Biglang nandilim ang reaksyon ni Christian dahil sa sagot ni Sebastian.“Mukha namang may kaya ka,” ani Christian at nagpatuloy, “Anong kumpanya mo at umaabot din ba ang kita mo ng milyones sa isang buwan?”“Nagtatrabaho ako bilang isang empleyado sa sales department ng kumpanya ng mga Villareal at katatanggap ko lang bilang isang regular sa kanila. Sumasahod lang ako ng ilang libo sa loob ng isang buwan,” agad namang sagot ni Sebastian sa nagtanong.Nang marinig ito ng mga kaibigan ni Christian, tila biglang napalitan ng pagkagulat ang kanilang reaksyon.“Ilang libo lang!?” sabay na sabi nila.Tila hindi sila makapaniwala na may isang mababa na tao ang humalo sa kanilang grupo kung saan halos lahat sila ay milyones ang kinikita samantala si Sebastian ay libo lang ang kinikita sa loob ng isang buwan.Nagtawanan naman ang lahat dahil sa kanilang nalaman at isa-isang nagkomento.“'Yang libo mong sahod ay pambili ko lang ng isang damit ‘yan!”“Ang alaga ko namang aso ay libu-libo din ang
Dahil sa mga binanggit na salitang French ni Sebastian, natahimik ang lahat. Hindi nila mapigilang tingnan ang bawat-isa dahil hindi nila inaasahan na ang lalaki na ilang libo lang ang sahod ay marunong pala sa lenggwaheng French.Kahit ang French na chef ay nagulat rin at hindi gumagalaw. Dahil diyan, hindi napigilan ni Christian na matawa.“Kung wala ka naman talagang alam sa wikang French, ay 'wag ka na magpanggap. Tignan mo nga pati ang chef ay hindi ka maintindihan. Pinapahiya mo lang talaga ang sarili mo!” usal naman ni Christian kay Sebastian.Pagkatapos ng ilang minuto, nagbigay ng isang thumbs up sign ang French Chef at saka nagsalita.“Your fluency in French almost made me think that you have met one of our natives, Sir. Seems like you were born and raised in France because of the foods that you have known!” sabi naman ng chef kay Sebastian.Nang biglang lumabas ang mga salitang ito mula sa waiter, napanganga ang lahat na kahit si Christian ay nakatunganga lang hanggang sa ma
“Please, don't touch me. I can give you money if you want!”Bakas sa mukha ni Nicole ang takot nang magsalita siya sa lalaking hawak-hawak siya ngayon.“Gusto ko ng pera pero mas gusto kitang makuha!” sagot naman nito habang nakangiti at walang pakialam sa sinabi ni Nicole.Desperada na si Nicole na makawala sa lalaking ito. Tila hindi natatakot ang lalaki kahit anong sabihin niya.Ilang sandali lang, may biglang humawak ng malakas sa malaking braso ng lalaki.“May I know how did you get your tattoo on your chest?” kalmado na tanong ni Sebastian sa lalaki.Tila nagulat ang lalaki dahil sa tanong ni Sebastian at napatingin sa tattoo niya sa kanyang dibdib.“Umalis ka sa daan ko! Huwag kang paharang-harang diyan!” sigaw niya kay Sebastian.Pagkatapos niyang sabihin 'yon, bigla na lamang lumipad ang lalaki palayo sa direksyon nito kanina. Tumama ang ulo nito sa semento at maraming dugo ang umagos doon. Mabuti na lang ay ibinaba ng lalaki si Nicole kanina nang magpumiglas siya kaya hindi s
“Tapos na ba kayo sa pagsasalita?”Walang emosyon na pinapakita si Allison nang sabihin niya ang mga salitang iyon.“As the executive vice president of the Villareal Group and under the administration of the nine departments, I will take the responsibility regarding the incident that happened,” dagdag pa ni Allison sa kanila.“Kaya mo bang harapin lahat ng 'yon? Malaki ang nawala, Allison!” galit na sabi ni Albert sa kanya.“Kalahating buwan lang ang mabibigay sa 'yo ng board of directors at kapag hindi 'yan maayos sa loob ng kalahating buwan, ikaw ang sisisihin at mabuti pang mag-resign ka na,” sabat naman ni Romulo.“Alright,” sagot ni Allison at tumayo na.Malamig ang ekspresyon niya nang iwanan lahat ng miyembro ng board ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay nagsimulang manginig ang mga kamay niya.Nang dahil sa nangyari kay Adrien ay siyang dahilan ng galit ng pamilya Castro at hindi sila titigil hangga't hindi nila madidiin ang Villareal Group.Alam ni Allison na matagal na inaa
Sa Villanueva Company, sa kasalukuyan...Dinala ni Andrew si Sebastian sa opisina ng presidente ng kumpanya sa pamamagitan ng sikretong daan papasok.Pagdating sa loob, nakahiga ang mayaman na si Tristan Villanueva sa kanyang kama na nakasuot ng hospital dress at kasalukuyang ginagamot ng isang matanda.“Ang sabi mo sa 'kin ay padadalhan mo ako ng isang milagrosong doctor para gamutin ako, Andrew. Nasaan na siya ngayon?” agad na sambit ni Tristan at napatingin siya sa direksyon ni Sebastian. “Pinaglalaruan mo lang ba ako?”Ngumiti naman si Andrew bilang tugon kay Tristan.“Huwag kang magsalita nang ganiyan. Ilan na rin na magagaling na doctor ang gumamot sa 'yo pero wala pa rin nangyari diyan sa sakit mo. Makakatulong ang taong ito sa 'yo,” sabi ni Andrew sa kanya.Nang marinig naman ito ni Tristan at ng matanda na gumagamot sa kanya ay bigla silang napangisi. Hindi sila naniniwala sa sinasabi ni Andrew.“Isa kang matapang na tao at hindi nagpapadala ngunit bakit mo hinahayaang maloko
Tila nagulat naman si Tristan sa kanyang nalaman at mabilis na nagbago ang kanyang isip.“Pasensya na po kayo sa mga nasabi ko, Sir Sebastian. Nakasalalay sa mga kamay niyo ang buhay ko,” sabi ni Tristan kay Sebastian.Wala namang pakialam si Sebastian sa sinabi ni Tristan at saka nagsalita. “Para kay Andrew, tutulungan kita.”Sinimulan niya na ang pagtingin sa pulso ni Tristan. “May isang mutated malignant tumor sa utak mo na nakakonekta sa iyong cranial nerve at hindi maaaring ma-operahan...”“Totoo 'yan at base sa mga doctor ay nakamamatay ito at kahit ang tradisyunal na pamamaraan ay kaya lamang akong bigyan ng ilang taon para mabuhay,” sagot naman ni Tristan sa kanya.“I know how we are going to stop the tumor immediately,” ani Sebastian sa kanya.“Kahit gaano kalaki ang kailangan kong gastusin para sa mga kakailanganin sa gamot ay interesado akong gumastos. Pwede kang gumastos ng kahit ilan mo gusto!” masayang sabi ni Tristan sa kanya.“Money is not needed,” sagot naman ni Sebast
Hindi pwedeng malaman ni Isagani ang koneksyon ni Sebastian kay Tristan kaya kailangan niyang magsinungaling kay Allison.“I just passed by,” sagot niya kay Allison.Tila natigilan naman si Allison subalit mabilis din naman nakabawi.“Ano bang klase 'yan? Napadaan ka lang pala tapos bigla-bigla ka na lang mangingialam na wala namang naiintindihan kahit na ano. Hindi ka dapat nangingialam lalo na at isa ka lang clerk!” reklamo ni Allison kay Sebastian.Ang grupo ng mga Villanueva ay parang isang malaking hayop. Kung gusto nilang magtanggal ng isang maliit na empleyado ay madali lamang para sa kanila na para bang ang tingin nila sa mga kagaya ni Sebastian ay tulad ng isang langgam.“Hindi ba isa sa mga obligasyon ng empleyado ay protektahan ang kanyang amo?” ani Sebastian kay Allison saka nagpatuloy sa kalmadong boses, “At isa pa, ang relasyon ko sa 'yo ay higit pa sa pagiging clerk...”Tila biglang nagpanting ang tainga ni Allison, habang ang apricot na mga mata niya ay nanlaki sa sinab
Hindi maintindihan ni Allison kung bakit tila ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Hindi kaya may gusto na siya para sa clerk na 'yon?Nagbuntong-hininga na lamang si Allison para mawala sa isip niya ang bagay na hindi naman dapat iniisip pa. Bumalik na naman sa pagkamatigas ang kanyang mukha.“Hindi ba kayong dalawa ay naghahanap sa 'kin?” nakangiting sabi ni Tristan Villanueva at saka nagpatuloy, “Mabuti na lang ay available ako kayong araw.”Si Sebastian naman ay lubos na nagmamalasakit sa mga taong mahalaga sa kanya. Tiniyak niya na asikasuhin ang mga pangangailangan ni Tristan Villanueva at mag-alok ng isang maliit na pabor.“You are so kind, Mr. Villanueva,” natutuwang sabi ni Allison kay Tristan at tumingin sa kanyang likuran. “Sebastian—”Hindi niya na natapos ang kanyang sasabihin nang malamang wala na pala si Sebastian sa likuran niya. Uuwi na sana si Sebastian ngunit nang makita niya na nangangailangan ng tulong ang babae, hindi siya nagdalawang-isip na tumulong ngunit para
Mariing sinampal ni Nicole sa mukha si Mark pagkatapos ng mga sinabi nito dahil sa galit niya.“Huwag mong kalimutan na ako si Nicole ng pamilya Navarro mula sa isang baranggay ng syudad na ito at hindi ako basta-bastang babaeng galing sa club!” aniya na may malamig na ekspresyon habang nagpatuloy. “Ang paghawak sa akin ay may kapalit!”Matapos iyon, itinaas niya ang kanyang baba nang may pagmamataas at akmang aalis na sa kotse ngunit malupit na hinablot ni Mark ang buhok ni Nicole, hinila siya pabalik sa kabilang dulo ng kotse, at ibinalibag nang marahas sa upuan.“Nasa harap na kita, pero mayabang ka pa rin!” nanggagalaiti si Mark nang sabihin niya ‘yon. “Huwag mong kalimutan na wala ka sa baranggay niyo kung hindi ay nasa lungsod ka. Kahit gaano kalakas ang pamilya Navarro, hindi kayang talunin ng isang dragon ang lokal na ahas!”Napatingin ito sa unahan at agad na sumigaw. “Umalis na tayo. Iwanan na ang mga tao sa likod natin!”Sumibad nang mabilis ang sasakyan na nag-iiwan ng alik
Samantala, natanggap naman ni Nicole ang ulat mula kay Manong Jose tungkol sa limang mga lalaki mula sa pamilya Romero ang pinatay malapit sa Supreme Club.“Sino ang maglalakas-loob na patayin ang mga miyembro ng isa sa mga kilalang pamilya?” gulat na tanong ni Nicole.Malalim na bumuntong-hininga si Manong Jose at saka sumagot, “Miss, si Sebastian po ang may kagagawan.”“Si Sebastian na naman? Bakit ba palagi siyang nagdadala ng problema sa akin?” ani Nicole at malalim na huminga.Pagkarinig ng pangalan ni Sebastian, nakaramdam nang matinding sakit ng ulo si Nicole.Hindi pa man ganap na nalulutas ang mga isyu nito kay Grace Lopez at Daniel Castro, ngayon naman ay hinatak ni Sebastian ang sarili sa pamilya Romero. Subalit, sa kabila ng kanyang walang takot at pabiglang ugali, dito rin nahuhulog ang loob ni Nicole sa kanya.“Ihanda ang sasakyan. Ako na mismo ang makikipagkita sa anak ng pamilya Romero,” utos niya sa tauhan.Nang gabi din na ‘yon, naglakad si Mark Romero kasama ang kany
“Pupunta ako ngayon din!”Pagkababa ng telepono agad na inutusan ni Mark ang kanyang mga tauhan.“Hanapin niyo ang lahat ng impormasyon tungkol sa isang Sebastian Lazarus.”“Boss, ayon sa nakalap namin, si Sebastian ay dalawampu’t limang taong gulang. Nagsilbi siya sa Hilagang Teritoryo ng Mindanao sa loob ng pitong taon at nagtapos ng high school. Sa kasalukuyan, nagtatrabaho siya bilang isang team leader sa sales department ng Villareal Group,” sabi sa kanya ng inutusan niyang imbestigador.“Isa lang pala siyang mababang uri!” ngising sabi ni Mark habang nagre-relax sa kanyang mamahalin na upuan. “Mukhang masyadong naging mababa na ang profile ng pamilya Romero sa matagal na panahon at akala ng ibang tao ay hindi na tayo dapat katakutan. Ngayong gabi, nawalan tayo ng limang magagaling na mga killers. Gusto kong palitan iyon ng katumbas sa nawala sa atin!”Tumindi ang galit sa mga mata ni Mark habang mariing nakakuyom ang kanyang kamao nang lumabas ang mga salitang iyon mula sa kanya.
“Ako, papatayin mo? Narinig ko ba iyon nang tama?”Hinawakan pa ni Enzo ang kanyang tiyan at tumawa nang nakakabaliw kahit pa man na duguan na ito.“Alam mo ba kung anong ginagawa mo? Ang pagbabanta sa isang miyembro ng pamilya Romero ay ang pinakamabilis na paraan upang makaharap mo si kamatayan!?” dagdag pa niya.Sa isang sulok naman ay nanginginig sina Liam at Sophia dahil sa takot sa mga nangyayari ngayon.“Hindi mo kayang hamunin ang mga taong ‘yan, Sebastian. Hindi natin sila kayang tapatan!” ani Sophia at pinaalala sa kanya ang tungkol doon.“Edgar, patayin mo siya! Ako na ang bahala sa ‘yo!” sigaw ni Enzo sa mga kasamahan niya sa loob ng silid. Agad na humakbang ang isa sa mga killer ng pamilya Romero upang patayin si Sebastian.Para sa mga lalaking ito, ang pagpatay ng isang karaniwang tao ay katumbas lamang ng ilang salapi. Akmang susugurin na ni Edgar si Sebastian ng kanyang nakamamatay na suntok ngunit biglang tumigil ang kamay nito sa ere, tila naninigas at hindi na maigal
Natigilan naman si Sebastian sa kanyang narinig dahil parang narinig niya na ang pangalan ng lalaki.‘Enzo Romero? Hindi ba ito ang lalaking inutos ni Allison sa ‘kin para singilin ang utang nila?’ tanong ni Sebastian sa isip niya.“Iba ka talaga, Tres. Talong-talo mo na ang mga matagal ng masahista sa lugar na ito!” ani Enzo at tila kumislap pa ang mga mata nito sa tuwa nang makita Sophia. “Grabe! Kayang-kaya kong tamasahin ito nang buong taon!”“Mga masahista sila dito, hindi mga pokpok mula sa kung saan-saang eskinita. Maling lugar ang pinuntahan mo, Gago!” singhal ni Sebastian sa kanya.“Hindi ba’t pare-pareho lang naman silang lahat na nagbebenta ng sarili nila?” nakangising tugon ni Enzo sa mayabang na boses.Bago pa man tuluyang magalit si Sebastian, mabilis na sumingit si Sophia at mahinang bumulong sa kanya, “Sebastian, ayos lang ako. Kung kakailanganin, paglilingkuran ko na lang si Enzo. Huwag kang makikipagsagutan sa mga tao mula sa pamilya Romero dahil ang pamilyang ito ay
“Syempre naman totoo. Ang kaso lang, gumastos nang malaki ang may-ari para kumuha ng magagandang babae bilang mga masahista para makaakit ng mga kliyente!”Mabilis pa sa kidlat na sumagot si Liam habang ang ngiti nito ay abot hanggang tenga.“Ilang mayayaman na ang pumupunta dito para lang sa benepisyo sa kalusugan ngunit ang ilan sa kanila ay nandito dahil sa mga magagandang masahista,” dagdag na sabi pa ni Liam sa kanya.Dahil hindi matanggihan ang masiglang pag-anyaya ni Liam, napilitan si Sebastian na sumama sa kanya papasok. Agad lumapit ang manager ng lobby sa kanilang dalawa.“Kayong dalawa ba ay para ba sa foot bath o masahe?” tanong ng manager. “Ang foot bath ay dalawang daan sa isang oras, ang masahe naman ay tatlong daan para sa isang oras, at may karagdagang bayad para sa sobrang oras.”“Unang beses ng kasamahan ko dito kaya syempre kunin na natin ang pinakamaganda. Tatlong daan para sa masahe sa kasama ko, Miss!” nakangiting sabi ni Liam sa manager na nasa lobby.Nanlaki n
Habang iniisip si Sebastian, naramdaman ni Gabriel ang sobrang pangamba na ngayon lang nangyari sa kanya pagkatapos niyang makaharap si Sebastian.“Parang hindi ko pa magagawang kumilos laban kay Allison Villareal sa ngayon at wala ring kwenta si Isagani. Kailangan kong makahanap ng bagong mga kakampi. Pero sino ang maaaring sumalungat kay Allison?” ani Gabriel at pinag-isipan niya ito nang ilang sandali, at bigla siyang nakaisip ng ideya. “Ang pamilya Villareal. Sila ang maaaring makatulong sa ‘kin!” ****Kinabukasan, sa Villareal Company…Isang miyembro ng pamilyang Villareal na kadalasa’y may maayos na relasyon kay Allison ay nakaupo sa kanyang opisina ngayon.“Allison, bagamat ang tatlumpung bilyong investment mula sa mga pangunahing grupong pampinansyal ay pansamantalang nagligtas sa Villareal Group mula sa krisis noong nakaraang pagkakataon…” ani Marvin sa kanya saka nagpatuloy, “Hindi basta-basta susuko ang pamilya Castro at si Grace Lopez ng Australia Consortium. Narinig kong
Ngunit ilang segundo lang, marahas na binuksan ni Jericho ang pinto ng sasakyan nila. Sa kabila man nang kanyang natamong mga sugat, tila malakas pa rin ito dahil nagawa niyang pwersahin ang pinto ng sasakyan kahit nagtulungan na sina Allison at Nicole para pigilan ito. Nagtagumapay ito kaya naman ay napasinghap na lang si Nicole sa takot.“S-Sino ka? Kung pera ang gusto mo, maibibigay namin ‘yon basta’t huwag mo lang kaming saktan!” sambit ni Allison na bakas ang takot sa tono niya.“Pera? Hindi ko kailangan ng pera. Kayo ang mga babae ni Sebastian, hindi ba? Well, gusto ko lang patayin kayo!” ani Jericho na nakangisi habang nakatingin sa kanilang dalawa.Bigla naman na may dumating na pito hanggang walong mga bouncer ng bar sa kanilang direksyon.“Halos napatay na natin si Jericho kanina. Bakit buhay pa rin ito hanggang ngayon?” takang tanong ng isa sa mga lalaki.“Wala nang oras para mag-isip. Dakpin niyo na ‘yan at tapusin ito bago pa malaman ni Queen Jas at pagalitan tayo!” sambit
“Anong iniisip mo?”Napakunot ang noo ni Sebastian nang tanungin siya ni Abigail habang hawak-hawak niya pa rin ito. Sa isang mabilis na galaw, itinusok ni Sebastian ang isang karayom sa kanyang puwitan.Matapos ang ilang sandali lang, nagsimulang manginig ang katawan ni Abigail at napagtanto niyang mabilis na bumabalik ang kanyang enerhiya.“Wala na ba ang lason sa buong katawan ko?” tanong ni Abigail at tila namangha pa nang maramdamang naibalik na ang buong kakayahan ng kanyang katawan. “G-ginamot mo ba ako?”“Ano sa tingin mo? Iniisip mo ba dadalhin kita sa hotel?” tanong ni Sebastian at sinamahan pa ng isang tawa na puno ng pang-aasar ang boses. “Maganda ang hugis ng puwitan mo. Eksakto sa tipo na aaprubahan ng nanay ko.”“Hayop ka!” singhal na sabi ni Abigail habang nagtatagis ang ngipin sa hiya at galit. Itinaas pa niya ang kanyang binti para sipain ito nang malakas, ngunit madaling nahawakan ni Sebastian ang kanyang paa sa ere. Mahigpit niya itong hinawakan.“Iniligtas na nga k