Share

Kabanata 40

“Miss Nicole, ang impormasyon na hinihingi niyo ay confidential po lalo na tungkol sa military. Kahit pa man na merong impluwensya ang pamilya Navarro sa gobyerno ay maaari tayong ma-kwestyon at higit sa lahat, malaking pera ang kailangan nating bayaran,” nagdadalawang-isip na sabi ni Manong Jose.

Maaaring ito pa ang dahilan na mapukaw ang mga matataas na miyembro ng pamilya Navarro.

“Wala akong pakialam at handa akong magbayad ng malaki basta malalaman ko lang lahat ng tungkol sa tinatago niya!” seryosong sabi ni Nicole at wala itong pakialam sa posibleng mangyari.

“S-Sige po,” ani Manong Jose at wala itong nagawa para kontrahin si Nicole.

Subalit may nahanap na isang website si Manong Jose sa laptop kung saan nandoon nakalagay ang military archives ng lahat ng mga sundalo mula sa Mindanao.

Mga importanteng tao lang ang pwedeng makabukas sa website na iyon at dahil ang pamilya Navarro ay may koneksyon sa gobyerno kaya meron silang access sa website na ito.

Pagkatapos na maka-log in ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status