampung milyon. Hindi iyon ang tama!”

“Anong gusto mong palabasin, Sir Dominic? Huwag mong sabihing gusto mong mag-back out?” galit na tanong ni Liam sa supervisor.

“Malakas ang kutob ko na nagkataon lang talaga ito. Bilang isang baguhan at walang kakayahan, alam kong nakarinig lamang itong si Sebastian ng mga bulung-bulungan tungkol sa plano ng city government sa pagbili ng produkto natin. Sigurado akong sinadya niya talagang hulaan para manalo sa pustahan namin!” giit ni Dominic sa malamig na tono.

Iginiit ni Dominic na nagkamali si Sebastian tungkol sa halaga ng pera. Sinabi rin niya na parang isang bulag na pusa si Sebastian kung saan tumakbo ito sa isang patay na daga at gustong sarilinin ang bayad.

Nang lumabas ang mga salitang ito, nagsimulang maniwala ang mga tao sa sinasabi ni Dominic.

Ang isang napakahalagang tao at head ng isang sikat na organisasyon, maski ang ibang miyembro ay malabong magpakita. Hindi ang isang katulad ni Sebastian na baguhan at walang background ang maaaring makagawa no'n.

Nagsalubong naman ang dalawang kilay ni Sebastian bago siya nagsalita. “Kung ayaw niyong lumuhod ay sabihin niyo na lang at hindi 'yong guguluhin mo pa ang kwento. Ang totoo ay natalo ka kaya yumuko ka na at lumuhod!”

Tumawa si Dominic at saka sumagot.

“Huwag mo na akong paglaruan pa, Sebastian. Maniniwala lang ako sa 'yo kapag tinawagan mo si Alejandro Fernandez at iharap sa akin ngayon sa personal,” aniya at nagpatuloy. “Balita ko, dating nagtatrabaho bilang isang stage lady sa dance hall ang ina mo. Siguro ay may manliligaw siyang isang matanda na nagtatrabaho sa gobyerno na siyang naglabas ng impormasyon sa 'yo? Panigurado maraming koneksyon at madali lamang makasagap ng balita!”

Pagkatapos makapagsalita ni Dominic, bigla na lamang siyang sinipa ni Sebastian dahilan para tumilapon siya ng halos sampung metro ang layo.

Nabagok ang ulo ni Dominic sa sementong pader at nagkaroon ng crack dahilan upang may dugong umagas doon.

“Huwag mong insultuhin ang ina ko sa harap ko!” galit niyang sigaw, ang mga mata'y nanlilisik, at kanyang boses ay mahina lang ngunit diin na diin. “Walang pwedeng gumalaw sa pamilya ko at kung sino man ang nagbabalak magsalita laban sa kanila ay hindi ko patatawarin!”

Biglang natahimik ang opisina ng ilang saglit hanggang sa may sumigaw.

“Si Sir Dominic ay sinipa ni Sebastian!”

“Anong nangyayari?” tanong ng isa pa sa nagtatakang tono.

Ilang sandali ang nakalipas, biglang dumating ang department manager. Nakataas ang noo nito habang naglalakad at biglang sumimangot ang kanyang mukha nang makita ang sitwasyon ni Dominic.

“Sino ang may gawa nito?” singhal niya.

“Ako.“

Umamin si Sebastian sa kanyang ginawa kay Dominic. Natatandaan niya si Bella noong unang araw na nakita niya itong may kahina-hinalang galaw sa labas ng opisina ni Allison.

“Manager Bella, iba ang inaakala niyo. Si Dominic ang—”

Gustong tulungan ni Henry at Liam si Sebastian pero agad silang pinagalitan ni Bella.

“Kahit ano pang dahilan iyan, hindi tama na saktan ang boss mo sa harap ng maraming tao at labag iyan sa patakaran ng kumpanya. Dahil diyan ay maaari kang matanggal!” ani Bella sa kanila. “As the sales manager of this department, I am officially informing you, Sebastian Lazarus that you are fired, and leave the company as soon as possible!”

Alam ng lahat na si Dominic ay na sa hanay ni Bella. Ang saktan ito ay isang malaking sampal sa buong establishment. Malinaw na dahil sa nangyari, nanganganib ang posisyon ni Sebastian.

Dahil diyan, nagsimulang kabahan sina Liam at Henry. “Manager Bella, si Sebastian—”

“That's enough. Stop talking,” ani Sebastian sa kanilang dalawa. “Trabaho lang ito at kailangan niyong manatili sa trabaho dahil may pamilya kayong sinusuportahan. Huwag niyong hayaan na mawala 'yon dahil lang sa 'kin.”

“Patawarin mo kami, Sebastian. Nang dahil sa amin ay mawawalan ka ng trabaho,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Liam at Henry sa kanya.

“Sabi sa patakaran ng kumpanya na kapag umalis ang mga empleyado ay may matatanggap silang sahod sa loob ng isang buwan pero dahil sinaktan mo si Dominic ay wala kang matatanggap!” malamig na sabi ni Bella kay Sebastian.

Kung sino man ang may matalas na pang-unawa at mata ay mapapansin na ginagamit lamang ni Bella ang insidente para hindi ibigay ang pera ni Sebastian ngunit walang naglakas ng loob na magsalita.

“Gawin mo kung anong gusto mong gawin,” ani Sebastian. “Manatili ang gusto maging parte sa bulok na sistema dito.”

Nang akmang huhubarin na ni Sebastian ang kanyang suot na I.D., isang makapangyarihang boses ang biglang umalingawngaw.

“Who ordered you to fire Sebastian Lazarus?”

Ang boses na iyon ay puno ng awtoridad. Inangat ni Sebastian ang kanyang ulo at isang babae na nakasuot ng isang crystal na high heels ang biglang pumasok sa loob ng opisina. Ang mukha nito ay nakakaakit at kapansin-pansin, na may payat na baywang, at ang kanyang mga binti naman ay mahahaba. Ito ang tunay na pamantayan ng kagandahan. Siya ay maituturing na isang binibini, sariwa, at marangal.

“S-Secretary Nicole!” ani Bella sa gulat na ekspresyon.

Ang babaeng na sa kanilang harapan ay si Nicole, ang secretary ni Allison Villareal.

“Nandito ako para ibigay ang utos ni Madam Allison. Si Sebastian na isang baguhan ay tuluyang natapos na ang kanyang internship sa sales department, ang kanyang trabaho ay nagampanan niya ng maayos. Isa na siyang regular na employee ng kumpanya at promoted na. Ito ay epektibo na!” sabi ni Nicole sa seryosong mukha.

Biglang namutla ang mukha ni Bella dahil sa gulat. “Ano? Madam Allison—”

“Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko?” takang tanong ni Nicole sa kanya.

“H-Hindi, hindi. Naintindihan ko 'yon at 'wag kang mag-alala dahil aasikasuhin ko ito agad-agad,” ani Bella sa nauutal na tono, habang nagsisimula ng pawisan ang noo.

Si Allison Villareal ang vice president ng kumpanya ay siyang namamahala sa lahat ng mga department at personal itong nangialam. Dahil sa sinabi ni Nicole tungkol sa promotion ni Sebastian, nagdulot ito ng pagkagulat.

Isang intern staff lamang si Sebastian at kung gusto nitong maging isang regular ay kadalasan ang mga heads ng department ang siyang pupunta at magsasabi nito pero si Secretary Nicole pa mismo ang nag-anunsyo nito. Hindi kataka-taka na ang lakas ng loob ng lalaki na saktan si Dominic dahil may malakas pala itong kapit.

Sa ngayon, ang mga matang puno ng selos, galit, at inggit ang nakatutok kay Sebastian. Mapait na napangiti si Sebastian nang mapagtanto na ito na ang resulta ng kanyang pakikipagsundo kay Allison.

****

Pagkatapos sabihin ni Nicole ang utos, bumalik na siya sa opisina ng vice president kung saan nagtatrabaho ng seryoso si Allison. Nakasuot ito ng isang puting OL skirt.

Nang makita ito ni Nicole, tahimik niyang nilapitan si Allison at maingat na hinawakan ang baywang nito sa likuran at sinimulang igalaw papunta sa paa nito.

“Nicole, 'wag...” ani Allison, ang mukha ay biglang namula at tinulak niya ang kamay ni Nicole palayo. “Kung gusto mong hawakan ang iyong sarili, 'wag sa akin.”

Ang babaeng ito ay magaling sa lahat pero may isa itong hindi magandang ginagawa.

Napangiti naman si Nicole at saka sinabing, “Wala pa ring pinagbago sa katawan mo, Allison. Maganda pa rin.”

“Let's focus on important things,” sagot naman ni Allison sa kanya.

“Nasabihan ko na pala ang sales department at ginawang regular si Sebastian,” paliwanag ni Nicole sa kanya habang nakangiti ito. “Nakakagulat lang dahil ang isang katulad mo na pilit iniiwasan ang personal na gusot ay biglang magkakaroon ng interest sa isang ordinaryong intern. Ano bang nakita mo sa kanya?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status