“Maaari mong gawin lahat ng gusto mong gawin sa kanya. Pwede mo siyang panuorin habang hinuhubad ang kanyang mga saplot hanggang sa lumantad na ang kanyang hubad na katawan, habang siya ay naliligo, at higit sa lahat pwede mo siyang gawing pampainit sa kama. Iyan ba ang kinagagalit mo ngayon?” sabi ni Adrien. “Hindi ba ito naman ang gusto mong mangyari diyan sa kalooban mo?”Nang marinig naman ito ni Allison, pakiramdam niya ay tumigil sa pagtibok ang puso niya. Ang kanyang mukha ay muli na namang namutla na para bang nawawalan na siya ng dugo.Mabilis niyang inayos ang butones ng kanyang suot ngayon upang itago ang kanyang katawan. Sa isip ni Allison ay alam niyang walang sinong lalaki ang maaaring tumanggi sa sinabi ni Adrien.Samantala, rinig na rinig naman ni Allison ang mabibilis na paghinga ni Sebastian at alam niyang namangha ang lalaki sa mga sinabi ni Adrien kaya naman ganoon na lang ang paninikip ng dibdib niya.“Miss Villareal,” ani Sebastian kaya naman bigla siyang kinabaha
“Silence and stop arguing!”Hindi maipinta ang mukha ni Sebastian nang sabihin niya ang mga salitang ito sa kanilang lahat.Biglang tumahimik ang mga dumating na lalaki. Walang kahit anong tunog na maririnig mula sa kanila.Nanginig bigla ang mga binti ni Adrien at para bang babagsak na siya sa lupa, habang ang kanyang mukha ay pinagpapawisan na ng malamig. Lahat sila ay sumunod kay Sebastian.“Ikaw ang nagpatawag kay Andrew Cuevas?” takang tanong ni Allison. Maski ito ay hindi maiwasang magtanong.“Bilisan niyo!” sigaw naman ni Adrien sa kanyang mga tauhan. “Tawagan niyo ang ama ko na magpadala ng mga tauhan natin dahil napapalibutan na tayo ng maraming mga tauhan galing sa underground!”“Boss walang signal dito. Pinatay ang signal!” sagot naman ng tauhan ni Adrien sa kanya.“Paano ang mga tao sa baba? Bakit nagpapadala sila ng maraming tauhan?”Pakiramdam ni Adrien ay mababaliw na siya sa mga nangyayari ngayon. Kung anu-ano na lang ang pumapasok sa kanyang isip dahil dito.‘Dahil ba
“'Wag kang magkamaling hubarin 'yan!”Sa hindi inaasahan, biglang hinila ni Sebastian ang kamay ni Allison nang mahigpit habang ang kanyang mga mata ay nanlilisik.“Kung may isang tao sa mundong ito na pwedeng makita ang buong katawan at pagkatao mo ay ako 'yon. Wala ng ibang makakakita diyan bukod sa 'kin!” ani Sebastian sa kanya at saka nagpatuloy, “What's the matter if he's the first master underground world killer? I have killed many people as well.”Biglang natuod sa kanyang direksyon si Allison lalo na sa unang sinabi ni Sebastian sa kanya. Hindi pa man siya nakakabawi natuod na naman siya dahil sa malamig na titig mula sa kalaban sa kanilang harapan.“Master Nathaniel, someone dares to look down on you,” nakangising sabi ni Adrien kay Nathaniel.“Matalim ang bibig ng lalaking 'yan. Matagal na panahon na hindi ako nakakapatay kaya oras na para ihanda mo 'yang lakas mo!” sagot naman ni Nathaniel.“Patayin mo si Sebastian, Master Nathaniel at akin naman si Allison!” sambit ni Adrie
Hindi makapaniwala si Adrien sa kanyang narinig at nanatili siyang tikom.“Then I declare that all of these fingers really touched her?” ani Sebastian habang magkasalubong ang dalawang kilay.Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon, agad na dinurog ni Sebastian ang kanyang sampung mga daliri. Biglang dumugo ang mga kamay ni Adrien at napasigaw ng malakas. Bumagsak ang kanyang katawan sa sahig.Gamit ang kanyang paa, tinapakan ni Sebastian ang ulo ni Adrien at diniinan. Nagpumiglas si Adrien subalit wala itong silbi sa lakas ng pag-apak ni Sebastian sa kanya.“Huwag kang mag-alala dahil hindi sa ganitong paraan matatapos ang buhay mo,” ani Sebastian kay Adrien at saka nag-angat ng tingin. Inilibot niya ang kanyang ulo at nakita ang mga naiwan sa tauhan ni Adrien saka siya nagsalita muli. “Patayin niyo ito at hahayaan ko kayong mabuhay.”Mabilis namang lumapit ang mga tauhan ni Adrien at saka sinimulan nila itong suntukin at tadyakan ang kanilang amo pagkatapos ito bitawan ni Seb
“Sebastian? Anong ginagawa mo sa lugar na ito at—”Hindi makapaniwala si Nicole nang makita niya si Sebastian at bago pa niya matapos ang sasabihin ay biglang umalis si Sebastian na parang isang hangin lamang. Dinaanan lamang siya nito.“Weird,” sabi ni Nicole na nagtataka. Mabilis naman siyang nagpatuloy sa paglalakad na agad pumasok sa kwarto kung saan naroroon si Allison.Subalit ang kanyang nadatnan ay muling nagpagulat sa kanya. Nakita niya si Adrien Castro na ngayon ay nakahandusay sa sahig, wasak ang kamay at binti nito. Halos hindi bababa sa dalawampung bangkay ang nakakalat sa buong paligid.‘Sino ang gumawa nito sa 'yo?’ tanong ni Nicole sa kanyang isip habang nakatitig pa rin kay Adrien.Bigla namang sumagi sa isip ni Nicole si Sebastian na nakasalubong niya at tumatakbo.‘Maaari bang siya ang may gawa nito?’ aniya sa kanyang isip.“Hmm...”Sa sandaling ito, bigla namang nagising si Allison mula sa pagkakatulog.“Allison!” agad namang nilapitan ni Nicole si Allison upang yak
Ang lalaking nagsalita ay walang iba kung hindi ang nakababatang kapatid ni Elizabeth na si Jericho. Napagbintangan itong nakapatay ilang taon na rin ang nakalipas at kalalabas lang niya dalawang taon na ang lumipas.“Ma!” sambit ni Sebastian, ang kanyang ekspresyon ay galit na. “Leave my mother alone, or you will regret—”“Ibigay mo muna sa akin ang hinihingi ko!” sagot naman ni Jericho.“Ako ang harapin mo!” galit namang sabi ni Sebastian.“Huwag mong gawin 'yan, Sebastian!” sigaw naman ni Katrina, ang ina ni Sebastian sa namumutla nitong mukha at hinarap si Jericho. “Kami ang may kasalanan sa inyo. Walang kinalaman ang anak namin dito kaya huwag niyo na siyang idamay!”Inalis ni Jericho ang sigarilyo nito sa kanyang bibig at binitawan mula sa pagkakahawak si Katrina.“Mabait naman akong tao, Mrs. Lazarus. Hindi ko idadamay ang pamilya mo ng walang dahilan,” nakangiting sabi ni Jericho sa ina ni Sebastian saka nagpatuloy. “Mayroon akong katibayan na umutang ng pera ang asawa mo sa ak
“A-Anak, totoo ba 'yang sinasabi mo?”Maski si Katrina na ina ni Sebastian ay hirap paniwalaan ang sinasabi ng anak.“Maniwala ka lang sa akin, Ma,” sagot naman ni Sebastian sa ina.Napatitig si Katrina sa kanyang anak at nakita niya kung gaano ito ka sincere.“Alright,” ani ng ina ni Sebastian. “Naniniwala ako sa 'yo, Anak, dahil kilala kita. Anak kita, e!”Ngumiti si Sebastian at nagtungo sa kwarto para kumuha ng papel at ballpen. Gumawa siya ng letter at saka binigay ito sa pamilya Agoncillo.“This note is the proof that we already give the house and our land to your names. We don't owe anything to all of you anymore after this, so sign it now,” malamig na sabi ni Sebastian.Natuwa naman si Jericho sa kanyang nalaman kaya agad siyang pumirma. “This is all good, and I promise not to harass your family anymore!”Ikinatuwa naman ito ni Cynthia, Elizabeth, at ni Jericho dahil hindi nila inaasahan na makukuha nila agad ang bahay at lupa. Katawa-tawa naman si Sebastian para sa kanila dahi
Isang malakas na sampal na siyang nagpatumba sa security guard sa sahig at nabagok ang ulo nito sa semento.Sa harapan ng lahat, yumuko si Manager Ethan upang kunin ang Hades Card na nahulog sa sahig. Gamit ang kanyang mamahaling coat, pinahiran niya ang dumi. Isang malakas na paghinga ang binitawan nito saka ibinigay kay Sebastian ang card niya.“I'm sorry for the inconvenience, Mr. Lazarus. The security guard is just new and he didn't know the rules yet, that's why he attacked you. And as the owner of Magallanes Village, you have the right to punish this security guard if you want,” sabi ni Ethan sa magalang na boses.Isang nakakabinging katahimikan ang nangyari sa paligid nang sabihin iyon ng manager. Natigilan sila at halos mahulog na ang mga panga. Hindi nila inaasahan na ang may-ari ng Magallanes Village na ito ay si Sebastian Lazarus pala.Hindi makapaniwala si Elizabeth sa kanyang nalaman at hindi napigilang mag-react. “P-Paano siya ang—”Hindi na natapos ni Elizabeth ang kanya