Share

Kabanata 16

“Ang lalaking 'yan ay si Adrien Castro, ang batang Castro. Malaking grupo din ang mga Castro na kilala sa buong Makati City sa loob ng maraming taon. Parehong legal at illegal ang kanilang operasyon at maging ako ay ingat na ingat sa kanila,” paliwanag ni Andrew kay Sebastian.

Nanatiling blanko ang ekspresyon ni Sebastian at saka nagsalita. “Wala akong pakialam kung sino at ano siya. Ang gusto kong malaman ay kung papasok ba sila diyan sa loob!”

Bigla namang natakot si Andrew na parang kaharap niya si kamatayan dahil sa mga binitawang salita ni Sebastian.

“Ang hotel na ito ay kilala sa pangalang CG Hotel na isa sa pagmamay-ari ng mga Castro. Isa ito sa mga malalaking Love Hotel ng Makati City. Ang pagkakaalam ko ay dito palaging dinadala ni Adrien Castro ang mga babae niya,” paliwanag ni Andrew sa kanya.

Napatitig si Sebastian sa mga ito. Ang pagkakatanda ni Sebastian ay sinabi ni Allison na may pag-uusapan silang billion project kasama si Adrien Castro subalit masama ang kanyang pakiramdam.

‘Bakit kailangan pa nilang pumunta sa ibang lugar at mag-abang ng kwarto sa hotel na 'yan?’ tanong ni Sebastian sa kanyang isip.

Hindi makapaniwala si Sebastian sa kanyang nasaksihan. Aminado siyang minsan na siyang naakit sa taglay na ganda ni Allison sa kabila ng kanyang hindi mapaliwanag na ugali ay may prinsipyo ito. Ngunit nang dahil lamang sa pera ay bigla nitong kinalimutan ang lahat. Handa itong isugal pati ang kanyang katawan.

Tanda pa ni Sebastian kung paano sabihin ni Allison noon na kahit anong mangyari ay hindi siya bibigay kay Adrien Castro lalo na sa pamilya niya subalit kasinungalingan lang pala ang lahat.

Bigla namang nakaramdam ng pananakit ng dibdib si Sebastian at pakiramdam niya ay naloko siya kaya naman nagsimulang mandilim ang kanyang paningin.

“Hades, may problema ba?” tanong ni Andrew sa kanya.

Mabilis na napailing si Sebastian. “This is nothing and you should be leaving now. It's already getting late.”

Sa kabilang banda naman ay biglang nagtaas ng dalawang kilay si Allison nang may mapansin siya.

“You told me that we will just sign a contract, but where is this place? And why are you bringing me to a Love Hotel?” takang tanong ni Allison kay Adrien.

“Ito ang unang beses na magkasosyo ang kumpanya ng ating mga pamilya kung saan bilyones ang pera para sa mga proyekto at para mapanatiling sekreto ito, kailangan natin ng isang tagong lugar,” ani Adrien na ngayon ay nakangiti na.

“Hindi mo ako dapat dinala sa ganitong lugar dahil hindi ako komportable sa mga ganito. I'm sorry, but I can't come with you,” hindi nasisiyahang sabi ni Allison sa kanya.

Inihakbang ni Allison ang kanyang paa na nakasuot ng isang kulay itim na silk leggings at akmang aalis na.

“Sandali lang, Allison. Kapag sumama ka sa akin, pinapangako ko na isang minuto lang ay pirmado na ang kontrata,” paliwanag ni Adrien at pinigilan siya sa kanyang pag-alis.

Napahinto naman si Allison sa tangkang pag-alis. Hinarap niya ulit ito ngunit ang kanyang mga mata ay nababalot ng yelo sa sobrang lamig ng kanyang titig.

“Isang minuto lang para dito at kapag lumagpas na sa isang minuto, aalis ako kahit hindi pa pirmado ang kontrata,” ani Allison sa kanya.

“Good. Gagawin ko ang lahat ng mga sinabi mo, Ms. Villareal,” natutuwang sagot ni Adrien.

Nang papasok na sana sila sa loob ng hotel, biglang napansin ni Allison si Sebastian na patungo sa kanilang direksyon.

Nagulat siya at hindi napigilang sumigaw. “Sebastian! Paano ka napunta dito? Huwag mong sabihin na sinusundan mo ako?” tanong ni Allison.

Nagpapaalam lang si Sebastian kay Andrew pero hindi niya inaasahan na bigla siyang tawagin ni Allison sa harapan pa mismo ni Adrien Castro.

‘Sinadya ba niyang ipahiya ako?’ tanong niya sa kanyang isip.

Huminga siya nang malalim at saka ito hinarap. “Tapos na ang trabaho ko at malaya akong makakapunta kung saan ko gusto, hindi ba? Hindi mo ba talaga gusto na umalis ako sa trabaho, ano?”

Nagulat si Allison dahil sa sinabi ni Sebastian kaya napasimangot siya at tila hindi natuwa. “Ito ba ang paraan mo para kausapin ang boss mo? Walang hiya ka talaga!”

“Kung na sa trabaho ako ay boss kita, pero kung wala ako sa trabaho, wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganiyan. At isa pa, hindi ko naman alam na ikaw at ang kasama mo ay pupunta dito sa love hotel na ito.”

“Ano bang sinasabi mo, Sebastian!?” galit na sabi ni Allison habang ang kanyang mukha ay nagsimulang mandilim.

Dahil sa galit ni Allison, akmang sasampalin niya si Sebastian ngunit mabilis ang kamay nito. Agad nasalo ni Sebastian ang kanyang kamay at nag-iba ang pananalita nito.

“Alam ko na mababa lang ang tingin mo sa 'kin at karaniwan, walang natapos, at higit sa lahat ay walang silbi ngunit tiniis ko 'yon dahil may kasalanan ako. Nagtiis ako noong panahon na pinapirma mo ako ng marriage certificate nang hindi nagtatanong sa opinyon ko at lumipat ako ng tirahan sa 'yo. Sa harap ng lahat ay pinili mong maniwala kay Bella at napahiya ako. Pero dahil sa ginawa mo ngayon...” aniya kay Allison.

Ibinaba niya ang kamay nito bago siya nagpatuloy.

“Hindi ko na kaya. Bayad na ako sa utang ko sa 'yo dahil natulungan na kita. Bukas ng umaga ay magpapasa ako ng resignation letter at bukas rin ay pupunta ako sa opisina ng marriage registry para ipakansela ang kasal at sabihin ang totoo sa kanila. Pagkatapos ay aalis na rin ako sa bahay mo,” aniya. “Wala na tayong relasyon at maghiwalay na tayo ng daan, Miss Villareal.”

Nang marinig ni Allison ang mga salitang 'yon kay Sebastian ay hindi siya makapaniwala. “Seryoso ka ba sa sinasabi mo?”

Ang makapag-trabaho sa Villareal Company, magpakasal at tumira kasama ni Allison Villareal ay isang oportunidad na kinaiinggitan ng marami. Pero para kay Sebastian, handa siyang balewalain ang lahat nang iyon dahil nakapa-imposible ng bagay na 'yon.

“And one last reminder for you, Allison. This person beside you now is not a good person at all. It would be better if you keep your distance from him as early as possible,” seryosong saad ni Sebastian kay Allison.

Nagalit naman si Adrien dahil sa sinabi ni Sebastian kaya sumigaw ito. “Ang kapal naman ng mukha mo! Ang yabang mo at ang isang nobody na katulad mo, walang pera, o kahit anong kapangyarihan ay hindi karapat-dapat ng anumang atensyon ko. Sa tingin mo ba ang isang Allison Villareal ay magkakagusto sa 'yo?”

Hindi na pinansin ni Sebastian ang mga sinasabi ni Adrien tungkol sa kanya at nagpatuloy siya sa pag-alis sa kabila pa man ng mga masasakit na salitang narinig niya.

Nanatili sa direksyon si Allison, na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala, at habang ang kanyang dibdib naman ay biglang namanhid.

‘Sandali lang, tama ba ang narinig ko na pinapaalis ako ng lalaking 'yon? Nagbibiro ba siya?’ tanong ni Allison sa kanyang isipan.

Siya ay isang dakilang anak ng pamilyang galing sa mataas na antas habang si Sebastian naman ay isa lamang hamak na staff ng kumpanya, mababa, walang kahit anong background tungkol sa buhay niya, at walang pera o kahit natapos man lang.

Sa isip ni Allison na kung gusto nitong iwanan siya ay iiwan niya rin ito.

Ikinuyom na lamang niya ang kanyang palad at agad nakabalik sa kanyang dating sarili.

“Hindi ba sinabi mong pipirma pa ako ng kontrata? Ano pang ginagawa mo?” tanong ni Allison sa malamig na boses.

“Tara na!” sagot naman ni Adrien na ngayon ay nakangiti na at saka dinala siya nito sa loob ng hotel.

Sa isang marangyang pinalamutian na presidential suite na may double waterbed, pumasok si Allison, ang kanyang mukha ay hindi mapaliwanag. Bigla siyang napangiwi nang mapansin ang ilang condom na nagkalat sa ibabaw ng kama nito.

“Ilabas mo na ang kontrata para makapirma na ako,” agad na sabi ni Allison.

Hindi siya papayag na manatili sa kwartong ito ng matagalan. Kailangan niyang umalis pagkatapos makapirma.

“Bago natin simulan ang pagpirma, gusto ko lang na mangako ka sa 'kin,” ani Adrien na ngayon ay nagpakita na ng kahina-hinalang kilos.

“Anong kondisyon?” tanong ni Allison.

“Pumuwesto ka sa kama at pagsilbihan mo ako!”

Biglang nilapitan ni Adrien si Allison. Tinulak siya nito sa kama at tumalon sa ibabaw niya na parang isang gutom na lobo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status