“Miss Nicole, ang impormasyon na hinihingi niyo ay confidential po lalo na tungkol sa military. Kahit pa man na merong impluwensya ang pamilya Navarro sa gobyerno ay maaari tayong ma-kwestyon at higit sa lahat, malaking pera ang kailangan nating bayaran,” nagdadalawang-isip na sabi ni Manong Jose.Maaaring ito pa ang dahilan na mapukaw ang mga matataas na miyembro ng pamilya Navarro.“Wala akong pakialam at handa akong magbayad ng malaki basta malalaman ko lang lahat ng tungkol sa tinatago niya!” seryosong sabi ni Nicole at wala itong pakialam sa posibleng mangyari.“S-Sige po,” ani Manong Jose at wala itong nagawa para kontrahin si Nicole.Subalit may nahanap na isang website si Manong Jose sa laptop kung saan nandoon nakalagay ang military archives ng lahat ng mga sundalo mula sa Mindanao.Mga importanteng tao lang ang pwedeng makabukas sa website na iyon at dahil ang pamilya Navarro ay may koneksyon sa gobyerno kaya meron silang access sa website na ito.Pagkatapos na maka-log in ni
“Tama ba ang narinig ko na may marriage certificate ka na?”Hindi makapaniwala si Katrina sa sinabi ng kanyang anak. Inilabas naman ni Sebastian ang kopya niya na marriage certificate nilang dalawa ni Allison Villareal upang ipakita ito sa kanyang ina.Tinignan naman ni Katrina ang kopya niya na marriage certificate at tuluyan ngang natuod.“Hindi ba ang babaeng ito ang kumuha sa 'yo noong panahon na nasa blind date ka? Paano kayo nagkakilala?” takang tanong ng ina sa kanya.“Allison Villareal ang pangalan niya at siya ang boss ko. Ang totoo kasi niyan, Ma...” napahinto muna si Sebastian sa pagsasalita at saka nagpatuloy, “Matagal na kaming may relasyon.”Hindi naman napigilan ni Katrina ang sarili na mapaluha dahil sa sobrang tuwa niya.“Sa wakas nakahanap na rin ang anak ko ng mapapangasawa niya. May pag-asa pa ang pamilya Lazarus. Sigurado akong tuwang-tuwa ang ama mo habang nakatingin sa atin!” masayang sabi ng ina niya.Pagkatapos naman sabihin 'yon ni Katrina, agad siyang tumakbo
Nang sabihin iyon ni Jericho, tila nagliwanag ang mga mata ni Cynthia at Elizabeth. Ito talaga ang dahilan kung bakit sila nagpunta sa bahay ni Sebastian.“Hindi ba may pinirmahan noong binigay namin ang bahay at lupa? Nakasaad doon na sa oras na binigay namin lahat ng meron kami doon ay wala na kaming babayaran sa inyo. Anong dahilan at tila nagbago ang mga isip niyo?” malamig na tanong ni Sebastian.Ngumisi naman si Jericho nang marinig niya ang sinabi ni Sebastian.“Hindi ko naman alam noong una na mayaman pala ang pamilya niyo na kaya niyong tumira sa ganitong lugar at bahay. Nagsisi ako at pinapawalang bisa ko na ang napagkasunduan natin,” sagot ni Jericho.“Kapag sinabi mo na alisin ang bisa ng kasunduan ay mawawala na ang bisa nito!?” ani Sebastian sa galit niyang boses.Noong panahon na 'yon ay 500,000 ang hinihingi ni Jericho kapalit ng kanilang bahay at lupa at sinasamantala niya na ito tapos ngayon namn ay manghihingi sila ng 300 square meter na sukat ng bahay dito sa villag
“Ang leader ng underground organization na si Andrew Cuevas?”Nang marinig ni Katrina ang pangalan na 'yon, pakiramdam niya ay para siyang tinamaan ng kidlat kaya mabilis siyang lumapit kay Sebastian at niyakap ito nang mahigpit para tumigil na ang anak.“Sebastian, hindi mo siya pwedeng patayin!” sigaw ng ina.“Ma!” takang tanong ni Sebastian.“Si Andrew Cuevas ay isang pinakamasamang tao dito sa lugar natin at marami siyang hawak na mga tauhan mula sa underground organization at kapag nagkamali kang kalabanin siya, tapos na ang pamilya natin, Sebastian!” takot na sabi ng ina niya na ngayon ay maputla na ang mukha.Natatandaan ni Katrina ang malayong kamag-anak niya noon na nagkamaling kinalaban ang mga tauhan ni Andrew Cuevas kaya ang buong pamilya nila ay pinatay at tinapon ang mga gutay-gutay na katawan sa daan. Lahat sila ay namatay.Nang makita naman ni Jericho ang reaksyon sa mukha nila, napangisi ito.“Alam kong natakot na kayo at gusto ko lang sabihin na si Andrew Cuevas ay ma
Tila nagulat pa si Sebastian dahil sa kanyang nalaman.“Nasa Rose Restaurant ang dalawa ngayon?” aniya kay Andrew. “Bakit hindi mo agad sa 'kin sinabi?”Agad na kinuha ni Sebastian ang kanyang cellphone saka tinawagan si Allison at Nicole pero hindi niya makontak pareho ang dalawa. Nagsimula na siyang mainis at tumingin sa ibang direksyon.“Ano ba kasing ginagawa ng dalawang ito para hindi mapansin ang tawag ko?” sabi niya sa sarili at agad lumabas ng bahay.Sakay ang isang taxi, pinuntahan niya ang lokasyon ng dalawa na mag-isa.****Sa loob ng Rose Restaurant, sa kasalukuyan...Umiinom ang dalawang babae ng beer habang magkaharap.“Ano naman kaya ang problema ng lalaking ito at bakit tawag ng tawag?” nakataas ang dalawang kilay ni Allison nang sabihin niya 'yon. Ibinaba niya naman pagkatapos ang cellphone at hindi na ito pinansin.Medyo kakaiba si Allison ngayong araw dahil nakasuot siya ng isang off-shoulder slit na kulay pulang damit at lace corset. Nakadekwarto naman ang kanyang m
“Lasing ka na talaga, Allison, at hindi ikaw 'to!”Napailing pa sa ulo si Nicole nang marinig niya ang mga sinabi ni Allison at hindi mapigilang mapangiti.“Sa pagiging lasing na nga lang ako magsasalita at mangangarap sa isang prince charming na gustong-gusto ng lahat ng mga babae,” natatawang sabi ni Allison sa kanya.Aminado naman si Allison na malabong mangyari ang pinapangarap niya at hindi 'yon bababa para lang pumasok sa buhay niya at higit sa lahat ay para sa walang kwentang pag-ibig.“Huwag mo na nga 'yan isipin. Uminom na lang tayo!” sabat naman ni Nicole at nagpatuloy sila sa pag-inom.Hindi tumigil ang dalawa sa kakatungga ng baso at hindi napansin na halos buong gabing tumatawag si Sebastian sa kanilang dalawa hanggang sa dumating ang oras na kailangan na magsara ng restaurant kaya lumabas na ang dalawa.Lasing na lasing na si Allison at halos hindi na ito makatayo kaya naman mabilis siyang inalalayan ni Nicole at parang gusto nitong umiyak na walang kahit anong luha.“Ala
Nang makita ni Isagani ang mga patay na katawan ng mga kasamahan, biglang nabahag ang kanyang buntot. Ang kanyang buong katawan ay nagsimula na manginig sa takot.Nakita niyang naglalakad na sa direksyon niya ang mga lalaki na ngayon ay nakangisi.“Gusto mo bang magpakabayani para iligtas ang dalawang maganda? Ito na ang pagkatataon mo, iputok mo na ang baril mo, Sarge!” sigaw ng isa sa dalawang masamang lalaki.Sumigaw naman si Isagani at saka lumapit sa mga ito. Akmang ipuputok niya na sana ang baril nang bigla siyang lapitan ng mga ito at inagaw sa kanya ang baril saka tinanggal ang mga bala mula doon.“H-Hindi ito mga ordinaryong tao!” takot na takot na sabi ni Isagani at biglang iniwan sa ere sina Allison at Nicole.Tila putlang-putla na ang dalawa dahil sa kanilang nakita.“Sigurado ka ba na ito ang klase ng taong nagligtas sa 'yo noon mula kay Adrien Castro?” ani Nicole at napangisi pa dahil hindi ito makapaniwala sa ginawa ni Isagani.Napakuyom naman ang palad ni Allison at til
Napanganga si Nicole dahil sa narinig niyang salita mula kay Sebastian. Isa na namang suntok ang pinakawalan niya na siyang dahilan sa paglipad palayo sa manyak na lalaking humahabol kay Nicole.Agad namang hinarap ni Sebastian si Nicole at tila nagtataka nang magsalita siya. “Nasaan si Allison, Miss Nicole? Bakit hindi mo siya kasama?”“Oo nga pala kailangan kong bumalik para iligtas si Allison. Hawak siya ngayon ng kasamahan ng manyak na lalaking humahabol sa 'kin. Na sa panganib ang buhay niya, Sebastian!” usal ni Nicole at tila bigla siyang nabuhayan nang bigla niyang maalala si Allison.“Dalhin mo ako sa lokasyon niya!” ani Sebastian na tila natitigilan pa rin.Hindi niya akalain na dalawa pala ang mga lalaki. Aalis na sana sina Nicole at Sebastian upang puntahan si Allison nang biglang bumalik ang lalaking sinuntok kanina ni Sebastian. Tumalon ito sa kanilang harapan na parang walang nangyari sa kanya.Halos hindi na maipaliwanag ang mukha ng lalaki dahil sa sugat na natamo pero