“A-Anak, totoo ba 'yang sinasabi mo?”Maski si Katrina na ina ni Sebastian ay hirap paniwalaan ang sinasabi ng anak.“Maniwala ka lang sa akin, Ma,” sagot naman ni Sebastian sa ina.Napatitig si Katrina sa kanyang anak at nakita niya kung gaano ito ka sincere.“Alright,” ani ng ina ni Sebastian. “Naniniwala ako sa 'yo, Anak, dahil kilala kita. Anak kita, e!”Ngumiti si Sebastian at nagtungo sa kwarto para kumuha ng papel at ballpen. Gumawa siya ng letter at saka binigay ito sa pamilya Agoncillo.“This note is the proof that we already give the house and our land to your names. We don't owe anything to all of you anymore after this, so sign it now,” malamig na sabi ni Sebastian.Natuwa naman si Jericho sa kanyang nalaman kaya agad siyang pumirma. “This is all good, and I promise not to harass your family anymore!”Ikinatuwa naman ito ni Cynthia, Elizabeth, at ni Jericho dahil hindi nila inaasahan na makukuha nila agad ang bahay at lupa. Katawa-tawa naman si Sebastian para sa kanila dahi
Isang malakas na sampal na siyang nagpatumba sa security guard sa sahig at nabagok ang ulo nito sa semento.Sa harapan ng lahat, yumuko si Manager Ethan upang kunin ang Hades Card na nahulog sa sahig. Gamit ang kanyang mamahaling coat, pinahiran niya ang dumi. Isang malakas na paghinga ang binitawan nito saka ibinigay kay Sebastian ang card niya.“I'm sorry for the inconvenience, Mr. Lazarus. The security guard is just new and he didn't know the rules yet, that's why he attacked you. And as the owner of Magallanes Village, you have the right to punish this security guard if you want,” sabi ni Ethan sa magalang na boses.Isang nakakabinging katahimikan ang nangyari sa paligid nang sabihin iyon ng manager. Natigilan sila at halos mahulog na ang mga panga. Hindi nila inaasahan na ang may-ari ng Magallanes Village na ito ay si Sebastian Lazarus pala.Hindi makapaniwala si Elizabeth sa kanyang nalaman at hindi napigilang mag-react. “P-Paano siya ang—”Hindi na natapos ni Elizabeth ang kanya
Hindi alam ni Sebastian kung matatawa siya o maluluha dahil sa sinabi ni Allison sa kanya. Ang babaeng ginamit at iniligtas niya ay nanatiling malamig pa rin ang pakikitungo sa kanya. Walang ibang pagpipilian si Sebastian kung hindi ang umalis at pumunta sa bahay ni Allison.Pagkarating niya sa bahay ng babae, nadatnan niya ito na nakasuot pa rin ng kanyang professional attire, nakaupo sa sofa at nakadekwarto ang binti. Tinitigan siya ng masama ni Allison.“Where have you been all this time?” tanong ni Allison sa kanya.“I helped my mother move to a new home,” kalmadong sagot ni Sebastian.Nang marinig ni Allison ang sinabi ni Sebastian, mas lalo lamang siyang nagalit. “I can't believe you just let me got stuck in the hotel, and you never helped me. Well, what did I expect from you?”“Hindi pa ba gumagaling ang sugat niyo, Miss Villareal? May masakit pa rin ba sa 'yo?” nag-aalalang tanong ni Sebastian sa kanya.“Paano mo nalaman na may sugat ako?” tanong ni Allison sa hindi makapaniwal
Ang ibabang bahagi ng tiyan ni Allison ay bahagyang nakalabas na at nakataas ang kanyang mga binti.Nang makita ni Allison si Sebastian ay bigla siyang nagulat.“S-Sino ang nagsabi sa 'yo na pumasok ka dito sa loob? U-Umalis ka na o baka... baka... ano pang magawa ko sa 'yo!”Malakas na paghinga ang ginawa ni Allison nang magsalita siya habang nagmamasid kay Sebastian dahil sa takot niya na maulit ang nangyari noon sa opisina.Tinitigan naman nang maigi ni Sebastian si Allison sa kanyang mukha at saka siya nagsalita. “Wala akong balak na masama sa 'yo, Miss Villareal. Parang hindi ka mapakali,masusuri ko?”Natahimik naman si Allison pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Sebastian.“Pinagpapawisan ka na at hindi 'yan magandang senyales na nasa mabuti kang kondisyon. Kung hahayaan mo lang ito at mananatili kang ganyan, mahihirapan kang tumawag ng ambulansya,” ani Sebastian sa kanya.“Fine, but you just have to watch. Don't you dare move your hands and feet!” singhal niya kay Allison ha
“Pero bakit?”Sabay na naman na nagtanong ang dalawa subalit mas natuon na ang kanilang atensyon sa window clerk.“This based on the guidelines and also because of the fact that you've just gotten married and seem so thoughtful, which appears that you two are like a model couple,” paliwanag ng babae at saka nagpatuloy. “Mukha namang nagmamahalan kayong dalawa at isa pa, bakit naman namin bubuwagin ang pinagtapo ng maykapal?”Biglang natahimik ang dalawa. Hindi sila makapaniwala na mabanggit ang salitang pagmamahal at pagtatambal galing sa langit. Hindi pa nga nila kilala ang bawat isa dalawang araw na ang nakalipas.“Anong klaseng rules ba meron kayo? Bakit hindi kami makahingi ng divorce?” nakataas ang dalawang kilay ni Allison nang sabihin niya 'yon sa babaeng clerk.“Maybe another month?” sambit ng babaeng clerk. “You have to wait until you leave this marriage registry.”“Kung 'yan ang nangyayari, siguro mananatili tayong kasal sa ngayon. Hindi ka pwedeng umalis at hintayin mo munan
“Saan ba tayo pupunta?”Hindi napigilan ni Sebastian na magtanong kay Nicole dahil nagtataka siya.“Malalaman mo mamaya kapag sumama ka sa 'kin,” sagot naman ni Nicole habang nakangiti. “At isa pa, si Allison ang nagsabi kaya hindi ka pwedeng tumanggi!”Nagsalubong ang dalawang kilay ni Sebastian dahil hindi niya maintindihan kung bakit uutusan ni Allison si Nicole na sunduin siya pagkatapos niyang magalit sa kanya. Pakiramdam ni Sebastian ay may hindi tama subalit hindi niya na inisip pa iyon.Minsan na siyang tinulungan ni Nicole noon kaya naman ay pumasok na siya ng sasakyan. Subalit sino ang mag-aakala na dadalhin pala siya ni Nicole sa isang bar.“Did Allison told you to bring me to the bar?” takang tanong ni Sebastian at tila nagulat pa dahil sa kanyang nalaman.“Ayaw mo bang pumasok sa loob para malaman mo kung bakit?” tanong ni Nicole at hinila siya sa loob saka pinaupo sa isang upuan habang ang kamay ng babae ay pinaglalaruan na ang buhok ni Sebastian. “Ang totoo niyan, wala t
Biglang nandilim ang reaksyon ni Christian dahil sa sagot ni Sebastian.“Mukha namang may kaya ka,” ani Christian at nagpatuloy, “Anong kumpanya mo at umaabot din ba ang kita mo ng milyones sa isang buwan?”“Nagtatrabaho ako bilang isang empleyado sa sales department ng kumpanya ng mga Villareal at katatanggap ko lang bilang isang regular sa kanila. Sumasahod lang ako ng ilang libo sa loob ng isang buwan,” agad namang sagot ni Sebastian sa nagtanong.Nang marinig ito ng mga kaibigan ni Christian, tila biglang napalitan ng pagkagulat ang kanilang reaksyon.“Ilang libo lang!?” sabay na sabi nila.Tila hindi sila makapaniwala na may isang mababa na tao ang humalo sa kanilang grupo kung saan halos lahat sila ay milyones ang kinikita samantala si Sebastian ay libo lang ang kinikita sa loob ng isang buwan.Nagtawanan naman ang lahat dahil sa kanilang nalaman at isa-isang nagkomento.“'Yang libo mong sahod ay pambili ko lang ng isang damit ‘yan!”“Ang alaga ko namang aso ay libu-libo din ang
Dahil sa mga binanggit na salitang French ni Sebastian, natahimik ang lahat. Hindi nila mapigilang tingnan ang bawat-isa dahil hindi nila inaasahan na ang lalaki na ilang libo lang ang sahod ay marunong pala sa lenggwaheng French.Kahit ang French na chef ay nagulat rin at hindi gumagalaw. Dahil diyan, hindi napigilan ni Christian na matawa.“Kung wala ka naman talagang alam sa wikang French, ay 'wag ka na magpanggap. Tignan mo nga pati ang chef ay hindi ka maintindihan. Pinapahiya mo lang talaga ang sarili mo!” usal naman ni Christian kay Sebastian.Pagkatapos ng ilang minuto, nagbigay ng isang thumbs up sign ang French Chef at saka nagsalita.“Your fluency in French almost made me think that you have met one of our natives, Sir. Seems like you were born and raised in France because of the foods that you have known!” sabi naman ng chef kay Sebastian.Nang biglang lumabas ang mga salitang ito mula sa waiter, napanganga ang lahat na kahit si Christian ay nakatunganga lang hanggang sa ma
Mariing sinampal ni Nicole sa mukha si Mark pagkatapos ng mga sinabi nito dahil sa galit niya.“Huwag mong kalimutan na ako si Nicole ng pamilya Navarro mula sa isang baranggay ng syudad na ito at hindi ako basta-bastang babaeng galing sa club!” aniya na may malamig na ekspresyon habang nagpatuloy. “Ang paghawak sa akin ay may kapalit!”Matapos iyon, itinaas niya ang kanyang baba nang may pagmamataas at akmang aalis na sa kotse ngunit malupit na hinablot ni Mark ang buhok ni Nicole, hinila siya pabalik sa kabilang dulo ng kotse, at ibinalibag nang marahas sa upuan.“Nasa harap na kita, pero mayabang ka pa rin!” nanggagalaiti si Mark nang sabihin niya ‘yon. “Huwag mong kalimutan na wala ka sa baranggay niyo kung hindi ay nasa lungsod ka. Kahit gaano kalakas ang pamilya Navarro, hindi kayang talunin ng isang dragon ang lokal na ahas!”Napatingin ito sa unahan at agad na sumigaw. “Umalis na tayo. Iwanan na ang mga tao sa likod natin!”Sumibad nang mabilis ang sasakyan na nag-iiwan ng alik
Samantala, natanggap naman ni Nicole ang ulat mula kay Manong Jose tungkol sa limang mga lalaki mula sa pamilya Romero ang pinatay malapit sa Supreme Club.“Sino ang maglalakas-loob na patayin ang mga miyembro ng isa sa mga kilalang pamilya?” gulat na tanong ni Nicole.Malalim na bumuntong-hininga si Manong Jose at saka sumagot, “Miss, si Sebastian po ang may kagagawan.”“Si Sebastian na naman? Bakit ba palagi siyang nagdadala ng problema sa akin?” ani Nicole at malalim na huminga.Pagkarinig ng pangalan ni Sebastian, nakaramdam nang matinding sakit ng ulo si Nicole.Hindi pa man ganap na nalulutas ang mga isyu nito kay Grace Lopez at Daniel Castro, ngayon naman ay hinatak ni Sebastian ang sarili sa pamilya Romero. Subalit, sa kabila ng kanyang walang takot at pabiglang ugali, dito rin nahuhulog ang loob ni Nicole sa kanya.“Ihanda ang sasakyan. Ako na mismo ang makikipagkita sa anak ng pamilya Romero,” utos niya sa tauhan.Nang gabi din na ‘yon, naglakad si Mark Romero kasama ang kany
“Pupunta ako ngayon din!”Pagkababa ng telepono agad na inutusan ni Mark ang kanyang mga tauhan.“Hanapin niyo ang lahat ng impormasyon tungkol sa isang Sebastian Lazarus.”“Boss, ayon sa nakalap namin, si Sebastian ay dalawampu’t limang taong gulang. Nagsilbi siya sa Hilagang Teritoryo ng Mindanao sa loob ng pitong taon at nagtapos ng high school. Sa kasalukuyan, nagtatrabaho siya bilang isang team leader sa sales department ng Villareal Group,” sabi sa kanya ng inutusan niyang imbestigador.“Isa lang pala siyang mababang uri!” ngising sabi ni Mark habang nagre-relax sa kanyang mamahalin na upuan. “Mukhang masyadong naging mababa na ang profile ng pamilya Romero sa matagal na panahon at akala ng ibang tao ay hindi na tayo dapat katakutan. Ngayong gabi, nawalan tayo ng limang magagaling na mga killers. Gusto kong palitan iyon ng katumbas sa nawala sa atin!”Tumindi ang galit sa mga mata ni Mark habang mariing nakakuyom ang kanyang kamao nang lumabas ang mga salitang iyon mula sa kanya.
“Ako, papatayin mo? Narinig ko ba iyon nang tama?”Hinawakan pa ni Enzo ang kanyang tiyan at tumawa nang nakakabaliw kahit pa man na duguan na ito.“Alam mo ba kung anong ginagawa mo? Ang pagbabanta sa isang miyembro ng pamilya Romero ay ang pinakamabilis na paraan upang makaharap mo si kamatayan!?” dagdag pa niya.Sa isang sulok naman ay nanginginig sina Liam at Sophia dahil sa takot sa mga nangyayari ngayon.“Hindi mo kayang hamunin ang mga taong ‘yan, Sebastian. Hindi natin sila kayang tapatan!” ani Sophia at pinaalala sa kanya ang tungkol doon.“Edgar, patayin mo siya! Ako na ang bahala sa ‘yo!” sigaw ni Enzo sa mga kasamahan niya sa loob ng silid. Agad na humakbang ang isa sa mga killer ng pamilya Romero upang patayin si Sebastian.Para sa mga lalaking ito, ang pagpatay ng isang karaniwang tao ay katumbas lamang ng ilang salapi. Akmang susugurin na ni Edgar si Sebastian ng kanyang nakamamatay na suntok ngunit biglang tumigil ang kamay nito sa ere, tila naninigas at hindi na maigal
Natigilan naman si Sebastian sa kanyang narinig dahil parang narinig niya na ang pangalan ng lalaki.‘Enzo Romero? Hindi ba ito ang lalaking inutos ni Allison sa ‘kin para singilin ang utang nila?’ tanong ni Sebastian sa isip niya.“Iba ka talaga, Tres. Talong-talo mo na ang mga matagal ng masahista sa lugar na ito!” ani Enzo at tila kumislap pa ang mga mata nito sa tuwa nang makita Sophia. “Grabe! Kayang-kaya kong tamasahin ito nang buong taon!”“Mga masahista sila dito, hindi mga pokpok mula sa kung saan-saang eskinita. Maling lugar ang pinuntahan mo, Gago!” singhal ni Sebastian sa kanya.“Hindi ba’t pare-pareho lang naman silang lahat na nagbebenta ng sarili nila?” nakangising tugon ni Enzo sa mayabang na boses.Bago pa man tuluyang magalit si Sebastian, mabilis na sumingit si Sophia at mahinang bumulong sa kanya, “Sebastian, ayos lang ako. Kung kakailanganin, paglilingkuran ko na lang si Enzo. Huwag kang makikipagsagutan sa mga tao mula sa pamilya Romero dahil ang pamilyang ito ay
“Syempre naman totoo. Ang kaso lang, gumastos nang malaki ang may-ari para kumuha ng magagandang babae bilang mga masahista para makaakit ng mga kliyente!”Mabilis pa sa kidlat na sumagot si Liam habang ang ngiti nito ay abot hanggang tenga.“Ilang mayayaman na ang pumupunta dito para lang sa benepisyo sa kalusugan ngunit ang ilan sa kanila ay nandito dahil sa mga magagandang masahista,” dagdag na sabi pa ni Liam sa kanya.Dahil hindi matanggihan ang masiglang pag-anyaya ni Liam, napilitan si Sebastian na sumama sa kanya papasok. Agad lumapit ang manager ng lobby sa kanilang dalawa.“Kayong dalawa ba ay para ba sa foot bath o masahe?” tanong ng manager. “Ang foot bath ay dalawang daan sa isang oras, ang masahe naman ay tatlong daan para sa isang oras, at may karagdagang bayad para sa sobrang oras.”“Unang beses ng kasamahan ko dito kaya syempre kunin na natin ang pinakamaganda. Tatlong daan para sa masahe sa kasama ko, Miss!” nakangiting sabi ni Liam sa manager na nasa lobby.Nanlaki n
Habang iniisip si Sebastian, naramdaman ni Gabriel ang sobrang pangamba na ngayon lang nangyari sa kanya pagkatapos niyang makaharap si Sebastian.“Parang hindi ko pa magagawang kumilos laban kay Allison Villareal sa ngayon at wala ring kwenta si Isagani. Kailangan kong makahanap ng bagong mga kakampi. Pero sino ang maaaring sumalungat kay Allison?” ani Gabriel at pinag-isipan niya ito nang ilang sandali, at bigla siyang nakaisip ng ideya. “Ang pamilya Villareal. Sila ang maaaring makatulong sa ‘kin!” ****Kinabukasan, sa Villareal Company…Isang miyembro ng pamilyang Villareal na kadalasa’y may maayos na relasyon kay Allison ay nakaupo sa kanyang opisina ngayon.“Allison, bagamat ang tatlumpung bilyong investment mula sa mga pangunahing grupong pampinansyal ay pansamantalang nagligtas sa Villareal Group mula sa krisis noong nakaraang pagkakataon…” ani Marvin sa kanya saka nagpatuloy, “Hindi basta-basta susuko ang pamilya Castro at si Grace Lopez ng Australia Consortium. Narinig kong
Ngunit ilang segundo lang, marahas na binuksan ni Jericho ang pinto ng sasakyan nila. Sa kabila man nang kanyang natamong mga sugat, tila malakas pa rin ito dahil nagawa niyang pwersahin ang pinto ng sasakyan kahit nagtulungan na sina Allison at Nicole para pigilan ito. Nagtagumapay ito kaya naman ay napasinghap na lang si Nicole sa takot.“S-Sino ka? Kung pera ang gusto mo, maibibigay namin ‘yon basta’t huwag mo lang kaming saktan!” sambit ni Allison na bakas ang takot sa tono niya.“Pera? Hindi ko kailangan ng pera. Kayo ang mga babae ni Sebastian, hindi ba? Well, gusto ko lang patayin kayo!” ani Jericho na nakangisi habang nakatingin sa kanilang dalawa.Bigla naman na may dumating na pito hanggang walong mga bouncer ng bar sa kanilang direksyon.“Halos napatay na natin si Jericho kanina. Bakit buhay pa rin ito hanggang ngayon?” takang tanong ng isa sa mga lalaki.“Wala nang oras para mag-isip. Dakpin niyo na ‘yan at tapusin ito bago pa malaman ni Queen Jas at pagalitan tayo!” sambit
“Anong iniisip mo?”Napakunot ang noo ni Sebastian nang tanungin siya ni Abigail habang hawak-hawak niya pa rin ito. Sa isang mabilis na galaw, itinusok ni Sebastian ang isang karayom sa kanyang puwitan.Matapos ang ilang sandali lang, nagsimulang manginig ang katawan ni Abigail at napagtanto niyang mabilis na bumabalik ang kanyang enerhiya.“Wala na ba ang lason sa buong katawan ko?” tanong ni Abigail at tila namangha pa nang maramdamang naibalik na ang buong kakayahan ng kanyang katawan. “G-ginamot mo ba ako?”“Ano sa tingin mo? Iniisip mo ba dadalhin kita sa hotel?” tanong ni Sebastian at sinamahan pa ng isang tawa na puno ng pang-aasar ang boses. “Maganda ang hugis ng puwitan mo. Eksakto sa tipo na aaprubahan ng nanay ko.”“Hayop ka!” singhal na sabi ni Abigail habang nagtatagis ang ngipin sa hiya at galit. Itinaas pa niya ang kanyang binti para sipain ito nang malakas, ngunit madaling nahawakan ni Sebastian ang kanyang paa sa ere. Mahigpit niya itong hinawakan.“Iniligtas na nga k