Share

Kabanata 15

Author: Annam
last update Last Updated: 2024-09-11 14:34:05
Ang isang ordinaryong fire coral ay light lang ang pagkapula nito pero itong Imperial Flame Red Coral ay dark red ang kulay. Kapag ito ay naliwagan ng araw, nagiging kulay ginto ito. Dahil sa taglay nitong kagandahan, halos ikabaliw ito ng mga nakakakita.

Dalawang beses sa halos isang dekada lamang makikita itong pambihirang coral na minsan ay ginagawang regalo para sa isang bansa at minsan naman ay naka-display ito sa isang auction na halos tatlumpung bilyon ang halaga. Gulat, saya, at pagkamangha ang naging reaksyon ng lahat nang makita ito sa personal.

Sakay sa isang Rolls-Royce Phantom na sasakyan, inayos ng tuwid ni Nicole ang kanyang maputing mga paa dahil sa paghanga niya sa pinakita ni Sebastian.

“I never expected Sebastian to be this remarkable as I thought,” aniya na puno pa rin ng pagkamangha ang itsura.”

Malakas ang kanyang kutob na may tinatago sa kanya si Allison at hindi basta-bastang tao lamang itong si Sebastian.

Napukaw ni Sebastian ang interest ni Nicole na malaman ang tungkol sa kanya.

“Manong Jose, umalis na tayo sa lugar na ito. Bumalik ka na lang dito at imbestigahan mo si Sebastian. Lahat ng impormasyon na nakalap mo ay sabihin mo agad sa akin,” utos ni Nicole sa kanyang driver.

Nang makaalis na ang sasakyan ni Nicole ay saka naman nilapitan ni Sebastian ang may-ari ng pasugalan at hinawakan ang Imperial Flame Red Coral sa kanyang kamay.

“Katulad ng sabi ko kanina, hindi ako mahilig sa sugal,” aniya sa may-ari.

Ang kaninang malamig na ekspresyon ng may-ari ay bigla na lamang nawala at sinubukang pigilan si Sebastian. “Ang swerte mo, Bata. Pasensya ka na sa abala at sana ibigay mo sa akin ang coral na iyan. Handa kitang bigyan ng isang milyon,”

“Bakit ko naman gagawin 'yan?” takang tanong ni Sebastian habang nakataas ang isa niyang kilay.

Ang ngiti ng may-ari ay biglang nabalot ng galit nang sagutin niya si Sebastian. “Tanggapin mo na ito bilang pabor ko sa 'yo. Masyadong mahalaga 'yang Imperial Flame Red Coral para itago mo. Ibigay mo na sa akin 'yan at bibigyan kita ng isang milyon bilang kapalit.”

Nagsimulang magbulong-bulungan ang mga nakakita sa nangyayari ngayon at hindi napigilang magkomento.

“Sinubukan niya bang nakawan ang batang lalaki?”

“Hindi ba sinabi mo sa akin kanina na kapag nabuksan ko ang batong ito ay wala kang kukunin kahit na ano?” tanong ni Sebastian sa kanyang nandidilim na reaksyon.

“Hindi ko matandaan na sinabi ko 'yan sa iyo kanina at kapag hindi mo 'yan isinuko, hindi ka makakalabas sa lugar na ito ng hindi nasasaktan!” nakangising sabi ng may-ari ng pasugalan.

Agad namang lumapit ang mga malalaking lalaki na nakahandang kunin ang coral kay Sebastian.

“Gusto niyo bang kunin ito?” malamig na tanong ni Sebastian sa kanila.

Mabilis ang mga pangyayari, isang kalbong lalaki ang biglang humarang sa mga tauhan ng may-ari ng pasugalan at mabilis na inatake ang mga ito ng suntok. Agad namang bumagsak ang ilan ay nagkalat na ang mga dugo sa sahig. Dahil dito, naging komplikado ang sitwasyon.

Ang lalaking kalbo ay biglang pinunit ang kanyang suot na damit dahilan para lumantad ang tattoo na nakabalot sa katawan nito. Isang dragon tattoo ang nakalagay sa katawan nito.

Sa mga oras ding iyan, naglabasan ang mga malalaking tao na ngayon ay nakatayo sa likod ng lalaki.

“Isang dragon na tattoo at tanging lider na si Andrew Cuevas ng isang underground organization ang may ganiyang marka dito sa Makati!”

Ang rebelasyong ito ay tila nagpagulat sa lahat. Ang kalbong lalaki kanina pala ay napag-alaman na isa sa mga bigating lider ng malalaking underground business dito sa Makati City. Ang underground leader na si Andrew Cuevas ay mayroong malaking grupo at mababagsik na mga tauhan.

Biglang natakot ang may-ari ng pasugalan at biglang bumagsak sa sahig.

“Boss Andrew, hindi ko alam na ikaw pala ito!” takot niyang sabi kay Andrew Cuevas.

Kinuha ni Andrew ang magandang bato saka ito biniyak ng walang pagdadalawang isip at nalamang wala itong laman sa loob.

“Isa kang malaking manloloko at magnanakaw. Paano mo ako nagawang lokohin!?” galit na sabi ni Andrew saka niya pinarusahan ang may-ari ng stall na ngayon ay nagmamakaawa sa kanya.

Pinatid niya ang paa ng lalaki at sumigaw ito sa sobrang sakit. Inihagis naman ni Andrew ang may-ari ng pasugalan sa paanan ni Sebastian.

“Lumuhod ka at humingi ng tawad sa lalaking 'yan!” galit na utos ni Andrew sa may-ari ng pasugalan.

“P-Patawarin niyo ako, Sir. Kasalanan ko ang lahat,” nauutal naman na sagot nito at ngayon ay nakaluhod na.

Hindi nagtaas ng tingin si Sebastian at agad na sinipa ang may-ari sa kanyang ulo. Galit na siya at kailangan parusahan ang manlolokong may-ari.

Dahil sa nakakatakot na ginawa ni Sebastian, tila biglang lumamig ang simoy ng hangin sa loob na kahit si Andrew Cuevas na kilala bilang isang mamamatay at walang pusong tao ay natuod sa kanyang direksyon.

Sa harapan ng lahat, napaluhod ng malakas si Andrew Cuevas saka ito nagsalita. “Ikaw nga talaga ito, Hades!”

Natuod naman si Sebastian sa kanyang direksyon dahil sa narinig niya.

“Kilala ba kita?” takang tanong niya kay Andrew.

Hindi naman makapaniwala si Andrew na hindi siya nakilala ni Sebastian.

“Ako ito, si Andrew Cuevas na dating naghuhugas ng inyong paa!” sagot niya kay Sebastian.

Ang mga bigating tauhan ni Andrew Cuevas ay biglang natigilan sa kanilang narinig. Hindi sila makapaniwala na ang kanilang amo na leader ng kanilang organization ay dating tagahugas ng paa ng lalaking na sa kanilang harapan ngayon.

“Nang magtrabaho ako sa 'yo noon bilang tagahugas ng paa mo ay isa akong masakitin pero naawa ka sa akin. Pinagamot mo ako at ginastusan ng pera para mapagaling ang kapansanan ko. Higit sa lahat ay tinuruan mo ako ng martial arts na alam mo,” masayang paliwanag ni Andrew kay Sebastian.

Nang dahil doon kaya siya na-inspire na magtayo ng kanyang underground group at nagtayo ng negosyo sa Makati City. Hindi pa malinaw kay Andrew kanina ang tungkol kay Sebastian pero nang magpakita ito ng kanyang galing sa pakikipaglaban, sigurado siya na kilalang-kilala niya na ito.

Bigla namang naalala ni Sebastian ang tungkol sa sinabi ni Andrew sa kanya.

“Yeah, I know you now. You're Andrew and it has been years had passed and I almost couldn't recognize you,” ani Sebastian.

Naalala ni Sebastian ang lalaki noon sa campo bilang isang matapat at matakutin na baldadong tao pero hindi niya inaasahan na isa na itong hindi basta-bastang tao ngayon.

“It seems like you're doing everything just to find this fire coral. What's the reason behind that?” tanong ni Sebastian kay Andrew.

Para namang nahiya si Andrew dahil sa katanungan ni Sebastian pero agad rin naman siyang sumagot. “Ang totoo niyan, nandito ako para makahanap ng gamot para sa sakit ko.”

“You can have this Imperial Flame Red Coral, but be mindful because there are portions in it that have adverse effects. I will find some remedy to counteract those effects,” aniya kay Andrew.

Napatitig pa si Sebastian sa lalaki at sa unang tingin niya pa lang ay alam niyang may tinatagong sakit ito at hindi imposibleng may kinalaman ang kidney sa sakit niya.

“Parang sobra naman po ang lahat nang ito, Hades. Napakahalaga ng Imperial Flame Red Coral at ng tulong mo para sa sakit ko,” masayang sabi ni Andrew kay Sebastian.

Ikinumpas ni Sebastian ang kanyang kamay at saka siya nagsalita. “Walang problema 'yon sa akin. Tulong ko na 'yan sa 'yo.”

Ang ganitong kayamanan tulad ng Imperial Flame Red Coral ay sobrang nakakasilaw sa mata ng ibang tao pero para sa yaman na mayroon ang Hades noon, sapat lang ito upang gawing pirasu.

Nang marinig ni Andrew ang mga salitang 'yon mula kay Sebastian, walang tigil ang kanyang pasasalamat habang naglalakad si Sebastian.

Nang makarating na sila sa krosing, isang pamilyar na pigura na isa kanyang mga kilala ang kanyang napansin.

Napansin niya ang isang pamilyar na Bentley Sports Car ang nakaparke sa harap ng pinto ng isang hotel at ang mga taong lumabas mula sa sasakyan ay sina Allison Villareal at Adrien Castro.

‘What is Allison doing in here? What about Adrien Castro?’ sa isip ni Sebastian.

“That's Adrien Castro, the son of the Castro Enterprise. Seems like he's spending time with that beautiful woman, huh?” ani Andrew sa kanya.

“Ano sa tingin mo? Papasok ba sila sa hotel?” tanong ni Sebastian sa kanyang seryosong tono.

Related chapters

  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 16

    “Ang lalaking 'yan ay si Adrien Castro, ang batang Castro. Malaking grupo din ang mga Castro na kilala sa buong Makati City sa loob ng maraming taon. Parehong legal at illegal ang kanilang operasyon at maging ako ay ingat na ingat sa kanila,” paliwanag ni Andrew kay Sebastian.Nanatiling blanko ang ekspresyon ni Sebastian at saka nagsalita. “Wala akong pakialam kung sino at ano siya. Ang gusto kong malaman ay kung papasok ba sila diyan sa loob!”Bigla namang natakot si Andrew na parang kaharap niya si kamatayan dahil sa mga binitawang salita ni Sebastian.“Ang hotel na ito ay kilala sa pangalang CG Hotel na isa sa pagmamay-ari ng mga Castro. Isa ito sa mga malalaking Love Hotel ng Makati City. Ang pagkakaalam ko ay dito palaging dinadala ni Adrien Castro ang mga babae niya,” paliwanag ni Andrew sa kanya.Napatitig si Sebastian sa mga ito. Ang pagkakatanda ni Sebastian ay sinabi ni Allison na may pag-uusapan silang billion project kasama si Adrien Castro subalit masama ang kanyang pakir

    Last Updated : 2024-09-11
  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 17

    Biglang nagbago ang reaksyon sa magandang mukha ni Allison at sinipa niya si Adrien kaya nakaalis siya mula sa pagkakahiga.“Ano bang ginagawa mo, Adrien!?” gulat niyang tanong sa lalaki.“Anong ginagawa ko?” aniya na ngayon ay nakangisi na habang naglalakad patungo sa direksyon ni Allison.“Anong klaseng tao ka para magpanggap sa harapan ko? Sa tingin mo ba ay hindi ko alam na nagpagawa ka ng certificate sa lalaking nagngangalang Sebastian Lazaruz?” usal ni Adrien. “Dudurugin ko muna ang mga buto ng lalaking 'yon bago niya ako maunahan. Ngayon, papatunayan ko sa 'yo kung ano ang totoong lalaki!”Agad namang sinunggaban si Allison ni Adrien na parang isang gutom na lobo. Mabilis na tumakbo si Allison patungo sa pinto pero sarado ang pinto at hindi niya ito mabuksan.Namutla si Allison dahil doon. Sinisisi niya ang sarili dahil sa katangahan. Ang akala niya ay kahit gaano pa man kayabang si Adrien Castro ay aalagaan nito ang kanyang pangalan at hindi siya gagawa ng kahit anong gulo. Sub

    Last Updated : 2024-09-11
  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 18

    Biglang natahimik ang kabilang linya subalit pagkatapos ng ilang segundo ay muling nagsalita si David na kinakabahan.“Is this for real? Are you finally back, Hades?” gulat na tanong ni David sa kanya. “Yes, and I want to start today!” aniya at pagkatapos niyang sabihin ito, mabilis niyang pinatay ang cellphone. Parang isang pumuputok na bulkan ang dibdib ngayon ni Sebastian, ang kanyang tainga ay napuno ng mga sigaw ni Allison na humihingi ng tulong, at dahil do'n hindi na kinaya pa Sebastian. Humingi ng tawad si Allison sa kanya at hindi sila magkakampi ni Adrien. Naayos na ang kanilang hindi pinagkakaunawaan ngunit na sa panganib pa rin ang buhay nito. Kailangan niyang iligtas ang babae. At sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam siya ng isang malakas na kumpyansa sa kanyang sarili na halos ito na lamang ang laman ng kanyang isip. Ililigtas niya ito dahil sisiguraduhin niyang siya ang unang lalaki ni Allison.Ngayon, hindi na siya isang malabong clerk dahil muli na ni

    Last Updated : 2024-09-11
  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 19

    “Inuutusan kitang iwanan mo na ako ngayon din at bilang boss mo, kailangan mong sumunod sa 'kin. Tumakas ka na habang may pagkakataon pa!”Mas lalo lamang lumakas ang takot na nadarama ni Allison sa mga oras na ito habang ang kanyang katawan ay nanginginig pa.Nanatiling tikom ang bibig ni Sebastian at wala man lang itong sinabi kay Allison. Bigla niya na lang hinila ang baywang ni Allison gamit ang kanyang isang kamay. Sa walang pagdadalawang isip, binuhat niya ito gamit ang kanyang braso.“Magulo na ang buhay ko ngunit sigurado akong hindi ako basta-bastang mapapatay,” ani Sebastian sa nakangising mukha.Mahigpit na hinawakan ni Sebastian ang seksing mga paa ni Allison gamit ang kanyang dalawang mga kamay. Ang magaspang at malaking kamay ni Sebastian ay biglang nahawakan ang malambot at makinis na balat ni Allison. Higit sa lahat ay hindi sinasadyang masagi ni Sebastian ang kanyang mabibilog na puwet.Biglang namula ang pisngi ni Allison na para bang hindi siya makapaniwala at kahit

    Last Updated : 2024-09-11
  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 20

    “Maaari mong gawin lahat ng gusto mong gawin sa kanya. Pwede mo siyang panuorin habang hinuhubad ang kanyang mga saplot hanggang sa lumantad na ang kanyang hubad na katawan, habang siya ay naliligo, at higit sa lahat pwede mo siyang gawing pampainit sa kama. Iyan ba ang kinagagalit mo ngayon?” sabi ni Adrien. “Hindi ba ito naman ang gusto mong mangyari diyan sa kalooban mo?”Nang marinig naman ito ni Allison, pakiramdam niya ay tumigil sa pagtibok ang puso niya. Ang kanyang mukha ay muli na namang namutla na para bang nawawalan na siya ng dugo.Mabilis niyang inayos ang butones ng kanyang suot ngayon upang itago ang kanyang katawan. Sa isip ni Allison ay alam niyang walang sinong lalaki ang maaaring tumanggi sa sinabi ni Adrien.Samantala, rinig na rinig naman ni Allison ang mabibilis na paghinga ni Sebastian at alam niyang namangha ang lalaki sa mga sinabi ni Adrien kaya naman ganoon na lang ang paninikip ng dibdib niya.“Miss Villareal,” ani Sebastian kaya naman bigla siyang kinabaha

    Last Updated : 2024-09-11
  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 21

    “Silence and stop arguing!”Hindi maipinta ang mukha ni Sebastian nang sabihin niya ang mga salitang ito sa kanilang lahat.Biglang tumahimik ang mga dumating na lalaki. Walang kahit anong tunog na maririnig mula sa kanila.Nanginig bigla ang mga binti ni Adrien at para bang babagsak na siya sa lupa, habang ang kanyang mukha ay pinagpapawisan na ng malamig. Lahat sila ay sumunod kay Sebastian.“Ikaw ang nagpatawag kay Andrew Cuevas?” takang tanong ni Allison. Maski ito ay hindi maiwasang magtanong.“Bilisan niyo!” sigaw naman ni Adrien sa kanyang mga tauhan. “Tawagan niyo ang ama ko na magpadala ng mga tauhan natin dahil napapalibutan na tayo ng maraming mga tauhan galing sa underground!”“Boss walang signal dito. Pinatay ang signal!” sagot naman ng tauhan ni Adrien sa kanya.“Paano ang mga tao sa baba? Bakit nagpapadala sila ng maraming tauhan?”Pakiramdam ni Adrien ay mababaliw na siya sa mga nangyayari ngayon. Kung anu-ano na lang ang pumapasok sa kanyang isip dahil dito.‘Dahil ba

    Last Updated : 2024-09-11
  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 22

    “'Wag kang magkamaling hubarin 'yan!”Sa hindi inaasahan, biglang hinila ni Sebastian ang kamay ni Allison nang mahigpit habang ang kanyang mga mata ay nanlilisik.“Kung may isang tao sa mundong ito na pwedeng makita ang buong katawan at pagkatao mo ay ako 'yon. Wala ng ibang makakakita diyan bukod sa 'kin!” ani Sebastian sa kanya at saka nagpatuloy, “What's the matter if he's the first master underground world killer? I have killed many people as well.”Biglang natuod sa kanyang direksyon si Allison lalo na sa unang sinabi ni Sebastian sa kanya. Hindi pa man siya nakakabawi natuod na naman siya dahil sa malamig na titig mula sa kalaban sa kanilang harapan.“Master Nathaniel, someone dares to look down on you,” nakangising sabi ni Adrien kay Nathaniel.“Matalim ang bibig ng lalaking 'yan. Matagal na panahon na hindi ako nakakapatay kaya oras na para ihanda mo 'yang lakas mo!” sagot naman ni Nathaniel.“Patayin mo si Sebastian, Master Nathaniel at akin naman si Allison!” sambit ni Adrie

    Last Updated : 2024-09-11
  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 23

    Hindi makapaniwala si Adrien sa kanyang narinig at nanatili siyang tikom.“Then I declare that all of these fingers really touched her?” ani Sebastian habang magkasalubong ang dalawang kilay.Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon, agad na dinurog ni Sebastian ang kanyang sampung mga daliri. Biglang dumugo ang mga kamay ni Adrien at napasigaw ng malakas. Bumagsak ang kanyang katawan sa sahig.Gamit ang kanyang paa, tinapakan ni Sebastian ang ulo ni Adrien at diniinan. Nagpumiglas si Adrien subalit wala itong silbi sa lakas ng pag-apak ni Sebastian sa kanya.“Huwag kang mag-alala dahil hindi sa ganitong paraan matatapos ang buhay mo,” ani Sebastian kay Adrien at saka nag-angat ng tingin. Inilibot niya ang kanyang ulo at nakita ang mga naiwan sa tauhan ni Adrien saka siya nagsalita muli. “Patayin niyo ito at hahayaan ko kayong mabuhay.”Mabilis namang lumapit ang mga tauhan ni Adrien at saka sinimulan nila itong suntukin at tadyakan ang kanilang amo pagkatapos ito bitawan ni Seb

    Last Updated : 2024-09-11

Latest chapter

  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 100

    Mariing sinampal ni Nicole sa mukha si Mark pagkatapos ng mga sinabi nito dahil sa galit niya.“Huwag mong kalimutan na ako si Nicole ng pamilya Navarro mula sa isang baranggay ng syudad na ito at hindi ako basta-bastang babaeng galing sa club!” aniya na may malamig na ekspresyon habang nagpatuloy. “Ang paghawak sa akin ay may kapalit!”Matapos iyon, itinaas niya ang kanyang baba nang may pagmamataas at akmang aalis na sa kotse ngunit malupit na hinablot ni Mark ang buhok ni Nicole, hinila siya pabalik sa kabilang dulo ng kotse, at ibinalibag nang marahas sa upuan.“Nasa harap na kita, pero mayabang ka pa rin!” nanggagalaiti si Mark nang sabihin niya ‘yon. “Huwag mong kalimutan na wala ka sa baranggay niyo kung hindi ay nasa lungsod ka. Kahit gaano kalakas ang pamilya Navarro, hindi kayang talunin ng isang dragon ang lokal na ahas!”Napatingin ito sa unahan at agad na sumigaw. “Umalis na tayo. Iwanan na ang mga tao sa likod natin!”Sumibad nang mabilis ang sasakyan na nag-iiwan ng alik

  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 99

    Samantala, natanggap naman ni Nicole ang ulat mula kay Manong Jose tungkol sa limang mga lalaki mula sa pamilya Romero ang pinatay malapit sa Supreme Club.“Sino ang maglalakas-loob na patayin ang mga miyembro ng isa sa mga kilalang pamilya?” gulat na tanong ni Nicole.Malalim na bumuntong-hininga si Manong Jose at saka sumagot, “Miss, si Sebastian po ang may kagagawan.”“Si Sebastian na naman? Bakit ba palagi siyang nagdadala ng problema sa akin?” ani Nicole at malalim na huminga.Pagkarinig ng pangalan ni Sebastian, nakaramdam nang matinding sakit ng ulo si Nicole.Hindi pa man ganap na nalulutas ang mga isyu nito kay Grace Lopez at Daniel Castro, ngayon naman ay hinatak ni Sebastian ang sarili sa pamilya Romero. Subalit, sa kabila ng kanyang walang takot at pabiglang ugali, dito rin nahuhulog ang loob ni Nicole sa kanya.“Ihanda ang sasakyan. Ako na mismo ang makikipagkita sa anak ng pamilya Romero,” utos niya sa tauhan.Nang gabi din na ‘yon, naglakad si Mark Romero kasama ang kany

  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 98

    “Pupunta ako ngayon din!”Pagkababa ng telepono agad na inutusan ni Mark ang kanyang mga tauhan.“Hanapin niyo ang lahat ng impormasyon tungkol sa isang Sebastian Lazarus.”“Boss, ayon sa nakalap namin, si Sebastian ay dalawampu’t limang taong gulang. Nagsilbi siya sa Hilagang Teritoryo ng Mindanao sa loob ng pitong taon at nagtapos ng high school. Sa kasalukuyan, nagtatrabaho siya bilang isang team leader sa sales department ng Villareal Group,” sabi sa kanya ng inutusan niyang imbestigador.“Isa lang pala siyang mababang uri!” ngising sabi ni Mark habang nagre-relax sa kanyang mamahalin na upuan. “Mukhang masyadong naging mababa na ang profile ng pamilya Romero sa matagal na panahon at akala ng ibang tao ay hindi na tayo dapat katakutan. Ngayong gabi, nawalan tayo ng limang magagaling na mga killers. Gusto kong palitan iyon ng katumbas sa nawala sa atin!”Tumindi ang galit sa mga mata ni Mark habang mariing nakakuyom ang kanyang kamao nang lumabas ang mga salitang iyon mula sa kanya.

  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 97

    “Ako, papatayin mo? Narinig ko ba iyon nang tama?”Hinawakan pa ni Enzo ang kanyang tiyan at tumawa nang nakakabaliw kahit pa man na duguan na ito.“Alam mo ba kung anong ginagawa mo? Ang pagbabanta sa isang miyembro ng pamilya Romero ay ang pinakamabilis na paraan upang makaharap mo si kamatayan!?” dagdag pa niya.Sa isang sulok naman ay nanginginig sina Liam at Sophia dahil sa takot sa mga nangyayari ngayon.“Hindi mo kayang hamunin ang mga taong ‘yan, Sebastian. Hindi natin sila kayang tapatan!” ani Sophia at pinaalala sa kanya ang tungkol doon.“Edgar, patayin mo siya! Ako na ang bahala sa ‘yo!” sigaw ni Enzo sa mga kasamahan niya sa loob ng silid. Agad na humakbang ang isa sa mga killer ng pamilya Romero upang patayin si Sebastian.Para sa mga lalaking ito, ang pagpatay ng isang karaniwang tao ay katumbas lamang ng ilang salapi. Akmang susugurin na ni Edgar si Sebastian ng kanyang nakamamatay na suntok ngunit biglang tumigil ang kamay nito sa ere, tila naninigas at hindi na maigal

  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 96

    Natigilan naman si Sebastian sa kanyang narinig dahil parang narinig niya na ang pangalan ng lalaki.‘Enzo Romero? Hindi ba ito ang lalaking inutos ni Allison sa ‘kin para singilin ang utang nila?’ tanong ni Sebastian sa isip niya.“Iba ka talaga, Tres. Talong-talo mo na ang mga matagal ng masahista sa lugar na ito!” ani Enzo at tila kumislap pa ang mga mata nito sa tuwa nang makita Sophia. “Grabe! Kayang-kaya kong tamasahin ito nang buong taon!”“Mga masahista sila dito, hindi mga pokpok mula sa kung saan-saang eskinita. Maling lugar ang pinuntahan mo, Gago!” singhal ni Sebastian sa kanya.“Hindi ba’t pare-pareho lang naman silang lahat na nagbebenta ng sarili nila?” nakangising tugon ni Enzo sa mayabang na boses.Bago pa man tuluyang magalit si Sebastian, mabilis na sumingit si Sophia at mahinang bumulong sa kanya, “Sebastian, ayos lang ako. Kung kakailanganin, paglilingkuran ko na lang si Enzo. Huwag kang makikipagsagutan sa mga tao mula sa pamilya Romero dahil ang pamilyang ito ay

  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 95

    “Syempre naman totoo. Ang kaso lang, gumastos nang malaki ang may-ari para kumuha ng magagandang babae bilang mga masahista para makaakit ng mga kliyente!”Mabilis pa sa kidlat na sumagot si Liam habang ang ngiti nito ay abot hanggang tenga.“Ilang mayayaman na ang pumupunta dito para lang sa benepisyo sa kalusugan ngunit ang ilan sa kanila ay nandito dahil sa mga magagandang masahista,” dagdag na sabi pa ni Liam sa kanya.Dahil hindi matanggihan ang masiglang pag-anyaya ni Liam, napilitan si Sebastian na sumama sa kanya papasok. Agad lumapit ang manager ng lobby sa kanilang dalawa.“Kayong dalawa ba ay para ba sa foot bath o masahe?” tanong ng manager. “Ang foot bath ay dalawang daan sa isang oras, ang masahe naman ay tatlong daan para sa isang oras, at may karagdagang bayad para sa sobrang oras.”“Unang beses ng kasamahan ko dito kaya syempre kunin na natin ang pinakamaganda. Tatlong daan para sa masahe sa kasama ko, Miss!” nakangiting sabi ni Liam sa manager na nasa lobby.Nanlaki n

  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 94

    Habang iniisip si Sebastian, naramdaman ni Gabriel ang sobrang pangamba na ngayon lang nangyari sa kanya pagkatapos niyang makaharap si Sebastian.“Parang hindi ko pa magagawang kumilos laban kay Allison Villareal sa ngayon at wala ring kwenta si Isagani. Kailangan kong makahanap ng bagong mga kakampi. Pero sino ang maaaring sumalungat kay Allison?” ani Gabriel at pinag-isipan niya ito nang ilang sandali, at bigla siyang nakaisip ng ideya. “Ang pamilya Villareal. Sila ang maaaring makatulong sa ‘kin!” ****Kinabukasan, sa Villareal Company…Isang miyembro ng pamilyang Villareal na kadalasa’y may maayos na relasyon kay Allison ay nakaupo sa kanyang opisina ngayon.“Allison, bagamat ang tatlumpung bilyong investment mula sa mga pangunahing grupong pampinansyal ay pansamantalang nagligtas sa Villareal Group mula sa krisis noong nakaraang pagkakataon…” ani Marvin sa kanya saka nagpatuloy, “Hindi basta-basta susuko ang pamilya Castro at si Grace Lopez ng Australia Consortium. Narinig kong

  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 93

    Ngunit ilang segundo lang, marahas na binuksan ni Jericho ang pinto ng sasakyan nila. Sa kabila man nang kanyang natamong mga sugat, tila malakas pa rin ito dahil nagawa niyang pwersahin ang pinto ng sasakyan kahit nagtulungan na sina Allison at Nicole para pigilan ito. Nagtagumapay ito kaya naman ay napasinghap na lang si Nicole sa takot.“S-Sino ka? Kung pera ang gusto mo, maibibigay namin ‘yon basta’t huwag mo lang kaming saktan!” sambit ni Allison na bakas ang takot sa tono niya.“Pera? Hindi ko kailangan ng pera. Kayo ang mga babae ni Sebastian, hindi ba? Well, gusto ko lang patayin kayo!” ani Jericho na nakangisi habang nakatingin sa kanilang dalawa.Bigla naman na may dumating na pito hanggang walong mga bouncer ng bar sa kanilang direksyon.“Halos napatay na natin si Jericho kanina. Bakit buhay pa rin ito hanggang ngayon?” takang tanong ng isa sa mga lalaki.“Wala nang oras para mag-isip. Dakpin niyo na ‘yan at tapusin ito bago pa malaman ni Queen Jas at pagalitan tayo!” sambit

  • Ang Boyfriend Kong Kinatatakutan Ng Lahat   Kabanata 92

    “Anong iniisip mo?”Napakunot ang noo ni Sebastian nang tanungin siya ni Abigail habang hawak-hawak niya pa rin ito. Sa isang mabilis na galaw, itinusok ni Sebastian ang isang karayom sa kanyang puwitan.Matapos ang ilang sandali lang, nagsimulang manginig ang katawan ni Abigail at napagtanto niyang mabilis na bumabalik ang kanyang enerhiya.“Wala na ba ang lason sa buong katawan ko?” tanong ni Abigail at tila namangha pa nang maramdamang naibalik na ang buong kakayahan ng kanyang katawan. “G-ginamot mo ba ako?”“Ano sa tingin mo? Iniisip mo ba dadalhin kita sa hotel?” tanong ni Sebastian at sinamahan pa ng isang tawa na puno ng pang-aasar ang boses. “Maganda ang hugis ng puwitan mo. Eksakto sa tipo na aaprubahan ng nanay ko.”“Hayop ka!” singhal na sabi ni Abigail habang nagtatagis ang ngipin sa hiya at galit. Itinaas pa niya ang kanyang binti para sipain ito nang malakas, ngunit madaling nahawakan ni Sebastian ang kanyang paa sa ere. Mahigpit niya itong hinawakan.“Iniligtas na nga k

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status